CHAPTER 9

HINDI parin siya makapaniwala, na ang gabing iyon, na inaakala niyang magiging pinaka worst na pangyayari sa kanyang buhay dahil sa naging matapang siyang panindigan ang babaeng pinakamamahal niya. Iyon pala ang gabing magtatapos ng lahat ng paghihirap niya.

Sinong mag-aakalang si Myra na nakilala niya sa ibang bansa, at nakapiling niya ng isang gabi ay makikita pa niya sa bansang ito, kung saan talaga siya nabibilang, at muli silang pagtatagpuin ng tadhana.

Na ang babaeng ito pala ang siyang tunay na destinasyon ng puso niya, na amo man ang maging desisyon niya ay siya pa rin ang babaeng kahahantungan niya, si Princess Myra Estrella pala rin ang babaeng bibihag sa puso niya.

Nang gabing iyon, doon na rin nila plinano kung kailan ang kanilang magiging kasal, doon na rin maayos na nakapagkasundo ang lahat, at dahil naging masaya ang buong pamilya ni Myra sa naging desisyon niya, mas nilakihan pa nito ang investment sa kumpanya ng pamilya niya, inirekomenda rin nito ang kumpanya nila sa iba pang kilalang investors.

“Two birds, with one stone ika nga nila,” sambit ni Myra sa kanya.

“Ngayon masasabi kong mapalad ako, hindi lang ito suwerte, kundi malaking pagpapala galing sa Diyos, salamat, ikaw ang babaeng minahal ko,” sabi niya sabay kabig sa dalaga, habang magkatabi silang nakaupo.

“Hindi mo makukuha ang lahat ng ito, kung hindi malinis ang puso mo, malinis at busilak, matapang at may paninindigan ka, kaya ang pagpapala ng Diyos sa iyo, bumuhos.” maluwang ang pagkakangiting sambit ni Myra.

“Talaga? E ikaw naman anong pa-premyo mo sa akin?” muli pa niyang inginuso ang mga labi, at naglalambing na inilapit iyon sa pisngi ng dalaga. Masaya na lang na nagtinginan ang mga kasama nila sa lugar na iyon.

TATLONG buwan lang ang lumipas at ikakasal na sila, hindi nila alam na angbunga na pala ang kanilang ilang buwang relasyon, at palaging pagsasama sa hotel, kaya naman nang malaman pa nila iyon, isang malaking selebrasyon din ang kanilang idinaos, kasabay ng kasal nilang iyon.

“Friend! Nagkatotoo na at nagbunga na ang pagsayaw mo sa Obando! Grabe ka Friend! Achieve na achieve ang lahat, worth it naman pala ang pagsayaw-sayaw natin doon!” maingay na salita ni Trina ang best friend niyang taklesa.

“Ano? Nagsasayaw kayo sa Obando? Hindi pala Joke iyon Honey?” natatawang tanong ni Clinton sa nobya.

“Oo, diba sabi ko sa iyo, simula ng bumalik ako, wala na akong ginawa kundi ang mamanata sa Obando. Hindi naman kami, relihiyoso, pero ginawa ko pa rin, alam kong kapag may tyaga may nilaga, kaya eto magma-marcha ako sa altar na medyo malaki na ang tiyan!” Napakapit pa ang dalaga sa kanyang braso.

Inakbayan naman niya ang babaeng mapapang-asawa, “Mamaya lang Mrs. Clinton Llavarez kana, kaya napakasaya ko talaga.” Sabay yakap sa dalaga.

“Ano ba ‘yan? Wala na kayong ginagawa kundi maglingkisan! Hindi pa ba kayo nagsasawa, kaya pala malaki na ang tiyan mo Friend, baka kambal iyan ha?” napapabunghalit ng tawa si Trina sa dalawa.

“Nako, inggiti ka kasi Friend eh, sana magka-jowa ka na!” sabi naman ni Myra. Sabay lakad na ang dalawa palabas ng parlor room dahil tapos nang ayusan si Myra.

ISANG masayang mukha ang mababakas sa dalaga habang hawak nito ang punpon ng mga putting rosas, suot ang putting gown, at marahang lumalakad sa gitna ng pulang carpet patungo sa altar. Maligaya siya dahil alam niyang mahal na mahal siya ng lalaking pakakasalan niya.

Dumaan man sa inaakala nilang mali ang lahat, pero sa gitna naman ng kanilang pagsugal ay nakamit nila ang panalo, isinugal nila ang kanilang puso, at ipinaglaban ang kanilang mga damdamin, pero ang nakakatuwa sa lahat, ang malamang iisa pa rin ang magiging destinasyon ng kanilang mga puso.

Sa iisang tao pa rin pala sila itinadhanang mapunta. Doon napatunayan ni Myra at Clinton na kahit na anong gawin mong pagtakas, at pag-iwas, kung nakatadhana ka sa iisang tao, doon pa rin ang tungo ng puso mo.

Masaya sila, sa kinahantungan ng kwento ng kanilang pagmamahalan, ang mahalin ng walang pag-aalinlangan ang isang tao, kahit na hindi pa niya ito kilala ng lubusan ay isang malaking sugal para sa kanila.

Matapos ang kanilang kasal, nagbyahe sila patungong Poland, doon nila nais mag-honey moon. Sa lugar kung saan sila unang nagkakilala, sa lugar kung saan nahanap ng mga puso nila ang una nilang destination.

“Honey, napakaligaya ko na nakabalik ako sa lugar na ito ng kasama ka,” nakangiting yumakap si Myra kay Clinton.

Kasalukuyan silang nakayo sa beranda ng kwarto ng hotel kung saan sila unang nagsama, at naghiwalay rin.

“Naalala mo pa ba nang iwan mo ako rito?” tanong ni Clinton sa asawa.

Ngumiti muna si Myra, “Oo naman, kung alam mo lang napakahirap para sa akin na gawin iyon, ang yummy mo kaya, ang hirap nang humiwalay sa matcho mong katawan!” sambit ni Myra sabay bunghalit ng tawa.

“Inuuto mo pa ako, pero ang sakit no’n ha, buti na lang nagkita pa tayo uli,” sagot naman niya sa asawa.

“Kahit naman hindi tayo nagkita sa harap ng resto bar, wala ka namang kawala dahil magsi-set pa rin ng apointment ang mga parents natin, maliban na lang kung tatakas ka uli,” sabi ni Myra.

Hinila na lang niya ang asawa patungo sa kama, at muli nilang pinagsaluhan ang araw na at gabing iyon na magkasama. Sa pagkakataong iyon, hindi na nila nararamdaman ang guilt sa puso nila, malaya na silang maipadama ng wagas na pagmamahalan. Dahil sila ang tunay na itinadhan.

Lumipas pa ang mga buwan at taon, matapos makapanganak ni Myra sa panganay nilang anak ni Clyra, pinayagan naman ni Clinton ang asawa niya na tuparin ang pangarap nitong maging flight attendant, at makapag biyahe sa iba’t ibang panig ng mundo. Masaya siyang nakikitang natutupad ni Myra ang mga pangarap nito, kahit na mag-asawa na sila.

Hindi naman nawawalan ng oras at panahon si Myra sa kanyang pamilya kahit na nagtatrabaho ito. Sinisikap nilang matugunan at magampanan ang kanilang mga tungkulin sa isa’t isa. Nabuhay pa sila kasama ng mga anak nila.

Naging matagumpay naman si Clinton bilang negosyante at mabuting asawa at ama sa kanyang mga anak. Palagi niyang sinasabi na ang bawat nangyayari sa buhay ng tao ay mayroong mga dahilan at ang destinasyon ng buhay Diyos lang ang nakakaalam.

Wakas.