Chapter 15: Heartbeat
Dumating na silang muli sa lugar ni Clay. Nang naparada na ni Clay ang sasakyan sa bakuran, umaandar pa ito, nang diretsong bumaba si Yuna nang walang binibitawan na kahit na anong salita. Nagtungo ito sa harapan ng bahay. Nakakunot ang noo nito. Walang bakas na kaligayahan sa mukha ng dalaga.
“What is her problem?” tanong ni Clay sa kanyang sarili habang pinapatay ang makina ng kanyang sasakyan. Matiyaga naman siyang hinintay ni Yuna. Bumaba na rin si Clay sa mula sa sasakyan at habang palapit ito kay Yuna, napapakamot ito sa kanyang ulo.
“Parang nilukot na papel ang mukha niya. Looks like I’ll have a hard time taking of her,” bulong ng isipan ni Clay. Hindi maintindihan ni Clay ang naging kilos ni Yuna. Dahil ba iyon sa halik na pinagsaluhan nila?
“Akala mo ikaw ang may-ari ng bahay to approach the door first. This is my house!” wika ni Clay nang nakalapit ito kay Yuna. At saka bahagya nitong tinulak si Yuna gamit ang kanyang pwet. Sinadya rin nitong mauna nang magsalita dahil alam nitong susungitan siya ni Yuna.
“You act like a turtle!”
“Ano ang sabi mo?” Sabay galaw ng kamay ni Clay palapit sa braso ni Yuna ngunit, hindi nito nagawang hawakan ang dalaga.
“Don’t touch me when it’s just the two of us! Have you forgotten? Understood!” Duro ni Yuna sa may bandang dibdib ni Clay. Tinulak pa nito ang pintuan, nang nabuksan na ni Clay. Dire-diretso itong pumasok at umupo sa sofa. Nanggigil namang sumunod si Clay. Pero imbes na patulan nito si Yuna, dumiretso na lang ito sa kusina para uminom ng malamig na tubig. At saka na rin para masuri nito kung nasunod ba ang bilin niya sa kanyang tagapangalaga sa bahay. Puno ng pagkain ang loob ng refrigerator. Ngumiti ito at nilapitan niya si Yuna.
“What an ugly sight!” panunukso ni Clay. Tiningnan siya nang masama ni Yuna.
“Why do you look like that? Dahil ba hindi mo matanggap na nagustuhan mo rin ‘yong hal–”
“Stop!” sabat agad ni Yuna.
“Ano ang gusto mong sabihin ko? Look at you, daig mo pa ang na-heartbroken!” sagot agad ni Clay.
“How about you? Ano ang gusto mong gawin ko? Maging masaya sa nangyari kanina?” Hindi lang naman kasi ‘yong halik ang nasa isipan ni Yuna. Pati na rin ang mga taong nakapalibot sa kanila. Lalo na si Charles at Sandra. Iba rin kasi ang kutob nito sa mga susunod na mangyayari.
“Ah–”
“Iyan lang ba ang sagot mo? What an ugly reaction!” inis na sabi at ganti ni Yuna. Umikot pa ang mga eyeball nito. Huminga na lang nang malalim si Clay.
“Don’t think about what happened earlier. That’s over! Tara, samahan mo na lang ako sa taas, may ipapakita ako sa ‘yo,” pangaral at anyaya ni Clay kay Yuna. Biglang niyakap ni Yuna ang kanyang sarili dahil kung anu-ano ang malisyoso na pwedeng maganap ang pumapasok sa kanyang isipan.
“No!” mabilis na pagtanggi ni Yuna. Tumawa nang malakas si Clay.
“What’s funny? What will you show? Ayoko!” dugtong pa ni Yuna. Imbes na sagutin ni Clay si Yuna, nilapitan niya lang ito. Walang alinlangan nitong binuhat si Yuna sa kanyang mga bisig. Kaagad naman naisabit ni Yuna ang kanyang mga kamay sa leeg ni Clay. Naging malapit na naman ang kanilang mga mukha. Sinadya ni Clay gawin iyon para mas lalong madagdagan ang mga maduduming iniisip ni Yuna.
“What are you doing? Put me down!”
“No!” Hinigpitan pa ni Clay ang pagkarga nito kay Yuna patungo sa hagdan. Mas lalong yumakap ang mga kamay ni Yuna sa leeg ni Clay at sinadya nitong ipadyak ang kanyang mga paa, para bitawan siya ng binata.
“Huwag kang malikot baka mahulog tayo. Sige ka, hindi lang ako ang mapipilayan pati na rin ikaw. Tumahimik ka na lang kasi!” Huminto si Clay sa kalagitnaan ng hagdan. Lumakas din ang tono ng kanyang boses.
“Ano ba kasi ang—”
“What do you think a man and a woman will do, when it’s just the two of them at home? Lalo na kung magpapakasal pa ang mga ito,” wika ni Clay. Tinuloy nito ang pagbibiro para lalong kabahan si Yuna. Hindi naman ito nabigo dahil narinig nito ang malakas na kabog ng dibdib ni Yuna.
“Ibaba mo ako!” sigaw ni Yuna.
“No!” matigas na sagot ni Clay. At ang lalong pang nagpakaba kay Yuna ay ang seryosong mukha ni Clay. Pinikit na lang ni Yuna ang kanyang mga mata at nagsimulang magdasal. Lahat yata ng Santo ay tinawag nito. Nagmadali naman si Clay na matunton ang isa pang kwarto sa second floor. Nang marinig ni Yuna ang pagbubukas ng pinto, mas lalo itong napapikit sa kaba. Mas lalong napahigpit ang yakap niya sa leeg ng binata.
“Ang OA mo! Wala akong gagawin sa ‘yo. Open your eyes!” utos ni Clay.
“Ayoko! Hindi rin ako bababa,” sagot ni Yuna habang nakapikit pa ang kanyang mga mata.
“Kapag hindi mo binuksan ang mga mata mo, dadalhin kita sa kama,” banta ni Clay. Dahil doon nagmulat kaagad ang mga mata ni Yuna. Nagkakatitigan sila. Dahan-dahan na rin binaba ni Clay si Yuna.
“Look around you!” utos muli ni Clay.
“Ayoko!” Nakatintingin lang si Yuna sa mukha ni Clay. Kung anu-ano kasi ang pumapasok sa isipan nito.
“Hay!” Sabay hawak ni Clay sa mga braso ni Yuna at pwersa nitong hinarap sa loob ng kwarto.
Pinaayos ni Clay ang kabilang silid para kay Yuna. Wala itong pagkakaiba sa itsura ng kwarto ni Yuna. Ang ayos, kulay at mga gamit ay pareho. Hindi alam ni Yuna na humingi ng pabor si Clay sa ama ng dalaga nang sila ay nasa bahay pa ni Yuna. Kunwari ay pupunta lamang si Clay sa banyo ngunit, ang totoo ay pumasok ito sa loob ng silid ni Yuna upang kunan ng larawan ang bawat sulok. Nanlaki ang mga mata ni Yuna nang nasilayan na nito ang ayos ng kwarto. Dahil sa lubos niyang kaligayahan, hindi na nito pansin si Clay habang nakayap ito sa bewang niya. Nilapit ni Clay ang bibig niya sa tainga ng dalaga.
“Do you like it?” bulong ni Clay kay Yuna. Tumango lang ang ulo ni Yuna. Hindi rin nawawala ang ngiti nito sa kanyang mga labi.
“It’s obvious! Because you also love the way I hug your body,” bulong muli ni Clay. Biglang kumawala si Yuna. Nagdikit ang kilay nito.
“Don’t yell at me! Aren’t you grateful to me? I gave you a nice room,” wika agad ni Clay. Inunahan na nito si Yuna. Walang nagawa si Yuna kundi magpasalamat.
“Thank you!”
“Ano ‘yon? I can’t hear you,” pagbibiro na naman ni Clay. Nilapit pa nito ang tainga niya kay Yuna. Nilapit naman ni Yuna ang kanyang bibig.
“Kumuha ka ng cotton buds tapos linisin mo ang tainga mo para marinig mo ang lahat ng sasabihin ko,” bulong din ni Yuna. Lumayo si Clay at tinitigan ang mukha ni Yuna. Pinag-krus pa ni Clay ang kanyang mga kamay.
“Thank you is not enough! Sisingilin kita sa kabutihan na ginawa ko sa ‘yo. Take a bath now!” seryosong utos ni Clay. Bumilis nang bumilis ang pintig ng puso ni Yuna. Lalo na, nang humakbang ang isang paa ni Clay palapit sa kanya.