Chapter 80 Epilogue
Nassandra's POV
Huhuhu. Ang shunga mo Nass! Hindi mo naisip na si Zeke nga pala may-ari nung ospital na ito! Huhuhu!!!
Gusto ko nalang mapatampal ng noo.
" Is that really you Nass?" Tinignan ko siya nang masama dahil sa inis ko.
" Ay hindi, hindi ako ito. Multo lang ako. Sana nga maging multo nalang ako eh." Sarkastiko kong sabi.
Iniiwasan nga sila eh? Talagang pumunta ka pa sa isa sa pagmamay-ari nilaaaa?!!
Wahhhh. Nass! Ano baaaa!
*singhot*
Napatingin ako kay Zeke at nagulat na makitang umiiyak siya. Not to mention na nagdudugo yung ulo niya at may sugat dito.
" Don't say that Nass. You scared the sh8t out of us, especially Kei and Brylle" mapait akong ngumiti sa kaniya.
" I'm sorry" hinawakan niya ang pisngi ko at umiling.
" No. Don't say sorry. Sinasabihan mo kami sa letter mo na huwag magsabi ng sorry pero ikaw itong nags-sorry"
Oo nga pala... may isinulat nga pala akong letter.
" Uhmmm" napakamot ako sa batok dahil hindi ko alam yung sasabihin ko.
Gusto ko nalang na magsorry sa kanila pero tama si Zeke.
Napangiti ako nang yakapin niya ako nang mahigpit kaya yumakap din ako pabalik.
" Oh my ghad. You're real" hindi niya makapaniwalang saad.
" Yeah..." narinig kong umiyak siya sa balikat ko at hinayaan ko lang siya.
" What happened? H-how?" Napayuko ako at ayaw na munang sagutin yung tanong niya.
Naintindihan niya naman iyon.
" Okay. Sorry. I won't ask until you're ready" tumango ako dito.
" Why are you here? Bakit ka may bill sa ospital? Nagkasakit ka ba or nasugatan after nung pagsabog?" Tumango ulit ako.
" Uhhmmm, naospital ako dahil may kaunti akong injury pero hanggang ngayon, nandito pa din si Diego. Kinailangan ko siyang isugod ulit sa ER pagkatapos lang namin madischarge. Wala na akong ibang mahanap na trabaho."
" Diego?!" Medyo inis na tanong nito.
" He helped me, Zeke. He's my best friend at namanipula lang siya ni Lolo nung una. He planned to kill him too" hindi siya ganoong naniwala sa sinabi ko at naiintindihan ko naman kung bakit.
" Fine. Then I'll cover for your hospital bills, including his" tinignan ko siya nang masama sa sinabi niya.
" Ayoko ngang nagkakaroon ng utang na loob sa iba---"
" Then be Kei's maid again" natigilan ako sa sinabi niya.
" Nagiisa lang yung si Ema doon. She can't clean the house all by herself" napagtanto ko na wala na nga si Jane doon dahil nag-undercover lang naman siya...
Bumuntong hininga ako.
Why is this scene so familiar?
Nginisian niya ako dahil alam niyang wala akong choice.
Tinaasan ko siya ng kilay.
" Miss niyo lang ako eh" sincere siyang ngumiti.
" Oo. Miss ka na namin" napasimangot ako at parang namula pa.
" Shatap!" Malakas siyang natawa at tila nahawa ako kasi natawa din ako.
---
" Nass" tumingin sa akin si Diego at ang ngiti niya ay nawala nang marealize na kasama ko si Zeke.
" What is he doing here?" Nanliliit ang matang tanong nito.
" I'm paying for your bills, bastard"
" So?" Tumaas ang kilay ni Zeke.
" Can't you just be thankful?"
" Why would I thank you?"
" Kung hindi ko babayaran yung bills mo, magpapakahirap si Nass na maghanap ng trabaho" natigilan si Diego doon at natahimik.
Sinipa ko naman si Zeke sa sinabi niya.
Tinignan niya ako nang masama pero nakita ko na medyo guilty siya.
" Hay nakoo" lumapit ako kay Diego at inayos ang kuumot nito.
Nagkaroon ng impeksyon sa sugat nung tama nung baril ni Diego kaya kinailangan ko siyang dalhin ulit sa ospital.
" How are you feeling?" Ngumiti siya sa akin.
" Medyo masakit yung ulo" tumango ako dito at inayos yung mga gamit na nasa sofa nung room.
" Hihintayin ko munang madischarge si Diego bago ako bumalik sa mansyon---"
" Babalik ka sa mansyon?!"
" Bakit? Anong problema mo? Ikaw ba ang babalik at nagrereklamo ka pa?!" Umirap ako sa pag-aaway ng dalawa.
" Oo. Diego, you will stay there with me. Wala na tayong tutuluyan at Zeke kung gusto mong bumalik ako, papatirahin mo kami ni Diego doon"
" Nass, ikaw, okay lang pero siya---okay! Oo na! Sige!" Ngumisi ako dahil napapayag ko siya.
---
After 3 days...
" Kapag ikaw, may ginawang kahina-hinala, hindi kami magdadalawang isip na sipain ka paalis!" Bago pa makasagot si Diego sa sinabi ni Zeke ay tinignan ko na sila nang masama.
Tatlong araw na akong nagtitiis sa walang tigil nilang pag-aaway! Naku!
Ngayon ko lang din nalaman na kaya siya nasa ospital nung isang araw dahil nabangga siya...
" Nga pala. Wala si Kei. Nasa France" tumango ako dito.
Pinuntahan niya siguro si Tito Andre...
Sinabi ko din kay Zeke na huwag munang sabihin sa iba na... hindi pa ako patay.
" Eh si Brylle?" Ang tagal ko na siyang hindi nakikita at miss na miss ko na siya.
Tumingin mula sa likod ng kotse si Diego sa rear view mirror at nakatitigan ko siya.
Napansin iyon ni Zeke pero hindi nalang binigyang pansin.
" Kasama si Kayden. Nandoon sa sarili niyang bahay. Gusto mo ba papuntahin ko ngayon?" Umiling ako dito.
" Huwag na baka makaabala ako" bumuntong hininga siya at tumingin sa akin habang nagd-drive.
" Nass. You're still Brylle's mom. Kasama mo siya nang tatlong taon at walang mali sa pagaasam na makita siya" naalala ko naman si Aedin.
Nakwento sa akin ni Zeke na namatay si Aedin last week. Iniisip ko naman kung ano ang nangyari sa kanilang lahat... Alam ko namang napaka importante ni Aedin sa kanila...
Napakagat ako ng labi.
" I'll be happy to see Brylle. I think kailangan ding mag-usap ni Diego at Kayden" napatingin si Zeke kay Diego na napayuko.
Tumango ito at bumalik na ang tingin sa kalsada.
---
Huminga ako nang malalim.
Nandito na kami sa labas ng mansyon. Ipinark ni Zeke ang kotse niya sa harap nung bahay.
Nasa labas na siya at may kausap sa telepono.
Si Diego naman ay nakaupo sa may bato sa labas at nakatulala.
Habang ako, nandito pa din sa loob ng kotse.
Hinahanda ang sarili ko dahil makikita ko na ulit yung iba.
" Nic" napatingin ako sa labas nang naglakad si Kuya papunta kay Zeke.
Binaba ni Zeke ang tawag at nakipagkausap kay Kuya.
Ang sabi sa akin ni Zeke ay madalas na dito si Kuya dahil nagtutulungan yung mafia at agency...
Parang partners kumbaga.
He's really alive.
Nung nakaraang dalawang linggo eh naiisip ko kung totoo nga bang buhay si Kuya.
Pero ngayon, nakita ko na ulit siya.
Nakangiti siya kay Zeke pero hindi abot sa mata...
Bigla namang lumapit sa kotse si Leon na kasama pala niya.
Nagtitigan kami nung aso, nasa loob ako ng kotse habang nasa labas siya.
His tail is wagging happily at nung masiguradong ako yung nasa loob ay nagsimulang tumahol at naglakad lakad papunta sa dalawa tas pabalik sa akin.
Napansin ni Kuya yung excitement ni Leon kay napatingin ito sa kotse.
Hindi ko sila ganoong marinig pero mukhang tinanong ni Kuya si Zeke kung may tao ba sa loob.
Tumango si Zeke at kumunot naman ang noo ni Kuya.
Bumuntong hininga ako at lumabas ng kotse.
Napatingin sa akin si Kuya na kanina'y nakangiti, ngayon ay hindi na.
.
.
.
Nakatayo lang ako sa tapat ng kotse habang siya ay nakalaglag ang panga at gulat na gulat na makita ako.
" Pat...?" Ngumiti ako dito.
" Kuya" suminghap siya at lumapit sa akin.
" Is that you?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa tsaka tumigil sa buhok ko.
Maikli na ito ngayon... dati, ayaw kong nagpapagupit nang maikli dahil feeling ko hindi bagay sa akin. Ewan ko ba kung anong napagtripan ko at wala nalang sa akin ngayon na maikli na ang buhok ko.
Bumalik ang tingin sa akin ni Kuya.
Medyo mahaba na ang buhok nito at may kaunting balbas.
Nakasuot siya ng black na longsleeves at pantalon.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
" Pat" mahigpit niya akong niyakap. Ramdam ko ang pangungulila niya sa akin...
" You're alive! Thank god!" Tahimik lang ako at nakayakap lang sa kanya.
---
Pagkatapos nung eksena namin ni Kuya ay pumasok na ako sa loob ng mansyon.
Unang nakakita sa akin ay si Steven na parang batang tumakbo sa akin habang umiiyak at tumalon pa sa akin.
Lahat sila ay nagulat nang makita ako.
Sino bang hindi? Akala nila namatay na ako.
Nakipag-usap ako sa kanila isa isa kahit kay Laiza.
They all seems guilty pero hindi ko naman sila sinisisi...
Nakipagkita din ako kay Jane na umiyak nang makita ako.
Tinulungan ko na din siyang magluto ng hapunan.
Nung mga ala-sais ay dumating sila Brylle at Kayden.
" Mama!" Pagkakita palang sa akin ni Brylle ay kaagad siyang napaiyak.
Napaupo siya kaya lumapit ako dito.
" Ang akala ko po iniwan niyo na ako. Huhuhu. Mama!!!" Napaiyak na ako at mahigpit siyang niyakap.
Matagal na panahon ko na gusto itong gawin...
" Brylle"
" Don't leave me again Mama. I missed you so much" hinagod ko ang likod nito.
" Me too baby... I'm sorry" hindi siya bumitaw sa akin kaya binuhat ko ito at ngumiti kay Kayden.
" I knew you'll come back" hinawakan niya ang pisngi ko.
" Thank you for taking care of Brylle"
" Of course, he's my son--- I mean, my wife's son" bahagya siyang nalungkot nang sinabi iyon.
Tumingin ako kay Diego na nanlalaki ang matang nakatingin lang kay Kayden, nasa may corner lang siya ng room.
Nagkatinginan kami at tumango ako sa kanya.
Huminga siya nang malalim at lumapit kay Kayden.
" Can I talk to you?" Tumaas ang kilay ni Kayden at lumingon sa likod niya.
Dumilim ang ekspresyon nang malamang si Diego ang kumausap sa kanya pero bumuntong hininga at tumango.
" Let's talk outside. Nass" ngumiti ako sa dalawa at hinayaan silang lumabas ng mansyon.
Sana walang mangyaring bugbugan...
" Nass! Bakit ba kasi hindi ka kaagad nagpakita?!" Masungit na tanong ni Devon.
Hindi ko maiwasang mapairap.
" Huwag mo akong kausapin sa tono na iyan. Okay lang sabihin na namiss mo ako" tinignan niya ako ng masama.
" Hindi noh!" Pero may nakita akong parang pamumula sa pisngi niya.
Umiling ako at lumapit kay Maxence at Steven na nasa may sofa.
Ginugulo ni Steven ang naglalarong si Maxence.
" Go away, Steven. Ang ingay mo"
" Ehhhh, kanina ka pa naglalaro. Pasubok nga nyan" tinignan ni Maxence si Steven tsaka inilayo ang phone.
" Ayaw" dumako sa akin ang tingin niya at napangiti siya.
Wow. Parang gusto kong picturan ah...
" Nass. Don't go away again" marahan nitong sabi. Tumingin sa akin si Steven na mas lalo pang sumigla ang mata.
" Nass! Sa ibang araw, isasama kita sa bahay ko pag-uwi, sama na din natin si Brylle. Madaming bata doon, para may kalaro siya"
Iba sa feeling yung mga sinasabi nila ngayon.
It's like they're really accepting me. Like I'm part of the family.
" Miss Nass" yumuko sa harap ko si Erick tsaka umupo sa sofa. Tinanguan ako ni Laiza at pumasok sa kusina.
" Hi" lumingon ako kay Theo na nahihiyang lumapit.
" Sabihin mo kung paano ako makakabawi sa lahat ng nagawa ko, promise, gagawin ko" inayos ko ang pagkakabuhat kay Brylle na ngayon ay tulog na tsaka humawak sa balikat ni Theo.
" What I want you to do is stop thinking that you did something bad to me" kumunot ang noo niya sa una pero ngumiti at tumango din sa huli.
" Thank you Nassandra"
Nagulat ako nang halikan niya ako sa pisngi sabay takbo paalis.
Napapikit pikit ako
Huh???
Lumapit sila Zeke at Katie kaya sa kanila ko nalang binuhos ang atensyon ko.
Niyakap ako nang mahigpit ni Katie.
Pangsampung yakap niya na nga yata ngayon.
" I'm really glad you're alive Nass. Hindi ko alam ang mangyayari kung namatay ka talaga" she started tearing up as Zeke comforted her.
" Isumbong ko nga si Theo kay Kei" parehas naman kami ni Katie na tumingin nang masama kay Zeke.
" Woah, okay!" Tinaas nito ang dalawang kamay at bahagyang lumayo sa amin.
" Pero Nass, as far as I know, uuwi si Kei bukas" tumango ako dito.
Mahahanda ko pa ang sarili ko bago ko siya makita ulit.
The thought of seeing him again makes my heart beat faster...
" Nakahanda na po ang pagkain!" Napatingin kaming lahat kay Ema nang magsalita siya.
Nanlaki ang mata niya at nahiya.
" U-uhmm Nass? Ikaw na bahala dito ah" bahagya akong tumawa tsaka tumango kay Ema.
" Kain na guys" nagsipuntahan naman silang lahat sa may table.
---
Ang bilis ng tibok ng puso ko...
Nandito kami ngayon sa sala sa may front door.
Naglilinis...
Dahil papunta na daw si Keian.
Nakaupo sa isang sofa si Manang at tinitignan kaming maglinis na dalawa.
May bagong maid dito, anak nung isa sa pinakamatagal na tauhan nila Keian.
She's pretty young, siguro mga 19 years old habang ako, 23 na.
Mahiyain siya pero mabait naman.
Nasa kusina si Ema at naglilinis doon, pinaglinis din kasi kami dito.
Ngumiti ako kay Manang.
Grabe ang tuwa ko nang malamang gising na si Manang mula sa coma.
Kahit na hindi na siya ganoong nakakagalaw dahil nahihirapan.
Hindi naman siya pinapaalis nila Zeke dahil napakaimportante ni Manang para sa kanila.
" Ate. Nakakakaba naman. Ano meron?" Mahinang tanong sa akin ni Roxy.
" Hindi mo ba kilala yung pinagt-trabahuhan nung daddy mo?" Ngumuso siya.
" Medyo lang po. Ang sabi niya nga eh mabait daw po ito pero seryoso kung seryoso" tumango naman ako dahil tana siya.
" Kaso nga lang, minsan nagkakatopak siya kaya ito tayo ngayon, naglilinis" nagtaka si Roxy sa sinabi ko.
" Paano---"
" Uy. Nandyan na si Maître" nanlaki ang mata ni Roxy at napayuko kaagad.
Nagkatinginan muna kami ni manang bago kami yumuko na din.
" Welcome back Kei" bati ni Zeke dito.
" Tsk" muntik na akong mapasinghap nang marinig ang boses nito.
" Why is your hand bleeding? Do you have any injuries?" Nakita kong pumasok silang dalawa sa loob at ginalaw ni Keian ang kamay para nawala ang dugo sa kamao.
Ang malalim at matipuno nitong boses.
" Someone chased me. I gave them a good beating" Zeke chuckled as he looked at where Keian's gaze is.
Nasa aming dalawa ni Roxy.
" Huhu. Nakakatakot naman yung tingin ni Maître"
" You hired new maids?" Nanliit ang mata ni Keian sa amin.
" Ahh. Yes. If you don't mind. Nagiisa nalang kasi yung maid, hindi niya kayang linisin yung buong mansyon nang mag-isa, at magluto na din para sa madaming nakikitira dito." I can feel his eyes lingering on me.
Napalunok ako.
" Fine. Just make sure they are not from some agency or some f---ed up family" malamig na sabi nito tsaka umakyat na sa hagdan habang tumutulo pa din ang dugo mula sa kamay.
Ayos ah... parang dati lang din.
Nang masiguradong pumasok na si Keian sa kwarto ay umalis kami sa pagkakayuko.
" Sorry about that" sabi sa akin ni Zeke.
Bumuntong hininga ako.
" Ayos lang. Sige at lilinisin ko na yung dugo. Naku, kahit kailan talaga..." natawa si Zeke tsaka ako tinapik sa likod.
" Go, maid" inirapan ko ito at sinimulang linisin yung trail ng dugo sa hagdan paakyat.
Habang palapit nang palapit ako sa kwarto ni Keian ay pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.
When I'm finanlly in front Keian's door, I was pulled from the inside.
Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa lalaking iniipit ako sa pinto ng kwarto.
Namiss ko yung amoy niya at nung kwarto niya...
Bahagya akong napangiti nang manlaki ang mata niya na parang nakakita ng multo.
Natahimik lang kami habang nagtititigan sa isa't isa.
His hair is a little bit messy and I just want to touch it.
So I did.
Naramdaman ko ang malambot niyang buhok habang nakatingin pa din sa kanya.
Napalunok siya at parang mas lumaki pa ang mata bago napapikit.
" Keian" sambit ko sa pangalan nito.
" Oh God..." nilagay niya ang kamay sa bewang ko at mas nilapit sa kanya.
Isinuksok niya ang mukha sa leeg ko kaya ipinalibot ko din ang kamay ko sa kanya.
I missed him...
" I-is this real?" He stuttered.
Napakagat ako ng labi at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.
" Keian"
" Sh8t. You're real" naramdaman kong nagsimula siyang manginig.
Humigpit ang hawak niya sa bewang ko.
" Nass?"
" Hmm?" He groaned. Bahagya siyang humiwalay sa akin para makita ang mata ko.
Gulat pa rin siya pero at the same time ay masaya.
Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang tumulong luha doon.
Nakita kong may scar sa kamay niya na parang may bumaon dito.
" Nassandra" he keeps repeating saying my name. Making himself believe that I'm now in his side again.
Mamaya ay napasimangot siya at mabilis na lumuhod.
" I am so sorry baby, I-I can't save you. I pushed you away. I'm a jerk. I should've spend more time with you... akala ko wala ka na" his eyes watered.
Hinawakan ko din ang pisngi niya at pinunasan ang luhang tumulo sa mata.
" It's okay. Keian. I'm the one who should say sorry. I'm the reason you saw Maximo again" he lets out what seems to be a growl then stared right through my eyes.
Nagtagpo ang ilong namin at maglalapit na ang mga labi namin.
" Nonsense. You're the best thing that ever happened to me. You're innocent and beautiful" hinawakan niya ang baba ko.
His thumb rubs against my scar on the lips.
" You deserve so much better"
" Then I deserve you" humiwalay ulit siya sa akin at tinignan ako.
Sa loob ng ilang buwan, nakita ko na ulit yung ngiti niya.
" I love you Nass" ngumiti ako pabalik dito at pinagtagpo ang noo namin.
" I love you too, Keian" bahagya siyang nagulat sa sinabi ko.
" Really?"
" Hmmm" ang tanging sagot ko.
Our lips met.
The longing and desire of each other lingers...
Humiwalay ako sa kanya nang halos hindi na ako makahinga.
Nilagay niya ang kamay sa likod ko kaya mas napalapit pa ako sa kanya.
Hinalikan niya ulit ako sa labi bago buhatin at inihiga sa kama niya.
" I missed sleeping with you" tinanggal nito ang suot na pantaas at nakita ko ang matipuno nitong katawan.
Humiga siya sa tabi ko at hinawakan ako nang mahigpit.
Na tila ba nagiingat na baka mawala kapag hindi hinigpitan ang hawak sa akin.
" Nass" sumandal ako sa dibdib nito at ninamnam ang init ng presensya niya.
He held me protectively.
" Thank you baby... for coming into my life" naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko.
Me too. Keian...
Book 2 is Happily Maid for the Mafia Boss…