Chapter 41: Let's get Married
"Ang saya ko ng malaman kong dito kayo sa bahay ni Miggy tumira ng mga anak mo" nakangiting sabi ni madam Margaret kay Cathy, nasa kusina sila ngayong dalawa, naghuhugas ng mga pinagkainan nila. Gumanti rin ng ngiti si Cathy sa kanya
"Laki nga po ng pasasalamat ko kay sir kasi inalok nya kaming dumito na muna sa bahay nya" si Cathy na pinunasan ng tuyong tela ang mga nahugasan na nilang mga plato at kutsara para maibalik na sa mga lagayan
"Ako nga itong nagpapasalamat sayo hija, kasi ng dahil sayo nagkaayos ang mga anak ko" na hinubad ang gloves na suot
Ngumiti ulit si Cathy sa ginang, "wala naman po akong ginawa maam, basta bigla-bigla nalang silang naging okey, nagulat nga ako isang araw maayos na ang pakikitungo nila sa isa't-isa" nginitian sya ni Margaret ng napakatamis, at gumanti ulit sya ng ngiti dito, "sige na po madam, ako na po bahala nitong mga nahugasan na pwede na po kayong magpahinga" na binabalik sa lalagyanan ang mga plato
"Stop calling me madam or maam, just call me mommy nalang, okay?" na nakangiti parin sa babae
"Mommy?" na napatingin ulit sa ginang
"Oo, kasi don narin naman papunta eh, pag sinagot mo na yang si Miggy ko, magpapakasal kayo, at syempre magiging mommy na ang tawag mo sa akin, kaya mas maigi ng ngayon palang mommy na ang itawag mo sa akin, ah nga pala hija, kelan mo ba balak sagutin ang anak ko?"
" Ano po, ahmm.. "
" Kung mahal mo narin sya ay di magtapat ka narin sa kanya" na hinila ang upuan na nasa may mesa at umupo, "halika nga dito, dito tayo mag-uusap, nangangalay na ako kakatayo eh"
Ngumiti si Cathy at tinapos saglit ang ginawa nya at agad na lumapit sa ginang at umupo sa upuang kaharap nito
"Alam mo bang naranasan ko rin ang maloko noon?" si madam Margaret
"Niloko din po kayo?" si Cathy na seryosong nakatingin sa ginang
Tumango si madam Margaret, "3 yrs old palang si Andrew nong nalaman kong may kabit ang ama nyang si Arthur, ang lalaking naging live in partner ko. Sobrang nasaktan din ako non, pinili nya ang kanyang kabit at pinalayas ako sa bahay, di ko madala si Andrew dahil ayaw ni Arthur, napag isip-isip ko rin kasi ano bang ipambubuhay ko sa anak ko kung isasama ko ito sa akin, kaya hinayaan ko na lang na nandon sya sa kanyang ama, dahil panegurado naman akong magkakaroon sya ng magandang buhay pag nandon sya sa kanyang ama. Ang buong akala ko noon ay wala ng tatanggap at magmamahal pa sa akin, pero isang araw nakasalubong ko ang daddy ni Miggy, naging malapit kami sa isa't-isa hanggang sa nagtapat sya ng pag-ibig nya sa akin, noong una nag-aalinlangan ako, natatakot na baka mangyari ulit sakin ang nangyari na noon, pero pinakinggan ko parin ang puso ko, tinanggap ko si Paulino sa buhay ko, di naging madali ang naging relasyon namin noon dahil inayawan ako ng mga magulang nya, pero di kami nagpatinag, magkasama naming nilagpasan lahat ng pagsubok na dumating sa amin. Hanggang sa dumating ang panahon na natanggap narin ako ng mga magulang ni Paulino, inalok nya ako ng kasal, hanggang sa dumating si Miggy sa buhay namin, nong mamatay ang daddy ni Andrew ay kinupkop narin namin sya ni Paulino. "
" Ang ganda naman po pala ng love story ninyo" nakangiting sabi ni Cathy
"Kaya nga ikaw hija, wag kang matakot na magmahal at magtiwala ulit, kaya kayo nagkahiwalay nong una mong kinakasama dahil hindi talaga kayo ang para sa isa't-isa. Kaya kung mahal mo narin ang anak ko, magtapat ka narin ng pag-ibig mo sa kanya"
Nagliligpit ng kalat si Cathy sa sala, wala ang mga anak nya isinama ni madam at senyor Paulino sa bahay nila, pati si nay Nena at manong Rico ay kasama din. Maaga ring umalis si Andrew dahil marami pa syang aasikasuhin sa kompanya nya.
"Ang sipag naman talaga ng honey ko" si Miggy na kakapasok lang ng sala
"Dami kasing kalat, tsaka maaligasgas rin ang sahig" si Cathy na patuloy sa pagwawalis, agad na nakalapit si Miggy sa kanya at inagaw ang walis, "hoy sir"
"Sir ka ng sir, halikan kita dyan eh" na nakangiti
"Ikaw puro ka ganyan, akin na yang walis at ng matapos na ako" na pilit kunin ang walis na hawak ng lalaki
"Ako na magwawalis"
"Di na po ako na, sige na magpahinga ka na don sa kwarto mo"
"Samahan mo'ko magpahinga" si Miggy na ngumiti at kumindat kay Cathy
"Bahala ka dyan, alam ko na naman yang ngiti na yan eh, magpahinga ka mag-isa mo don" na inagaw ang walis kay Miggy, at agad naman syang nayakap ng lalaki, "hoy sir ano ba??"
"Bakit ba kasi hanggang ngayon sir parin ang tawag mo sakin?" si Miggy na niyakap ng mahigpit si Cathy at hinalikan sa ulo
"Ano ba kasi dapat?"
Tinanggal ni Miggy ang mga kamay sa pagkakayakap sa babae at tiningnan ito ng diretso, "honey, just call me honey"
"Honey ka dyan" na iniwas ang tingin sa lalaki"
Hinalikan ni Miggy ang pisngi ng babae" i love you" na nakangiti
"Sir lagi ka nalang nagnanakaw ng halik" na tumingin ulit sa lalaki
"Sabihin mo na kasi sakin kung mahal mo rin ba ako o hindi?" na nakatitig sa mga mata ng babae
"Mahal din po" na iniwas ulit ang tingin
"What??, di ko narinig eh, ano yon?" na nakangiti
"Mahal din po kita" sa mahinang boses at nakaiwas parin ang tingin sa lalaki
"Ang hina naman tsaka humarap ka nga sakin" na hinawakan ang baba ng babae at pinaharap sa kanya, "say it again"
"Mahal din po kita"
"Louder"
"Mahal din po kita!!" na pasigaw
Natawa si Miggy ng malakas at niyakap ng mahigpit ang babae, "mahal na mahal din po kita honey ko" na hinalikan sa noo si Cathy
Yumakap rin ng mahigpit si Cathy sa bewang ni Miggy na may ngiti sa labi, tumingin si Miggy sa mukha nya, "can i kiss you honey?" tumango lang si Cathy, at agad na hinalikan ni Miggy si Cathy
"I love you honey" si Miggy na nakatitig kay Cathy
"I love you too" na nakangiti
"I love you more"
"I love you most"
Ngumiti si Miggy, "can you call me honey now?"
"Eh pano yan pag nasa trabaho tayo?" si Cathy
"This month nalang ang trabaho natin, pagkatapos ng buwan nato ay aalis na tayo sa company"
"Ano?, bakit?"
"Magpapakasal na tayo" na ngumiti
"Miggy naman, seryoso ako oy,,"
"Nag-usap na kami ni dad kanina, babalik na syang company at ako babalik na ulit sa panggagamot, kaya ikaw mag reresign ka narin"
"Ano na lang gagawin ko?"
"Dito sa bahay, pagsisilbihan mo kami ng mga anak mo" na ginawaran ng isang halik si Cathy sa labi, niyakap naman sya ni Cathy ng mahigpit
Kumatok si Cathy sa pinto ng opisina ni Miggy, "come'in" si Miggy. Agad namang pumasok si Cathy at lumapit sa may mesa ng lalaki
Nakangiti si Miggy na nakatingin kay Cathy, "yes honey, you need anything?"
"Shhhhh ikaw talaga, pa honey honey ka dyan baka may makarinig satin"
Tumayo si Miggy na nakangisi, "eh ano naman kung may makarinig satin, we're in a relationship , tsaka we live on the same roof para na nga tayong mag-asawa eh" na nasa likuran na ni Cathy at yumakap sa bewang ng babae
"Hoy ano ba" na tinampal ang mga kamay ni Miggy
Ipinaharap ni Miggy si Cathy sa kanya, "hon let's get married"
Napanganga si Cathy sa sinabe ni Miggy, "me-me-married??"
"Oo ayaw mo ba?"
"Syempre gusto ko, pero di ba masyadong maaga?"
"Eh gusto ko nang pakasalan ka eh"
"Ahm.. Sige papakasal na tayo" si Cathy na nakangiti
"Talaga??" na tuwang-tuwa, tumango naman si Cathy sa kanya na natutuwa din "yes yes magiging asawa narin kita sa wakas" si Miggy
"Wag masyadong excited, wala pa ngang singsing, singsing na muna" na inilapit sa mukha ni Miggy ang mga daliri nya
Ngumiti si Miggy at hinawakan ang kamay ni Cathy at agad na hinalikan, "mamaya honey, i will buy you a ring"
"I love you much honey" si Cathy at humalik sa labi ni Miggy
"Totoo ba yan, tinawag mo narin akong honey?"
"Ayaw mo ba?"
"Syempre gusto, ulitin mo nga" si Miggy
"Honey"
"Di ko marinig eh, louder pa please" si Miggy na nakangiti
"Ayan na naman sya" si Cathy
"Haha i love you most honey" si Miggy na niyakap ang babae, tumunog ang selpon ni Cathy na hawak hawak nya, tiningnan ng babae ang pangalan ng caller, napatingin rin si Miggy sa selpon ng babae, "si Mike??" si Miggy
"Pwede ko bang sagutin?" si Cathy na nakatingin kay Miggy
"Yeah sure, baka importanti yan" na ngumiti sa babae, nginitian lang din sya ni Cathy
Sa Restaurant
"Ano bang pag-uusapan natin?" si Cathy na nakatingin lang kay Mike
"Kumain na muna tayo, at tsaka na mag-usap" si Mike na nilagyan ng pagkain ang plato ni Cathy
"Salamat" si Cathy na ngumiti sa lalaki
Ilang minuto lang ay natapos narin silang kumain, pinunasan muna ni Mike ng table napkin ang kanyang bibig, at uminom ng tubig, "kamusta naman kayo ng mga bata?" na tumingin kay Cathy na nagpunas rin ng bibig
"Okey naman kami ng mga bata, ikaw kamusta ka naman?, kayo ni Trina kamusta kayo?"
"Wala na kami ni Trina, pinaalis ko narin sya sa bahay mag-isa nalang ako doon"
"Ganon ba?"
"Kayo ni Miggy kamusta na kayo?"
"Okey naman kami, inalok nya narin ako ng kasal kanina"
"At tinanggap mo ang alok nya?" si Mike, at tinangu-an lang sya ni Cathy, "masaya ako para sayo, sana'y maging masaya ka na" na ngumiti kay Cathy
"Sana ikaw din maging masaya na" si Cathy at tiningnan ang oras sa kanyang selpon, "Mike pasensya na pero kailangan ko ng umalis may mga trabaho pa akong dapat tapusin eh" na tumayo na
"Sige lang, salamat nga pala sa time" si Mike na ngumiti sa babae
Agad naman na lumabas ng Restaurant si Cathy, sinundan lang nya ng tingin si Cathy, "Sana'y maging masaya kana habang-buhay Cathy"