KABANATA 8
MYCA’S POV
Lutang ako habang nanonood kami ni Farish ng isang romantic movie sa sinehan. Ang utak ko ay lumilipad sa ibang bagay. Pagkatapos ng sinabi ni Ian sa akin na iyon ang paraan niya para humingi ng sorry sa akin ay umalis din siya agad dahil dumating ang apat na tauhan niya siguro. Mukhang flight niya ngayon at ngayong oras na mismo. I should be at peace. Pero tila balisa ang mga kulisap sa tiyan ko. Gusto ko pa rin ba siya? Akala ko ba ayaw ko na sa kanya? Ayaw ko sa mga ginagawa niya kaya bakit ako makakaramdam ng lungkot ngayon? Naiinis ako kapag nagpapakita siya sa akin. Pero ngayong alam kong hindi na kami magkikita pa ay parang nakakalungkot bigla.
“Pasensya na. masama ang pakiramdam ko ngayon. Can we call it a day?” walang kabuhay-buhay kong sabi kay Farish pagkatapos ng palabas.
He stared at me as if weighing my expression. Tahimik na lamang siyang tumango nang mukhang mapansin na wala talaga ako sa kondisyong tarayan siya ngayon. Ihinatid niya ako sa resort at sinigurado na nakaakyat ako sa kwarto ko. Umalis din naman siya pagkatapos kong sabihin na maayos lang ako. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nagkaganito. Tulala ako sa kama nang ilang oras. Saka lang ako umayos nang makuha ng bag kung saan nakalagay ang bangle ang atensyon ko.
Nilapitan ko ito. I opened the box to see the bangle Ian has given me. Nagulat ako nang makitang dalawa iyon. It looks like a couple bangles! Akala ko ay isang pair lang ang meron sila. My name was engraved on the first pair of the bangles- Myrtle Blessica. Kulang lang ay ang apelyido ko. Tinignan ko ang isang pair pero walang pangalan. Pero napansin ko lang na parang may tinakpang pangalan doon na dati nang naka-ukit sa pair na iyon. Halata ko kasi dinagdagan lang ang kulay niyang pilak para hindi iyon mahalata. Alam siguro ni Ian na hindi ko naman gagamitin ang isang pair. Ilang beses ko iyon pinunasan para maklaro kung ano ang pangalan na nakaukit sa pares na iyon pero hindi pa rin mahalata. Kaya itinago ko na lang ito at isinuot ang isa na may pangalan ko.
Umalis ako sa resort para umuwi ng mansion. I had to get another set of clothes since I haven’t done shopping after three weeks. Maliit lang kasi ang damit ko na nasa resort ko dahil hindi naman ako nagkakaroon ng lakad at nakababad lang ako palagi sa opisina ko. Dinatnan kong may bisitang babae sina mama at papa. She is not familiar with me. Pero dumiretso pa rin ako kina mama at papa para makapagmano at mahalikan sila sa pisngi.
“This is your tita Amelia,” pakilala ni mama sa sa babae sa akin.
“Hello po,” bati ko sa kanya.
She smiled widely as if she is so pleased to see me.
“Ito na ba si Myca? Ang ganda naman niyang dalaga!” puri sa akin ni tita Amelia. Another distant relative I guess.
Nagpasalamat ako sa kanyang puri at ngumiti nang hilaw.
“June will surely love her! Sayang pala at hindi ko siya naisama,” ani pa niya.
Medyo kinutuban ako bigla. Parang alam ko na kung anong ipinunta niya dito sa amin. Kaya naman ay nagpaalam ako na aakyat ako sa taas para hindi pa ako mamroblema sakaling kasal na naman ang usapan nilang tatlo.
“Senorita, mabuti at dumalaw ka.”
Napatingin ako sa mayordoma ng aming mansion. Tinutulungan niya akong mag-impake ng mga damit ko. Ngumiti ako sa kanya.
“Paulit-ulit na kasi ang mga damit ko sa resort. Ayaw ko naman munang mag-shopping dahil wala akong oras para pumunta sa Paris,” sagot ko sa kanya.
Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga. Tumigil ako sa ginagawa ko at hinarap siya.
“Mukhang hindi na mababago pa ang isipan ng mga magulang mo. Narinig ko kanina ang usapan nila kasama ang bisita ngayon. Kung hindi si Farish ang mapipili mong pakasalan ay ipipilit nilang si June Buenaventura, ang panganay na anak ng bisita ngayon ang dapat mong pakasalan.”
Nanlaki ang mga mata ko. I have expected that but it still shocks me. Bigla akong nanghina. Napaupo ako sa kama ko at naihilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha. Hindi ko mapigilan ang hindi maiyak. I don’t know what to say if they will still force me to marry someone I don’t love. Kahit pa sabihin nila na matututunan ko rin siyang mahalin ay magdudusa pa muna ako bago ako mahulog sa patibong na sila mismo ang gumawa.
“Paano kung ipaalam ko sa kanila na may dinidate akong ibang tao?” Hindi nakatakas ang pagiging desperada sa tono ng boses ko.
“Iyan ang huwag na huwag mong gagawin. Pareho kayong mapapahamak ng lalaking gusto mo. Wala ka bang ibang naiisip na maaari mong gawin para makansela muna ang lahat? Kahit panandalian lang muna. Baka sakaling may pag-asa pa para magbago ang isipin ng mga magulang mo.”
Umiling ako. I wiped my tears and stood up. Tatawag ako kay Jilo. I don’t really think our Plan A will work out. Baka masangkot lang sa gulo si Ace. Ayaw ko naman na makaabot pa ang lahat ng ito sa America. Ace is a good person and he has no other intention. Hindi ko na lamang siya aayaing lumabas kasama ako. I am going to find another way to get out of this mess.
“Nag-aalala ako sayo, senorita. Bakit hindi ka muna umuwi na lang sa Palawan? Mag-isip ka muna nang mabisang plano upang hindi matuloy ang lahat. Alam kong hindi ka rin magiging masaya sa piling ng taong mapapangasawa mo kung hindi mo naman ito mahal. Pero hindi kita susuportahan kung makikipagtanan ka. Umisip ka ng ibang bagay,” nag-aalalang sambit ni Juanda.
Niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi na baleng nandito lang muna ako Manila. I will try to contact Jilo and ask for an advice. Kailangan ay matitigil muna ang lahat para mabago ko ang isipan nina mama at papa. Kahit maikling panahon lang muna. Kaya naman ay bumalik ako agad sa resort para makausap ko si Jilo. Mabuti na lamang at nasagot niya agad ang tawag ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sakaling busy siya. Hindi ako pupwedeng lumabas ng bansa dahil magagawa pa rin akong hanapin nina mama at papa sa lawak ng koneksyon nila.
“What should I do? Our Plan A will not work out. May nakareserba na agad na pamalit sakaling takasan ko si Farish.” Umiiyak ako sa harap ng salamin habang kausap ko si Jilo sa kabilang linya.
“Let me think first. I am going to figure this out. Kumalma ka muna at ipapadala ko diyan si Majo para matulungan ka sa plano. Huwag ka munang aalis ng resort at huwag kang tatanggap ng bisita. Don’t even try to leave a clue about this. Tatawag ako ulit mamaya para sabihin sayo ang kabuuan ng plano.”
Tumango-tango ako kahit hindi naman ako nakikita ni Jilo. Ginawa ko ang mga sinabi niya. Kaya naman hindi na ako lumabas ng kwarto ko kahit sumapit na ang gabi. I waited for Jilo’s call. Nakatulugan ko na lamang ang paghihintay sa tawag niya dahil tumagal ito. Pero naalimpungatan din ako nang tumawag siya alas otso ng gabi.
“Do you have any private property that your parents don’t know?” unang untag niya.
“Wala akong matandaan. They know all of the land I own.”
“Nasa kabilang resort si Majo. This plan will take place one day before the grand family gathering happens. Isang linggo lang ang hihintayin mo at itatakas kita dyan. But first we have to acquire a private land that is not known for many.”
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nag-isip. Nakapangalan sa akin ang lahat ng lupa ng pamilya Fortzeo at kuha lahat ni papa ang past record ko sa mga binibili kong property lalo na kapag alam niyang pribadong lupa iyon. But maybe I have one property that I failed to share with them…
Think, Myca. You have to think!
“Do you have a private island instead? Kahit saang banda basta walang nakakaalam maliban sa taong nagbenta sayo at ikaw.”
That became my key point. Sumagi sa isip ko ang private island na binili ko noon sa Palawan. Pero may nakakaalam nun dahil pinarenovate ko noong dalawang buwan pagkatapos ko itong mabili.
“Fuentabel Island, Jilo. It is a private island in Palawan. Hindi ko pa iyon napapalitan ng pangalan dahil plano ko sanang pagtayuan ng branch resort ko. Ang kaso ay may nakapunta na roon bukod sa akin at sa dating may-ari.”
“Don’t worry. Just give me the full details and the key to your house. I am going to contact my sub-unit to take care of its security before I let you come there.”
Kaya naman sa mga sumunod na araw ay nabusy ako sa pagpaplano kasama si Jilo. I booked a flight to Italy just like what he wants. Ipinaalam ko rin kina mama at papa na aalis ako papuntang Italy at ipinangako kong babalik ako isang araw bago ang malaking salu-salo na pinakahihintay nila.
“Are you sure about this? Will you be okay?” Umiiyak na sa kabilang linya si Allison.
Sinabi ko sa kanya ang lahat ng planong nabuo namin ni Jilo. She wants to come here and comfort me but I told her to stay quiet and that I can handle this on my own.
“Magpapadala ako ng sulat kina mama kada isang linggo. At si Majo, ang kasamahan ni Jilo sa grupo ang gagawa ng paraan para makaabot sa kanila at pagmukhain na sa Italy galing ang mga sulat ko. Si Majo na rin ang magpapadala ng mga pagkain sa akin kada isang linggo. Magtatagal ako sa isla hanggat hindi sila pumapayag sa kagustuhan ko na huwag nang ituloy ang kasal.”
Napabuntong hininga ako. Wala akong mairereklamo dahil alam kong ito lang ang paraan ko para makatakas. Kung wala namang natitirang pagmamahal sa akin ang aking mga magulang ay klaro naman na wala na talaga akong planong bumalik pa rito. Baka doon na ako mamuhay sa islang iyon at maghintay hanggat dumating ang isang Adonis sa buhay ko. Pero malabo.
“Can I still contact you?”
“No. Although there is a signal on that island, Jilo will surely do something to block anyone even you. Pero baka pwede kitang tawagan gamit ang ibang cellphone. I will find ways to update you.”
“I don’t want you to get caught so I will get in touch with Jilo instead. Take care of yourself there, okay?”
Natapos ang usapan namin ni Allison at mamayang hapon naman ang flight ko papuntang Italy. Ang plano ay talagang sa Italy ako bababa dahil alam kong papasundan ako ni papa. I will check in in four hotels and the fourth one will be the real hotel where I will for one hour before I disguise myself. Jilo will meet me there. Siya na ang bahala kung paano ako makakabalik ng Pilipinas na diretso sa pribadong isla sa Palawan ang tungo namin.
“Fasten your seatbelt,” sambit ng lalaking katabi ko.
Dahil malalim ang iniisip ko ay hindi ko namalayan na malapit na pala kaming umalis. I fastened my seatbelt and look outside the window. Maya-maya ay nasa himpapawid na kami. Hindi ko mapigilan ang hindi mapakali. I’ve been recalling the plans on my mind and the possible outcome of this. Hindi naman ako tatakas talaga kung hindi ganito ang tadhanang mayroon ako.
“You will have stiff neck if you keep looking outside without resting your neck at all. Malayo pa ang byahe natin.”
Agad akong napatingin sa lalaking katabi ko. Mukhang kanina niya pa ako tinitignan. He is not familiar with me and I don’t sense bad vibe on him. But I can’t let my guard down.
“It’s none of your business.” Tinarayan ko na lamang siya at isinandal ang sarili.
I am spacing out the whole flight. Pero paglapag na paglapag namin sa airport ay nauna pa akong bumaba dahil nagmamadali ako. Hindi na ako makapaghintay na makawala sa pagmamasid ng mga tauhan ni papa. Nag-check in ako sa unang hotel. Majo messaged me that he has done the second and the third check in on the other hotels using my name. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagawa pero hanga ako sa kaniya. Kaya agad akong lumipat sa ikaapat na hotel at doon na pumasok sa kwartong ibinigay sa akin. I started to do my make up for the first essential part of my disguise. Mabuti na lamang at dala ko ang damit na kakailanganin ko.
Pagkatapos kong magbihis at saktong isang oras ang lumipas ay may kumatok sa kwarto ko. Binuksan ko iyon at pumasok si Majo nakasuot ng unipormeng katulad sa mga staff na nagtatrabaho dito sa hotel kung saan ako nag-check in. he closed the door.
“I will bring your baggage. Kumain ka na muna para may lakas ka,” aniya at sinimulang itago ang maliit kong maleta sa ibaba ng troll na tulak-tulak niya. Hindi naman iyon kita dahil may nakalagay na tela.
“You know where to go, right? Kapag tapos ka na ay dumiretso ka sa banyo. Sasha will open the tunnel on the ceiling and guide you to the back door of this hotel. Kahit naka disguise ka ay doon ka padadaanin ni Jilo. Leave your clothes earlier. Si Sasha ang lalabas mula sa front door para iligaw ang mga taga masid sayo,” dagdag pa niya.
“Who is Sasha? Jilo never mention someone named Sasha who will be part of this plan.” Nagtatakha ako.
“I better keep my mouth shut but maybe it’s okay if I told you that he is hitting on that girl.”
Nalaglag ang panga ko. “Nagagawa niya pang lumandi sa sitwasyong ito?”
“Ask him that question later. I better get going. Don’t forget the plan.”
Umalis din si Majo pagkatapos nun. Kumain ako kahit na hindi ko naman magawang e-enjoy ang lasa ng pagkain nila. Pagkatapos ay sa banyo ako dumiretso. I waited until someone knocked from above and then I saw the ceiling tunnel opened. I hope our plan will work.