Chapter 22.
ELIHA
Sinisipsip ngayon ni Keegan ang leeg ng kanyang ina dahil ito ang utos ni ina. Nang matapos si Keegan ay humarap siya sa akin na maraming dugo sa kanyang bibig.
"Malakas ka na ba, aking anak?"
"O-oo, ina, salamat po at paumanhin dahil sa aking nagawa sa 'yo."
"Wala akong hindi gagawin para sa 'yo, anak. Noong dumating ka kasi sa amin ay naging masaya at naging payapa kami ng iyong ama." Niyakap ni ina si Keegan at ganoon din ang ginawa ng aking asawa.
Maya-maya pa ay humarap sa akin si ina at ngumiti. "Eliha, okay na ang aking anak. Ingatan mo siya palagi at sa habambuhay."
Nag-bow ako kay ina sabay niyakap ko rin siya.
"Mukhang nagdiriwang ang lahat! Ano ang nangyayari? Paumanhin kung ako ay dumalaw ng walang pahintulot."
Naramdaman kong nagulat si Keegan at si ina nang lumingon kami sa nagsalita. Siya ay isang matanda na matipuno at guwapong bampira na mayroong itim na kapa at korona. Hari ba siya?
Nagbigay ng galang si ina at si Keegan sa pamamagitan ng pag-bow kaya ginaya ko na lang din sila.
"Ikaw pala, haring Keg!" nagagalak na bati ni ina, "umupo ka muna. Ano ang iyong pakay?"
Umupo si haring Keg sa sofa at gano'n din kaming tatlo.
Habang nakatitig ako kay haring Keg ay tumingin siya bigla sa akin at ngumisi.
"Nandito ako para makipag-usap kay Keegan. Alam kong paulit-ulit ko na itong itinatanong sa kanya pero uulitin ko pa rin."
"Haring Keg, maaari bang bigyan mo ng panahon ang aking anak?"
"Hindi na kailangan ng panahon. Hindi ako papayag sa kagustuhan niya, ina."
Hinawakan ni ina si Keegan sa kamay. "Haring Keg, alam mo na simula pa lang ay hindi na kami payag ng aking asawa at ng aking anak. Pero kami ay nananatiling nakikisama sa inyo at patuloy kayong nirerespeto. Sana ay respetuhin niyo rin ang aming desisyon. Oo, ang dugo na iniinom namin ay mula sa patay na mga tao pero mas mabuti na 'yun keysa sa kagustuhan niyo na manggaling ang dugo sa buhay na mga tao. Sa tingin ko ay hindi 'yun makatarungan."
Tumawa lang si Keg kaya bigla kong naaalala si Eliza. Same vibes 'yan? Tsk! Ang lakas mang-asar. Mabuti pa si ina, ama at Keegan dahil kahit na bampira sila ay mayroon silang dignidad at prinsipyo.
"Nirerespeto ko naman ang desisyon niyo. Pero ipapaalala ko lang sa 'yo na alam ko ang lahat ng tungkol kay Keegan. At sa tingin mo ba ay hindi niya hahanap-hanapin ang sariwang dugo?"
"Salamat sa pagrespeto ngunit tama na 'yung alam mo ang tungkol sa kanya na huwag mo nang ungkatin pa."
"Madali lang naman akong kausap, pero kung ako sa 'yo bilang ina niya ay hahayaan kong maging hari ang aking anak. Alam mo na likas sa mga bampira ang maging masama at kailangan ng sariwang dugo pero ipinagkakait mo 'yun sa kanya."
"Kailan man ay hindi ko ipinagkait sa kanya 'yun, pero sa ibang paraan na alam ko."
"Kapatid, ginugulo mo na naman ba ang aking anak?"
Pagkalingon namin ay si ama ang nagtanong kay Keg na kararating lang.
I see, magkapatid pala sila ama at Keg.
"Hindi naman, kapatid. Nais ko lang naman ipaalala ang matagal ko ng inaalok sa iyong anak."
"Kung narinig mo na ang paulit-ulit niyang sagot ay maaari ka ng umalis."
Lumapit si Keg kay ama at umakbay. "P'wede bang dito muna ako hanggang bukas ng gabi?"
Nagtitimpi na tumango si ama.
"Hindi sila totoong magkapatid sapagkat si ama ay ampon lang ng mga magulang niya. At bata pa lang si ama ay umalis na siya sa kaharian para mamuhay ng mag-isa at walang utang na loob," bulong ni Keegan sa akin. Tumitig ako sa kanya at ngumiti.
"Pero ano namang gagawin mo rito, Keg?"
"Mananatili lang na walang ginagawang masama. Sa ngayon ay magpapahinga muna ako sa kwarto ko rito." Mabilis siyang naglaho.
"Mag-iingat kayo sa kanya," paalala ni ama.
"O-opo," tugon ko.
"Keegan.. nais kong bisitahin si Pluma, please?" Hinalikan ko siya sa pisnge. I just smiled dahil ngumiti siya. Lumingon siya sa akin at ngumuso.
Oh my ghad! He is so cute kaya naman hinila ko siya papalayo. Nang makarating kami sa likod ay nakanguso pa rin siya kaya natawa ako. He was obviously waiting for my kiss, so I kissed him gently on his lips. At nagulat ako nang bigla niya akong iniharap sa pader kaya ngayon ay nasa likod ko na siya.
Hala! Ano bang gagawin niya sa akin? Kinikilig na talaga ako ng sobra.
Nagulat ako nang bigla niyang ilapit ang kanyang bibig sa aking tainga at hinalikan. "Maaari ko bang hawakan ang iyong p*w*t, aking asawa?"
Lalo akong kinilig sa itinanong niya, haharap na sana ako sa kanya pero hinawakan niya ako ng mahigpit para hindi ako makaharap.
"Maaari ba, Eliha?" gumagaralgal na tanong niya na nararamdaman kong sabik na sabik siya sa akin.
"O-oo, mahal.."
Napatalon ako nang paluin niya ang aking p*w*t at hinimas nang hinimas.
"Keegan! Baka may makakita sa atin dito!" saway ko sa kanya habang kinikilig. Pero nawala ako sa wisyo nang halikan niya ako sa leeg. At mas nawala ako sa wisyo nang sabunutan niya ako ng kaunti habang hinahalikan ako sa likod.
"Eliha, ano ang tawag sa ginagamit mong kakaibang salita?"
"I-inglis ang tawag do'n, Keegan. Inglis ang tawag sa vampire world na ginagamit niyo rito at ang blood factory niyo.. uhm bakit mo naitanong?"
"Naiintindihan ko na, maaari mo bang inglis-in ang nahuhumaling ako sa 'yo?" bulong niya habang patuloy na hinahalikan ang likod ko.
"A-ang inglis no'n ay.. I'm obsessed with you."
"Eliha!" pagpipigil na sigaw niya, "I'm obsessed with you." Mariin niyang hinalikan ang leeg ko kaya ako ay napapikit.
Uungol na sana ako pero bigla niyang tinakpan ang bibig ko. "Huwag dito, mahal." Iniharap na niya ako sa kanya at hinalikan niya ako sa noo.
Sumimangot ako, "Bitin na naman ako, mahal!"
Tumawa siya at hinalikan ulit ako sa noo. Sa sobrang inis ko ay pinalo ko siya sa braso pero kinuha niya ang isa kong kamay at hinalikan.
"I love you, Eliha."
Nagtakip ako ng mukha dahil sa kilig na aking nararamdaman. "I love you too, Keegan ko."
He squeezed my cheek and smiled. "Kagaya ng pagiging immortal ko na hindi kumukupas ay gano'n din ang aking pagmamahal sa iyo."
Kinurot ko si Keegan sa tyan at niyakap ng mahigpit.