Chapter 20: Fingers In Her Mouth
Kahit hindi masyadong maalikabok ang kanyang sports car ay pinaliguan pa rin ito ni Cairon. Sinadya niya talaga ito para lang makita siya ng dalaga na naka-topless. Tingnan niya lang kung hindi ito maglalaway sa ka-macho-han niya. Pangiti-ngiti pa niya itong tinitingnan at kinakawayan habang kausap ang tiyahin sa loob ng library.
Ewan niya lang kung ano ang hawak nitong pinakli-pakli habang kausap ang tiyahin. Siguro mga pictures ng tiyahin, mga bagay na may kinalaman dito dahil iyon naman ang trabaho ni Derin kaya nga ito hinire ng tiyahin. Hanggang ngayon ay halos hindi siya makapaniwalang makakatagpo ng isang babaeng gaya ni Derin.
Who would have known his aunt would love to have her life written and be read by many people? She was a private person, but something changed in her. Hindi niya alam. Sa tingin niya ay gusto lang nitong mag-iwan ng alaala para sa mga fans kahit retiro na ito.
“Sir, totoo po bang girlfriend n’yo si Miss Derin?” nakangiting tanong ni Mang Matias.
“Huh?” aniya sa hardinerong napangisi.
“Eh, ‘yon na kasi ang tsismis na kumakalat sa buong hacienda,” tugon nito.
Napatawa siya nang mahina. Siya naman kasi ang nagpakalat niyon. “Gano’n po ba?” Pero hindi niya sinagot ang tanong nito.
“Eh, bagay naman kayo, Sir Cairon.”
Napatawa pa siyang lalo sa sinabi nito. “Mang Matias, hindi ko ba kayo nabigyan ng regalo sa birthday n’yo?”
Napatawa ang hardinero niya. “Sir naman. Kahit doblehin n’yo na. Matutuwa si Marta kapag gano’n!”
Napatawa siyang napatango sa hardinero at nagpatuloy sa ginagawa.
***
Mga isang oras pa ang lumipas ay natapos na rin ni Cairon ang paglilinis sa kanyang sports car na gagamitin pabalik sa Manila, nakapag-shower na siya kaya mabango na naman siya, at nakapagpalit na rin ng T-shirt, ragged jeans, at sneakers.
Papunta na silang dalawa ni Derin sa sunflower field. Nasa opposite na direksyon iyon sa pinuntahan nila noong nagdaang araw.
Napansin niyang napahanga ang dalaga sa lapad ng sunflower field na nakikita at naglalakad sila habang may mangilan-ngilang trabahador na tsini-tsek ang mga sunflowers kung may mga insekto, fungus, o uod ang mga ito o wala. Ang iba naman ay nilagyan ng pataba ang lupa para mas maganda ang tubo ng mga ito.
“So, ini-export n’yo ba ang mga ‘to para mag-produce ng vegetable oil?” tanong ng dalaga sa kanya nang kuryuso.
“Depende sa kliyenteng mauuna. May kinokontak ako para su-supply-an at least once a year. Kahit parang palaging all summer tayo ay may tag-ulan o bagyo naman kaya isang beses lang sa isang taon ang pagpo-produce namin ng sunflowers⸺hindi katulad ng mga hybrid varieties ng pinya at papaya o mangga na puwedeng all throughout the year ay itinatanim at inaani kapag may mga bunga nang puwedeng anihin dalawa o tatlong beses sa isang taon. So, kung may kliyente akong nakukuha para sa bird seeds o kaya’y flour o para iro-roast at ipagbili commercially ang mga ito, iyon na ang bibigyan ko sa lahat ng ani kung maaari.”
“Ah.”
Nang oras na para mananghalian ay inimbitahan sila ng mga tauhan nito sa isang lilim ng malaking kahoy kung saan may mahabang mesang gawa sa kawayan at nakalatag sa ibabaw niyon ang dahon ng saging. Doon nakalagay ang kanin at mga ulam saka ang lahat ay nagsasalu-salo na.
Sanay na siya nang ganito kapag napadako siya sa sunflower field kaya balewala sa kanya ang ganito at nagkakamay lang. Hindi niya lang akalaing game din pala ang dalaga sa ganitong setup na pagsalo-salo ng pagkain. Hindi maarte. Walang kiyeme⸺maliban na lang sa mga halik niya.
Napangisi tuloy siyang nakatingin habang kumakain ito at nakipagkuwentuhan sa mga tauhan niya. Parang matagal nang magkakilala ang mga ito. Naoobserbahan niyang marunong itong makihalubilo sa mga tao at agad itong nagugustuhan ng mga ito. Hindi katulad noong si Cammy pa ang girlfriend niya at kapag kasama niya rito ay hindi ito nakikipag-usap sa kahit kanino. Oo, laging nakadikit lang sa kanya at panay ang tanong kung kailan sila babalik ng mansion o kaya kung kailan sila pupunta sa siyudad para doon na mamasyal.
Iba nga naman talaga si Derin sa ex niya.
At bakit ba niya ikinukumpara ang mga ito? His past relationship with Cammy was not serious anyway. Pero ngayon ay seryoso na siya. Or, was he really? Hindi lang kaya ay nahahamon lang ang pagkalalaki niya sa dalaga dahil hindi ito madaling i-seduce?
Baka nga naman. O baka nga naman hindi.
Ewan niya.
Basta gusto niya talagang makuha ang dalaga. Gusto niyang malaman na ang walang kapaguran niyang pagnanasa ay mabibigyan rin ng kapahingahan.
Gusto niyang matawa sa naisip. Nag-iinit na naman kasi siya habang simpleng kumakain lang ang dalagang kinamay ang inihaw na isda at isinawsaw sa toyo at kalamansi na sauce bago isinubo sa maganda at masarap nitong bibig.
Napamura siya sa isip nang sinipsip ng dalaga ang mga daliri habang nakangiti at kausap ang isang tauhan niya. This made his arousal jerk inside his pants. He wanted her. He wanted those lips around his maleness, not just around her fingers.
“Oyy…” tukso ng mga teenager niyang trabahador habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Derin. “Si Sir Cairon hindi matanggal-tanggal ang tingin kay Miss Derin. Ayiee!”
Nakita niyang pinamulahan ng pisngi ang dalaga.
“Oy, huwag kayong ganyan. Nahihiya ang girlfriend ko, ah,” galit-galitang sabi naman niya.
Hayun na naman siya. Inangkin na namang nobya ang dalaga kaya nga ba kumalat na ang balita lalo na’t isinama niya itong maglibot sa hacienda. Tila ipinakilala niya talagang may relasyon ito sa kanya imbes na isa itong writer para sa biography ng tiyahin.
***
Nagpahinga lang sila ng mga isang oras doon at saka nagpaalam na sila para pumunta sa papayahan naman.
Ipinagbukas niya ng pinto ang dalaga gaya ng dati, bago siya pumuwesto sa driver seat ng pick-up truck.
“Paano mo nagawa iyon?” bigla niyang naitanong sa dalaga habang nagmamaneho.