Chapter 15 - Sweet Words
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Nagising nalang ako sa ingay. Rinig kong para bang may nagsisigawan sa labas. Siguro nag-aaway na naman yung laging lasing dito sa barangay namin. Kaaway nito ang asawa dahil pinapagalitan na naman ito dahil puro inom nalang ang inaatupag.
Bumangon ako sa kinahihigaan at napahikab. Pagkatapps ay napakamot ako sa gusot kong mga buhok. Sabay tingin sa maliit na bintana kung saan tumatama na sa aming kama ang sikat ng araw.
Nakita kong bumangon na rin si Ros sa pagkakahiga halos humikab pa ito ng malakas. Sabay tingin sa akin na halatang antok pa rin. Kahit gusot ang buhok niya, di pa rin nawawala ang kaguwapuhang tinataglay niya.
"Good morning." Bati ko kay Ros.
"Goodmorning too." Walang buhay pero tono pa rin ng isang bata.
Napakunot-noo na lamang ako dahil kakaiba ang tingin niya sakin. Sumasabay ang kakaibigang titig niya ang bibig niya na nagpa-pout. Nagulat nalang ako nang lumapit sa akin bahagya si Ros at napasinghap ako ng bahagya nang nilapit niya ang mukha niya sakin. Halos di ako makatingin sa kanya dahil ang lapit ng mukha niya sakin.
Ramdam ko ang hininga niyang tumatama sa aking pisngi at di ko maisawasang magulat sa ginagawa niya. Ang lapit ng mukha niya sakin. Feeling ko ang kunti ng space, mahahalikan na niya ako.
Yung puso ko kumikislot na naman. Umiinit ang paligid ko ngayon at yung tiyan ko parang may problema. Parang may paru-paru na nagliliparan doon. Feeling ko namumula na ako.
"W-why?" Bahagyang nautal na tanong ko dito at ramdam ko pa rin ang tensyon na iyon. Di ako sa kanya makatingin dahil ang lapit pa rin ng mukha niya sakin.
Di siya umimik. Dahan-dahan tiningnan ko siya kaso di ko maigalaw ang mukha ko kundi ang mata ko lamang. Isang galaw ko lang, magdidikit mga labi namin.
"Why? There's any problem, R-ros?" Bahagyang nanginig ang boses ko na tanong ko dito.
Umayos na ito ng upo. At mabuti nakahinga na ako ng maluwag. Di na malapit ang mukha niya sakin.
Takang tinitigan ko siya. Pero nararamdaman ko pa rin ang init ng mga pisngi ko.
"You don't have a work?" Tanong nito.
"Work? Why----" Nanlaki mata nalang ako nang maalala na may trabaho pala ako ngayon."Luh! Anong oras na? Late na ko!" Nanlalaking mata na sabi ko agad at dali-daling bumangon.
Dali-dali sinuot ko ang tsinelas kong panloob ko at kinuha agad ang tuwalya sa kabinet kong maliit. Nagmamadaling lumabas na ako para maligo.
Tae! Ba't late na ko nagising? Mag-aalas 6 na pala ngayon. Mali-late na ko! Napasarap tulog ko sa kakatitig kay Ros kagabi habang himbing na himbing ito matulog.
**Flashbacks**
"Why are you here in Manila? Lady Beth, are you looking for someone or something?" Tanong ni Ros sakin habang nakahiga kami sa kama kagabi at nakasulyap kami pareho sa kisame.
"I'm here to find my father, Ros. My mother told me to find my real father here. I live in the province without my father. My only guide when I was in province is my mother. I was grown in there. That place is my real home." Kwento ko dito.
"Did you found your father?" Tanong pa rin nito nang humiga ito ng paharap sakin. Bahagyang nakatingin siya sakin habang nakatanaw lang ako sa kisame.
"Not yet, I forgot his real name. My mother told me his real name but I forgot it. I don't know where to start finding my father." Kwento ko pa rin sa kanya.
"Why are you here in Manila? Are you looking for someone or something?" seryosong pangako niya sakin.
Tiningnan ko siya at ngumiti ito ng natural lang. Hinawakan niya ang kamay ko at nagpinky promise kami.
"Don't worry, Lady Beth. I will help you to find your father." Seryosong pangako ni Ros sakin halos napatitig ako sa kanyang mga mata. Mukhang seryoso si Ros sa sinasabi niya na tutulungan niya ako hanapin si Papa.
Ang mga mata niya na nagsasabi na nagsasabi siya ng totoo at gagawin niya ang pinangako niya sakin. Yan nagugustuhan ko kay Ros. Tutuparin niya kung ano pinangako niya. Gagawin niya iyon dahil kagustuhan niya akong tuluyan.
Salamat at nakatagpo ako ng katulad niya. Kahit isip-bata siya, marunong siyang magtupad ng pangako. Alam kong gagawin niya ang pinangako niya sakin dahil siya na nagsabi na di niya ako bibiguhin.
Nginitian ko siya ng tama lang. Ngumiti rin si Ros halos kita na lahat ng ngipin niya.
"Sleep, Ros. It's too late in evening." Sabi ko sa kanya.
Umayos na siya ng higa pero nakatagilid pa rin siyang higa paharap sakin.
"Good night, Lady Beth." Sabi niya sakin.
"Good night, Ros." Sabi ko rin sa kanya at doon na niya pinikit ang mga mata niya.
Umayos na ako ng higa. Tumingin muna ako sa kisame bago dahan-dahan pinikit na ang aking mga mata.
Ilang oras na ako di makatulog. Halos di ko alam kung tatagilid ako o patalikod ng higa o kaya naman hihiga nang straight. Ewan! Di ako inaabutan ng antok. Mukhang gising na gising pa rin ako.
Tumagilid nalang ako ng higa at bahagyang napatitig ako kay Ros. Nakahiga rin siya paharap sakin kaya namamasdan ko ang kaguwapuhan niyang mukha.
Kahit tulog siya, nag-i-stand out pa rin ang angking kaguwapuhan niya. Yung mata niyang nakapikit, mahahabang pilik-mata niya, ang buhok niyang bahagyang mahaba-haba na ng kaunti halos parang may bangs na siya, kilay niyang di bahagyang makapal kundi tama lang, ang ilong niya na napakatangos halos kumikislap pa ang kutis niya sa kaputihan at ang lips niyang napaka-pula na parang ang sarap kagatin.
Di ko namalayan, dahan-dahan kong hinawakan ang mukha ni Ros. Pagdikit lang ng kamay ko sa pisngi niya nakaramdam ako ng kaunting kuryente pero agad nawala iyon. Bahagyang hinahaplos ng mahina ng hinlalaki ko ang mukha niya halos nakita ko nalang ang sarili ko na nakangiti sa ginagawa ko kay Ros.
Agad inalis ko ang kamay ko na nasa mukha ni Ros at bumaliktad ng higa patalikod kay Ros.
"Baliw ka, Elizabeth! Bakit mo hinawakan ang mukha ng estrangherong iyon?! Wag mo yan pagnasaan. Tss!" Sabi ko sa sarili sa mahinang boses sabay pinalo-palo ng kamay ko ang kamay kong nagtaksil.
"Di naman masamang pagmasdan ng natutulog siya ah?" Parang may traydor sa sarili ko na narinig kong sabi sa isip ko.
Napaisip tuloy ako. Tama naman. Di naman masamang titigan siya habang tulog ah? Pero ang mali ko lang kasi hinawakan ko ang mukha ni Ros. Basta! Di ko na yun uulitin.
Nakapagdesisyon na bumaliktad ulit ako ng higa paharap kay Ros. Parang naging unan ko ang kamay ko habang nakatitig sa mukha ni Ros. Di ko alam bakit mas komportable akong mahiga ng ganito yung kaharap ko si Ros. Feeling ko makakatulog ako ng mahimbing nito.
Nakatitig lang ako sa mukha ni Ros nang maalala yung sinabi niya sakin kanina.
"Thank you." makahulugang sambit ni Ros sakin.
"Ah? Why?" takang tanong ko.
"I'm thankful to have you. When my memories back, I won't leave you and I hope we can still like this even there's a pillow between on us, it's fine. I'm happy to see your face before I sleep." Pahayag ni Ros na buong damdamin. Dahil sa sinabi niya, nanlalambot ang puso ko. Yung tipong tumibok ng malakas na naman ang puso ko dahil sa kanya.
Napangiti ako nang maalala iyong sinabi niya. Hinawakan ko ang kamay ni Ros na nasa unan na nakakapagitna samin.
"Kahit di kita kilala parang nakilala na kita noon pa. Bakit ang sweet mo? Siguro sa mundo mo, mayaman ka saka galing ka ata sa ibang bansa. Pero mukhang pilipino ka naman at di ka naman mukhang foreighner pero ang guwapo mo. Nagmula ka ata sa mayamang pamilya."ahinang kausap ko sa sarili ko."Sino ka kaya? Sa dating mundo mo kaya may asawa kana? Ilan taon kana? Kasing edad ba kita o baka mas matanda ako sayo? Bakit isip-bata ka? Siguro di ka ganun. Pag wala kang amnesia, ang binata ng galaw at salita mo..." Naka-pout na sunod-sunod kong tanong.
"It's fine if I get sick. I will be crazy if you got sick cause I don't know what to do, my Lady Beth." Parang naririnig ko yung boses ni Ros nang sabihin niya yun sakin kanina. Yung hinintay niya ako sa waiting shed halos basang-basa na kami sa ulan.
Kinikilig na naman ako parang timang. Di ko maiwasang di ngumiti ng napakalapad. Tinititigan ko ulit ang mukha ni Ros.
"Thank you for coming to my life. Sana sa pagdating ng araw, pag bumalik na ang alaala mo, di mo ko iiwan... Ros." madamdaming sabi ko.
At nakapagdesisyon na matulog na. Doon ko na ipinikit ang mga mata ko at natulog akong mahimbing na mahimbing.
**End of Flashbacks**
Nang maalala kagabi yung katangahang ginawa ko, naikamot ko nalang ang ulo ko habang nasa bunganga ko ang toothbrush at nasa harapan ng salamin.
Tinuon ko na sarili ko sa pagto-toothbrush. Pagka-toothbrush, kinuha ko na ang tuwalya na nasa gilid at nilagay sa balikat ko.
"Ros, you know how to cook noddles, right? That is our breakfast today. Cook it. I need to take a bath." Sabi ko kay Ros nang makitang nasa gilid ko siya at nakatingin sakin.
"Okay, Lady Beth." Sabi niya.
Lumabas na nga ako ng kuwarto dala ang shampoo at sabon na nasa lagayan. Kailangan ko na maligo dahil mali-late na naman ako. Papagalitan na naman ako nito ni Aling Doyang.
JOHNSER SY POV:)
Pumasok na ako sa Elevator kasama si Diego at si Dylan. Papunta kami sa ibaba para salubungin ang mayamang bisita namin ngayong araw.
Kailangan namin siyang makumbinsi at pumirma sa kontrata.
"Mr. Kailes is on his way." Sabi ni Diego habang hawak ang laptop.
"We need to convince, Mr. Kailes. So in doubt for my father to trust me." Sabi ko sa kanila."If I can't convince Mr. Kailes, all the trust of my father will be ruined and there's a great chance he will not agreed to give his company on me. I really need to convince, Mr Kailes."
Pag di ko makuha si Mr. Kailes, masisira na lalo ang tiwala sakin ni Papa. Posibleng di na nya sakin tuluyan ibigay ang kompanya kaya kailangan ko makuha ang loob ng Investor na si Mr. Kailes.
Ayaw kong si Clive nalang ang palaging tama at magaling. Gusto ko rin bumilib sila sa akin.
Pagkabukas ng Elevator, lumabas na kami at saktong lumabas rin ng kabilang Elevator si Tito Andrew. Sumabay na kaming dalawa sa paglalakad.
"Don't ruined your father trust on you, Johnser. Do your best to convince Mr. Kailes." Sabi ni Tito sakin habang naglalakad kami.
"Yes, Tito. I won't disappointing you." Matatag na sabi ko.
Tinaptap lang ni Tito ang balikat ko at bumaling na kami sa daan at doon na namin hihintayin sa labas si Mr. Kailes.
ANDREW YU POV:)
"Thanks for coming. Welcome to Uphone company." Sabi ko sa foreigner na si Mr. Karles, ang isang British-American. Nandito siya para maging isa pang Investor namin.
Nakipag-shakehands lang ito habang nakangiti. At nakipagkamayan rin ako sa Secretary nito at iba pang kasama nito.
"This is Johnser Sy, the future owner of this company. He will lead you to meeting room." Sabi ko dito na may ngiti sa mga labi.
Nakipag-shake hands si Johnser sa mga dito.
"I will assure you, Mr. Kailes you will like our product." Pasasalamat ni Johnser dito pagkatapos makipagkamayan.
"Let see." Nakangiting sagot ni Mr. Kailes.
"This way."
Sumunod na nga ang mga ito kay Johnser at ako naman ay nagpaiwan. Nakatanaw lang ako habang papaalis ito.
"Makukuha kaya ni Sir Johnser si Mr. Kailes?" Boses iyon ng Assistant ko habang pareho kami nakatanaw dito.
"He must convince, Mr. Kailes. If he failed to convince the investor, his father image will be ruined again." Sabi ko.
Tumalikod na nga ako palabas ng building. Kailangan ko muna pumunta ng restaurant dahil may gusto makipag-usap sakin. Sumunod lang sakin ang Assistant ko.
"It's 8 am and Mr. Lopez text me he's on his way where the both of you will meet.'" Sabi ng assistant kong lalaki na si Arnel Callejo. Medyo may edad na rin ito at kasama ko na ito nung bata palang ako. Siya na ang naging kaibigan at pamilya ko. Magkasing-edad lang kami niya.
Pinagbuksan ako ng pinto nito ng kotse at pumasok na sa backseat. Pagkasara nito, tumungo na ito sa frontseat para doon maupo.
Bago pa man umalis, napatingin ako sa bintana at nakakita nalang ng lalaking pamilyar sakin. Naglalakad habang nasa mga bulsa ng pantalon ang mga kamay.
Halos nanlalaki mata ko nang tinitingnan ito.
"Si Clive ba yun?" Sambit ko sa pagkagulat. Multong Clive ba ang nakita ko?