KABANATA 13

IAN’S POV

They always say that life is unfair and that having a bad day is already a bad luck. But for me, experiencing such phenomena is a blessing in disguise. Because if we try to look into it, there is a reason behind why that phenomenon has happened to you or why did you experience it. That is what I always believe in. Lumaki ako na walang ibang iniisip kundi maging isang positibong tao. Kung bakit kahit na maraming balakid na ang nakakasalubong ko sa daan ay hindi ako nagpapatinag. I focused on surrounding myself with people who give nothing but positive vibes to my life, because I don’t want to live a meaningless life.

Sabi ni mama sa akin ay piliin ko kung anong alam ko na makapagpapasaya sa akin. At gawin ko ang sinasabi ng puso ko dahil walang pupwedeng magdikta sa kung anong buhay ang gusto ko para sa sarili ko. Pero kaya nga naniniwala ako na may rason sa likod ng mga bagay na nangyari na ay dahil sa alam kong kasunod niyon ay isa lang sa dalawa: ang maging matagumpay o ang maligaw sa landas. But either way, I realized that I should enjoy every second of my life. The story behind my parent’s marriage has taught me a valuable lesson. Dinala ko iyon hanggang sa lumaki ako kaya naman ay kahit na hindi malinis ang tingin ng iba sa kung anong gusto ko para sa sarili ko ay hindi ako nagpapaapekto.

“Ian, we should make out more often and cuddle like normal couples do,” Elle said using her flirtiest tone.

My brow shot up but I didn’t say anything. Sanay naman akong mas gusto ng mga babaeng dinidate ko ang hawakan ko sila at gawin ang lahat ng gusto ko sa katawan nila. But I always remind myself about my limit because I still feel guilty whenever we are done doing that thing. Kasi sa huli ay alam ko naman kung sinong luhaan sa aming dalawa. Sinubukan niyang umupo sa kandungan ko pero pinigilan ko siya. I flashed a grin as I try to hold her firmly on her waist.

“I have never allowed anyone to sit on my lap. We may be dating but you are not an exemption, Elle,” I reminded her while grinning.

Nakitaan ko ng pagkadismaya ang kanyang mukha. Maraming dumadaan dito sa table namin dahil nasa public bar kami at dito ko rin siya unang nakilala. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at dito pa ako pumunta noong isang araw sa ganitong lugar gayong palagi naman ako sa mga sikat at mamahaling bar o club pumupunta. Kakakilala ko lang sa babaeng ito noong isang araw at madali ko naman siyang nakuha agad. Hindi na dapat ako magtaka pero habang parami nang parami ang mga babaeng nakakasama ko ay pakiramdam ko ay hindi na ako nakakaramdam ng tuwa. Of course, I am like this because I want full satisfaction from girls I meet. But I don’t just pick random girls. I choose those who bring happiness and excitement. If they want me to please them then they have to please me first.

“Why not, Ian? I am your girlfriend…” she pouted her lips.

“I just don’t like it.”

Napabuntong hininga siya pero na rin nagreklamo. Iginala ko ang paningin ko sa buong paligid. Karamihan ay nakatingin sa amin lalo na ang mga babaeng nakikita kong nagpapapansin sa gilid. I smirked and winked at one of them. She looks cute. Namula ito agad kaya napatawa na lamang ako. Ang sabi ko pa naman sa mga pinsan ko ay nagbabagong buhay na ako pero mukhang makakatatlong babae ako sa isang araw ngayon. Tumagal naman si Elle sa akin ng dalawa at kalahating araw kaya masasabi kong siya pa lang ang pinakamatagal na naging girlfriend ko. Magaling naman kasi sa kama pero kapag ako na ang nagiging dominante ay hindi niya kinakaya kaya hindi na ako nakakaramdam ng excitement.

“Ian, you should focus on me.” Elle cupped my face and made me look at her.

Elle is a fresh graduate. Isa siyang magaling na mangguguhit at malaki ang kinikita niya sa pagpipinta. She has no special background but I don’t mind that part. Hindi naman kasi pera ang habol ko sa kanilang mga babae. Hinayaan ko siya sa gusto niya at sinubukan siyang halikan. She kissed me back but I immediately pulled back from the kiss after a moment.

“What’s wrong?” she asked confusedly and tried to kiss me again but I pushed her slightly away from me.

“I am done with you. We are over now,” I said coldly and stood up.

Naglakad ako patungo sa exit pero bago pa tuluyang makalabas ay binalingan ko ng tingin ang babaeng kinindatan ko kanina at kinindatan ito ulit. She has been watching me so she saw me. Namula ito ulit pero ngumiti rin naman. Tumuloy na ako sa labas nang makitang patungo na sa akin si Elle habang umiiyak. Ayaw kong hinahabol ako pagkatapos kong sabihin na tapos na ang relasyon naming dalawa. Pagkalabas ko ay agad akong sumakay sa kotse ko. Pinaharurot ko ito agad para hindi na ako abutan ni Elle. Tumawa ako nang mahina pagkaliko ko sa kotse ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at pinindot ang numero ni Aamon, ang pinsan ko.

“Ano? Huwag mo akong iniisturbo kung hindi naman nakakatuwa ang ibabalita mo,” bungad niya agad sa akin.

Natawa ako bigla. Busog na siya sa mga litany kong puro kabalastugan naman.

“Nagbabagong buhay na nga ako. Isa lang ang dinate ko sa loob ng dalawa at kalahating araw.”

“Wala akong pake, Frencillio Ian! Ano bang kailangan mo at kailangan ko na itong ibaba dahil may gagawin pa kami ni Tatiana.”

Mukhang nakaisturbo pa ako sa kanilang mag-asawa. Pero kakapalan ko na ang mukha ko.

“Relax, Aamon. I was planning to stay out of the country for the mean time. Pero baka magalit na naman si mama kapag nalaman niyang hindi sa Italy ang tungo ko. Alam kong ikaw lang din naman ang paniniwalaan ni mama pagdating sa pagsasabi sa kung nasaan ako. So I was thinking if you can cover me for a week or let’s say a month?”

Narinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya. Ilang beses ko nga ba siyang nahingian ng tulong na ganito pa rin ang rason ko sa kanya? But I know that even if he is not good with my decision and plan, he will still do it for me.

“At saan ka naman pupunta? Tatakas ka na naman?” tanong niya sa akin.

I stopped my car and parked it on the parking space in the basement of my penthouse. Sumandal ako sa back rest bago siya sinagot.

“Gusto ko lang eenjoy ang mga natitirang araw ko bago ako mamalagi sa Italy tulad ng gusto ni mama at papa. If you have a suggestion then I might visit it.”

Ang sabi ko nga ay gagawin ko kung ano ang gusto ko at walang makakapagdikta sa kung anong buhay ang dapat kong piliin. Pero minsan ay hindi rin nasusunod ang mga plano natin sa buhay. Mas maganda pa rin ang mga plano Niya sa atin. Mas posible at mas naaayon sa realidad. I should have enjoyed more if I know that my fate will be like this. I should have married earlier if I have known that I will be trapped in one country for a reason.

“Wala akong alam na magandang lugar na hindi pa sakop ng mga bata ni tita at tito. Lalo na siya… But I do have one in my mind. Unless you want to take a risk then I don’t want to compromise the plan. Alam mo na kapag nabuking ka ay sa Italy ang bagsak mo at hindi ka na makakalabas pa ng bansang iyon kapag hindi ka pumayag sa mga kagustuhan nila,” seryosong sambit ni Aamon.

“No problem. Just tell me where and I will spend the rest of my week there.”

Kaya naman ay sa Pilipinas ako napadpad pagkatapos ng usapan namin ni Aamon. I enjoyed my first day there in Manila Pen and asked other tourists to recommend a good place where I can unwind and enjoy the view. All they have recommended is a new resort in Manila. It’s worth trying when I have found out that this resort almost had all of my favorite activities when it comes to places like this. Natutuwa ako habang tinitignan ang mga maliliit na perlas, kabibe at ipa bang yamang dagat na nakalatag sa isang malaking tela sa labas ng pub ng resort. Inilalagay ito ng mga bisita kapag ayaw nilang dalhin ang mga nahahanap nila sa dagat. Hindi nila alam na may halaga ang mga ito.

“Sir, baka po may gusto kayong iuwi. Souvenir na po,” agaw ng isang bartender sa aking atensyon.

Umaga ngayon kaya madalang na may pumunta rito sa pub.

“Can I get those small and pink pearls?” turo ko sa mga perlas.

Napakamot siya sa kanyang batok. “Naku, sir. Hindi talaga ito perlas pero pwede niyo pong kunin…” Ngumiti siya nang hilaw pagkatapos niyang sabihin iyon.

Napatawa ako bigla dahil sa kanyang sinabi. Maybe they really don’t give value to these kinds of things. Gusto ko pa naman ang resort nilang ito dahil organisado.

“Alam mo ba na maaari mo itong gawing hikaw? Maganda ito at magandang ipangregalo sa babae lalo na at kasali na ito sa mga yamang dagat kaya hindi basta-basta nasisira. Pupwede ka pang makabuo ng kwentas at pulseras mula rito. This product will be as unique as a crystalline diamond because not everyone would like to search for pearl to make money out of it.”

Napangiwi ang bartender. Nginitian ko na lamang siya dahil baka iniisip niyang kung ano-ano pa ang mga pinagsasabi ko. But I know these things because I have my own jewelry line.

“Hindi ko alam pero paano mo naman maikukumpara itong maliliit na bilog na ito sa isang diyamante? Diamond is very hard, right?” aniya.

“Yes, that is right because diamond is made up of repetitive carbons that is why it is the hardest mineral. Ang sa akin lang naman ay hindi ito basta-basta napulot lang na parang walang halaga. Hindi na dapat natin pinagdedebatihan ang ganitong bagay pero dapat ay alam mo ang kahalagahan ng mga bagay-bagay kahit pa maliit ito.” Tinapik ko ang balikat niya at kinuha ang pitong maliliit na perlas bago umalis doon.

My stay there in that resort became memorable. Panandalian kong nakalimutan ang pinoproblema ko dahil lahat ng nakakasalamuha ko ay masayahin. Parang wala akong problemang pasan-pasan sa aking mga balikat. Pero ang hindi ko talaga namamalayan ay ang kakaunting pagbabago sa aking sarili.

“Ian, bakit ba ganoon mo na lang tratuhin si Myca?” galit na tanong sa akin ni Ace pagkapasok namin sa room ko.

Dumating si Ace rito sa resort pagkalipas ng ilang araw at nagulat ako. Pero alam ko kung bakit ito rin ang inirekomenda ni Aamon at Tatiana sa kanya ay dahil alam kong nais lamang nilang siguraduhin na nandito pa ako sa Pilipinas.

“Ano na naman? Mali ba ang ginawa ko?” baling ko sa kanya at sumalampak sa sofa.

“Don’t act mighty in front of her! At mas lalong huwag kang umakto na parang isa siya sa mga babae mo.”

“Bakit parang galit na galit ka? Ginawa ko lang naman iyon dahil akala ko ay sumasakay siya sa katuwaan namin.”

Mas lalong nagalit ang mukha ni Ace dahil sa sinabi ko. “Those people are not your squad. Hinamon ka nga tapos sasabihin mong nagkakatuwaan kayo? Tama rin ba na sabihin mo sa kanya na tatanggapin mo ang hamon nila basta pumayag lang siya na i-date ka?”

I chuckled without humor in it. “Ace, chill. Mainit ang ulo mo dahil lang doon?”

“Oo! Magtino ka na at hindi kung sino-sinong babae ang sinusubukan mong pormahan. At ipapaalala ko lang na iba si Myca sa mga tipo mong babae. Iba rin siya dahil kaibigan siya ni Tatiana at ayaw niya sayo kaya mas mabuting huwag mo na siyang guluhin!” Pagkatapos nun sabihin ni Ace ay umalis na siya.

Napatitig ako sa screen ng TV habang iniisip kung papaano nasabi ni Ace na ayaw sa akin ni Myca. Siguro ay dahil halatang palaging mainit ang ulo niya kapag nakikita niya ako. Ilang beses nga ba niya akong nasigawan? Sa nangyaring iyon ay natauhan ako nang kunti. May konsensya pa rin naman ako at natitirang hiya sa sarili ko. Kaya naman ay humingi ako ng paumanhin kay Myca sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng regalo. Sana ay mabago ang tingin niya sa akin dahil hindi ko naman intensyon na papangitin ang sarili ko sa paningin niya. Masyado lang siguro ako nasanay na lahat ng tao ay sinasakyan ang mga trip ko sa buhay. But I was shocked to find out that she is the one who saved me from death…