Chapter 61: Cowardness…
Naayos ko na ang sarili ko bago pa makabalik sila Tiya at Brylle.
Halatang halata ang tuwa sa mukha ni Brylle kasama na din ang pagod. Buong araw din kasi siyang nakipaglaro kay... Keian.
" Mama! Ang saya po sa park!" Niyakap ko siya nang tumakbo siya papunta sa akin.
" I'm glad you enjoyed going out, Brylle" hinagod ko ang likod nito na basang basa ng pawis ang damit.
" Love you Mama"
" Love you too, Brylle" isinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko at mukhang nakatulog na.
Ngumiti ako at umiling.
Pagod na pagod na nga.
" Palitan ko lang po ng damit si Brylle at ihihiga sa kama tsaka ako magluluto" ngumiti si Tiya.
" Huwag mo na akong ipagluto kayo nalang, kung ayos lang Nassandra. Maiwan ka na muna dito bago bumalik sa trabaho mo. May pupuntahan kasi kami ni William" tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
" May date po kayo?"
" Oo--- ay ha? Ano? Hindi ah. Kakain lang kami sa labas. Masyado na kaming matanda para magdate" nakangiti akong tumango.
" Ah sige po, sabi niyo eh" pinanliitan ako ng mata ni Tiya habang dinala ko sa kwarto si Brylle.
Tinanggal ko ang t-shirt nito at nilagyan ng pulbos ang likod bago inihiga sa kama.
" Sleep tight, Brylle" hinalikan ko ito sa pisnge tsaka lumabas sa sala.
Nakita ko namang nakabihis na kaagad si Tiya ng sosyaleng bistida.
" Mukhang sa mamahaling restaurant pa kayo kakain ah"
" Hindi ah. Dyan dyan lang"
Hay nako, Tiya. Kilalang kilala ko na kayo.
Pumunta ako sa kusina para naman magluto ng hapunan kaso lang wala akong maisip na pwedeng iluto. Parang wala din ako sa ganang magluto.
" Anong nangyari, Nass?" Napatingin ako kay Tiya na may seryosong ekspresyon. Bumuntong hininga ako.
" Kailangan ko bang mag-alala sa kaligtasan namin ni Brylle?" Umiling ako dito.
" Hindi ko po pwedeng sabihin sa inyo ang buong nangyari siguro po ay balang araw, kapag handa na akong ikwento. Pero sinisigurado ko po na hinding hindi kayo mapapahamak"
" Hinding hindi po namin kayo pababayaan." Nagulat ako nang may magsalita sa may pinto.
Bukas ito at nakatayo doon si William at si Zeke. As usual ay nakasuit si William.
" Zeke" ngumiti si Tiya dito at tumayo.
" Inaasahan ko iyan mula sa inyong dalawa" tumingin siya sa aming dalawa ni Zeke. Tinignan ko siya pero hindi niya ako matignan ng diretso sa mata.
" Anne. Alis na tayo?" Nakangiting tanong ni William. Tumango si Tiya at lumapit dito.
" Nass" tumango ako sa kanilang dalawa.
" Teka, iiwan mo dito si Zeke?" Tanong ni Tiya.
" Naku, kay bait ni Sir at ipinahiram sandali ang kotse sa atin. Ngayong gabi lang naman"
" No problem" sagot ni Zeke dito.
" Salamat Zeke ah" sabi ni Tiya. Lumingon siya sa akin.
" Ikaw na ang bahala sa bahay, Nass. Baka mamayang gabing gabi pa ako umuwi.
" Sige po"
Umalis na silang dalawa ni William at naiwang nakatayo si Zeke sa may pinto, umiiwas pa din ng tingin. Bumuntong hininga ako.
" Alam mo kung saan sila magd-date?" Nagulat si Zeke sa tanong ko at napataas ang tingin.
" Ha? Ahhh. Sa may Hotel Gala. May restaurant doon diba?" Nanlaki ang mata ko.
" Napakamahal doon ah! Hindi kaya maubusan ng pero sila Tiya?" Mahal naman kasi talaga doon. Pangmayaman yun eh.
Ngumisi siya sa akin.
" Binayaran ko na sila doon. Tutal buffet naman iyon" tumango ako dito.
Tumahimik ang buong bahay at napatungo na naman si Zeke.
Hinayaan ko siya at pumunta sa kusina.
Kumuha ako ng bawang at sibuyas. Siguro habang naghihiwa nalang ako magiisip ng uulamin.
Binalatan ko yung bawang at sibuyas tsaka hiniwa.
Medyo nanginginig pa ako dahil sa nangyari kanina lalo na't nandito si Zeke.
Habang naghihiwa ng sibuyas ay bumalik ang bumabagabag sa isip ko.
Saan pumunta si Keian? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero naiisip ko na nandiri siya sa akin kaya siya tumakbo paalis.
Ang shunga mo kasi Nassandra eh! Syempre mandidiri siya! Bakit mo ba sinabi?
" Nassandra!" Napapikit pikit ako nang tawagin ako ni Zeke at kinuha ang kutsilyo sa kamay ko at binalibag sa lababo.
Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ang mahabang sugat doon.
Ay, nahiwa ko pala yung sarili ko.
Umagos ang dugo dito dahil sa lalim ng sugat, matalim din kasi yung kutsilyo, bagong hasa.
Napatulala ako sa sugat.
Ano kayang lasa ng dugo? Hindi ko pa iyon nagagawa nung bata ako eh. Dahil nga sa doktor mga magulang ko, baka mainfect daw.
Tinaas ko ang kamay ko papunta sa bibig. Nagtataka namang napatitig sa akin si Zeke.
" Oy!" Hinila niya yung sugat ko palayo sa bibig ko nang didilaan ko sana yung dugo.
Heh. Nababaliw na nga ako.
Nanlalaki ang mata niyang tumingin sa akin.
Tinignan ko siya pabalik tsaka kinuha yung kutsilyo para bumalik sa paghihiwa.
" Tsk!" Kinuha ulit ni Zeke ang kutsilyo at inalayo sa akin.
" Baka masugatan ka na naman eh!" Binato ulit ni Zeke ang kutsilyo sa lababo at kumuha ng first aid kit.
Pinatigil niya ang pagdurugo nung sugat at tinapalan ng gaza ang daliri ko.
" Hindi mo dapat isubo yung sugat mo at baka maimpeksyon" napatingin ako sa kanya.
*singhot*
Nagtataka siyang tumingin sa akin at nagulat nang makitang umiiyak ako.
Yun yung sinasabi sa akin ni Papa dati eh...
" Nass? Sh8t. Bakit? May nagawa ba ako?" Umiling iling lang ako dito.
" Nakakaiyak kasi yung sibuyas eh" dahilan ko. Mas lalo siyang nagtaka sa sinabi ko.
" Masakit ba yung sugat?" Umiling ako at mas lalong naiyak sa sinabi niya.
Ganyan yung tinatanong sa akin ni Mama dati tuwing umiiyak ako kapag nasusugatan eh...
" Nass. Please, tell me what's wrong?" Medyo naiinis nitong sabi.
For the third time, umiling iling ako.
" Ayoko na Zeke. Huhu. Ayoko naaa" mas magulo yung sinabi ko ngayon pero mukhang doon niya ako naintindihan.
Hinawakan niya ang pisngi ko at pinupunas punasan yung mga luha ko.
" I'm sorry Nass" niyakap niya ako at kaagad akong yumakap pabalik. Umiyak ako sa balikat niya.
---
Nakatulala ako sa sahig habang nakataas ang paang nakaupo sa isang upuan sa hapag kainan.
Nagluluto si Zeke sa kusina dahil baka raw mas masugatan ko pa ang sarili ko kung ako ang magluluto.
" Dinner's serve" nagbaba siya ng isang plato ng pasta sa lamesa.
" Thank you Zeke. At sorry, pinagluto pa kita" ginulo niya ang buhok ko.
" Okay lang iyon. At least matitikman mo na ang luto ko" ngumiti ako dito.
" Mama?" Napatingin ako kay Brylle na nagkukusot ng mata habang naglalakad papunta sa akin.
Sinalubong ko siya ng yakap.
" Brylle. Nagising ka ba namin?" Ngumiti siya sa akin.
" Not really" dumako ang tingin niya kay Zeke at nanlaki ang mata.
" Tito Zeke!" Tumakbo ito papunta kay Zeke na siyang mabilis na binuhat para yakapin.
" I miss you Papa"
" I miss you too, Brylle" ngumiti ako sa kanilang dalawa.
" Gutom ka na ba Brylle?" Tumingin siya sa akin at tumango.
Kumain kaming tatlo.
Nang matapos ay binalik ko sa higaan si Brylle para bumalik sa tulog.
Kaya pala nagising ay dahil gutom.
Kakatapos ko lang maghugas at pinuntahan ko si Zeke na nasa maliit na terrace sa labas.
Malamig ngayong gabi dahil malapit na ding mag December.
Nanginig naman ako dahil sa manipis na t-shirt lang ang suot ko.
" Here" nilagay ni Zeke ang makapal na suit sa akin.
Binalot ko naman ito sa katawan ko.
" Sinabi ba ni Keian sa iyo?" Nag-aalalang tumingin sa akin si Zeke habang nakasandal sa pader at nakaharap kami sa kalsada. Bumuntong hininga siya.
" Yes" mahina nitong sagot.
Mapait kaong ngumiti dito.
" Please, Zeke. Huwag niyo nang ipaalam sa iba" kumuyom ang kamay niya at napuno ng galit yung mata niya.
" How could he do that to you?! He's really a mons---" pinutol niya ang sinasabi niya at nagaalangang tumingin sa akin.
" Sorry. We'll not tell the others, if that's what you want." Tumango ako dito.
" Salamat" nagdebate naman ang isip ko kung itatanong ko ba kay Zeke ang tungkol kay Keian.
" Si... Keian?" Mahina kong tanong na halos pabulong na. Tumingin sa akin si Zeke.
" Dumating siya sa bahay ko na hindi mapakali. Then kinwento niya yung nangyari. I was angry at first, but felt guilty afterwards. Mas lalo naman ang nararamdaman ni Keian. He hurted you. He's scared Nass. Na mawala ka sa buhay niya nang dahil sa kanya. Especially after you told him... that. He realized that he's such an asshole." Natahimik ako sa sinabi niya.
Hindi ko naisip na matatakot siya. Inakala ko kasi ay nandiri siya sa akin.
" He's not disgusted Nass. Just scared. Nasa bahay ko siya ngayon" tinignan ko siya.
" And you have to go back to the mansion. You ca't stay here. Para masiguro namin ang security mo" kumunot ang noo ko.
" Paano sila Brylle? Paano kung may pumunta na namang mga tauhan ni Diego dito at saktan sila?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.
" I'ts okay Nass. I'll make sure they're safe. Maglalagay ako ng tao para magbantay sa kanila nang sikreto" guminhawa kaunti ang pakiramdam ko sa sinabi niya pero hindi pa rin nawawala yung pag-aalala.
" Can you come back home with me?" Pumikit ako at napaisip sandali bago tumango.
Ngumiti siya.
---
Habang wala pa sila Tiya ay nagstay muna siya dito sa bahay.
Nagkwento siya ng mga nakakahiyang nangyari sa kanya at hindi ko maiwasang matawa sa mga ito.
" Well, when are you going to tell Katie?" Biglang singit ko na tanong dito.
Napaubo siya at nanlaki ang mata.
" What?"
" Just tell her you love her, Zeke. Baka mawala pa siya sa iyo. Sabibin mo na habang maaga pa" umirap siya sa akin.
" Ano bang pinagsasabi mo?" Medyo inis na sabi nito.
" Kita ko din kay Katie na may gusto siya sa iyo, hinihintay niyo pa kasi ang isa't isang unang umamin eh" napaayos siya ng upo.
" Talaga? *ehem* I mean, bakit naman?" Umiling ako dito.
" Sabihin mo nalang. Bakit ba ayaw mong sabihin?"
" Kasi may boyfriend na siya" nagulat ako sa sinabi nito.
" Ha? Bakit parang hindi nagpaparamdam?" Kumunot ang noo nito.
" Because he's useless. Lagi niyang sinasaktan si Katie. Eh yung babae naman, marupok. Kaya hindi ako sigurado kung sasabihin ko ba o hindi" sumandal ako sa sofa at pinagkrus ang braso ko sa dibdib.
" Bahala ka na nga. Basta kung kailangan mo ng tulong sa pagsasabi mo sa kanya, I can help" ngumiti ito pero may pagkamapait ang ngiti niya.
" Pinaniwalaan namin na ikaw nga ang pumatay kay Tita yet you still want to help" malungkot nitong sabi.
" Kahit na may nagawa pa rin kayo, hindi ko naman makakalimutan mga pinagsamahan natin. I can't just ignore a friend in distress" may pagkabiro kong sabi.
Napangiti siya nang malapad.
" Thank you Nass"
Pagkabalik nila Tiya ay nagpaalam kami ni Zeke kay Brylle tsaka pumasok sa sports car nito.
Nagdrive siya papunta sa bahay niya dahil susunduin daw namin si Keian. Kinabahan nga ako eh, kasi paniguradong magkakaroon ng tensyon sa aming dalawa.
May guard din sa may gate nito pero kakaunti ang taunhan na nandito.
Malaki ang bahay ni Zeke pero mas malaki pa din yung mansion.
Sa may harap ng pintuan ng bahay ay may isang lalaking nakatayo doon.
Inihinto ni Zeke ang kotse at lumapit sa lalaking si Felix pala.
Bumaba din ako at lumapit nang bahagya sa kanila.
" Maître Zeke. Gusto ko lang pong sabihin na lumipad si Maître Andrew papunta sa France" tama ba yung pagkakarinug ko? Pumunta si Keian sa ibang bansa?
Ngumiwi si Zeke.
" What?! Shit. That coward" tumingin siya kay Felix.
" Sige sige, can you pack some of my clothes? Sa mansyon na muna ako matutulog"
" Sige po" naglakad na papunta sa akin si Zeke nang umalis si Felix.
" Let's go back to the mansion" tumango ako dito at tahimik na sumakay ulit sa kotse.
Habang nagd-drive palabas ng gate si Zeke ay tinawagan nito si Keian.
Nagring pero walang sumagot.
" F---. Kei! What the hell you coward! Bakit ka naman tumakbo papunta France! Stupid!" Nagsent ito sa voicemail.
Ang galing, may voicemail yung cellphone nila.
" Are you allowed to say that to your boss?" Tanong ko dito. Masama siyang tumingin sa akin.
" Yeah yeah. I don't care. Plus. He's really an asshole"
Ang buong biyahe namin papunta sa mansyon ay napuno ng mura at pagrereklamo ni Zeke.
Napahawak ako sa ulo ko at umiling.