Chapter40: First night together

"Bibisita nga pala si mommy at daddy dito bukas" si Miggy, nasa hapag kainan sila ngayon, "kaya di na muna tayo papasok sa trabaho bukas" kay Cathy

"Sige po sir, kayo po bahala" si Cathy na pinunasan ang bibig ni Elaine

"Can we call them lola and lolo tito pogi?" si Elaine matapos punasan ng ina ang kalat nito sa bibig

"Oo naman baby, for sure matutuwa ang mga parents ko, matagal narin kasi nila gustong magka apo eh"

"Bakit kasi di pa kayo mag-aasawa na sir para mabigyan na ninyo ng apo ang mga parents ninyo" si nanay Nena bago sumubo ng kanin

"Di pa kasi ako sinasagot ng nililigawan ko eh, pero pag ako sinagot na nya, ay naku walang pag dadalawang isip papakasalan ko sya kaagad" na pasulyap na tumingin kay Cathy habang umiinom ng tubig

"Kung di madaan sa santong dasalan sir, eh di daanin mo na sa santong paspasan" si Manong Rico na nakangiti sa boss nya, biglang naubo si Cathy ng marinig ang sinabe ng matandang lalaki

"Are you okay?" si Miggy na hinimas ang likod ng babae

"Ayiee ang sweet naman nila" sabay na tukso ng dalawang bata

"Lucas, Elaine ano ba yan mga anak?" na pinunasan ng tissue ang bibig nya

"Mommy alam na po namin na nililigawan ka po ni tito pogi" si Elaine

"Hoy anong sinasabe mo sa mga bata?" si Cathy na nakataas ang isang kilay na humarap kay Miggy

"Oy wala akong alam dyan"

"Si sir Mike po ang nagsabi sa mga bata maam, bumisita po sya dito sa mga bata kahapon" sabat ni nay Nena

"Si Mike ang nagsabi sa kanila?"

"Pinaliwanag na po ni daddy sa amin ang situation ninyo ngayon mom" si Elaine na para bang malaking tao na kung magsalita

"Sabi pa nga ni daddy pwede na daw naming tawagin si tito pogi na papa" si Lucas

"Papa??, hmm.. I like it, so kids from now on just call me papa okay?" na ngumiti sa dalawang bata

"Pinagkakaisahan nyo ba ako?" si Cathy sa mataray na tono

"Oy hindi ah, binigay lang ni Mike sakin ang blessing nya" na kumindat sa babae, "so pano ba yan honey, kelan mo ko balak sasagutin?"

"Tumigil ka nga, andyan ang mga bata oh, tsaka nakakahiya kina nanay Nena at manong Rico kaya"

"Aysus si mommy pakipot" sabay na sabi ng dalawang bata

"Hoy hoy tumigil kayo ha" pinagtawanan na sya ng lahat kaya napatayo sya sa upuan nya, "bahala nga kayo dyan" na agad na lumabas ng dining room, nakangiti namang sinundan ni Miggy ng tingin ang babae

"Papa gawin mo po ang lahat para ma in love din si mommy sa inyo" si Elaine

"Elaine di na kailangan, dahil matagal ng in love si mommy kay papa" si Lucas na kumindat-kindat pa kay Miggy, ngumiti naman ang lalaki sa bata

"Sira ulo na Mike kung anu-ano ang pinagsasabi sa mga bata" si Cathy na hindi mapakaling nakahiga sa kama, yakap yakap nya ang longganisang unan ng kanyang anak

"Cathy?, Cathy?" si Miggy na kumakatok sa pinto ng silid ng babae

"Isa pa tong lalaking to, bahala ka dyan di kita pagbubuksan" sa mahinang boses at isinubsob ang mukha sa kama

"Cathy gising ka pa ba?, mag-usap naman tayo oh?"

"Hindi tulog na ako!!"

"May tulog palang sumasagot?" si Miggy na natatawa

"Ang bobo ko naman ba't ba ako sumagot" na binatukan ang sarili, "Ano po bang kailangan mo sakin sir?" na nakahiga parin

"Gusto lang kitang kausapin"

"Bukas na po wala ako sa mood ngayon"

"May susi pa naman ako ng kwarto mo, gusto mo ako ng magbukas nitong pinto?" na nakangisi

Napilitang bumangon ng kama si Cathy, at padabog na humakbang papuntang pinto, at agad na binuksan ang lalaki, "ano po bang pag-uusapan natin sir?"

"Pwede ba akong pumasok?"

"Ay di po pwede sir, maya-maya ay nandito narin ang mga anak ko kaya dito na lang tayo sa may pinto mag-uusap" na ngumiti

Hinila ni Miggy ang kanang kamay ng babae,"Oy sir ano ba?!"

"Don tayo sa kwarto ko mag-uusap"

"Ay sir di po pwede baka papunta na dito ang mga anak ko aasikasuhin ko pa po, pupunasan, bibihisan at tsaka papatulugin ko pa hehe"

"Mommy sige na po si nanay Nena nalang magpapatulog sa amin, at tsaka kaya na po namin ni kuya magpunas at magbihis mag-isa" si Elaine na kakarating lang, nakasunod naman sina Lucas at nay Nena sa kanya

"Sige na po maam ako na po ang bahala sa mga bata" si nay Nena

"Oh si nay Nena na daw ang bahala, kaya halika kana" na sapilitang hinila ang babae papunta sa kanyang kwarto, di narin nagmamatigas si Cathy at hinayaan na lang ang sarili na hilain ng lalaki. Nang makarating na sila sa kwarto nito ay agad na binuksan ng lalaki ang pinto " pasok ka" na pinaunang pumasok ang babae, agad naman na pumasok si Cathy, at inilibot nya ng tingin ang buong kwarto. Naka organize ang mga gamit, at nangangamoy air freshener ang kwarto nito. Ngayon lang sya nakapasok sa kwarto ng lalaki.

"Maayos ba ang pagkaka-arrange ko sa mga gamit?" si Miggy na napansin ang babaeng palipat-lipat ang tingin sa kabuuan ng kanyang kwarto

"Ah ha??" na nilingon ang lalaki na nakatingin na pala sa kanya, "o-opo maayos po, ang galing mo nga po eh" na pilit ang ngiti

"Masyado ka namang magalang, ang dami mong po" na ngumiti at umupo sa dulo ng kama nya, "sit here beside me"

Agad naman na humakbang si Cathy papalapit kay Miggy at umupo sa tabi nito, "ano po bang pag-uusapan natin sir?"

"Pwede bang Miggy na lang ang itawag mo sa akin?" na tumingin sa babae

"Ay sir hindi po pwede, boss ko kayo, kaya dapat lang na gumalang ako sa inyo"

"Pero sa kapatid ko, Andrew lang ang tawag mo, nakakatampo ka naman" na nakanguso

"Hehe ang cute mo po" na nakangiti

"Mas cute ka, lalo na pag hinahalikan kita tapos namumula yang pisngi mo ang cute mong tingnan" na nakangiti

Agad na tinakpan ni Cathy ang kanyang bibig "Ikaw talaga sir"

Hinawakan ni Miggy ang kamay ng babae na nakatakip sa sariling bibig nito "Cathy kelan mo ba talaga ako balak sagutin sa panliligaw ko sayo?" na seryosong nakatitig sa babae

"Eh sir" na ibinaling ang tingin sa pinto ng silid

"Mahal mo rin ba ako?" na hinawakan ng isa nyang kamay ang baba ng babae at ipinaharap sa kanya, "mahal mo rin ba ako?" pag-ulit nya sa kanyang tanong

Namumula na ang mukha ni Cathy, "eh sir kasi.." agad sya na hinalikan ng lalaki, kaya napapikit sya at hinayaan lang ang lalaki sa ginawang paghalik nito sa kanya. Unti-unti na syang nadadala sa mga halik ng lalaki, kaya gumaganti na sya sa mga halik nito, ipinupulupot nya ang kanyang mga braso sa leeg ng lalaki, magaling at masarap humalik ang lalaki kaya matutukso ka talaga. Dahan-dahan syang inihiga ng lalaki sa malambot at malaki nitong kama, naramdaman nalang nya ang lambot ng kama sa kanyang likod kung kaya naibuka nya ang kanyang mga mata, itinigil ni Miggy ang paghalik at tinititigan ang magandang mukha ni Cathy, nakapatong na sya sa babae, "sabihin mo lang sakin kung ayaw mong ituloy natin to?" si Miggy na hinaplos-haplos ang mukha ng babae

"Sir, tuloy na po natin, nasimulan na eh tapusin nalang na po natin" na may pananabik sa tono nito

"As you wish honey" na agad na hinalikan ulit ang babae

Pumasok ang sikat ng araw sa kwarto at tumama sa may mukha ni Cathy kaya nagising sya, dahan-dahang syang bumangon at nag unat-unat ng katawan, nang itaas nya ang kanyang mga kamay ay tsaka nya napansin na wala pala syang saplot at tanging kumot lang ang nakatakip sa kanyang katawan, natampal nya ang kanyang noo ng maalala ang nangyari kagabi sa kanila ng boss nya, nang biglang bumukas ang pinto, "How is your sleep honey?" si Miggy na pumasok at nakangiti

Agad naman na naitakip ulit ni Cathy ang kumot sa kanyang katawan, "sir labas ho muna kayo at magbibihis lang ako"

Natawa si Miggy sa babae, "bakit nahihiya ka bang magbihis sa harapan ko?, nakita ko na yan lahat kagabi eh kaya wag ka nang mahiya" na nakangiti

"Sir naman,, sige na po please.." na tinakpan ng kumot ang namumula nyang mukha

"Okey sige, pero maligo ka muna at magbihis ng maganda, maya-maya ay darating na sila mommy at daddy, sasama din daw sa kanila si Andrew"

"Ang mga bata?" na isinilip lang ang mga mata sa kumot

"Nasa labas nag eenjoy sila habang tinutulungan kaming mag-ayos doon, kaya sige na bilisan mo na at baka hanapin ka narin nila" at agad na lumabas ng kwarto

Tinampal-tampal ni Cathy ang magkabilaan nyang pisngi, baka kasi panaginip nya lang ito, gusto lang nyang makaseguro, "totoo nga ito, di nga ito panaginip" sa sarili ng maramdaman ang sakit ng pagkatampal nya sa sariling mga pisngi, tumayo sya at pinulot ang mga damit na nasa kama, agad naman nya itong isinuot para makabalik na agad sa kwarto nila ng mga anak nya at ng makaligo na.

Nakahiga si Mike sa kanyang kama nang tumunog ang kanyang selpon, di na nya tiningnan kung sino ang tumawag, agad na nya itong sinagot "hello"

"Hello babe, how are you" si Trina na nasa kabilang linya

"Ano na naman bang kailangan mo?"

"Alam mo ba kung nasan ako ngayon?"

"Aba'y malay ko sayo"

"Nandito ako ngayon sa harapan ng bahay ni Miggy, alam mo ba kung anong ganap dito ngayon?"

"Ewan ko sayo, may gagawin pa ako, bye"

"Saglit lang, ikaw naman masyado kang nagmamadali, gusto ko lang naman ipaalam saiyo na nandito ngayon sa bahay ni Miggy ang mga parents nya kasama si Andrew at masayang-masaya silang nagsasalo-salo kasama ang mag-iina mo"

"Stalker ka narin pala ngayon?"

"Di ka man lang ba naiinggit?"

"Di ako gaya mo, kung ako sayo no umalis ka nalang dyan, baka manigas ka pa sa sobrang inggit dyan mamaya" at pinatay agad ang tawag

"Hello babe??, hello??" ibinaba nya ang selpon at tiningnan "ah putcha pinatayan nya ako ng tawag, walang hiya talaga yong lalaking yon" ipinasok nya sa sling bag ang kanyang selpon, at ibinalik ulit ang tingin sa mga taong masayang-masayang nagsasalo-salo sa pagkain, nakabukas kasi ang gate ni Miggy at nasa bakuran kumakain ang mga ito kaya kitang-kita nya ang bawat ganap, tiningnan nya ng matalas si Cathy na nakasuot ng blue off shoulder dress na hanggang tuhod, nakalugay lang ang mahaba at straight na buhok nito, at masayang-masaya na nakikipag-usap sa mga magulang ni Cathy. "Bakit nong ako pa ang girlfriend ni Miggy ay di man lang sila naging ganyan sa akin?, ang lupit mo naman talaga sa akin lord, ni hindi mo talaga pinaranas sa akin ang maging masaya"

"Mom, dad akyat lang ako sa kwarto ko ha tse-tsek ko lang ang phone ko kung puno na ba" si Miggy

"Sige lang anak" nakangiting sabi ni madam Margaret

Agad namang umalis papasok ng bahay si Miggy, tiningnan naman sya ni Cathy

"Relax pupunta lang sa kwarto yon, babalik din yon agad, ang bilis mo naman syang ma miss" panunukso ni Andrew kay Cathy, nakangiti pa ito

"Hoy hindi ah" pag de-deny ni Cathy

"So kayo na ba talaga ng anak ko hija?" ang ina ni Miggy na nakangiti pa sa kanya

"Hindi pa po lola, pero malapit na malapit na" si Elaine

"Ang cute cute naman talaga ng apo ko oh" na nakangiting pinisil ang matambok na pisngi ng batang babae

"Ako din po ba lola kyut din?" si Lucas

"Ay di lang kyut, napaka gwapo pa" si senyor Paulino ,"matinik din sa chix to pag laki" na nakangiti

"Hoy Paulino, ikaw talaga" sita ng ginang sa asawa, "apo wag kang magpapaiyak ng mga babae balang-araw ha?" na hinimas-himas ang buhok ng batang lalaki

"Opo lola, idol ko po si papa Miggy kaya di po ako mag papaiyak ng mga babae" nakangiting sabi ng bata

"Ay naku! sobrang daming babae na pinaiyak iyang papa nyo noon, ang dami nyang binusted na babae, at hindi lang babae pati narin bakla", at agad syang nabatukan ng ina, "Aray ko naman ma"

"Ikaw talaga, alam mo namang bata yang kausap mo eh"

"Sisihin mo po si tito sya ang nauna eh"

"Oy bakit ako?" si senyor Paulino

Tinawanan nalang sila ng mga bata, kaya pati sila ay natawa narin, nakangiti si Cathy na nakatingin sa mga anak nya na masayang-masaya

Tinanggal ni Miggy ang selpon nya sa charger, full charge narin kasi ito, may limang missed call sya galing kay Mike, at may isang text message, binasa nya ang message, " nandyan si Trina sa may gate ng bahay mo, kakatawag lang nya sakin nagmamasid sya sainyo, paki bantayan ng maigi ang mag-iina ko, salamat". Dali-daling dumungaw si Miggy sa bintana, at nakita nya ang isang itim na kotse na papaalis na, "Di ka talaga titigil Trina, napaka desperada mo talaga" dali-dali syang nagtungo sa sala at dinampot ang telepono, may dinial syang number, "hello, kuya pa tsek naman po kung sino ang sakay ng itim na kotseng papalabas ngayon ng subdivision, oh sige po mag-aantay ako" habang nag-aantay sya sa kabilang linya ay naririnig nya ang isang babae na tinatarayan ang guard ng subdivision na kausap nya sa telepono, "oh sino daw sya?, ganon ba? sa susunod na makita mo ang babaeng yan na umaalidgid dito sa subdivision natin wag mo na syang papasukin maliwanag ba?, okay sige kuya salamat" at agad na ibinaba ang telepono

"Sino ba yong kausap mo?" si Andrew na kakapasok lang ng sala

"Guard ng subdivision"

"Bakit?"

"Nandito si Trina kanina, nagmamasid sya sa atin"

"Di parin pala talaga sya tumitigil?" na nakalapit na kay Miggy, "nasabi nya sa akin na hiniwalayan na sya ni Mike, kaya dapat mag todo bantay tayo kay Cathy dahil panegurado akong may masama syang binabalak"

"Baliw na talaga ang babaeng yon" si Miggy na napailing-iling

__END_OF_CONTENT__