Chapter 4 Flirting Part 2!
NABUO ang mainit na tensyon sa paligid. Walang sumagot sa naging katanungan ni Yuna. Alam ni Charles kung ano ang totoong dahilan o nangyari sa pagitan ni Sandra at Clay. Maski naman si Yuna ay narinig ang lahat. Hinawakan ni Yuna ang kamay ni Clay na nakakapit sa kanyang beywang. Pwersahan niya itong tinanggal at umarte itong may galit sa kanyang mga mata, na tila ba ay may totoong relasyon sila.
“I heard everything. Totoo bang mahal mo si Sandra?”
“Sige na, tell the truth. Para matapos na ang lahat ng ito,” bulong ng isipan ni Yuna habang ang mga mata nito ay nakatitig sa mukha ni Sandra na naging sanhi ng pagkabalisa ng aktres. Napalingon naman si Clay kay Yuna, hindi niya inaasahan na kakagat si Yuna sa kanyang plano. Ngumiti nang patago si Clay.
“I will explain what–” Hindi natuloy ni Clay ang kanyang sasabihin nang sumabat agad si Charles. Sabay akbay pa nito sa balikat ni Sandra.
“Sa tingin ko nagkamali ka sa narinig mo, Ms. Yuna. Sandra and I had a fight earlier because I did not go with her to the party. Binaling niya ang kanyang galit sa kapatid ko. I think you are mistaken,” ngiting paliwanag ni Charles.
“Who are you? Please don’t get involved! ‘Wag mong sirain ang plano kong pagtakas kay Clay,” bulong na naman ng isipan ni Yuna.
“C–Charles?” tanging sambit ni Sandra.
“Now, let me see how you react to this situation. Alam kong isa lang ang mahal mong babae, si Sandra lang iyon. I will prove now that your relationship with that woman is fake!” Nangungusap ang mga mata ni Charles sa mga mata ni Clay. Nabasa naman agad iyon ni Clay kaya siya ay nanggigil. Hinarap niya si Yuna sa kanya.
“Ang lahat ng narinig mo kanina sa labas ng hotel ay totoo,” pagtatapat ni Clay kay Yuna. Nanlaki ang mga mata ni Sandra. Tinanggal nito agad ang kamay ni Charles na nakasabit sa kanyang balikat. Hindi rin inaasahan ni Charles na pagiging tapat ni Clay. Iyon ang paraan ni Clay para linlangin ang isipan ni Charles. Alam niyang matalino ang kanyang kapatid.
“What are you doing? Are you out of your mind?” bulalas ni Sandra. Lumapit pa ang aktres at hinawakan ang kamay ni Clay. Nag-aalala ito sa pwedeng mangyari.
“Why? Masama bang maging tapat at totoo sa harapan ng taong mahal ko?” Naningkit ang mga mata ni Clay. Napapikit si Charles at pinisil nito ang kanyang noo. Pabagsak na hinila ni Clay ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Sandra. Gusto nang umiyak ni Sandra. Hinarap pa rin ni Clay si Yuna.
“You know my story, right? Alam mo ang istorya naming tatlo. Lumaki kami na magkasama, kaya akala siguro ni Sandra ay mahal ko siya. And that’s the thing that won’t happen. I know she loves my brother, kaya hindi ako mag-aaksaya ng oras at panahon para sa kanya,” paliwanag ni Clay kahit hindi ito ang totoo. Talagang si Sandra lang ang minahal niya sa mahabang panahon, nang hindi pa niya nakilala si Yuna sa Paris. Bumagsak ang luha sa mga mata ni Sandra. Lubos itong nasaktan sa mga narinig nito mula kay Clay.
“I’m really sorry! Wala din akong intensyon na isiwalat sa buong mundo ang relasyon natin. Alam ko ang gusto mo, ang mabuhay ng pribado. Wala na kasi akong maisip na paraan kanina, that’s why—”
“It’s okay! I understand. As long as you tell the truth, no lies, maniniwala ako sa lahat ng sasabihin mo. Wala na tayong magagawa kundi tanggapin ang sitwasyon ngayon,” ngiting sabat agad ni Yuna kay Clay. Niyakap pa nito ang binata. Mukhang nakalimutan na nito ang plano nitong paglayo. Sa ginawa kasi ni Yuna, mas lalo pa nitong ginulo ang isipan ni Charles at mas lalong lumala ang sitwasyon. Ngiti naman sa mga labi ni Clay ay umabot hanggang tainga. Niyakap din niya nang mahigpit si Yuna.
“What am I doing? Bakit ko pinapagaan ang damdamin ng psycho na ito!” bulong ng isipan ni Yuna nang magising ito sa katotohanan dahil sa yakap ni Clay. Biglang tumakbo si Sandra palabas ng bahay.
“We are sorry to disturb you! We are really sorry!” Humingi ng paumanhin si Charles, saka nito hinabol si Sandra. Wala namang pakialam si Clay, sinamantala niya ang oras na yakap niya si Yuna. Nang nawala na sa paningin ni Yuna si Charles, tinulak nito si Clay.
“Lumayo ka nga sa akin!” Nagsimula na naman itong magsungit.
“Wow! Matanong ko nga sa ‘yo? Sino ang unang yumakap sa ating dalawa? May nalalaman ka pang pahagod-hagod sa likod ko. Aminin mo na kasi, you can’t resist my body. Gusto mo ulit itong—”
“Shut up!” matipid na wika ni Yuna. Tumawa nang malakas si Clay.
“Look, I just helped you earlier. Walang ibang ibig sabihin iyon. Naawa lang ako sa ‘yo,” dugtong pa ni Yuna.
“Then, thank you so much my soon to be wife! What you did earlier, pinatunayan mo lang sa harapan ni Charles at Sandra na may malalim talaga tayong relasyon. Hindi na pala kita kailangan pilitin na umarte, may kusa ka pala. Kaya naman, best actress award goes to—”
“No more next time. Hindi na kita tutulungan muli, Mr. Psycho. And I will never ever—”
“Say everything you want, but this psycho will be your husband Ms. Bird-Brain!” Dumagundong ang tunog ng halakhak ni Clay sa loob ng kanyang bahay. Pulang-pula naman ang kulay ng balat ni Yuna sa galit. Para hindi sumabog ang nararamdaman nitong emosyon, umupo na lang itong muli sa sofa.
“By the way, you can’t leave this house. Maaaring marami nang nag-aabang sa atin sa labas. You can sleep or rest there first. May tatawagan lang ako para sa press conference bukas,” dagdag pa ni Clay.
“Here on the sofa? Press conference?”
“What’s wrong with the sofa? Hmm.. Alam ko na! Gusto mo sa kwarto ko? Para ituloy natin ang naudlot nating moment kanina.” Tumaas-baba ang dalawang kilay ni Clay. Sinakmal bigla ni Yuna ang pillow sa may sofa at binato nito kay Clay. Mabilis na tumakbo ang binata paakyat sa pangalawang palapag ng kanyang bahay.
“I caught you, Ms. Bird-Brain! Hinding-hindi na kita pakakawalan,” baling muli ni Clay kay Yuna, saka ito pumasok sa kanyang kwarto. Samantala, huminga naman nang malalim si Yuna. Kung tutuusin pwede naman itong lumabas sa pintuan at iwan si Clay. Pero hindi nito magawa dahil nakatali na talaga ang string of fate nila.
Tinanggal na lang nito ang kanyang mga sapatos. Humiga na lang ito sa malaki at malambot na sofa. Pero napaupo itong muli nang maalala nito ang kanyang hand bag na naiwan sa loob ng sasakyan ni Clay. Tumayo ito at nakayapak nitong inakyat ang hagdan papunta sa pangalawang palapag. Nakita agad ng kanyang mga mata ang dalawang pinto.
“Saan kaya sa dalawang ito ang kwarto ni Psycho?” tanong nito sa kanyang sarili. Dahan-dahan nitong inihakbang ang kanyang mga paa. Pinakinggan nitong pareho ang dalawang pinto, subalit wala itong narinig. Nang sasandal si Yuna sa huling pintuan na nilapitan nito, bigla itong nagbukas. Napapikit si Yuna dahil alam nitong babagsak siya. Ngunit may sumalo sa kanyang katawan. Kakatapos lang maligo ni Clay. Walang damit pang-itaas at nakatapis lang ng tuwalya ang kanyang pang-ibaba. Mabilis kumawala si Yuna sa bisig ng binata.
Kumakabog nang kumakabog ang dibdib nito. Umurong ang mga paa ni Yuna habang umiiwas ang mga mata nito sa mga mata ni Clay. Ngunit, sa bawat pag-urong ng kanyang ginagawa, sinusundan naman siya ni Clay. Hanggang sa narating ni Yuna ang dingding at napasandal ang likod nito. Ngumiti si Clay at tinaas ng binata ang kanyang kamay sa itaas ng ulo ni Yuna. Itinaas naman ni Yuna ang kanyang dalawang kamay para takpan ang kanyang mukha.
“What are you doing here? Do you want something?” pilyong tanong ni Clay. Naramdaman ni Yuna ang hininga ng binata.
“Ah— kasi…” Hindi makapagsalita ng diretso si Yuna.
“What?” muling tanong ni Clay. Nilakasan ni Yuna ang kanyang loob na harapin si Clay. Ngunit sa pagbaba ng kanyang kamay, hindi nito sinasadyang matamaan ang tuwalya na bumabalot sa pang-ibaba ng binata, nalaglag ito. Bigla itong sumigaw. Mabilis nitong tinulak si Clay, pero nahablot siya agad ng binata. Sinandal siyang muli ni Clay sa dingding. Tinakpan muli ni Yuna ang kanyang buong mukha gamit ang kanyang dalawang palad. Nagsimulang nanginig ang kanyang katawan.
“Ano’ng kailangan mo? Gusto mo ba talaga dito sa kwarto ko?”
“N–No! Sasabihin ko lang na gusto kong kunin ang handbag ko doon sa sasakyan mo. I’m sorry! Hindi ko sinasadya na—”
“You want something else, right?” bulong ni Clay sa tainga ni Yuna. Sexy voice pa ang ginamit niya. Tinulak na lang ni Yuna si Clay at tumakbo ito palabas ng kwarto. Napangiti na lang si Clay. Umiling din ang kanyang ulo.