Chapter 2 - The Encounter

THIRD PERSON POV:)

"What?! Seriously? Me? CEO of Uphone? What the heck!" Bulalas na lamang ni Jayson Clive Sy, ang bunsong anak ni Cedric Sy at magiging tagapagmana ng UPhone Company.

"Indeed. We will be back in Philippines tomorrow." Patuloy na turan ni Diego, ang tagapag-alaga niya.

"My god! Oh my god!" Tumayo sa kinauupuan si Clive at tumungo agad sa ref. "My brother Johnser is older than me. He should be the CEO not me." Tutol niya pagkatapos binuksan ang ref at kumuha ng mineral bottle."I don't understand, why my father choose me to place on his position. It's too earlier for him to sign off." Dugtong pa niya sabay lagok ng tubig.

"At the first place, you are the heir of the Uphone. Your father has a reason why he sign off earlier and give the company to you. Please understand him." Pagpapaintindi sa kanya ni Diego.

Pagkainom nilapag ni Clive sa mesa ang tubig. "I'm too young to rule that. I'm only 22, I have no idea about that." Giit pa rin niya. Hindi niya gusto ang plano ng ama niya at hindi niya pinangarap na siya ang maging CEO ng kanilang kompanya. May dahilan kung bakit hindi siya karapat-dapat sa posisyon na iyon.

"I'm sorry. Pack all your things tomorrow. You will have a tutor there. That person will teach you to speak tagalog."

"Oh god! Another problem. You know what, you should teach me speaking in Tagalog when I was young, I think I will have a hard time learning it now." Problemadong saad ni Clive. "Hayst!" Inis na sambit nalang niya halos napakamot nalang siya sa kanyang batok. Naiinis na naglakad na siya palabas ng kusina.

Sinundan lamang siya ni Diego.

"Where are you going?" Tanong nito kay Clive nang napatigil sa sala habang siya ay pa-akyat ulit ng hagdan para maglaro ulit ng Ros. "Take some breakfast first." Sigaw nito.

"Later! I will play computer games first." Tinatamad na sagot lamang ni Clive rito at patuloy sa pag-akyat.

"On my count, one! I will tell your father you are always in front of your computer!" Pananakot nito sa kanya.

"Bleh!" Binelatan lang niya ito at natatawang nagpatuloy lang sa paglalakad.

"One!"

Tawa lamang ang tinugon ni Clive dito at tumungo na sa kinaroroonan ng kwarto niya. Tumakbo si Diego para sundan at pigilan siya. Tarantang pumasok agad si Clive sa kwarto at ni-lock ang pinto.

"Hey, Clive! Show up! You should eat your break fast." Sigaw nito sabay kalabog sa pinto na pilit pinapalabas ang makulit na si Clive.

Tumatawa bumalik na ulit si Clive sa harap ng computer at naglaro ulit ng ROS, ang larong kinaaadikan niya palaging laruin.

Napatingin na lamang siya sa bintana at nakita na lamang niya ang kanyang butler. Dumaan ito roon. Palagi nang gawain ito ng kanyang butler at sanay na siya na nag-aala-'akyat-bahay' ito.

"What do you need?" Tanong ni Clive dito nang bumaling ulit siya sa computer.

Tahimik na lumapit ito sa kinaroroonan niya. "I'm going to Philipines first." Pagpapaalam ni Dylan, ang butler niya.

"But why?" Tanong pa rin niyan habang natutok pa rin sa computer. Di na niya hahayaang matalo ulit siya tulad kanina na kagagawan ng kanyang tagapag-alaga.

"My mother experiencing a heart attack." Kalmado ang boses na amin nito.

Siya si Dylan Lorenzo, ang butler at kababata niya. Ang pamilya niya ay nagtatrabaho sa kanila. Kasama na niya ito lumaki dito. Dahil noong baby palang sila ay dinala na sila sa States kaya ngayon dito na sila lumaki.

Pagkapanganak palang ni Dylan, butler na niya ito. Siguro, iyon ang kabayaran ng pamilya ni Dylan sa ginawa ng pamilya ni Clive sa pamilya nito. Marami kasi naitulong ang pamilya Sy sa magulang ni Dylan kaya ang kabayaran ay magiging butler niya ang anak nilang si Dylan.

"Sure." Payag niya na di tumitingin dito.

Inaamin niyang hindi sila masyadong close ng butler niya. May sariling mundo si Clive, masaya na siya maglaro ng gadget hanggang maghapon o mapa-gabi. Palagi siyang nasa harap at palaging nakababad sa computer kaya iyon ang dahilan na maging adik siya sa larong Rules of Survival.

Si Clive ay kilala sa paglaro ng Ros. Kaya tinatawag siyang 'King of ROS Games'.

"Okay. See you tomorrow in Philippines, Clive."

Naglakad na ito patungong bintana at doon ulit lumabas. Nagpatuloy lang siya sa pagko-computer at hindi na niya ito binalingan ng tingin. Naka-lima na siyang pinatay at mag-aanim na.

"Yes! Your dead!" Turan niya nang mapatay niya ang kalaban sa laro sabay tawa.

JOHNSER SY POV:)

"Kalat na ang bali-balita sa Uphone building ang pagbibitiw ni Mr. Sy. At kalat din na ang bunsong kapatid mo ang papalit sa posisyon ng ama mo." Sabi ng assistant kong lalaki nang pumasok kami sa office ko.

Tumungo kaagad ako sa bintana, tumanaw sa labas. Nakahawak lamang sa noo at problemadong-problemado. Gusto kong magmura at magwala. Galit at inis ang nararamdaman ko ngayon. Akala ko, ako na ang magiging bagong CEO sa UPhone company pero nagkamali pala ako. Ang lintik kong kapatid sa States ang magmamana ng kompanyang pinapangarap kong mapunta sa akin.

Galit na humarap ako at inis na inis na inalis ko ang mga gamit na nasa mesa ko.

"Bullsh*t! BULLSH*T!" Sigaw ko sa sobrang galit at nagkalat sa ibaba ang mga gamit ko halos may nabasag na babasagin na gamit.

Tahimik lang na nakatayo ang assistant kong si Ramon halos nanginginig na ito sa takot. Takot ito sakin dahil kadalasan pag ako nagagalit, nabubuntong ko ang galit ko sa kanya.

May katandaan na rin si Ramon. I think ang edad niya ay nasa 35+ pataas na. Samantala ako, 25 palang ngayon.

Naiinis ako at nagagalit kay Papa. Ako ang panganay saming dalawa ni Clive at ako ang nakasama niya sa pagpapaganda pa lalo ng kompanya namin pero lahat na hirap at oras na tinuon ko sa Uphone, mawawala rin pala. Si Clive lang makikinabang sa pinaghirapan ko. Si Clive ang magmamana na wala naman in-ambag sa kompanya at kahit kailan wala siyang naitulong.

Wala pa siyang kaalaman sa negosyo at isip-bata pa rin siya. Dapat sa akin ibinigay ni Papa ang posisyon niya kaysa sa lintik kong kapatid na englisherong hilaw!

Pabagsak na nilagay ko ang dalawa kong kamay sa lamesa. Panay hingal ko sa galit! Sumigaw ako ng malakas dahil gusto ko pa magwala. Gusto ko makapatay ng tao.

Dinadaan ko nalang sa sigaw ang nararamdaman kong galit ngayon.

Pagkatapos ay nabaling ang tingin ko kay Ramon. Napangiti nalang ako ng pilyo na tila nagkaisip ng isang ideya.

"Halika dito." Tawag ko sa kanya habang sinesenyasan ng kamay na lumapit sa akin.

Takot na napatingin naman siya sakin. Nagdadalawang-isip pa siya kung lalapit ba siya o hindi.

"Hmm." Sambit nito halos napapalunok na ito ng laway.

"Halika nga." Nakangiting may binabalak na sabi ko dito. Lumapit na nga ito."Good. Tama yan. Lapit ka lang sa akin." Nakangiting nakakaloko sabi ko. Nang nasa harapan ko na siya, hinawakan ko ang magkabilang braso nito at inayos ang coat nito."Gusto ko makasapak ngayon. Pwede ba? Babayaran naman kita. Hmm?" Mahina kong sabi sa kanya na may tonong demonyo.

"Hm, S-sir Johnnser...." Sambit lang nito at nakita kong nanginginig na ang tuhod nito sa takot.

Natawa ako bahagya. Bumulong ako sa kanyang tainga. "Isang sampal, ang halaga ay 10, 000. Bigyan mo ko ng tatlong sapak. Ah?" Sabi ko sa kanya.

Dahil takot sakin si Ramon, wala siyang magagawa kaya nanginginig na tumango nalang siya.

Malakas na sinampal ko siya halos napasubsob ito sa mesa ko. Sinampal ko ulit siya halos napatayo siya ulit. Pangatlong sapak na napakalakas halos napahiga na siya sa sahig at nakaroon ng sugat sa may gilid ng bibig nito.

Parang baliw na naman ako na panay sigaw ko sa sobrang saya. Nailabas ko ang galit na nararamdaman ko at nabuntong ko lahat iyon kay Ramon.

Kumuha agad ako sa wallet ko ng pera. Imbes pera ang ibibigay ko sa kanya, ang ibinigay ko ay ATM card ko. Hinulog ko lang iyon sa tapat niya na kasalukuyang nakahiga pa rin siya at namimilipit sa sakit.

"Iuwi mo nalang sakin yang ATM ko. Sige. Ipalinis mo nalang itong office ko sa naglilinis dito. Bye." Paalam at bilin ko.

Naglakad na ako palabas ng office at iniwan kong ganoon nangyari sa assitant kong si Ramon. May sakit ako, di ko ma-kontrol ang galit ko kaya iyon rin dahilan ni Papa kaya ayaw niya sa akin ibigay ang kompanya.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Beth!" Tawag sakin ni Aling Doya, ang Head Janitress dito sa pinagtatrabahuan ko.

Napalingon naman ako na kasalukuyang naglilinis ako ng floor ng CR.

"Po?" Tanong ko naman.

Lumapit ito sakin."Pagkatapos mo dyan, ikaw na maglinis ng office ni Sir Johnser, anak ni Mr. Sy." Utos niya sakin."Ako na kasi maglilinis ng office ni Mr. Sy."

"Sige po. Ako na po bahala Aling Doya."

"Sige. Bilisan mo. Ayaw na ayaw ng anak ni Mr. Sy na maabutan niya na naglilinis pa rin ang naatasang maglinis sa office niya. Baka mabugbog sarado ka rin gaya nung mga naunang janitress noon." Pagbabala niya sakin.

"Bakit po?" Takang tanong ko naman. Ganun ba talaga katakot yung anak ng boss namin?

"Basta. Oh sya! Alis na ko."

Umalis na nga ito at naiwan akong curious na curious.

One month na ako nagtatrabaho dito bilang isang Janitress, nagta-trabaho ako sa Uphone Company. Grabe! Ang ganda at ang laki ng building nila. Alam nyo anong product ini-endorsed nila? Ee di, mga gadget. Number one sa kanila ang mga cellphones. Maganda ang quality ng cellphone nila. Karaniwan, lahat na nagta-trabaho dito puro Uphone gamit nilang cp.

Nakakainggit nga e. Gusto ko rin magkaroon ng cp kahit yung mura lang. Nagpapa-order na nga ako kay Aling Doya. Huhulugan ko nalang siya every monthly ng 1k. Yung bibilhin kong cp yung mura lang na cp ng Uphone. Yung 7k lang ang halaga. Maganda na, touchscreen pa.

Balita ko may isa pang kompanya na partner ng Uphone, ang Sumex. Sila naman yung ini-endorsed nila ay mga appliances like T. V, Oven, DVD, Refrigerator, etc. Magka-sosyo yung dalawang kompanya na iyon.

Ang yaman nila. Sikat na sila sa ibang bansa. Lahat na product nila kalat na sa buong bansa. Ang swerte ng mga anak nila kasi ang yayaman na nila. Di na nila kailangan magtrabaho kasi may katulong na sila saka kain-tulog nalang ang tema nila.

Hay! Sino kaya ang Papa ko? Ano nga name ni Papa? Lendo ba? Lando? Hala! Pati apelyido ni Papa limot ko din. Mama please? Ipaalala mo sakin ano pangalan ni Papa. Kakainis! Nalimutan ko! Paano ko hahanapin si Papa?

Pagkatapos ko maglinis, nilagay ko na sa lagayan ang gamit na panlinis at tinulak na ang cart.

Papunta na ako sa office ng anak ni Mr. Sy nang saktong pagliko, may lalaki ring paliko rin. Bahagyang napatingin ako dito pero di ito tumingin sakin. Deretsyo lang ang tingin nito sa daan.

Bumaling ulit ang tingin ko sa daan. Wala akong paki sa mga taong nakakasalubong ko. Kailangan ko, pera para sa pang-araw-araw ko. Kailangan ko pa maghanap ng matitirahan kasi nahihiya na ako matulog dito.

Pagkarating na pagkarating ko sa office ng anak ni Mr. Sy, nakita ko nalang lumabas ng pinto ang isang lalaki. Bahagyang nakita kong may kaunting dugo ito sa gilid ng bibig nito. Nang makita ako dali-daling tinakpan niya iyon.

"Ikaw ba maglilinis ng office ni Sir Johnser?" Tanong nito habang tinatakpan ng kamay nito ang nakita kong sugat sa gilid ng labi nito.

"O-opo." Nautal kong sagot.

"Bilisan mo maglinis." Sabi lang niya at umalis na ito.

Naiwan akong nakatingin lang dito na may tanong sa isipan ko.

"Anyari sa kanya? Johnser? Johnser ang pangalan ng anak ni Mr. Sy? Ano kaya itsura nun?" Sambit ko habang kinakausap ko sarili ko."Makalinis na nga!" Sabi ko at pumasok na sa loob para maglinis.

*****

Naghahanap na ako ng uupahan. Okay lang ata sa simpleng bahay lang basta may matirhan.

Di naman nagtagal, nakahanap naman ako. Malapit sa building na pinagtatrabahuan ko. Isang maliit lang na kuwarto at 1, 500 every month ang bayad ko. Kuwarto lang at kusina pero CR, share lang dito. May nag-uupa rin kasing iba dito hindi lang ako.

Maganda naman yung apartment na tinitirhan ko. One week palang ako dito, nagustuhan ko na kaagad.

Ayun na nga! Papunta na ako sa building dahil work ko ngayon. Umagang-umaga, ako palang ang taong naglalakad sa kalsada at nagkalat na mga jeep at bus dito.

Di ko na kailangang mag-commute dahil malapit naman yung building sa inuupuan ko. Gastos pa ng pera kaya kailangan magtipid.

Napatingin na lamang ako sa isang kainan. May pinagbubugbog na lalaki doon. Nakita kong humihingi ng pasensya ang lalaking puno ng dumi ang damit halos di na makilala ang mukha nito sa lalaking nambubugbog sa kanya.

"Ouch! I'm not a thief! I'm just watching how you cook." Sabi ng lalaking pinagbubugbog at english ang kanyang salita.

"Tarantado ka! Gusto mong nakawin ang tinitinda ko!" Galit na sabi ng lalaki sabay pinagsisipa ito.

Dali-dali naman akong lumapit dito at inawat ito.

"Kuya! Child abuse ka!"

Nagtago naman ang maduming lalaki sa likuran ko.

"He wants to kill me." Sumbong naman nito sa akin.

"Balak niyang nakawin ang niluto kong pandesal!" Galit na sabi ng tindero.

"I'm hungry!" Sagot lang ng englisherong maduming lalaking ito.

"Kuya, bibili ako ng sampung pandesal. Wag mo na siya pag-initan. Maawa naman kayo sa kanya wala siyang pamilya saka sa kalye lang siya nakatira." Sabi ko dito.

"Tsk! Sige, basta umalis na yang maduming lalaking yan!" Payag ng lalaki.

"Oo. Ako na po bahala sa kanya." Sagot ko.

Nilagay nito sa plastic ang tinapay. Binigyan ko na nga siya ng pera bilang bayad at kinuha na ang binili kong pandesal. Hinila ko na yung englisherong maduming lalaki paalis sa lugar na iyon.

Nang malayo na kami, saka ko siya binitawan.

"Kainin mo yan." Sabi ko sa kanya sabay bigay ng pandesal.

"Thank you." Halatang hasa sa english na pasasalamat niya sakin. Kumain naman agad ito ng pandesal. Nagtatalon-talon ito sa sobrang sarap ng kinakain nito."Yummy!" Tuwang-tuwa na sabi pa niya.

"Ano pangalan mo?" Tanong ko dito habang nasa gitna ito ng pagkakain.

"What? What did you say?" Tanong nito.

"Letche! Di ba ito marunong magtagalog?" Sa loob-loob ko."I said, what is your name? You name?" Ulit ko. Takte! Napa-english na rin ako.

"I don't know? I don't know who I am and how I got here." Halatang walang naalala na sagot nito.

"What?!!"

May amnesia siya?