Chapter 27

In truth, Sabrina was a beautiful blonde woman in her mid-thirties. She was taller than her, almost a foot. She was sexy and very attractive. Kaya hindi akalain ni Louise na hindi maa-attract ang sinuman sa babaeng ito. Kaya nga ay naging insecure siya noon na pinilit niyang ignorahin. Sobra kasi itong close noon kay Calvin bilang sekretarya nito na kahit sinabing kaibigan lang ito ng asawa ay hindi siya naniwala noon. Akala nga niya ay isa ito sa mga exes ni Calvin bago sila nagkakilala sa mall sa Pilipinas. Kaya naman nang makita niyang magkatabi ang mga ito sa kama nilang mag-asawa ay para siyang sinaksak sa puso nang makailang ulit.

Naisip niya na noon na maaaring pagtaksilan siya ni Calvin pagdating ng araw at nangyari nga iyon sa gabing iyon tatlong taon na ang nakalilipas. Naniwala talaga siyang may nangyari sa pagitan nito at ng asawa niya. Sa ganda ba naman ng Amerikanang ito?

Subalit hindi naman pala na-attract ang asawa niya rito, kahit ni minsan. Siya ang mahal nito. She realized it since he came back into her life almost three months ago. She was indeed blind at the time when Sabrina did that evil scheme on that night.

“Really, I’m so sorry for what I did to you, for breaking your relationship, but I’m happy for you both. It’s good to see that you two are back together now,” ang dagdag na sabi nito.

Napakurap-kurap si Louise. Halos hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Ganoon na lang ba iyon pagkatapos ng ginawa nito?

Sa loob-loob niya, umahon ang galit. Pero bakit hindi niya magawang gumalaw man lang para sampalin ito o kaya naman ay sabunutan?

Iilan na ang mga eksenang naglalaro sa isip niya kapag nagkita sila ulit ni Sabrina pero ni isa roon ay hindi niya ginawa ngayon.

“After what I’ve done, I’ve pestered Calvin to forgive me. It’s a relief that you’re back here in California, Calvin,” ang anitong bumaling sa asawa niya. “Together with Louise. I know that⸺”

“Just stop it, Sabrina, will you? And I don’t need you here. I don’t want you to come to my mom’s grave! Ever! If it was not for you, she would have still been alive!” galit na sumbat ni Calvin.

Nakita ni Louise na tumulo ang mga luha sa pisngi ni Sabrina. Her heart twisted for the woman, for some reason. Kahit na ito ang may sala sa lahat ng nangyari noon ay naaawa rin siya rito kahit papaano. Dahil sa pagmamahal nito kay Calvin ay ginawa nitong makapanakit ng tao at siyang naging dahilan din ng pagkamatay ng isang importanteng tao sa buhay nilang mag-asawa.

Hinaplos niya ang braso ng asawa para kumalma ito. Alam niyang dapat hindi rin siya kumalma pero nasa harap kasi sila ng puntod ng mahal niyang biyenan. Bilang respeto rito ay kinailangan niyang maging matatag sa ngayon. Isa pa, ayaw rin niyang makita siya ng ina na nang-aaway kahit na ba may kasalanan ang babaeng ito sa kanilang mag-asawa.

“Just leave, Sabrina. I’ll talk to you when I can,” ang nasabi na lang niya sa babae na malamig ang tono.

Nakita niyang nagpahid ito ng luha sa pamamagitan ng magandang naka-manicure na kamay nito at tumango sa kanya bago umalis. Sinundan niya ito ng tingin. Nakita niyang tumigil muna ito sa paglalakad at lumingon sa kanila nang malungkot at puno ng pagsisisi bago tuluyang umalis.

Inilagay ng mama niya sa puntod ang mga bulaklak na dala nila at saka tinapik ng ina niya ang likod ni Calvin upang aluin ito.

“Kalma ka lang, Calvin. Baka naman ay talagang nagsisisi na si Sabrina sa ginawa niya kaya nandito siya,” ang mahinahong anito sa asawa niya.

Nakita niyang nagpahid ng luha ang asawa niya at napasinghot ito. Niyakap ito ng kanyang mama. Para itong bata na umiiyak.

Napakagat-labi na lang si Louise at nilingong muli ang papalayong si Sabrina. Kahit siya man ay naluluha dahil sa nararamdaman ni Calvin. Alam niyang naghihinagpis pa rin ito sa pagkawala ng ina nang dahil sa babaeng itinuring nitong kaibigan noon.

***

“What was that for? You want to talk to her?” ang nakasimangot na sita ng asawa ni Louise nang makabalik na sila sa bahay nila at nasa kuwarto na nila sila.

“I think it’s better to talk to her. If she’s visiting your mom’s grave without our knowledge, then it must be an honest thing to do on her part. Nagsisisi na siya sa ginawa niya. And, Calvin, I know how hard it was for you to deal with all those things that happened three years ago because of her. Pero… nakalipas na iyon, eh. We must move on.”

Her husband chuckled. “Move on? She is the reason why my mother is now lying in that grave, Louise! She’s the reason why you left me! Bakit hindi ako magagalit sa kanya? Bakit mo sasabihin sa ‘kin ngayong mag-move on after what she did?”

“It’s because it’s already in the past, Calvin. We have to bury it and forget all about it if we want to be happy together! ‘Di ba ‘yon din ang sinabi mo no’n? Na kalimutan na natin ang nakalipas?”

Napatitig sa kanya ang asawa niyang nagtaas-baba ang balikat habang humihinga nang mabigat nang dahil sa galit. It looked like he was seeing her for the first time. There was disbelief in his eyes. Napalunok naman siya at napakurap-kurap.

“Yes, you’re right. But seeing her again today, I just… I just can’t forgive her. You suffered because of what she did, Louise. And I also suffered because of her! We’ve been living far away from each other for all these years because of her! Ngayon, mapapatawad mo na lang ba siya nang basta?”

Hindi siya agad nakaimik. Alam niyang mahirap nga iyong gawin. Naiintindihan niya ang kanyang asawa.

Napapaisip siya ngayon. To move on and to forgive Sabrina were truly two different stories. Pero naniniwala siyang sa malaon at hindi ay gagawin pa rin nila ang magpatawad kay Sabrina para maging masaya. Kung mananatili nakahadlang sa kanila ang nangyari noon nang dahil sa babaeng iyon, maaaring lilitaw at lilitaw pa rin ang isyung ito sa pagitan nila. Ayaw naman niyang parang napipilitan lang silang magkasama ngayon dahil parang tinakpan lang nila ang isang bagay na ayaw nilang makita pero alam nilang nandoon lang iyon. It would still haunt them for the rest of their lives, no matter what.

Maybe time could heal all the wounds they had suffered during those three long years. And perhaps, it still was not the right time to forgive Sabrina. Kahit papaano ay naaawa rin siya sa babae dahil nakita niya ang guilt sa mga mata nito.

Sabrina’s green eyes told Louise a lot that the woman was suffering too for what she had done three years ago because of her own selfishness.

“I guess it’s hard for you to forgive her, too, right?” ang anang asawa niya bago pa man siya makahuma ng masasabi rito.

Nilisan na nito ang kuwarto nila. Napahugot siya ng isang malalim na hininga saka bigla siyang nakaramdam ng pangangasim sa kanyang sikmura at parang maduduwal.

Tinakbo na niya ang banyo nilang mag-asawa at saka doon na nagsusuka sa toilet bowl. She did not feel well. It perhaps had something to do with what happened at the cemetery. Wala siyang ibang maisip kung bakit siya nagkakaganito. She was sick all because of it and because of Sabrina and what she had done to them.

That damn Sabrina… She always made Louise’s life hellish.