Chapter 1 Let the love and hate begin!

Isang selebrasyon ang naganap sa isang class na hotel para sa mga actor, actress, at top models. Hindi maikakaila na puro mga sikat ang naroon. Eleganteng ayos ang makikita sa paligid. Maraming sariwang bulaklak. Ang mahabang red carpet ay nakalatag sa sahig. Mamahaling tela at kagamitan ang nasa mga lamesa. Halos kumpleto na rin ang mga invited sa party. Naririnig ang kanilang kwentuhan at malakas na tawanan. Nakikita rin ang walang kamatayan nilang pakikipag-plastikan at pa-bonggahan nila sa isa’t isa.

Subalit, ang pinakasikat na actress ay hindi pumapasok sa hotel at tila ba siya ay may hinihintay. Kahit napakaganda ng kanyang mukha ay nakikita ang pagkadismaya. Binuksan niya ang kanyang hand bag at kinuha niya ang kanyang cellphone. Gigil niyang pinagpipindot ito at tinapat sa kanyang tainga.

“Where are you?” Mataas kaagad ang tono ng kanyang boses.

“Sandra, ‘di ba sabi ko sa ‘yo, hindi ako makakapunta.”

“Why? Wala akong kasama dito Charles. Ikaw ang gusto kong ka-date. Pinagmamasdan na ako ng mga media dito sa labas,” inis na sabi ni Sandra. Pinadyak pa niya ang kanyang kanang paa kahit mataas ang takong ng kanyang sapatos.

“Sandra, nandyan si Clay. He will protect you. He can be at your side anytime you need him," paliwanag ni Charles. Lalong napuno ng galit ang puso ni Sandra.

“Bakit mo ba ako laging ginaganito? Sinasadya mo ba? Charles, alam mong ikaw ang gusto ko. Ikaw ang gusto kong nasa tabi ko.”

“Mahal ka ni Clay. Ayaw kong saktan ang damdamin ng kapatid ko. Mas bagay din kayo dahil sa mga propesyon niyo. Huwag mo nang ipag–”

“Dahil ba sa kanya kaya hindi mo ako magustuhan?” panunumbat agad ni Sandra. Nagsimula na rin gumilid ang luha sa kanyang mga mata. Pinipigilan niya ito dahil malapit lang ang mga photographer sa kanya. Nanginginig na rin ang mga kamay nito dahil sa gigil.

“Hindi naman sa ganun, San—“ Hindi natuloy ni Charles ang kanyang sasabihin, nang putulin na ni Sandra ang pag-uusap nila sa cellphone. Naisipan ni Sandra na sugurin si Clay sa loob ng hotel ngunit sa paghakbang ng kanyang isang paa, nakatayo na ang binata sa kanyang harapan. Hindi alam ni Sandra na habang kausap niya si Charles, matagal na siyang pinagmamasdan ni Clay. At alam rin ng binata na siya ang topic nila.

Ang totoo ay hindi na interesado si Clay kay Sandra. Natural lang na naroon ito sa selebrasyon dahil siya ang pinakasikat na lalaking modelo. Napapailing din ang ulo niya sa tuwing pinagpipilitan ni Sandra ang sarili nito sa kanyang nakakatandang kapatid. Pero para sa kanya, tama lang na naramdaman ni Sandra ang sakit kung paano balewalain ng isang tao. Katulad nang ginawa nito sa kanya.

“Kanina ka pa riyan? So, narinig mo ang lahat?” Hindi na napigilan ni Sandra ang bugso ng kanyang damdamin. Subalit, hindi sumagot si Clay. Ayaw niyang magsalita dahil napansin sila ng media. Nag-iisip siya ng paraan kung paano niya malulusutan ang kinakaharap na problema. Hanggang sa may isang dumating na kotseng itim na tumigil sa harapan nila. Nang bumukas ang pintuan ng sasakyan, lumabas ang isang babae. Lumaki ang mga mata ni Clay.

“Hindi ka ba magsasalita? Totoo ba? Totoo bang gusto mo ako? Totoo bang mahal mo ako?” Tumaas ang tono ng boses ni Sandra at lalo itong nagbigay ng pansin sa mga photographer.

“Sagutin mo ako, Clay. Totoo ba?” sigaw ni Sandra.

“Bahala na!” bulong ng isipan ni Clay.

“Yes! I love you!” sigaw rin ni Clay at sabay hablot niya sa babaeng bumaba mula sa itim na kotse. Sinakmal niya nang mahigpit ang bewang ng dalaga at walang alinlangan niyang hinalikan ang mga labi nito. Hindi gumalaw ang katawan ng babae kahit gusto pa nitong itulak at sampalin si Clay. Napaawang naman ang bibig ni Sandra. Walang tigil sa pagkislap ang mga camera ng mga photographer na nasa paligid nila. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, kaagad hinarap ni Clay si Sandra.

“I’m getting married, Sandra!” bigkas ng bibig ni Clay. Kinaladkad din niya ang babaeng kanyang hinalikan palayo sa lugar. Habang palayo sila sa lugar, pilit binabalik ng dalaga ang katinuan ng kanyang isipan dahil sa mga flashback na kanyang nakita. Hindi nito alam kung ano ang kanyang gagawin. Hindi rin nito alam kung ano ang susunod na mangyayari. Hanggang sa nakaisip ito ng paraan.

“Who are you?” tanong nito kaagad kay Clay. Hinila rin nito ang kanyang kamay. Samantala, nagkibit-balikat si Clay.

“What? You don’t know me? Seryoso ka?”

“Magtatanong ba ako kung kilala kita?” Nakatitig ang dalaga sa kanya. Hindi maintindihan ni Clay bigla ang sitwasyon.

“Don’t play with me! Nagpapanggap ka lang na hindi mo ako kilala, ‘di ba?”

“Don’t play with me? Hindi ba dapat ako ang magsabi niyan sa ‘yo. Ano’ng ginawa mo sa akin kanina, hindi ba naglaro ka sa harapan ng babaeng ‘yun gamit ako? Para sabihin ko sa ‘yo, wala kang karapatan na gawin sa akin ang bagay na iyon. Magsasampa ako ng kaso sa ginawa mo sa akin. Magkita tayo sa korte,” matapang na wika ng babae. Tumalikod ito kay Clay at mabibilis na hakbang ang ginawa ng mga paa nito. Subalit, hinabol siya ni Clay. Pinigilan at kinausap ni Clay ito ng seryoso.

“Don’t touch me!” babala agad ng dalaga sa kanya.

“Ok! Kung gusto mong makipaglaro, I will let you. But for now, I’m serious. Marry me!”

“What?” napasigaw ang dalaga.

“Listen to me first. Gusto kitang makausap sa maayos at masinsinan na paraan. Marry me!”

“Are you crazy? Bakit kita pakakasalan? Hindi kita kilala. Hindi kita gusto. Lalong hindi kita mahal!” sagot agad ng dalaga sa kanya. Humahalakhak si Clay.

“May nakakatawa ba sa sinabi ko?”

“Wala naman pero, sa ngayon wala kang ibang gagawin kundi ang sumama sa akin kahit ayaw mo pa. At para sabihin ko rin sa ‘yo, hindi rin kita kilala, hindi rin kita magugustuhan, lalong hindi kita mamahalin. What do you think of me? Sira ang utak?” wika ni Clay at biglang naging seryoso ang mukha niya.

“Ano ang tawag mo sa sarili mo ngayon? You’re crazy, right?” Hindi sumagot si Clay. Hinila niyang muli ang kamay ng dalaga at kinaladkad sa parking area kung nasaan ang kanyang sasakyan. Habang binabaybay nila ang daan, parehong may nilalaman ang kanilang mga isipan.

“Hindi ko expect na makikita ko siyang muli,” bulong ng isipan ng dalaga.

“Hindi na dapat ako babalik ng Pilipinas, nang dahil sa ‘yo umuwi ako. Ilang taon na rin ang lumipas, hindi ako tumigil sa paghahanap sa ‘yo. Ngayong nakita na kita, hindi na kita pakakawalan pa,” bulong naman ng isipan ni Clay.

“Ano na ang gagawin ko. And why am I following him?” dagdag pa ng isipan ng dalaga.

“If you continue to pretend that you don’t know me, so be it! Kahit na ano pang paraan gagawin ko para hindi ka na umalis sa tabi ko,” dugtong ng isipan ni Clay. At silang dalawa ay biglang huminto sa paglalakad. Nagkatitigan ang kanilang mga paa.

“Fight!” sabay bulong ng kanilang mga isipan habang naglalaban ang kuryenteng lumalabas sa kanilang mga mata.