Chapter38: Maawa ka sa sarili mo
"Mukhang nag enjoy ka ng husto don sa Resort ah?" si Trina na nakasunod kay Mike papasok ng pinto
"Yong tungkol sa sinabe kong.."
"Maghiwalay tayo?, yon ba?" si Trina na nakatayo lang sa may pinto
"Pwede mo ng kunin ang mga gamit mo sa kwarto at umalis ka na" na tuloy-tuloy lang sa paglakad
"Okey ka din no?, agad-agad palalayasin mo ako?"
"Bakit may condominium ka naman di ba?, no need na para magsama pa tayo" na nilingon ang babae
"Wag kang mag-alala, aalis ako sa bahay mo ngayon na ngayon din" na padabog na humakbang, nilagpasan pa nito si Mike at dire-diretsong umakyat ng hagdan
"Patawarin mo ako Trina, di ko intension na saktan ka, pero mahalaga parin talaga sa akin ang pamilya ko" sa sarili nya, at nakatingin lang sa babaeng naakyat ng hagdan
Di makatulog si Cathy kaya lumabas sya ng kwarto, kinumutan nya muna ng maayos ang kanyang mga anak, bago lumabas ng kwarto. Nagtungo sya sa terrace, umupo sya sa upuan at nakatanaw sa kawalan.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" si Miggy na nasa may pinakadulo ng terrace kaya di sya napansin ni Cathy
"Nandyan po pala kayo sir?" na tiningnan ang kinaroroonan ng lalaki
Dahan-dahang lumapit si Miggy sa kanya, "di pa kasi ako makatulog kaya, nagpapahangin na muna ako dito" na nakalapit na kay Cathy, at hinila ang isang upuan na nasa may mesa at umupo sa tabi ni Cathy, "ikaw bakit hindi ka pa natutulog?"
na seryosong nakatitig sa mukha ni Cathy
Ibinaling ni Cathy ang tingin sa kawalan, "di rin po ako makatulog"
"Why?" na nakatitig parin sa babae
"Sir naiilang po ako sa mga titig ninyo" na sa kawalan parin nakatingin
Ngumiti si Miggy, at hinawakan ang magkabilaang pisngi ni Cathy at iniharap sa kanya, "bakit ka naiilang?" na nakangiti parin
"Si-sir wag po kayong ngumiti please"
"Bakit na fa-fall ka narin ba sakin?" na mas lalo pang nilakihan ang ngiti
"Sir" na tinanggal ang mga kamay ng lalaki na nakahawak sa pisngi nya, at iniwas kaagad ang tingin sa boss nya
"Be my girlfriend please?" si Miggy na di parin maiwas-iwas ang tingin sa babae
"Sir naman.."na napatingin na sa lalaki," sir seryoso ho ba talaga kayo?, kasi baka pinapaasa mo lang ako, tapos kagaya ni Mike iiwan na lang ako sa ire ng basta-basta pag nagsawa na, tapos.. "di na nya natuloy pa ang gustong sabihin dahil hinalikan sya kaagad ng lalaki sa labi, at agad naman nyang naitulak ang lalaki pero mahina lang naman," sir naman di pa ako tapos magsalita eh"
Ngumiti naman si Miggy, "daldal mo kasi" hinawakan nya ang dalawang kamay ng babae, "Cathy, kung sakali mang bigyan mo ako ng pagkakataon, patutunayan ko talaga sayo na mahal na mahal kita, at hindi ako mangangako na magiging best boyfriend ako sayo, basta pagkatiwalaan mo lang ako" na seryosong nakatitig kay Cathy
"Eh sir, natatakot po kasi ako eh, kasi alam mo na diba, galing na ako sa isang relasyon tsaka di lang basta-bastang relasyon, alam mo naman na nagtagal rin kami ni Mike, tapos nagkaanak, tapos yon iniwan ako.., kaya nakakatakot nang magmahal pa ulit"
"Bakit ka ba kasi natatakot?, hindi naman lahat ng lalaki ay kagaya ng ex mo, tsaka Cathy" na pinipisil ang mga kamay ng babae, "my love for you is real, so please just give me a chance"
"Sir kasi.."
"Alam ko, alam ko yang nararamdaman mong takot, naranasan ko narin yan noon. Pero na realize ko na hindi tayo pwedeng huminto sa pagmamahal dahil lang sa minsan tayong nasaktan, kasi ganon talaga eh, pag nagmamahal ka, masasaktan at masasaktan karin, pero di ibig sabihin non ay wala na tayong karapatang magmahal at mahalin ulit"
"Pero sir, talaga bang tanggap mo ako at ang mga anak ko?"
"Ano ba sa tingin mo?"
"Oo alam ko at ramdam ko naman na napamahal kana sa mga anak ko, pero sa akin ba ay seryoso ka talaga?" na tinititigan ang lalaki
"Tingin mo ba lahat ng ginawa ko sayo ay trip-trip ko lang?"
"Pasensya na po sir, pero pwede po bang bigyan mo pa ako ng sapat na araw para pagdesisyonan ito?" na tinanggal ang mga kamay na hawak ng boss nya
"Okay sige, maghihintay ako kahit gaano pa yan katagal, hangga't di ko naririnig sayo na busted ako, araw-araw kong ipapadama sayo kung gaano kita ka mahal" na ngumiti
"Salamat po" at yumakap sa lalaki, "pasensya na talaga"
Ngumiti lang si Miggy, at ginantihan ang yakap ng babae
"Bakit ka na naman nandito?" si Miggy na nakaupo sa swivel chair nya
"Masungit ka na naman sakin?" si Andrew na naka de kwatro ng upo sa couch
"Marami pa kasi akong kailangan tapusin dito, natambakan ako ng trabaho dahil don sa 3days vacation natin sa Resort mo" na napasapo sa noo nyang nakatingin sa mga documents na nasa mesa
"So kasalanan ko at ng Resort ko?"
"Oo kasalanan mo, inaakit mo ko sa Resort mo eh" na tumingin sa kapatid
"Talaga?" na tumayo at humakbang papunta sa harapan ng mesa ng kapatid, "dapat nga magpasalamat ka sakin dahil nagkaroon kayo ng oras ni Cathy"
"Pinagsasabi mo?" na seryosong nakatingin sa kapatid na ngumiti ng nakakaloko
"Tingin mo ba di ko alam ang nangyari sa inyo doon? Na nakapamulsa na
" What do you mean? "
"Nakita ko kayong dalawa ni Cathy na naghalikan sa kubo, so ano bro? Kayo na ba talaga?" na nakangisi
"Ewan ko sayo" na tinakpan ng palad nya ang mukha
"Nahihiya ka ba? Haha"
"Shut up!, pwede ba umalis ka na lang may trabaho pa po ako"
"Hahaha okey sige" na nakatingin sa wristwatch nya, "may ime-meet din kasi akong tao kaya kailangan ko na talagang umalis, at oy alagaan mo ng husto si Cathy ha, pag nalaman kong pinapaiyak mo sya aagawin ko sya sayo"
"Baka maagaw mo" na binato ng ballpen ang kapatid, "umalis ka na nga!"
"Haha bye bro kong pikunin" na papalabas na ng pinto
"Ewan ko sayo!!"
"Hahaha, wag ka nang mapikon, pumapangit ka eh"
"Baka pumapangit?"
"Bye bro" na nakangisi at tuluyan ng lumabas ng pinto at isinara
"Istorbo" si Miggy na dinampot ang mga papel na nasa harapan nya
Sa Restaurant
"Bakit ka nga pala nakikipagkita sakin?" si Andrew na nakatingin lang kay Trina na kumakain
"Ayaw mo bang kumain?"
"Medyo busog pa ako eh, sige lang kumain ka lang dyan"
Pinunasan ni Trina ang bibig nya ng table napkin, at umayos sa pag-upo, "anong meron sa inyong dalawa ni Cathy?"
"Bakit mo natanong?"
"Nong inagaw mo sa kanya ang wine at ininom, don ko naramdaman na mukhang mahal mo nga talaga sya, tama ba ako?"
"Ano naman sayo kung mahal ko sya"
"Hahaha seryoso ka ba?"
"Anong nakakatawa?" na seryosong nakatingin sa mukha ng babae
"Anong meron sa babaeng yon?, bakit lahat kayo may gusto sa kanya, mga bulag ba kayo?, si Miggy sya ang gusto, ikaw sya ang gusto, pati si Mike hiniwalayan ako dahil sya parin ang gusto, may mga problema ba yang mga mata ninyo??, heto ako oh" na tinuturo ang sarili, "heto ako di hamak na mas maganda at mas sexy ako sa kanya"
"Di naman namin sya nagustuhan dahil lang sa panlabas na anyo nya, nagustuhan namin sya dahil sa may magandang kalooban sya"
"At ako hindi?, por dyos por santo"
"Trina bago mo hilingin sa amin ang pagmamahal na hinihingi mo, mahalin mo muna yang sarili mo, di ka ba naawa dyan sa sarili mo?, tingnan mo nga," na itinaas baba ni Andrew ang kamay na nakaturo kay Cathy, "tingnan mo ang sarili mo, nakaka-awa ka na dahil namamalimos ka nalang ng pagmamahal sa amin"
"How dare you"
"Pasensya ka na Trina, pero kailangan ko ng umalis", bago sya tumayo naglapag na muna sya ng limang libo sa mesa, "Ito ang pambayad dyan sa inorder natin, mauna na ako sayo" tumayo at agad na lumabas ng restaurant
Di nalang namalayan ni Trina na tumulo na pala ang luha nya, "nakakaawa na ba talaga ako?" sa sarili nya