Chapter 39.2
Mabilis niyang tinapos ang pagliligo. Inabot niya ang tumalya sa gilid ng pinto at itinapis sa katawan niya. Lumabas siya nang banyo.
"Oh shocks, Gideon!" bulalas niya nang makita niya itong nakatungong nakaupo sa paanan ng kama. "I thought you'll wait outside?"
Nag-angat ito ng ulo at kunot-noong pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. Mabilis naman niyang pinagkrus ang mga braso sa dibdib. Bumuntong-hinga si Gideon at tumayo. "Nasa kama ang damit mo. Mag-usap nalang tayo sa ibaba." Humakbang ito palapit sa pinto.
"Sandali!" pigil niya. Huminto ito sa paghakbang pero hindi lumingon sa gawi niya. Huminga siya nang malalim. "Walang hidden cameras itong kuwarto mo, right?"
"Silly. Just wear your dress and come outside." Tuluyan na itong nakalabas ng kuwarto.
Humawak si Jewel sa dibdib at impit na tumili. Kahit hindi niya nakita ang mukha nito ay alam niyang nakangiti ang asawa habang sinasabi 'yon. And she's happy that she makes Gideon smile. Even though she sounds like idiot while asking.
Masaya niyang sinuot ang bestidang hinanda ni Gideon. Kung may hidden camera man o wala, wala na siyang pakialam. Sabagay, ang asawa lang niya ang makakakita ng footage kung meron man.
Patakbo siyang lumabas ng kuwarto at bumaba sa hagdan. Malapad ang ngiti sa mga labi niya. Masaya siya. Walang pagsidlan ang saya sa puso niya!
Pero unti-unting napawi ang ngiti sa mga labi niya nang may mapansin siyang kakaiba sa entrada ng bahay. Mabilis siyang humakbang pababa at nilapitan ang malalaking box sa may pintuan.
Napasinghap siya. Tinakpan ang bibig.
Nasa loob ng box ang erotica books niya!
"I thought you're done reading those stuffs, Jewel. What have I told you? Stop reading those kind of books. Yet, here they are at your front, ready for disposal."
"W-What? Disposal?" Mabilis siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo ng ilang hakbang si Gideon. Nakahalukipkip at nakakunot ang noo. Lumunok siya. "H-How did you find them?"
"You guess, wife. Under the bed is not really a good place to hide those lustful things."
"What will you do to my b-books?" Nanginig ang kamay niya sa nerbiyos. She never thought that Gideon will someday find her books. Hindi niya napaghandaan 'yon.
"I'll burn them."
Lumunok na naman siya. Mas lalong nanginig ang mga kamay kaya tinago niya sa likod. "N-No. Don't do that."
"And why would I follow you, Jewel, when you can't even follow your husband's words?"
Nanubig ang mga mata niya. She has grown reading that kind of books. In fact, naging parte na ng buhay niya ang pagbabasa ng erotica. At pakiramdam niya, hindi kompleto ang araw niya kung hindi siya makababasa niyon. Heck, she'll die if Gideon burn them!
"No," mariing tanggi niya. Sumama ang tingin niya kay Gideon. "You can't burn them. I will not let you do that!"
Mas lalong nagsalubong ang dalawang kilay ni Gideon sa inasta niya. She gritted her teeth and her stare sharpen towards her husband. Erotica is her life! Those lustful books makes her happy. Why do people like Gideon wouldn't understand that?
"Jewel," babala ni Gideon.
She growled. She hissed. She looks dangerous with her gaze. "Don't touch my books. Never ever touch my books. Understand?"
Nangunot ang noo ni Gideon at napaikhim. "What's with that look, Jewel?"
Doon natauhan si Jewel. Tumayo siya nang tuwid saka kunot-noong tumitig kay Gideon. "Don't touch them!" aniya saka pinulot ang may kalakihang box.
Nagmartsa siya pabalik sa hagdanan habang bitbit ang box. Kahit medyo nahihirapan ay sige pa rin siya sa pagbitbit. Inirapan pa niya si Gideon at nilampasan ito.
She should know that her husband will find her books. Lumabi siya. Akalain ba niyang naiwan pala sa bahay ni Gideon ang mga libro? Isang linggo siyang wala sa bahay nito at masyado siyang nabulag sa kilig kagabi kaya kung ano-ano na lang ang hinihingi niya rito.
Too much kilig is not healthy. She should know that.