Chapter 22 - First Kiss
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Rose Padilla? Tama ba?" Sabi ko nang makita ko siya sa locker room at kakabihis lang niya. Mag-aalas 7 na ng gabi at tapos na ang trabaho namin.
Siya yung jannitress kanina na nagsabi sakin kanina na mag-iingat ako dahil first day ko sa trabaho ko kay Sir Johnser bilang personal taga linis ng office niya. Ewan ko pero alam ko may pinagdaanan siya noon kay Sir Johnser.
Cold ang mukha na tumingin ito sakin. Tumango lamang ito.
Binuksan ko rin yung sariling locker ko. Magkalapit lang naman yung locker naming dalawa.
"Ilang month kana pala nagtatrabaho dito?" Panimulang topic ko at hinubad na ang damit na suot ko para magpalit.
"Eight months palang. Kaw?" Sagot at tanong nito habang hinuhubad ang pang-ibaba nito.
"Magto-two months palang." Sagot ko."Ilan taon kana pala?" Tanong ko pa rin.
"Twenty na ako nung nakaraang linggo pa. Kaw? Mukhang ikaw ang pinakabatang jannitress dito ah?"
"Hmm, magna-19 palang ako next week. Tanda ko na, di na ko bata." Sabi ko sabay tawa.
"Maiwan na kita. Bye." Paalam na nito at tapos na pala ito magbihis.
"Ingat ka, Rose." Paalam ko.
Lumabas na nga ito dala ang itim na back pack na ito na alam ko damit niya ang nasa loob niyon.
Doon na nga ako nagbihis para makauwi na rin. Baka naghihintay na sa labas si Ros. Malulungkot na naman iyon sa kakahintay sakin. Baka kasi mag-aalala na naman iyon.
*/////
"Ouch! My head is aching, Lady Beth." 0arang bata na sabi nito sabay turo pa sa noo niya.
Nakaupo ako sa sahig ng sala habang abala na tinutupi ko yung mga damit namin. Kakatuyo lang kasi.
"Why it hurts? What did you do?" Tanong dito sabay tupi sa short niya.
"I'm saving money. I want to buy you a phone or we both had a phone so we can call each other every time. Because I really want to hear your voice, Lady beth." Maamong mukha na sabi nito.
Ewan ko pero kinikilig talaga ako e. Kahit may pagka-isip bata ito si Ros, iba talaga ang nararamdaman ko pag nagsasalita siya. Yung puso ko nagtatalon sa tuwa pag nakikita at naririnig ko sa bunganga niya na tinatawag ako.
"Idiot! Take a rest. Maybe it's lack of sleep so your head hurts." Natawang sabi ko dito.
"It's really hurts." Aabi pa rin nito.
Nakita kong naka-pout ito habang nangingislap ang mata na para bang puso na nagmamakaawa.
"Lady Beth." Tawag nito at halata ngang nagmamakaawa siya.
"Hays! Come here..." Tawag ko dito. Di ko siya matiis e.
Tuawang-tuwa na lumapit naman ito sakin. Naupo ito sa sahig at humiga sa lap ko. Sabi na e! Gusto niya magpahilot ng ulo niya. Loko 'to!
"Where is hurt?" Tanong ko dito habang hinihilot ang ulo niya.
"All." Sabi niya sabay pikit ng mata.
"Hey! Don't sleep, okay? I can't easily wake you up." Sabi ko sa kanya.
"Okay." sabi nito.
At hinilot ko na nga siya. Maya-maya pa napahinto ako sa paghilot nang pagmasdan ko ang mukha ni Ros. Naaakit ako sa kaguwapuhan niya. Ba't ang swerte ko? Totoo ba ito? Naka-ampon ako ng napakaguwapong lalaki?
Ang lips niya, nangingintap na namamasa. Ang sarap halikan na para bang nakakaakit siyang halikan. Di ko alam dumampi ang hintuturo ko sa labi niya. Dahil doon bumalik ang matinong isip ko halos natigilan ako sa akin kinagagalawan.
Dahil sa ginawa ko, nagising si Ros. Dahan-dahan dumilat siya at nagtama ang aming mga mata. Di ko alam ano sasabihin kong rason. Medyo natataranta ako at hindi alam ang gagawin. Di ko alam bakit ginawa ko iyon.
Bumangon sa pagkakahiga si Ros halos kinabahan ako lalo. Nakita kong nakatingin pa rin ito sakin habang nakaupo. Di ko maiwasang tingnan siya ng deretsyo sa mga mata niya. Kita ko sa mga mata niya ang pagiging seryoso. Ewan ko pero di ko mabasa ang nasa isip niya. Habang tumatagal umiiba ang tinginan naming dalawa. Yung puso ko kumakalabog na naman na akala mo'y may aso't pusa na naghahabulan. Di ko alam unti-unting lumalapit ang mukha niya sakin.
Di ko na alam ang nangyayari. Dumampi nalang sa aking mga labi ang malambot niyang labi. Ngayon ko lang na-realize na hinalikan ako ni Ros. Dahil sa nararamdaman ko ngayon, naipikit ko ang aking mga mata.
This is my first kiss at si Ros ang nakakuha iyon.
*////
"Lady Beth! Lady Beth!"
Naririnig kong parang may tumatawag sakin. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata.
"Wake up!" Boses iyon ni Ros ah?
Dali-daling bumangon ako sa pagkakahiga at gulat na lumingon-lingon ako sa paligid ko. Nang maalala yung kagabi, hinawakan ko yung lips ko.
"Nag-kiss kami? Kiniss ako si Ros?!!" Gulat na sabi ko sa isip."What happened last night?" Tanong ko dito.
"You sleep on sofa I didn't wake you up because you are really sleep." Sagot nito.
"Sleep? So we didn't...?" Sabi ko at pilit tinuturo ang lips ko.
Napataas ang isang kilay na tinuturo din ni Ros ang lips niya na di niya ma-gets ang ibig kong sabihin.
"Of what?" Takang tanong nito.
"Ki-ki...? Hmmm, ano uhm..." Di ko masabi-sabi kasi parang naiilang akong sabihin.
"Ah?" Turan lang nito na di alam talaga ano ang ibig sabihin ko.
Wait! Di niya alam? So, panaginip ko lang iyong nag-kiss kami ni... niya?
"Yes! Salamat naman. Wiw!" Turan ko nalang nang ma-realize na panaginip ko lang lahat iyon.
Mas lalong napakunot-noo si Ax dahil di niya na-gets ang sinabi ko.
"Ah?" sambit lang nito.
"Nothing. Let's go we need to prepare breakfast." Tuwang sabi ko at bumangon na sa pagkakahiga sa sofa."You go bath first. After you take bath, I will follow." Sabi ko pa dito.
"Okay." Nakangiting sabi nito at tumayo na sa pagkakaupo sa sahig. Parang batang gumalaw na kinuha ang tuwalya na nakasabit.
Tumungo na ako sa kusina para magluto ng almusal namin.
THIRD PERSON POV:)
Pagkakuha ng tuwalya ni Ros bago pa man siya lumabas ng pintuan, lumingon pa siya sa kanyang likuran para pagmasdan si Elizabeth na bahagyang iniipit na nito ang buhok nito na pa-ponytail.
Pagkaipit saka na ito naglakad papuntang kusina.
Bahagyang may gumuhit na ngiti sa mga labi ni Ros nang maalala ang kagabi.
* * FLASHBACK * *
Napapansin ni Ros na panay hawak sa batok si Elizabeth sabay hilot pa. Napansin niyang pagod na pagod ito sa trabaho nito.
Naisipan niyang magpahilot dito at hinilot naman siya nito halos sinantabi muna niya ang pagtutupi ng mga damit.
Marahan pinikit ni Ros ang kanyang mga mata nang simulan na siyang hilutin nito. Dama niya sa mga kamay nito ang pagod halos di gaano niya dama ang bawat hilot nito sa ulo niya.
Napadilat nalang ng mga mata si Ros nang naramdaman na dumampi ang daliri ni Elizabeth sa kanyang mga labi. Nakita niyang bakas sa mukha nito ang pagkataranta.
Napatitig naman si Ros sa labi nito na napapakagat labi pa kaya mas nakakaramdam siya sa loob-loob niya na naaakit siya sa magandang labi ni Beth.
Bumangon siya sa pagkakahiga sa lap nito at marahang tinitigan ng seryoso ito. May nabubuo nang kakaiba sa titigan nila halos di niya alam na para bang sasabog na ang puso niya sa kakaibang nararamdaman niya.
"Do I have a feelings for you?" Sa loob-loob turan ni Ros at nalilito na sa kanyang nararamdaman.
Naalala niya ang mukha ni Beth na nakangiti sa kanya. Kung paano ito ngumiti ng napakatamis, tumawa ng malakas at ngumiti ng natural. Mas lalong lumalakas ang tibol ng puso niyang iyon nang maalala iyon.
Isa lang ang sinisigurado niya. May nararamdaman na siya kay Elizabeth.
Dahan-dahan niyang nilapit ang kanyang labi sa labi ni Beth. Nang dumampi mas lalong nabaliw ang nararamdaman niya. Dahil doon nalaman na niya ang kasagutan na matagal na niyang gusto malaman. Gusto niya si Elizabeth matagal na.
Hinawakan na nga niya ang magkabilang pisngi ni Beth at bahagyang gumalaw na ang kanyang labi para halikan ito. Nang bahagyang humiwalay siya dito, napansin niyang nakatulog si Beth. Napatawa nalang siya dahil nakatulog na nga ng tuluyan ito.
Binuhat niya ito at hiniga sa sofa. Pagkahiga, hinawakan pa ni Ros ang pisngi nito.
"I think, I'm inlove with you, Lady Beth." Mahinang turan niya sabay ngumiti ng napakatamis habang nakatingin dito na tulog na tulog.
Marahang hinagkan niya ito sa noo bilang tanda na sa kanya lang ang babaeng ito.
**End of Flashbacks**
Nang maalala niya lahat iyon, napangiti na lamang siya. Saka na siya tumalikod at binuksan ang pinto.
Okay lang sa kanya na isipin ni Beth na isang panaginip iyon. Dahil pag naalala niya, panigurado may magbabago sa kanilang dalawa. Mas mabuti nang di niya alam para mas lalo siyang mapalapit dito.
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Papunta na nga ako sa trabaho ko. Di ko na pinapasama sakin si Ros kasi alam ko maaga na naman akong uuwi pero kasama ko siya ngayon. Hinahatid niya ako papuntang labas para maghantay na rin ng bus.
Lahat na nadadaanan naming mga bahay, kilala siya. Kahit nga yung tindera doon sa harap ng apartment namin yung may-ari ng computer shop, kilala na din siya. Ewan ko pero sadyang pala-kaibigan lang ata siya.
"Ros, can I ask you a question?" Tanong ko sa kanya nang hawakan ko bahagya ang wrist niya para maagaw ko ang atensyon niyang nasa mga taong nakakasalubong namin.
"Yes?" Nakangiting tanong niya. Di ko maikakaila, guwapo talaga sya. Sa simpleng ngiti lang niya, umaapaw lalo ang kaguwapuhan niya.
"Those people we passed by, why did they know you and you know them? What did you do when I'm in work?" Seryosong tanong ko dito. Nako-curious na kasi ako baka napasama siya sa mga adik. Ayaw ko maging adik si Ros lalo na't pinapatay na sa panahon ngayon ang mga drug pusher at drug user.
"ROS." Tipid niyang sagot na may ngiti parin sa kanyang mga labi.
"Ah?" Napataas isang kilay na turan ko lang."R-ros?"
Tumango siya na nakangiti pa rin. Di ko ma-gets ang ibig niyang sabihin. Nakilala siya dahil ba sa Ros ang pangalan niya? Iyon ba ang ibig sabihin niya?
"Lady Beth, my tropa wants to know you and ipapakita ko sayo yung raket namin. The reason why I have money." English na sagot niya pero may mga tagalog nang kasama. Unti-unti na siyang natututo ng ibang salitang tagalog.
Kung sino man iyong mga kaibigan niya, nagpapasalamat ako sa kanila dahil natuturuan na nilang mag-tagalog si Ros sa panahon na wala ako at busy ako. Mabuti at may naging kaibigan siya ng mabait tulad nila.
"Sure." Sagot ko dito.
Bumaling na ulit ako sa daan nang napahinto ako sa paglalakad. Hinawakan ni Ros ang wrist ko.
"Oh." Sambit niya nang makitang suot ko yung sapatos na binili niya sakin. Kumikislap ang mata sa tuwa nang makita niya na suot ko ang regalo niya sa akin."It fits with you." Nakangiting sabi nito.
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Ewan ko pero feeling ko nakakakilig iyong sinabi niya. Ang babaw ng kaligayahan ko.
"Thank you." Di makatingin sa kanya na pasalamat ko. Feeling ko namumula na ang pisngi ko.
Naglakad na nga kami ni Ros nang bahagyang napatingin ako sa may likuran namin. Di sinasadya na may nakita akong di pamilyar na lalaking nakaitim na parang sinusundan kami.
Nang makita ko siya dali-dali itong nagtago. Di ko maintindihan kung sino tinataguan niya. Nakakahinala baka holdaper siya. Naka-itim siyang damit, jacket at naka-sombrero pa. Kahina-hinala siya sa ayos niya.
Dali-daling hinawakan ko ang kamay ni Ros at binilisan ang paglalakad.
"Let's go, Ros." Sabi ko sa kanya at hinihila siya.
"W-why?" Takang tanong lang niya.
Di ko siya sinagot basta binilisan ko lang ang paglalakad ko habang hinihila si Ros.
*/////
Kakarating ko lang sa company. Nasa locker na ako ng mga jannitor at jannitress para magbihis na. Mabuti at nakarating ako ng tamang oras. Di ako late ngayon.
Nakita kong kami lang ni Rose yung tao ngayon sa locker room kaya habang bino-botones ang damit, nilapitan ko siya na nagsusuot palang ng uniporme namin dito.
"Rose?" Tawag ko sa kanya.
"Bakit?" Halatang badtrip na sagot lang niyo.
Gusto ko siyang maging kaibigan pero di ko alam paano ko sasabihin sa kanya na di ko sinasabi na makikipagkaibigan ako sa kanya.
"Nag-almusal kana?" Tanong ko dito.
"Oo." Seryosong sagot pa rin niya. Halatang wala talaga siya sa mood. Sabi kasi ng ibang matatandang jannitor at jannitress dito, ang hirap daw kaibiganin si Rose. Parang palagi raw may period kasi ang init ng ulo saka basta!
"Ah." Patango-tango ko lang sabi.
Nang matapos na niyang masuot ang damit, sunod naman na inipitan niya ang kanyang buhok.
"Busog kana?" Oh sh*t! Bakit mo tinanong ng ganun, Beth? Ang tanga mo! Nakakahiya ka.
Nakataas-kilay na dahan-dahan akong tiningnan nito halos nahinto ito sa pag-iipit ng buhok. Nakakagat labi lang na nakatingin ako dito. Baka susupladahan ako nito, patay ako.
Maya-maya nalang humagalpak nalang ng tawa si Rose halos lumugay ulit ang buhok niya dahil nagpapalakpak siya habang tumatawa.
"B-bakit?" Takang tanong ko dito.
Panay tawa lang nito habang turo-turo ako. Nang sasabihin na sana niya ang dahilan na tumawa na naman siya. Ngayon ko lang siyang nakitang tumawa ng ganoong kalakas.
"Anong klaseng tanong yan? Hahaha!" Natatawang sabi nito."Nagtatanong ka pa ng ganyan bakit di mo nalang deretsyahan ako. Gusto mo maging kaibigan ako, di ba?" Natatawa pa rin na sabi nito.
Tumango ako. Sana pumayag siya please?
Nakita kong nag-isip pa ito.
"Pwede ba?" Dugtong ko pa.
Tinitigan muna ako nito. Baba hanggang taas na para bang sinusuri ako nito. Umayos ako ng tayo at ngumiti ng napakalaki halos pinakita ko na sa kanya yung kompleto kong mga ngipin.
"Nakikita kong mabait ka naman, maayos saka halatang masayahing tao ka," Suri niya sa akin."Pero..."
"Pero?"
"Halatang iyakin ka. Ayaw ko sa mga taong mga emosyunal." Prangka niya halos lagpasan pa ako nito. Palabas na sana ito ng locker room nang tumalikod ako para kausapin pa siya.
"Matapang ako!" Sabi ko sa kanya ng buong tapang."Matapang ako! Kung tingin ng ibang tao na mahina ako, pwes, matapang ako! Nabuhay ako sa Manila na walang tumutulong sa akin at walang kamag-anak dito. Matapang ako dahil kahit mahirap manirahan sa syudad na ito, andito ako nakikipagsapalaran." Seryosong pahayag ko.
Napahinto naman ito sa sinabi ko. Hinihintay ko siyang lumingon at halatang di pa sapat ata ang mga sinabi ko. Maya-maya lumingon ito na may ngiti sa mga labi.
"Okay. Let's be friends." Aniya."Bye, maya ulit." Nakangiting paalam niyo at lumabas na ng room.
Pagkalabas niya, doon ako nagtatalon-talon sa duwa.
"Yes! May kaibigan na ako. May kaibigan na ako! Kaibigan ko na si Rose. Yes!" Tuwang-tuwa na sabi ko. Sumayaw-sayaw pa ako ng moves ni Jollibee, yung pwet na pinapa-kembot. Sinarado ko na nga ang locker ko habang kumakanta na di ko alam kung tama ba yung lyrics ko. "Lakas tama ako'y nawawala. Nawawala ang puso ko pag nakasama sinta!"
Di ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Basta masaya ako dahil kaibigan ko na si Rose.