Chapter 0-Simula
"Yexie, handa na ba mga gamit mo?" tanong ng mommy ko.
"Yes mommy," sagot ko.
"Okay, go to our van. Bibiyahe na tayo."
Lumabas na ako ng bahay namin. Sa huling pagkakataon ay pinasadahan ko ang tatlong palapaging bahay namin. Hindi ko na ito makikita pang muli. Ngumiti ako ng malungkot. Pumunta na agad ako sa van at umupo na roon. Sinuot ko ang earphone ko, pinatugtog ang kanta ni Taylor Swift at pinikit na ang aking mga mata.
Habang nasa biyahe ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako dahil sa mga naririnig kong busina ng sasakyan.
"My, malapit na tayo?" tanong ko kay mommy.
"Yes, anak. Huwag ka nang matulog."
Tiningnan ko ang labas at nakita kong napakaraming sasakyan na nagdadaanan, kaliwa't kanan.
"My, gaano kalaki nabili niyong bahay rito?"
"Medyo may kaliitan sa dati nating bahay, Yexie. Wala kasi kaming mabilhan ng house and lot na but anak we will renevote the house soon," si daddy ang sumagot.
Kabilang kami sa middle class family. Marami sa kamag-anak namin ay nasa abroad. Si daddy ay isang inhinyero at si mommy naman ay isang doktor.
"Yexie, baba ka na," sabi ni mommy ng nasa harap na kami ng tatlo ring palapaging bahay.
Bumaba ako at pinasadahan ng tingin ang buong bahay. Mayroon itong kulay black na gate at ang bahay ay light green.
Binuksan na ni mommy ang bago naming bahay, ginala ko naman ang mata ko sa kabuuan nito.
"Anak, is it okay to you?" tanong ni mommy sa'kin, sabik sa kasagutan ko.
"Yes mommy."
"Okay, go to your new room and organized your things."
Pumunta ako sa tinuro ni mommy na kwarto. Nauna na rito sa bahay ang iba naming gamit kahapon. Kaya aayusin ko na lamang ang gamit ko.
Binuksan ko ang pinto at hindi na naman masama, medyo malaki ang kwarto ko at kulay light pink.
Inayos ko ang mga gamit ko, nilagay ang mga damit sa kabinet, sa study table naman ang laptop ko at iba pang kinakailangan kong ayusin. Nang matapos ko ang lahat ng 'yon ay nahiga muna ako sa kama.
Hindi ko na naman namalayang nakatulog ako. Pagkagising ko ay alas otso na. Bumaba na ako sa dining room para maghapunan. Naabutan ko do'n si mommy at daddy na kumakain na.
"Yexie, kain na," anyaya sa akin ni daddy.
Umupo ako sa tabi ni mommy.
"Papasok ka na nga pala bukas dun sa pinagenrollan ko sayong school, are you ready?" sabi ni mommy habang nilalagyan ako ng pagkain.
"I'm always ready my," sagot ko sabay tawa.
"Be good, huh?"
"No need to remind me, I'm not a kid my. I'm already 17."
Hindi na lamang sumagot si mommy. Tinapos ko ang pagkain ko at dumiretso na sa aking kwarto. Binuksan ko ang social media accounts ko at marami pa rin talagang galit sa akin. Tumulo ang luha sa aking mga mata. Kailan kaya ito huhupa? Nang dahil sa pag-iyak ay nakatulog na ako.
"Wake up, Yexie!" sigaw ni mommy ang bumungad sa akin pagkagising.
"Opo! Ito na!" bumagon ako at naghanda.
Nagsipilyo, naligo, at nagbihis ako bago bumaba sa kusina.
"Yexie, si manong Esing na lang ang maghahatid sayo sa school," sabi ni mommy habang kumakain.
"Okay."
Mabilis kong tinapos ang pagkain at umalis na.
Bumaba ako sa sasakyan ng tumigil na ito. Iniangat ko ang tingin ko sa nakasulat sa itaas na arko ng bago kong eskwelahan.
Lozano Integrated School.
Pumasok na ako. Hinanap ko ang bago kong silid-aralan. Huminto ako sa isang room na puno ng maraming estudyante. Iba-iba ang kanilang ginagawa, nakikipagkwentuhan, tulog, tahimik lamang sa isang tabi, nagcecellphone at marami pang iba. Nang pumasok ako ay siya namang pagtahimik nilang lahat, lahat ay nasa akin ang paningin. Naupo ako sa tabi ng bintana.
"Hi!"
Napatingin ako sa katabi ko.
"Hello."
"Bago ka lang?"
Ay hindi dati pa ko rito. Kilala nga kita eh. Siyempre oo, obvious naman diba?
"Ahmm, yes."
"Friends? I'm Paizel Larren, you are?" tanong niya sabay lahad ng kamay sa'kin.
"Yexie Arabelle, of course we can be friends!" sagot ko at nakipagkamay sa kaniya.
"'Yon! Thank you! Can we eat lunch later together?"
"Sige ba!"
Isang minuto ang lumipas ay pumasok ang teacher namin.
"Good morning class."
"Good morning miss," sabay-sabay naming sabi.
"Okay class we have a new transfery. Where's Ms. Arabelle?"
Tumayo ako, "Ma'am!"
"Ow, come here in front. Introduce your self."
Ahh! Ito talaga hate ko kapag bagong pasok! Grrr!
Pumunta ako sa harap,
"Good afternoon. My name is Yexie Larina Arabbelle, 17 years old."
"That's it, Ms. Arabelle?"
"Yes, Ma'am."
"Okay, you can go back to your seat now."
Umupo na ulit ako. Nagdiscuss ang guro at nakinig na lamang ako. Nang matapos ito ay nagligpit na ako ng gamit.
"Ms. Arabelle?" si Ms. Revan sa kalagitnaan ng pag-iimpis ko.
"Yes, ma'am?"
"Go to the faculty later, I will give you some notes of the lessons you didn't catch up."
"Okay po."
Umalis na siya at bigla namang nagsalita ang nasa gilid ko.
"Tara na sa cafeteria Yexie," saad ni Paizel sabay higit na sa'kin.
Nagpatianod na lang ako sa kaniya. Pagkarating sa cafeteria ay umorder na siya ng makakain namin. Ginala ko ang mga mata ko sa loob at nakita kong maraming nakatingin sa akin.
Alam kaya nila ang ginawa ko sa dati kong school? Hindi naman siguro, malayo ang pinanggalingan namin. 'Di nila yun malalaman.
"Kain na tayo, I'm hungry," sabi ni Paizel nang tapos na siyang umorder.
Kumain na rin ako.
"Ay! Sorry! Hindi ko alam na tao ka pala mukha ka kasing basurahan!" rinig kong sigaw ng isang lalaki sabay tawa.
Napatingin ako sa pinanggalingan no'n.
Nakita kong may isang babaeng puno ng dumi ang katawan at pinagtatawanan ng tatlong lalaki. Nilibot ko ang tingin ko at nakita kong lahat ng tao sa cafeteria ay parang takot na takot at walang gustong tumulong. Pati si Paizel ay parang gan'on din. May naalala ako. Gustong tumulo ng luha ko ngunit pinigilan ko ito.
Nakapagtataka, bakit gan'on ang mga estudyante dito? Parang may kakaiba. Hmmmm......