Chapter 39: Inggit

Nakaparada ang kotse ni Trina sa harapan ng gate ni Mike, mga sampung minuto na syang nandon habang tinitingnan lang nya ang nakasaradong gate. Maya-maya ay biglang bumukas ito, niluwa non si Mike, bihis na bihis ito, at napansin kaagad ang kotse ng babae na naroroon, kaya nilapitan nya ito, kinatok nya ang bintana ng kotse ni Trina, agad naman na binaba ng babae ang bintana

"Anong ginagawa mo dito?" si Mike na nakatingin ng deritso sa babae

"Gusto lang kitang kamustahin" si Trina

"Okey naman na ako, makaka-alis ka na, may lakad pa ako, at di ako pwedeng ma late"

"May bagong trabaho ka na ba?"

"Basta, kaya sige na umalis ka na" pagtaboy nya sa babae

"Kung makataboy ka naman sa akin, nga pala pababalikin mo na ba ang mag-iina mo dito?"

"Hindi ko pa alam, kaya sige na umalis ka na, male-late na talaga ako sayo eh" na napakamot sa ulo

"Sumabay ka na lang sakin"

"Hindi na may sarili naman akong kotse eh, sige na please umalis ka na dyan dahil dadaan ako"

"Okey po" na inangat ang bintana ng kotse nya at pinaandar, at agad ring umalis, hinatid lang ng tingin ni Mike ang papalayong kotse

"Cathy" si Miggy na nakatingin sa babaeng nakaupo kaharap nya, nakaharap ito sa laptop, may pinapagawa kasi sya sa babae at gusto nyang dito na gawin sa loob ng opisina nya

"Sir bakit po?" na tumingin sa boss nya

"Ikaw na bahalang mag order ng pagkain natin mamaya ha"

"Sige po sir" at ibinalik ang tingin sa laptop

Tumunog ang selpon ni Miggy, tiningnan nya kung sino ang nag text, unknown number ito kaya binasa nya, "pwede ba tayong magkita sa fast food na malapit dyan sa building mo?, si Mike nga pala ito", tumingin sya kay Cathy, "ahm Cathy wag ka na palang mag order, may ime-meet pala ako mamaya"

"Okey po sir" na tumingin at ngumiti sa boss nya saglit, at agad na ibinalik ang tuon sa laptop

Tumayo si Miggy, at tiningnan ang oras sa wristwatch, "Cathy CR lang ako ha"

"Sige lang po sir" na nasa laptop parin ang tingin

Itinukod ni Miggy ang dalawang palad nya sa kanyang mesa para maiyuko ang kanyang katawan at mailapit ang mukha sa mukha ni Cathy, "ba-ba-bakit po sir?" nauutal na tanong ng babae

"Masyado ka namang busy dyan sa laptop" na sinulyapan ng tingin ang laptop

"Eh kasi po di ba, sabi mo kailangan matapos ko ito agad, kaya nag fo-focus po ako dito para matapos ko na.." at di na naman nya natuloy ang sasabihin ng bigla na naman syang halikan ng boss nya sa labi, pero saglit lang ang iginawad na halik sa kanya, "sir naman?"

"Bakit nabitin ka ba?" pilyong ngiti nito

"Hindi ah, nabitin ka dyan, nag fo-focus ako dito eh dini distract mo ako"

"Sakin ka lang kasi mag focus" na tumayo na ng tuwid

"Ah ganon, so wag ko nalang tapusin to para pagalitan ka ng daddy mo" na nakatingala sa lalaki

"Ay wag naman, ito naman di na mabiro" na ngumiti, "pakiss na lang ulit" na kumindat

"Ikaw sir no di pa nga tayo mag jowa halik ka na ng halik namimihasa ka na ha?"

"Sagutin mo na kasi ako para di ka na magrereklamo sa tuwing hahalikan kita" na nakangiti ng nakakaloko

"Naku sir tigil tigilan mo ako, at tsaka kala ko ba C-CR ka?, baka uurong na yang tae mo dyan"

"Grabe naman to iihi lang naman ako eh, sige na nga makapunta na nga lang ng CR" na agad na humakbang palabas ng opisina, "pagbalik ko dapat tapos na yan ha?" na kumindat pa kay Cathy

"Naku sir malabo ho ata yan, sa sobrang dami ba naman nito baka abutin pa ako ng bukas". Nakatawang lumabas ng opisina si Miggy

"Loko-loko talaga yon, nakarami rami na sya ng halik sakin ha" na napangiti at napailing-iling

"What do you want from me?" si Miggy na nakaupo kaharap si Mike, nag-aantay din sila sa order nila

"Gusto ko lang malaman kung seryoso ka ba talaga kay Cathy" na seryosong nakatingin sa lalaki

"Ano ba sa tingin mo?" na diretso ang tingin sa lalaki

"Tanggap mo rin ba pati ang mga anak ko?"

"Mula nong minahal ko si Cathy, minahal ko narin ang mga anak mo"

Ngumiti si Mike, "kung ganon ipinagkakatiwala ko na sila sayo ngayon"

"Anong kadramahan na naman ba to?" si Miggy na napangiti

"Seryoso ako, alam kong masaya na sila sa piling mo, at ayoko na silang guluhin pa. Masaya ako pag nakikita silang masaya"

"Di mo man lang sila ipaglaban?" na sinusukat ang lalaki kong seryoso ba talaga ito sa mga pinagsasabi nito

"Sinaktan ko si Cathy, at pinagsisihan ko yon, at alam kong wala na akong karapatang humingi pa ng isang pagkakataon sa ex-wife ko. At aaminin ko na sobrang nasasaktan ako pag nakikita ko kayong magkakasama, seguro karma ko na to sa lahat lahat ng ginawa ko, at kung karma ko man to ay pagtitiisan ko, pagbabayaran ko lahat ng kasalanan ko sa pamilya ko. Di na baleng magtiis at masaktan ako ng husto, wag na lang ang asawa ko"

Saglit silang natahimik at dumating narin ang inorder nila

"Kumain na muna tayo" si Miggy

"Maipapangako mo ba sakin na aalagaan mo sila habang buhay, at hindi hahayaang masaktan kagaya ng ginawa ko? na seryosong nakatingin kay Miggy

" Ba't ba ganyan ka magsalita?, para ka namang malapit nang mamatay" na natawa pa

"I'm serious here dude"

"Okay okay, i promise to you, aalagaan ko sila, seguraduhin mo lang din na totohanin mo yang mga pinagsasabi mo ngayon, baka kasi pinapaniwala mo lang ako para makuha ang loob ko tapos di ko na lang mamalayan unti-unti mo na pa lang kinukuha sakin ang mag-iina mo"

Natawa ng malakas si Mike, "lalaki po akong kausap, don't worry may isang salita ako"

"Seguraduhin mo lang, di mo rin gugustuhing makalaban ako"

Tumawa lang ulit si Mike at sinimulan ng kainin ang pagkain nya, "kumain ka narin"

Ngumiti naman si Miggy, kahit pano ay naramdaman nya ang pagiging sincere ng lalaking kaharap nya ngayon. Sana nga lang ay seryoso ito sa mga litanyang binibitawan ngayon. Nakaramdam narin sya ng gutom kaya kumain narin sya.

Siniko ni Annika si Cathy habang kumakain, nasa kainan sila ngayon ng kanilang building, "bakit??" si Cathy sa mahinang boses

Ngumuso-nguso si Annika sa lalaking kaharap nila Cathy na kumakain rin

"May problema ba?" si Andrew na itinigil muna ang pagkain nang mapansin ang dalawang babae sa harapan nila ni Marcos

"Wa-wa-wala po" si Annika na nauutal pa at pilit ang ngiti

"Magkakilala po pala kayo ni Ms. Gracia sir?" si Marcos kay Andrew

Tumango lang si Andrew at sumubo ng pagkain ulit

"Kelan pa kayo naging close sa isa't-isa?" si Annika kay Cathy

"Ahm.. Ano ah" si Cathy

"Mula nong magkakilala kami" si Andrew na nakangiting nakatingin kay Cathy

"Ba't di mo nakwento samin Ms. Gracia?" si Annika na nakatingin sa babae

"Gusto nyo ba ako na mag kwento sainyo?"

"Talaga?" si Annika

"Oh oh tsismosa din to oh" si Marcos, "pero sige sir Andrew ikwento mo naman samin"

"Kunwari ayaw mo pa, eh mas tsismoso ka pa nga sakin eh" si Annika kay Marcos

"Grabe naman to sakin" si Marcos

Natatawa si Andrew sa kanilang dalawa, "alam nyo bagay kayo"

"Sos maryosep" si Annika na napakrus, "naku sir may asawa na po ako, at tsaka kung sakali mang single pa ako di ko papatulan tong manyakol nato no"

"Weh manyakol daw, eh ang totoo crush naman talaga nya ako" si Marcos na ngumiti ng nakakaloko

"Haha in your dreams" si Annika

Napangiti nalang si Cathy sa dalawang kaibigan, at natatawa na lang talaga si Andrew sa kanila, para kasi talaga silang aso't-pusa na di magkasundo

Nakatingin si Trina sa apat na taong masayang-masayang kumakain, naka disguise sya ngayon, gusto nya talaga kasing makapasok sa building ni Miggy, kaya nagsuot sya ng damit pang opisina, nakatali ang buhok, at nakasuot ng salamin. Di sya napansin ng mga guard kanina dahil sumabay sya sa ibang mga empleyado papasok. Nasa pinakadulong upuan sya ngayon at nakatingin nga kina Cathy. Nakakaramdam na naman sya ng inis sa babae, "may sarili namang canteen si Andrew don sa company nya, ba't kailangan pa nyang dumayo dito at dito kumain?" sa kanyang sarili, "swerte mo naman talagang Cathy ka oh, ang tatlong lalaki na natipuhan ko ikaw ang gusto, wala ka man lang tinira maski isa para sakin, hayop ka talaga, humanda ka talaga sakin, wala nakong paki kahit pa paulit-ulit pa akong ipagtataboyan ng mga lalaki mo, sisirain ko talaga yang buhay mo"

Tahimik na nonuod ng tv si Mike ng may nag doorbell, tumayo naman sya agad at nagtungo sa gate para alamin kung sino ang nag doorbell, pagkabukas nya ng gate, "ikaw na naman?, ano na namang ginagawa mo dito?" sa babaeng kaharap nya

"Di mo man lang ba ako patutuluyin?" si Trina, "please papasukin mo naman ako oh, kanina pa ako nauuhaw eh"

"Sige sige halika pumasok ka", agad namang pumasok ang babae, at isinara nyarin kaagad ang gate. Nauna nang humakbang papasok ang babae, sinundan nya na lang ito. Nang makapasok na sila, "maupo ka muna don sa sofa sa sala, ikukuha lang kita ng tubig" si Mike at agad na pumasok ng kusina, nagtungo naman si Trina sa sala at umupo sa malambot na sofa, kinuha nya ang remote at pinalitan ang palabas na pinapanuod ni Mike, agad namang dumating si Mike na may dalang pitsel at basong babasagin, nilapag nya sa mesa ang baso at sinalinan ng tubig, umupo sya sa tabi ng babae, at inabot ang isang baso na puno ng tubig, "Salamat" si Trina na nakangiti at sinadyang hawakan ang kamay ng lalaki na nakahawak sa baso

"Sige na kunin mo na at ng makainom ka na" si Mike

"Salamat ulit" at ininom ang tubig, uhaw na uhaw talaga ito dahil naubos kaagad nya ang tubig

"Isa pa ba?" si Mike

"Di na, at salamat ulit" na ngumiti at nilapag ang baso sa tabi ng pitsel

"Anong pakay mo sakin?" si Mike na seryosong nakatingin sa babaeng nakatuon ang tingin ngayon sa palabas ng tv

"Talaga bang di na magbabago ang isip mo?, ayaw mo na ba talaga sakin?" na tumingin sa lalaki

"Trina ano ba.."

"Bakit tingin mo ba papayag pa si Cathy na makikipagbalikan ka sa kanya?"

"Alam ko namang hindi na, at okey lang sa akin yon, makita ko lang silang masaya ay masaya narin ako"

"Tanga"

"Matagal nakong tanga, mula nong nagpaakit ako sayo naging tanga na ako"

"What a stupid man"

"Wala ka na bang ibang sasabihin pa? Makakaalis ka na"

"Yong mga sinabe mo sa akin noon na mahal mo ako sa tuwing nasa kama tayo, ano lahat ng yon?, purong kasinungalingan ba lahat ng yon?"

"Aaminin ko sayo may nararamdaman naman talaga ako sayo non, pero napagtanto ko na hindi kagaya ng pagmamahal ko kay Cathy ang pagmamahal na nararamdaman ko para sayo"

"Kaya pala kay dali lang sayo ang makipag hiwalay sakin"

"I'm so sorry, di talaga seguro ako ang nakalaan para sayo, malay mo mga next month or sa mga susunod na next month mahanap mo na ang taong syang magmamahal at mag-aalaga sayo ng buo, di ba?"

"Ikaw ang gusto ko"

"Trina.."

"Kung hindi ka makikipagbalikan sakin totohanin ko ang pagsira sa buhay ni Cathy"

"Bakit ba si Cathy ang pinag-iinitan mo?, ako ang nagdesiyon na makipag hiwalay sayo, so please naman Trina wag mo ng isali pa si Cathy dito, masaya na yong tao eh, di ko na ngarin ginugulo"

"Sya ang dahilan kung bakit ka nakipaghiwalay sa akin, kaya kasalanan nya"

"Naiinggit ka ba kay Cathy?"

"What?" na natawa, "ako maiinggit sa babaeng yon?, no way,, sino sya para kainggitan ko"

"Pero sa tono ng pananalita mo naiinggit ka" na tinititigan ang babae

"Never akong maiinggit sa kanya" na tumayo "aalis na ako, may lakad pa ako", at dire-diretsong umalis, hinatid nalang sya ni Mike ng tingin