Chapter 7

Janelle's Point of View

Andito ako ngayon sa 2nd floor at nagti-timpla nang kape. Kung hindi niya lang talaga ako pinagbantaan, aalis na talaga ako rito! Hayyy!

Sino kaya yung gwapo kanina? Matanong ko nga mamaya kay Ali hahaha.

"Sir Gutierrez preferred black coffee"

Bigla akong napatingin sa likuran ko at may nakita naman akong babaeng super sexy at halos kita na yung cleavage. Sana all may cleavage.

Napatingin naman ako sa kape ko na hindi black coffee kundi Brown coffee. Okay lang naman siguro to.

Binaliwala ko nalang ang sinabi ni girlalu at pumunta sa office ni Ali.

Agad kong binigay sa kanya yung kape.

"Oh. Inumin mo yan kahit na hindi black coffee. Wag kang choosy" sabi ko sa kanya at tsaka umupo sa couch.

Nakita ko namang hindi niya pa ginagalaw ang kape na ginawa ko kaya inirapan ko nalang siya. Tsk. Masyadong choosy.

Pero may naalala pala ako.

"Woy Ali, sino pala yung lalaking naghatid sa'kin kanina? " tanong ko sa kanya at napatigil naman siya sa ginagawa niya.

"Ha? "

"May lalaki kasing naghatid sa'kin kanina tas ang cute niya" aniya ko at ini-imagine yung mukha nung lalaki.

Grabeh! Ang cute niya talagaaaaa!

Nagulat naman ako nang malakas niyang sinara ang laptop niya. Anong problema nitong pervert na to??

*tok*tok*

Agad akong tumayo at dali-daling pumunta sa pintuan sabay bukas nito. Nakita ko naman si kuyang cute!

Nginitian niya naman ako sabay pasok habang ako naman ay natulala sa kanyang taglay na ka-kyutan.

"Here are the documents you need, Mr. Gutierrez " sabi niya kay Ali at binigay yung mga papel na dala niya.

"Shut the fuck up Caesar"

Oh! So Caesar? Oh my! May bagong crush ata ako hahahaha—

"Whatever, kuya"

Ha? Kuya? Kuya.....? KUYA?!?!

"K-kuya? " utal kong sabi.

Napatingin naman sa'kin si Caesar kuno.

"Hey there, sister-in-law" sabi niya at kumaway pa at nakita ko naman ang matalim na tingin sa'kin ni Ali.

Jusko! Ba't magkapatid sila?? Ganoon na ba ako kamalas??

"Okay. I'll get going para naman may time kayong dalawa" paalam ni Caesar saka umalis at iniwan akong malungkot.

"What's with your face? " tanong ni Ali.

"Magkapatid pala kayo nun? Sayang naman. Crush ko pa naman sana" nanghihinayang kong sagot at umupo ulit sa couch.

Nakita ko namang napa-kunot noo si Ali.

"You're 2 years older than him"

"Okay lang naman eh. Ang cute niya kasi"

Biglang naman siyang tumayo at tsaka kinorneran na naman niya po ako. Ano siya? Pulis?

"Bakit na naman ba? " inis kong tanong sa kanya.

"You're only allowed to look at me. Only on me" matiim niyang sabi at napalunok naman ako.

"O-okay... "

"Then, let's sealed it" aniya at kaagad akong hinalikan.

Medyo nagulat naman ako. Medyo lang kasi palagi na niya naman akong hinahalikan eh. Masarap din.. Chos landi!

"It's sealed. If you broke your promise, you'll be punished on our bed, babe" bulong niya sa'kin at kaagad naman siyang bumalik sa pwesto niya habang ako naman ay na star struck. Ang cool kasi niya... Jowk.

"K-kukuha lang ako nang maiinom... " paalam ko sa kanya at dali-daling lumabas nang office niya.

Hoh!

***

Pang-apat ko na tong baso nang tubig pero nauuhaw pa rin ako. Ano bang nangyayari sa'kinnn?? Lolobo ang tiyan ko niyan eh!

Napa-buntong hininga nalang ako at aalis na sana nang may humarang sa dinaraanan ko. Tatlong babae at yung isa doon, yung babaeng nagsabi sa'kin kanina na Black Coffee raw ang gusto ni Ali.

"Bakit? " tanong ko sa kanila.

Lumapit naman sa'kin yung babaeng 'Black Coffee'. Ako naman yung 'Brown Coffee'. So ayun nga, lumapit siya sa'kin at tinignan ako na para bang nandidiri.

"So, ilan? "

Ha?

"Ha? "

"Wag ka nang magmaang-maangan pa. I've been working here for 6 years pero hindi ko pa rin nakukuha ang posesyon bilang sekretarya ni Sir Gutierrez. But you? A newbie become his secretary? I'm sure, you've got some connections. So sino sa mga kakilala ni Sir Gutierrez ang na-sex mo? "

Na-sex—what?! Sinasabi ba nang babaeng toh na isa akong malandi?! Aba't!

"Hoy babae! Sa ating dalawa, ikaw ang mukhang malandi at hindi ako. Okay? " sabi ko sa kanya at iniwan siya doon na nakanganga.

Mali ka nang binabangga mo babae!

***

"Alam mo, bakit ka ba tumatanggap nang mga walang respetong employee? Nakaka-inis ah" sabi ko kay Ali na nakatingin pa rin sa laptop niya.

"It's not about the attitude. It's about the experience" sagot niya na nakatingin pa rin sa laptop niya.

"FYI, kailangan rin ang attitude noh" sabi ko sa kanya at inirapan siya pero nasa laptop pa rin yung tingin niya.

"Alam mo, kasalanan mo talaga to eh. Kung hindi mo sana ako pina-trabaho dito bilang secretary mo, wala sana akong mae-encounter na mga ingitera. Nakaka-stress lang ha! Tas imagine mo, first day ko pa ngayon pero may kalaban na ako! Mag-resign nalang kaya ako dito? "

"NO!"

Nagulat naman ako kasi bigla siyang sumigaw. Ang laking NO naman nun.

"You can't resign"

"Eh bakit naman? "

"Just you can't"

"Bakit nga? "

"Just you can't! "

"Eh ba't ka ba naninigaw?! Nagtatanong lang yung tao eh! Tsk! " sigaw ko pabalik sa kanya at kinuha nalang yung phone ko at nagbasa sa wattpad. R-18. Hihihihi.

Nagulat naman ako nang nasa harapan ko na si Ali pero mas nagulat ako nang pina-upo niya ako sa hita niya.

"Oy! "

"I'm sorry for shouting at you babe"

Hindi ko siya pinansin at nagbasa nalang ako. Langya! Bed scene!

"Hey babe.. Pansinin mo naman ako"

Tsk. Bahala ka jan. Nagbabasa ako eh! Wag istorbo.

Bigla naman niyang kinuha yung phone ko kaya nagulat ako! Bawal niyang mabasa yun! Bed scene yun oy!

"Woy akin na yan! "

Itinaas naman niya yung kamay niya kaya wala na akong nagawa kundi ang lumuhod sa may hita niya para lang maabot yung cellphone ko.

"Ouch babe. Your hurting my bottom head" aniya ni Ali kaya agad akong umalis sa hita niya.

"Akin na kasi yan" sabi ko sa kanya.

"Kiss me first"

Hala tae! Adik ba to sa halik!

"Anong kiss ka jan! Akin na kasi ya—"

Na-shock ako. Bigla niya kasi akong hinila papalapit sa kanya kaya nasa ibabaw na niya ako. At naglapit yung labi naman.

Isang araw pa lang ha pero nakaka-tatlo na siya!

*ringing~*

Aalis na sana ako sa ibabaw niya para kunin yung phone ko sa kanya pero mas diniin niya pa yung halik.

Juskooooooo!

"A-ali.. May tumatawag... " sabi ko kay Ali pero hindi siya tumigil.

Huhuhuhu...

"Ali... Baka i-importante... "

Pagkasabi ko nun, hiniwalay na sa wakas ni Ali yung labi niya sa labi ko. Hindi dahil sa sinabi kong baka importante yung tawag. Dahil yun sa naubusan na siya nang hangin.

Kinuha ko naman yung phone ko kay Ali at agad kong in-answer yung tawag nang mabasa kong sa bahay yun.

"Hello? "

"Ma'am, kailangan niyo pong umuwi ngayon"

"Bakit? "

"Andito po kasi yung lola niyo"

0_0