Chapter 17

Tumingin si Calvin kay Louise at ngumiti nang makahulugan. Naintindihan ng lalaki ang nais niya. Naramdaman na lang niya ang kamay nitong humawak sa kanya. She let him hold her hand while he drove the car, and it felt damn good when he started caressing it.

They were still holding hands when they went up to his hotel room. Pagkapasok pa lang nila ay sinimulan na siyang yakapin at halikan ng kanyang asawa sa labi.

‘Ayoko nang magpaligaw na parang dalagang Pilipina. Misis naman na ako, eh!’

“I think I need a shower first,” ang bulong pa niya kay Calvin habang hinahalikan nito.

He just barely nodded and carried her to the bathroom. They both showered as they kissed and caressed each other. How she missed this and how she missed him.

Isa-isa nitong tinanggal ang nabasa niyang kasuotan at siya naman ay tinulungan din itong maghubad. That muscled body she saw this morning, she never thought she would touch it once again tonight.

Totoo ngang hindi malalaman ng isang tao kung ano ang susunod na mangyayari sa kanyang buhay. Maganda man o hindi. Gayunpaman, may mga pangyayaring puwedeng hahayaan o hindi. Gaya na lang ng ginagawa niya ngayon kasama ang asawa.

Napagtanto niyang hindi niya rin ito matitiis. Hindi niya alam kung paano siya nabuhay sa loob ng tatlong taong hindi ito kasama. Oo nga pala, labis siyang nasaktan. Umiyak siya nang umiyak noon. Halos hindi pa nga siya makakain at makatulog. Subalit nalampasan niya kahit papaano. Ngunit ngayon, hahayaan ba niya ang sariling mabuhay sa nakaraan gayong mahal pa rin naman niya si Calvin? Siguro nga ay tama na ang pagdurusa niya. Nila. Siguro nga ay tama lang na palampasin na ang lahat ng hinanakit niya na sa huli ay wala palang katuturan. Nagdusa lang yata siya sa sarili niyang katangahan at kaduwagan. Dinamay pa niya ang ang kanyang asawa kung kaya sila nagkaganito.

“I missed you so much, Louise!” ang anas ni Calvin sa kanyang tainga.

Bumaba ang halik nito sa kanyang leeg at sa kanyang hubad na dibdib. Yumuko ito habang hinahaplos ang kanyang basang katawan. Sinupsop ng asawa ang nanigas niyang tuktok kaya napahalinghing siya sa sarap na dulot niyon. Ang sarap ng mainit nitong mga labi at panlasang kumiliti sa kanyang kaibuturan. Sa kanyang puso, sa kanyang pandama, sa kanyang pagkababae.

Tumindi ang pagnanasa niyang binuhay ng lalaki. Ramdam niya ang pamilyar na pagpintig ng kanyang sentro na nagpapasabik sa kanya na maramdamang muli ang kanilang pag-iisa.

Nang kapwa na sila nakahubad ng pinakahuling saplot sa kanilang katawan ay napatitig sila sa isa’t isa. Hinangaan ang isa’t isa. Damang-dama niya ang tila pagliyab ng kanyang katawan sa titig lamang ni Calvin.

Yumuko ang kanyang asawa upang siilin siya ng halik sa mga labi. Ang mga kamay nito ay gumalugad na muli sa bawat kurba at sulok ng kanyang katawan, pababa at pataas. Pabalik-balik.

Isinandal siya nito sa dingding habang patuloy ang paglagaslas ng tubig ng dutsa. Nilulunod niyon ang kanyang mga mabining halinghing habang patuloy sa paghalik at paghimas sa kanya ang asawa.

Napasinghap siya nang binuhat siya nito upang ihiwalay ang kanyang mga hita at ipaikot sa baywang nito ang kanyang mga binti. Kumapit siya sa malapad nitong mga balikat at inilingkis ang mga braso sa leeg ng lalaki.

“Calvin!” bulalas niya pa sabay igik nang bumulusok ito sa kanyang kailaliman.

Rinig niya rin ang pag-ungol ng asawa nang bumaon ito sa kanya at kapwa sila napahingal.

“Ohh… Honey… This feels so good…” bulong ng asawa niya at hinalikan ang kanyang baba at mga labi. Pagkatapos ay bumaba iyong muli sa kanyang matatayog na dibdib.

Nagpagtuloy ito sa paglabas-masok sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung gaano siya kasayang maging kumpletong muli kasama ang pinakamamahal niyang lalaki. Patuloy siyang dumadaing sa asawa at sinasambit ang pangalan nito.

“I love you so much Calvin!” ang anas pa niya rito saka napadaing na muli.

Napatitig sa kanya ang asawa. Naghinang ang kanilang mga nanlalabong mga mata dahil sa pagnanasa at saglit itong tumigil sa ginagawa.

“And I love you, too, Louise!”

Hindi naglipat-saglit, nilamukos na naman siya nito ng halik sa labi.

“God! I missed you so much, honey! You have no idea!” madamdaming dagdag nito.

Sinuklian niya ang halik nito. Mainit. Maalab. Marubdob. Hindi niya man lang pinigilan ang sarili. Hinayaan niya lang ang sarili na lasapin ang pagmamahalan nilang dalawa. Nais niyang ipakita rito na walang nagbabago sa kanyang nararamdaman. Na mahal na mahal niya pa rin ito nang buong-buo sa loob ng mga taong nagkahiwalay sila.

Naglabas-masok si Calvin sa kanyang katawan at kapwa sila naghahabulan ng hininga. Para siyang mababaliw sa sarap ng kanilang pinagsasaluhang pagmamahalan na sadyang napakainit nang mga sandaling iyon.

Muli’t muli ay napahaluyhoy sila kapwa. Kumapit pa siya nang kumapit sa asawa lalo na’t binilisan at nilakasan nito ang pag-iindayog sa kanyang katawan. Rinig nila ang salpukan ng kanilang katawan kasabay ng lagaslas ng tubig at ng kanilang mga ungol hanggang sa marating nila nang sabay ang tuktok ng kaligayahan.

Nanginig ang katawan ni Louise at ramdam niya ang pagdiin ng asawa sa kanyang kailaliman. Bumaon din ang mukha nito sa gitna ng kanyang basang dibdib. Batid niyang naramdaman at narinig nito ang malakas na pagtibok ng kanyang puso.

“I can’t live without you, hon,” ang bulong pa sa kanya ng asawa na ikinangiti niya.

Hinalikan niya ito sa ilong at sa labi nang nakangiti. “Mahal din kita, Calvin.”

Ilang minuto ang lumipas ay nag-shower na sila. Si Calvin na ang nagpunas ng basa niyang katawan gamit ang puting tuwalya saka siya binuhat nito patungo sa malaking kama na may puting kubre.