Chapter Nine

Hindi pa rin siya tinitigilan ni Krysta sa pangungulit. Panay pa rin ang usisa nito sa kaniya tungkol sa nasaksihan nito kanina.

Si Kaiser ay agad ding lumabas matapos iabot sa kaniya ang miryenda. Kaya naiwan siya sa mangulit na kaibigan. Agad din nitong ibinalita sa dalawa pa nilang kaibigan ang nakita.

“Yung totoo? Wala kayong label? Pero may kiss na agad na nagaganap huh?”

“Wala kasi siyang sinasabi. Alangan naman tanungin ko ano?”

“Gaga! Babae ka, syempre kailangan mong linawin ang namamagitan sa inyong dalawa. Ano yan? Niyakap at hinalikan ka lang, tapos wala pang label, tabi na agad kayo matulog?” litanya nang kaibigan. “Hindi sa lahat ng oras ginagamit ang ‘action speaks louder than words’.”

Napaisip siya sa sinabi ni Krysta. Ano nga ba ang meron sila nang binata?

“Oh ano? Napaisip ka di ba? Tanungin mo kasi, hindi yung kuntento ka sa ganyan lang.”

Tumango si Shamia bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. Naisip rin niya ang sitwasyon nila nang binata! Mamaya tatanungin na niya ito kung ano ba talaga ang meron sila para hindi siya nangangapa at nahihirapan mag-paliwanag sa mga nakakapansin.

Masyado mang agresibo tingnan at pakinggan pero hindi naman maganda kung ganito lang sila.

“Oh sige tinatawagan na naman ako ni mommy... hmmm kakainis! Nabuburo ako sa apat na sulok ng opisina!” anito saka tumayo at bago nagpaalam ay may pahabol pa. “Yung sinasabi ko ah! Tanungin mo!”

“I will.”

TINAPOS niya ang maghapon sa pagpirma sa mga papeles na nakatambak sa kaniyang mesa. Pero maya’t-maya ay may dumarating na mga papeles mula sa iba’t ibang departamento para daw i-check o kaya ay pirmahan o i-approve. Kaya hindi niya namalayan ang oras. Alas nueve na pala ng gabi. At halos hindi na siya makakilos ng maayos dahil sa pagod.

Inaayos niya ang mga gamit ng pumasok ang bodyguard. “Done?”

Ngumiti siya sa binata. “Yeah! Hindi mo sinabi sa akin ang oras?”

Lumapit ang binata sa kaniya at nagtungo sa likurang bahagi saka marahang minasahe ang kaniyang nananakit na balikat. “Bakit pa e hindi naman kita mapipigilan sa ginagawa mo, sasabihin mo lang kabawasan iyon sa gagawin mo bukas.”

Tama ang sinasabi nito. Kailangan lahat ng mga gawain na nasa harap niya ay matapos kahit na mag-gagabi na. Hindi na kasi iyon gagawin pa sa kinabukasan. So, bagong gawain na pag dating ng bukas.

“Let’s go home babe, para makapag-pahinga ka na!”

Babe? Naisip niya na tanungin na ang binata ngayon habang may lakas pa siya ng loob kahit na pagod na ang katawan.

“Kaiser? Hmmm---”

“Yes babe?” sagot nito na naka-yakap na naman sa kaniya at ang mga braso naman niya ang minamasahe.

“A-anong meron t-tayo Kaiser? I mean, yes! We k-kiss, we hmm--hug, pero hindi ko alam kung anong meron tayo?” kumawala si Shamia sa yakap nang binata. “I know I’m too demanding pero hindi ako pumapasok sa isang relasiyon ng walang kasiguruhan.”

Seryoso niyang hinarap at tinitigan ang binata ngunit agad niya ding iniiwas ang tingin pero agad din nitong hinuli ang kaniyang baba para magtama ang paningin nilang dalawa. “Shamia Gyllette! I’m courting you!”

“H-huh?” Yeah! Everyday he’s giving me flowers at hinahatid, natural bodyguard ko niya ito, pero mas extra sweet na ang lalaki hindi tulad noong una na civil lamang ito sa pakikitungo. At ito na rin ang nagluluto ng pagkain ni Shamia sa maghapon, maging ang miryenda.

At iyon ang panliligaw na sinasabi nito? That’s his way of courting her? Yeah! It’s indeed traditional pero nakakakilig. I appreciated it!

“Hindi mo iyon napapansin?” nanlalaki ang mata na tanong nito sa dalaga na parang hindi makapaniwala.

Natawa siya. “Honestly yes!”

“The fuck!”

Mas lumakas ang tawa niya. “Okey!”

“Anong okey?” nangunot na lalo ang noo ni Kaiser. Halatang naasar na! pero maya-maya ay tila nakuha nito ang ibig niyang sabihin. “Really?”

Kinuha niya ang gamit at naglakad na papalabas ng opisina dahil gabing-gabi na. “Bahala ka jan!”

“Teka lang Sham.” Sigaw nito at nagmamadaling sumunod. “Totoo?” pangungulit nito.

“Oo na nga po!”

“Yes!” sigaw ni Kaiser at agad siyang hinagilap saka iniikot-ikot. Mabuti na lamang at wala nang tao sa floor kung nasaan sila.

-----

“Kaiser saan tayo pupunta?” tanong niya sa lalaki na nagda-drive patungo sa kung saan.

Ngumiti muna ito bago sumagot. “Sa bahay niyo.”

Huh? Anong gagawin nila sa hacienda? “Anong gagawin natin d’on?”

“Isang linggo na tayo pero parang wala kang balak sabihin sa family mo, so ako na ang magsasabi.”

Isang linggo na nga simula nang maging official ang kanilang relasyon pero hindi pa niya nababanggit sa pamilya niya dahil naging busy sa kompaniya. Nasabi kasi ni Kaiser na uuwi ito ng probinsiya next week at isasama siya nito para ipakilala kaya tinatapos na niya nang maaga ang isang linggong trabaho.

Isang beses pa lang niyang nakakausap ang magulang at kapatid nang binata. At iyon ay nang umaga matapos silang maging official. Agad nitong tinawagan ang pamilya sa probinsiya para ibalita ang namamagitan sa kanila pero ang sabi nito ay mas maganda na makilala niya din ng personal ang pamilya nito.

“Meron naman kaya lang naging busy ako di ba?”

“Oo nga! Halos hindi mo na nga ako napapansin.”

Natawa si Shamia sa sinabi nito. Kapag pumapasok siya sa opisina, agad niyang inaasikaso ang mga papeles na tambak na agad sa table niya, pati na rin ang mga ongoing production nang mga magazine. Mas gusto niya kasi na siya mismo ang mag-check nang mga ila-launch na magazine.

Kapag dinadalhan siya ng pagkain nang binata ay halos hindi na niya ito tapunan nang sulyap.

“It’s for us din naman Kai, para wala akong maiwang maraming trabaho kapag umuwi tayo sa probinsiya niyo.”

Ang kaninang kunot na noo nito ay agad na nawala, napalitan iyon nang isang malaking ngisi. “Nakss! Excited!”

Nairita siya sa panunukso nito, tiyempo naman na tumunog ang cellphone niya na nasa bag. Si Pia ang tumatawag. Nakaisip siya ng pambawi sa pang-aasar nang katabi niya sa sasakyan.

“Hello?”

“Mam na-check mo na po ba lahat iyong sample ng magazine? Kasi po kailangan daw i-present ulit sa board kung okey na saka ila-launch.”

“What? But I have a vacation schedule next week.” Nakuha niyon ang atensiyon nang lalaki.

“What?” he mouthed. Hindi niya ito pinansin.

“Ah okey lang naman Mam kung may bakasiyon ka next week, kung na-check mo na kasi yung sample, pwede na i-present bukas na bukas din.” Paliwanag ni Pia sa kabilang linya.

“Naku! Emergency ba talaga? Hindi ba pwedeng, maybe next-next week na iyang business trip na yan?” She cover her mouth with her hand for more effect dahil hindi na naman maganda ang timpla ng mukha nang binata.

“Anong business trip Mam? wala ka naman schedule na trip next week dahil sabi mo may pupuntahan ka nga, diba?” naguguluhan na ang kausap niya sa kabilang linya. Sorry!

“Ah okey! Maybe I should cancel my vacation. Okey bye.” Kunwaring malungkot na aniya. “I’ll call you later for the detailes.”

“Ang gulo niyo po.” Anito saka tuluyan nang pinutol ang linya.

“Anong meron? Cancel ang uwi natin?”

“Oo e!”

Hindi na ito nagsalita, nagpatuloy na lamang ito sa pagmamaneho hanggang sa makarating sila sa hacienda.

-----

Agad silang pinagbuksan ng gwardiya sa gate nang makita ang sasakyan. Tuloy-tuloy silang pumasok ng hacienda hanggang sa harap ng villa.

Hindi pa man sila nakakababa ay bumukas na ang mayor ng mansion saka lumabas ang mga magulang niya kasunod ang kapatid niya karga ang anak.

Hindi muna siya tumuloy, nagpaalam siya na may tatawagan sandali. Hindi naman nag-abalang tanungin siya nang mga ito kung sino ang tatawagan niya sa halip nilapitan ng mga ito si Kaiser na nakunot pa rin ang noo at masama ang tingin sa dalaga. Inaya nang mga ito ang binata na pumasok na sa bahay na agad namang pinaunlakan ng huli.

Siguro ay nagtatampo talaga ang boyfriend niya, hindi naman kasi siya nito iniiwan basta-basta dahil nga bodyguard niya ito. Pero ngayon basta na lamang siyang iniwan?

Agad niyang hinagilap ang cellphone at idinial ang numero nang secretary. Sumagot naman ito agad.

“Ano nga po iyong sinasabi niyo kanina Mam?” bungad nito.

“Wala iyon. Inaasar kasi ako ni Kaiser kanina kaya ginantihan ko ang ending iniwan niya ako dito sa labas nang bahay.” Paliwanag niyang medyo natatawa pa.

“Ah naman! Pero tapos na nga po ba?”

“Oo, kunin mo na lang sa table ko! I-schedule mo na bukas ang board meeting.”

“Okey Mam. eh Mam k-kaya l-lang ... ano po e-eh...”

Ano’t nautal ang sekretarya ko? “Why? Do you have a problem there?”

“Wala po ako sa opisina.”

Tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi nang babae. Wala sa opisina? Tanghali pa lang ah! Hindi naman ito umaalis ng wala sa oras.

“At nasaan ka naman?”

“Pagkaalis niyo po kasi ay may nag-aya sa akin lumabas Mam. Hindi na naman po ako nakapag-paalam, sorry po!”

Natawa siya. “It’s okey! Enjoy your date. Basta yung meeting bukas i-sched mo baka makalimutan mo dahil sa date mo, nakuu lang! At isa pa hindi mo pa ipinakikilala sa akin iyan ah”

“T-thank you Mam. Enjoy din po kayo.”

Nang-aasar ba ‘to? “Iniwan nga ako di ba?”

“Who told you that I leaved you? Gumuho man ang mundo, andito lang ako – hindi ka iiwan.”

Nagulat siya sa nagsalita sa likuran. Si Kaiser. Nakapamulsa ang binata habang pinagmamasdan si Shamia. Napatay tuloy niya ang tawag na hindi nakapagpa-paalam sa kausap.