CHAPTER 4: MONEY
HOMER
Nong araw na naospital si papa ay nagkaroon ng problema, kailangan daw muna mag down bago maoperahan si papa at doon kami ntaranta dahil malaki ung pera kahit down lang. ngayon sabi ni mama kulang ang perang hawak niya at sabi niya saakin baka daw pwedeng umutang ako sa pinag tra-trabahuan ko.
Hindi ko na sinabing naalis ako sa trabaho dahil baka mas lalong mamoblema si mama, umuwi ako sa bahay para bilangin ung ipon ko at kulang parin iyon. Saan naman kaya ako kukuha ng pang dagdag, lumabas ako sa bahay ng makita si mang berta.
“ hi baby!” kinindatan ako, nilapitan ko siya.
“ kailangan ko ng pera, ayoko ng ikakapahamak ko ah” ngumiti siya ng malapad.
“ sakto kailangan na nila ngayon, lika bilis” eh sa wala na akong malapitan pang iba, pag si nancy naman wala din namang pera iyon.
“ wag kang mag alala ito ang pinaka madaling trabaho mo tsaka malaki bayad” tumango ako, sana lang talaga hindi ako makulong dito sa ipapagawa ni mang berta.
May pinasukan kami at kinabahan na ako, teka ano bang gagawin nila saakin at pinalibutan nila ako.
“ pasok sa banga diba??” sabi ni mang berta.
“ oo pero kailangan na nating bilisan dahil magigising na siya” sagot nong babae, anong pinag uusapan nila.
Ipinaliwanag na nila ung gagawin ko at gulat na gulat ako, may ganito pala pero hindi na ako nag tanong dahil nag mamadali sila kaya ginawa ko na lang ang sinabi nila. Matapos kung gawin ung gusto nila ay kahit hindi pa ako nakakapag pahinga Ma agad akong hinila ni mang berta.
“ hindi tayo pwedeng makita, walang ppwedeg makaalam nito homer. Ay sana lang talaga hindi magkaroon ng aberya, kainis kasi ang hirap mag hanap ng mayaman na gwapo tapos ganun pa gagawin, jusko!!! Hayyy! Bahala na!!” naka tingin lang ako sakanya.
“ ah heto pala, sana makatulong sayo” may envelope na binigay saakin at sinilip ko, nanlaki ang mata ko.
“ teka---’
“ wag ka ng mag tanong basta walang pwedeng makaalam neto, sige na gora na at umakto tayong walang nangyare” nag lakad na siya paalis kaya wala na akong nagawa kundi bumalik sa hospital at ibinigay ko kay mama, nag tanong siya pero sabi ko mamaya ko na sasagutin ang mahalaga maoperahan na si papa.
Okay na ang lahat, naoperahan na si papa at nakauwi na sa bahay dahil ilang linggo na din lang ang lumipas pero ilang linggo din akong naghahanap ng trabaho ay wala parin. Huling submit ko na ito at balik bahay na ako, kahit ano na ang pinasukan ko ang mahalaga ay may trabaho.
“ kamusta pards??” napailing ako.
“ ano ka ba, positive lang may tatawag din sayo” inabutan ako ng banana que.
“ salamat”
“ nasaakin na nga ang lahat hindi parin nila ako tanggapin, gwapo, malaki ang katawan, matangkad, malinis tignan at hindi gusgusin” natawa si nancy.
“ ano yan pang bf material or husband material, uy trabaho ang hanap hahaha” napa ngiti ako.
“ masipag ako, syempre given na iyon pards. Kaya nga all in pero wala nga lang pera” napailing na lang si nancy.
“’ excuse me, may kilala ba kayong berting pugo??” nag tinginan kami ni nancy.
“ mang berting may naghahanap sainyo!” sigaw ni nancy na saktong kalalabas lang ng bahay niya, lumapit siya pero halatang kabado kaya tinignan ko ung babae.
“ naku mang berting may inano ka nanaman no” sabi ni nancy.
“ manahimik ka nga diyan nancy, ito talaga” sita ni mang berta.
“ mukhang alam mo naman na” sabi ng babae, tinignan ako ni mang berta.
“ tara sa bahay ko, ikaw sumama ka saakin” ukol saakin ni mang berta.
“ at bakit sasama si homer sayo, uy sinasabi ko sayo---”
“ nancy yaan mo na” putol ko sakanya, kumunot ang noo ni nancy at iniwan na nga namin siya taska pumunta sa bahay ni mang berta.
“ ano kailangan niyo??? Akala ko ba wala ng pakialaman pagkatapos”’ sabi ni mang berta.
“ hindi ako konektado don sa boss mo, ung isa ang boss ko at hinahanap niya kung sino ung lalaki” tinignan ako ni mang berta.
“ pero diba ang usapan walang pagkilanlan, nasa kontrata iyon” sagot mang berta.
“ ang kulit mo, hindi nga ako konektado sa kung ano mang deal ang meron kayo. Sabihin mo na lang kung sino, gusto lang naman makilala para matahimik na si madam” napa buntong hininga si mang berta.
“ paano mo nalaman, sabi nila binura na ang lahat ng pwedeng pagkunan ng ebidendya” ngumiti ung babae.
“ pag pera ang gumalaw walang ebi-ebidensya kaya dapat alam mo iyon bago mo pinasok” napa simangot ni mang berta.
“ ano na” dugtong niya pa.
“ siya” turo saakin, tinignan ako nong babae.
“ wala siya nong isang qualities kasi ang hirap mag hanap ng mayaman tapos ganun ang gagawin at no choice na ako dahil huling araw ko na din at wala pa akong nahahanap tsaka mabuti na lang nangailangan siya pero please wag niyo naman siyang---”
“ no worries, mabait si madam. Ang gusto niya lang ay makilala kung sino at hanggang doon na lang” sagot nong babae.
“ ano pangalan mo?” tanong saakin.
“ homer- homer villanueva” tumango siya.
“ sige, mauna na ako. Iyon lang ang kailangan ko and wag mo sanang ikwe-kwentong may naghahanap sa ama dahil baka masamain ka pa sa boss mo” babala kay mang berta, tumango naman siya.
Tumayo na siya at muli akong tinignan, teka lang. oo alam ko gwapo ako pero syempre nakakailang naman ung titignan ka ng ganito. Umalis na siya at doon napa buga ng hangin si mang berta, tinignan niya ako.
“ good luck saatin homer, sana lang talaga inalam lang kung sino ka at hindi pa lumampas doon dahil pag lumampas pa ay malalagot talaga tayo…. Hayyyy bakit kasi kailangang alamin pa, diskumpiyado ba sila na pucho pucho ang kukunin ko” tahimik lang ako at hinayaan siyang mag drama diyan.