Chapter 10

Sa lakas ng suntok niya hindi na ako nakagalaw upang protektahan ang sarili ko. At sa isang iglap hubo't hubad na ako.

Kahit gusto ko manlaban ay hindi ko na kaya. Wala na akong lakas. Nanghihina ako.

Nandidiri ako sa bawat haplos niya sa katawan ko. Tahimik akong umiiyak at nananalangin na sana ay may tutulong akin.

"Huwag, please. Tama na," pagmamaka-awa ko ngunit ang lalaki sa ibabaw ko ay bingi. Hanggang sa nagtagumpay siya sa kanyang nais sa akin.

Napahagulhol ako. Galit ako sa sarili ko dahil napakahina ko. Gusto kong manlaban ngunit heto ako mahina at wala nang lakas upang lumaban sa taong walang awa na binababoy ako. Nanigas siya sa ibabaw ko, nang makaraos siya.

"Hayop ka! Napakahayop mo!" nanghihina na sigaw ko.

Walang salita akong narinig sa kanya. Hanggang sa narinig ko na tinatawag ang pangalan ko. Hindi ko magawang sumaya dahil huli na ang lahat, nagtagumpay na ang hayop na na ito sa balak niya. Dali-daling tumayo ang lalaki at inayos ang sarili niya. Sinuot niya rin ang mga damit ko. Kahit gusto kong umangal, kahit gusto ko siyang saktan, hindi ko parin magagawa. Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya. Tinawag muli ang pangalan ko, na bosesan ko, si jaxson pala at malapit lang dito sa kinaroroonan ko. Hirap man, ay sumigaw ako.

"Jaxson! Babe! Tulong!" buong lakas na sigaw ko.

Walang sabi-sabi nanakbo palayo ang lalaking gumahasa sa akin. Ang nambaboy sa akin.

"Babe, saan ka? Janice!" tawag muli ni Jaxson.

"Babe, nandito ako! Jaxson! Tulungan mo ako," humihikbi na sigaw ko.

Nagulat si Jaxson ng makita ako na subrang hina, marumi, at magulo ang buhok at damit.

"Babe!"gulat na sambit niya at dinaluhan ako.

"May lalaki," nahihirapang sabi ko. "Ginahasa ako, "napahagulhol ako ng bigkasin ko iyon.

"Hey. calm down."

"Huwag! 'Wag mo ako hahawakan. Lumayo ka sa akin!" Sigaw ko ng hawakan niya magkabilang kamay ko.

"Babe. Babe, ako to, si Jaxson to."

Alam ko. Ngunit na aalala ko 'yong walang hiyang humalay sa akin kapag hahawakan ako ni Jaxson. Umatras ako palayo sa kanya. Na alarma siya kaya niyakap niya ako at pinatahan.

"Ang dumi-dumi ko Jaxson. Ni rape ako. Sinaktan niya ako," umiiyak na sabi ko na nagpupumiglas sa yakap niya.

"Shhh. Tahan na. Kalma lang. Nandito ako, mag rereport tayo sa pulis."

Umiiyak na umiling ako. "Paano Jaxson? Hindi ko siya kilala. Hindi ko nakita ang pagmumukha niya."

Kahit magreport kami sa pulis hindi parin mabigyan ng hustisya ang ginawa niyang panggahasa sa akin. Walang ibang nakakita kundi ako lang. Wala rin ako maibigay na kahit ano para matukoy kung sino ang walang-hiyang 'yon.

Kumalma na ako. Sumunod rin pala ang mga kaibigan ko. Alalang-alala sila nang makita ako. Panay ang tanong nila kung ano ang nangyari ngunit wala akong sinagot isa sa kanila. Kahit sandali gusto ko muna iyon kalimutan, ngunit paano kung ang ginawa niyang iyon ay malaking trauma ang iniwan niya sa akin.

Ina-alalay ako ni Jaxson na tumayo ngunit hindi kaya ng katawan ko. Masakit ang sikmura ko at nahihilo ako dahilan para mawalan ako ng malay.

"Huwag!"

Habol ko ang aking hininga nang magising ako. Napahagulhol ako ng maalala ko ang nangyari sa akin.

"It's okay. Nandito ako babe"

Yakap ako ni Jaxson at pinapatahan. Nasa kwarto ko na pala ako. Mabuti nalang at wala si Tita Fely dito. Isang linggo siya sa Maynila kasama ang mga amiga niya.

"Ayos kana ba?" tanong nito.

Sinong matinong tao ang magtatanong na, ayos kana ba? Gago, ginahasa ako. Sinaktan. Anong ini-expect niya after ko magising ay maging okay na ang lahat?

Tumango lang ako sa kanya. Kahit gusto kong sabihin na hindi ako okay at hindi ko alam kong magiging okay paba ako ay tumango ako. Nagpa-alam siya na umuwi muna sa kanila, kahit ayaw ko dahil takot ako na mag-isa, hindi ko siya pinigilan. Nakakatampo dahil kaya niya akong iwanan na mag-isa hindi niya inisip na baka natatakot ako.

Mga kaibigan ko hindi rin nila ako dinalaw pagkatapos ng trahedya na yon. Nag text lang sila na busy sila sa school. Nangangamusta. Gusto ko silang maka-usap. Gusto ko damayan nila ako dahil may pinagdaanan ako. Gusto ko maging updated sila sa akin katulad nang dati, pero ang text ko hindi nila ma replayan.

Inabala ko ang sarili ko sa panonood ng comedy movie, ayoko matulog o pumikit man lang dahil na aalala ko lang ang gabing iyon. Isang gabi na nagbigay sa akin ng bangungot at trauma.

Isang linggo na ang lumipas ngunit sariwa parin sa aking isipan na para bang kanina lang iyon nangyari. Hindi ako naka attend ng graduation dahil natatakot ako kapag may ibang tao akong makita. Kapag may lalaki na tumingin o humawak sa akin na alala ko lang ang nangyari sa akin. Mga kaibigan ko, hindi na rin dumalaw at pati si Jaxson. Hindi ko alam kong ano ang rason nila. Pero pakiramdam ko iniiwasan nila ako. Kung sabagay, sino ba naman ang lalapit uli sa katulad kong marumi, sa katulad kong biktima nang rape. Siguro kaya sila umiiwas sa akin dahil baka kapag nalaman ng iba na ni rape ako ay madadamay sila sa kahihiyan. Naintindihan ko. Iyon naman ang papel ko, ang intindihin sila.

Dumaan ang dalawang linggo, tila nagkalamat na kaming magka-ibigan. Wala 'yong kaibigan ko na maaasahan. Kaibigan na malalapitan sa t'wing ako ay nangangailangan. Kaibigan na maaari kong sandalan sa twing ako'y nahihirapan. Si Jaxson? Hindi ko alam kung ano na ang relasyon mayroon kami. Simula noong umalis siya sa bahay ay hindi na siya nagparamdam ulit sa akin. Sino ba naman ang mananatili sa babaeng nagamit ng iba? Sa babaeng marumi? Masakit lang sa kalooban na ang mga taong mahalaga sa akin, ang taong akala ko ay hindi ako iiwan ay wala na sa tabi ko at iniwan na parang bula.

"Buntis ka?!" Nanginginig sa galit na sigaw ni Tita. "Hindi na nga ako magkanda-uga sa paghanap ng pera para ipalamon sayo, dumagdag kapa ng isang palamunin! Lumayas ka! "

" Tita, " nanginginig ang boses ko." Huwag po Tita. "

" Alam mo. Pareho kayo ng nanay mo na malandi! Makati! Kaya ka na buntis dahil nangmana ka sa nanay mong hitad! Lumayas ka dito Janice. Ayoko makita yang pagmumukha mo at baka hindi ako makapagpigil at makalimutan kong buntis ka! "

" Tita. Wala ho akong mapupuntahan. Huwag niyo po akong paalisin, " pagmamaka-awa ko kulang nalang ay lumuhod ako sa harapan niya.

" Lumayas ka dito.! Kung kung gusto mo pang mabuhay yang anak mo! Doon ka umuwi sa nag buntis sayo! Doon ka magpa-aruga! Lumayas ka! "

Sa takot na baka saktan niya ako, dinampot ko nalang ang bag ko at nagmamadaling lumabas sa bahay. Wala akong damit na dala. Hindi ko alam kung may pera pa ba ako. Saan ako pupunta? Wala na akong kaibigan na matakbuhan.

Hinimas ko ang maliit kong tiyan." Pupunta tayo sa papa mo anak. Panigurado matutuwa iyon."

Binagtas ko ang madilim na daan papunta sa farm nila Jaxson dahil wala akong pera. Kahit natatakot ay kinaya ko makarating lang kami sa kanya.

"Jaxson, pwede ba tayong mag-usap?"

Nagulat siya sa biglaan kong pagsulpot sa bahay nila. Hinawakan niya ako sa braso at hinila palabas ng gate nila.

"Aray! Jaxson masakit ang pagkahawak mo," daing ko. Marahas niya akong binitawan, muntik pa ako matumba. Nagulat ako sa inasta niya. Hindi ganito ang Jaxson na kilala ko.