Huling Pahina

How many have days passed?

Linggo, buwan... hindi ko alam.

Tila walang katapusan ang digmaan sa mundong ito. Ang dating nakakamanghang ganda ng buong Realm ngayon ay tila isang impyerno. Ang bangong dala ng mga bulaklak ngayon ay nababalot na ng dugo.

Naging marahas ang pagbagsak ko sa aking espada at hinahabol ang hininga. Ilang demonyo na ba ang winakasan ng espada kong ito? Habang tumatagal ay parang lalong nagiging makapangyarihan sa bawat pagpaslang.

Nararamdaman ko na ang hangganan ng katawan ko.

Lihtan...

Taki...

Tenere...

Simone...

Pumatak ang luha ko sa espadang hawak ko.

“Want to become stronger?” natigilan ako nang may marinig na tinig sa isip ko.

(B-Binibini.) rinig kong utal na sambit ni Anue Knight.

Nang mag-angat ako ng mukha ay seryoso kong tiningnan ang nasa harapan ko. Sa harapan ko ay ang pigurang nakatingin sa akin. Wala itong pisikal na katawan ngunit... sumasalamin ang mukha nito sa akin.

Itim ang mga mata at nakangisi.

“Look at you. You are really helpless, why don't you let me take over you? I can save them.”

Tiningnan ko lang ito. Kung ganoon, ito ang demonyong natutulog sa katauhan ko. Kung hahayaan kong mapasailalim nito ay may pag-asang manalo ako.

Ngumiti ako na mas kinalawak ng ngisi nito.

“They are really cute, right? You want to save them because you love them.”

“What are you saying?”

“You're here because you want to save them, I know because you are me.”

Nginisihan ko ito. Tiningnan ako nito nang seryoso.

“You changed a lot. You have the power to control yourself.”

“Because you're always there.”

Naglaho ito na parang hangin, at unti unti kong naramdaman ang kakaibigang enerhiyang bumabalot sa akin.

Seryosong tiningnan ko ang Dark Realm at pinaslang ang lahat ng sagabal sa harapan ko.

Nang biglang humarang sa harapan ko si Lucifer.

“Nasaan sila?”

“Kailangan mo munang dumaan sa akin, Lady Cane.”

“Wala akong panahon sa’yo, kailangan ko silang mahanap. Nasaan si Simone?”

“Mukhang huli ka na.”

Hinigpitan ko ang hawak sa espada ko. Hindi... hindi! Sa oras na tumama ang espadang nasa pangangalaga ni Sebastian sa kanila ay...

“That bastard, pilit niyang kinukuha ang espada at kinalulungkot kong nasa mga kamay na iyon ng aming Panginoon.”

Nanlamig ang katawan ko.

Hindi ko dapat hinayaang mangyari ito. Bakit hindi ko naisip na maaari nila itong gawin?!

Malinaw ang plano. Magkaka-hiwalay na pababagsakin namin ang Dark Realm sa tulong nina Gilbert at Regis. Akala ko, magiging maayos ang daloy ng plano pero naging mabilis ang kilos nila at sumugod sa kinaroroonan ni Sebastian.

“Wag mong hayaang mapatay kita, pakiusap, Lucifer.” nakayuko at seryosong pahayag ko at nag-angat ng tingin sa gulat na ekspresyon nito.

“Sapat nang mapatay ko ang iyong demonyong Ama.” nilagpasan ko ito.

“You... really look like one of us.” seryosong sambit ni Lucifer.

“Thanks brother-in-law.”

Naramdaman ko ang pagsunod ni Lucifer na ipinagsawalang bahala ko at nagtungo sa pinagmumulan ng destruksyon.

“Figthing with the Dark Generals, they really are monsters.” komento ni Lucifer nang masaksihan namin ang daan daang kalaban nina Lihtan, Tenere at Taki.

Parang katapusan na ng mundo sa lakas na pinamamalas nila. Para silang mababangis na halimaw.

Nalipat ang atensyon ko nang makita sina Gilbert at Simone na kalaban si Sebastian.

Sumeryoso ako nang makita ang kalagayan nila at si Regis na malubha ang kalagayan.

“Sebastian!!!!!” mabilis na sinugod ko ito na kinagulat nito, nagtama ang mga hawak naming espada.

Nagdilim ang mukha nito.

“CANE!!!”

“Narito ka na sa wakas.” ngisi nito na parang kanina pa akong hinihintay.

Itinaas nito ang hawak na espada, nakaramdam ako ng hindi maganda.

“Tatapusin ko ang lahat ng mga hangal na narito!” nanlaki ang mga ko nang makita ang pagbagsak ng mga alagad nito na parang hinigop ang buong lakas hanggang sa maging buto!

“Ack!” nilingon ko si Lucifer na bumagsak.

“Lucifer!!!”

Humalakhak ang malademonyong boses ni Sebastian na maging ako ay nakaramdam ng kilabot. Wala itong pakialam sa lahat ng buhay ng mga alagad nito at maging kay Lucifer. Nag-aalalang nilingon ko si Simone at nakahinga nang makitang hindi ito naaapektuhan.

“Masama ito. Ang lahat ng buhay at napaslang na tauhan nito ay hinihigop ng espadang iyon,” seryosong sambit ni Gilbert.

Napabuntong hininga ako.

“Gilbert, sinabi mong maaari akong humiram ng kapangyarihan.” sambit ko nang hindi lumilingon sa mga ito.

“Ganoon na nga, binibining Cane...”

“At sinabi mong ako lang ang makakatapos sa nilalang na ‘yon. Ayon sa propesiya.”

“C-Cane...” seryoso kong nilingon si Lihtan na natigilan nang magsalubong ang mga mata namin. Tiningnan ko sina Tenere, Taki at Simone na seryosong nakatingin sa akin at bakas ang matinding pagkabahala.

“Gusto kong bigyan niyo ako ng lakas niyo at umaasa akong pagbibigyan niyo ang hiling ko.” maliit na ngiting sambit ko at malungkot na tiningnan silang apat.

“Makakaasa ba ako sa inyo?”

“Lihtan. Tenere. Taki. Simone.”

Napangiti ako nang tumango sila habang nangingilid ang luha sa mga mata ko.

“Salamat.” humarap ako sa kinaroroonan ni Sebastian at ramdam ko ang nag-uumapaw na lakas na dumadaloy sa katawan ko.

Naramdaman ko ang pagbalot ng yakap sa akin at ang paghikbi nilang apat, tumingala ako at suminghap. Nang humilay ng yakap ay sinuri ang katawan kong nababalot ng dugo at mga sugat.

“Wait... for me.” malumanay na sambit ko at ngumiti. Umiiyak na tumango sila. Humarap ako kay Sebastian at nagsimula na rin sina Lihtan, Tenere, Taki at Simone at ang mga kapangyarihan nila.

Mariing hinawakan ko ang espada ko at walang emosyong humakbang sa nakatadhana kong laban.

Ako si Hurricane Thurston. Ang nag-iisang anak na babae nina Eros at Eve. Ang Mafia Heiress ng Henderson Famiglia. Ang Young Goddess ng Thurston Organization.

This is my deadly mission and destiny.

Yumanig ang buong Realm dahil sa kapangyarihang lumalabas sa kapwa naming katawan.

“AAAAAAAH!!!”

Nagsalpukan ang aming mga espada. Nasa bawat atake nito ang kasiguraduhang tapusin at ang matinding kagustuhang wakasan ako sa katakot takot na paraan.

Bumaba ang tingin ko sa espadang hawak ni Sebastia. Ramdam ko ang negatibong itim na kapangyarihang bumabalot dito na maging ang espada ko ay nakakaramdam ng panlalamig.

(Binibini, nais kong muling malaman mo na ikanararangal kong pagsilbihan ka.)

‘Anue Knight! Anong binabalak mo?!’

Nakita ko ang nakangiting mukha ni Anue Knight at ang pagtama ng espada ni Sebastian dito. Natigilan ako sa nangyari, maging si Sebastian ay hindi iyon inasahan. Kumawala sa kamay ni Sebastian ang espada na para bang walang kontrol na tumalsik.

“A-Anue... ANUE KNIGHT!!!” nanginginig na tawag ko at napaluha.

“Y-You!!! DIE!!!” nag-aalab sa galit na sugod ni Sebastian sa akin. Tiim bagang at puno ng suklam at galit na sinalubong ko at winasiwas ang espadang hawak ko. Nanginig ako dahil hindi ko na maramdaman si Anue Knight.

Sa isang hawak ng patalik ay nagkandapira-piraso ang espada ko.

“Sebastian!!” nanlaki ang mga mata ko nang makita si Gilbert sa likuran ni Sebastian at tumama ang hawak nitong espada sa braso ni Sebastian. Nakita ko ang nanghihinang kondisyon ni Gilbert na para bang gamit ang atakeng iyon ay binuhos niya ang natitirang lakas...

“Gilbert, you’re always getting in my way!!” mabilis na kumilos ako at sinugod ito gamit ang espadang natapakan ko na mula kay Lucifer na nakita kong sinadyang makarating sa tabi ko. Nanghihina na rin ito.

“Ako ang harapin mo, Sebastian!”

“Tatapusin ko ang lahat! Uunahin kita!” madilim na sambit nito. Sinulyapan ko ang direksyon nina Lihtan, Tenere, Taki at Simone na pilit na pinapasa ang buo nilang lakas.

“Damn. Please, you can do it. I love you...” sambit ni Simone.

“Cane, di namin kayang mawala ka. Pakiusap.” rinig kong sumamo nina Lihtan, Tenere at Taki na namumula ang mga mata.

Nakakaramdam na ng panghihina ang mortal kong katawan at dahil ordinaryong tao lang ako ay hindi sanay ang katawan ko sa kapangyarihang dala ng bumabalot sa akin.

Parang bumagal ang oras, nakita ko ang pagsugod ni Sebastian ngunit hindi ko maikilos ang buong katawan ko, gustuhin ko man... naabot ko na ba ang limitasyon ng katawan ko? Katapusan ko na ba?

“HURRICANE!!!/CANEEE!!!”

May yumakap na liwanag sa katawan ko.

Pamilyar ang yakap.

“Little Friend...” naramdaman ko ang pagtalsik ko pero wala akong maramdamang sakit at patuloy na bumabalot sa katawan ko ang liwanag. Ang kaninang nanghihinang katawan ko ay nabalot ng matinding lakas.

At nakita ko ang nakangiting mukha ni Gilbert hanggang sa mawalan ito ng buhay sa kamay ni Sebastian.

Natulala ako sa reyalisasyong nabuo sa akin. Ipinasa ni Gilbert ang buong kapangyarihan niya sa akin.

Gulat ang rumihestro sa mukha ni Sebastian.

Walang emosyong tumayo ako at may lumipad na espada sa kamay ko. Ang espadang nasa pangangalaga ni Sebastian na may kakayahang tapusin ang mga halimaw na nasa pangangalaga ko at ang espadang kumuha kay Anue Knight.

Yumanig ang buong Realm, nabalot ng kadiliman, pagkidlat at pag-ulan ng dugo. Tila may liwanag na pumo-proteksyon sa aking liwanag habang naglalakad patungo kay Sebastian.

Ang nasa isip ko lang ay ang matapos ang lahat ng ito. Ang tapusin ang buhay nito. Ang kitilin ito sa pinakamarahas na paraan. Gusto kong makitang maligo ito sa sarili nitong dugo.

Hindi ko maintindihan ngunit nakita ko ang pagdaan ng takot sa mga mata ni Sebastian habang nakatingin sa akin at sa likuran ko.

“Se. bas. tian!” nanlilisik na matang sigaw ko at nakita ko ang pagbaon ng espadang hawak ko sa tapat ng puso nito.

“H-How?” nanlalaki ang mga matang sambit nito.

“Isa kang mortal... paano?” sumusuka ng dugong sambit nito at naguguluhan.

Nang makita ko ang pagbagsak nito ay umikot ako at tiningnan ang likuran ko. May mga itim at puti na aninong nakaluhod sa harapan ko.

Bumagsak ang tuhod ko at kumuha ng suporta sa espada.

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Isa lang ang malinaw.

Bago dumilim ang paningin ko ay nakita ko ang naglalakad na pigura ng aking ama at ina. Buhat nila Storm, Rain at Thunder sina Lihtan, Tenere at Taki na may ngiti sa mga mukha. Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Simone sa akin at ang tahimik na pagluha.

Seryosong tinanaw kami ng aking ama at ina.

“You possessed the power of Light and Dark, Hurricane.” sambit ng aking ama.

Lumayo si Simone at nagbigay galang. Mabilis na niyakap ako ni Mom.

“Baby, you’re really badass.”

Nanghihinang bumagsak ako sa bisig nito ng may ngiti sa labi.

“Mom...”

Lumayo ito sa akin at pinagmasdan ako. Wala akong ideya na narito sila kasama ko ring lumalaban. Nakita ko ang mga kasuotan nilang nababalot ng dugo.

“Master, I successfully fulfilled my mission.” ngiti ko sa aking ama. Nangilid ang mga mata ko nang itaas nito ang bisig. Naglakad ako at yumakap ng mahigpit dito.

“Dad, I’m sleepy...” nanghihinang bulong ko bago ako lamunin ng kadiliman. Ang huling naramdaman at narinig ko ay ang paghalik nito sa noo ko at bulong.

“Rest, my little goddess.”

1 year later...

It's been a year. He closed the book he was holding and took a glance at the clock. Another single day has passed but still...

He stared at his woman...

Ang magandang mukha nito ay payapang nakapikit. Buong pagmamahal na pinagmasdan niya ito at kinuha ang kamay at dinala sa labi at pumikit.

"Mahal! Nandito na ako." bumukas ang pinto at pumasok si Tenere. Nag-angat ng tingin si Simone at pinagmasdan ang kaibigan. Ang dating mahabang buhok nito ay naka-undercut at mas nagmukha itong playboy sa dating. Idagdag pa ang piercings nito sa kanang tainga. Nakasuot ito ng itim na leather jacket at puting polo sa panloob at naka-faded jeans.

Tipid na ngumiti si Tenere sa kaibigan at tinapik ang balikat nito nang malakas.

"You, damn playboy. Get out!"

Tinawanan ni Tenere ang kaibigan at nilapitan ang babaeng isang taon nang nakapikit. Malungkot na tiningnan niya ang dalaga at dinampian ng halik ang noo nito na lagi niyang ginagawa sa tuwing bumibisita sa silid nito.

"Cane..." mahinang usal niya sa pangalan nito. Nabalot ng katahimikan ang silid.

"How's work?" Pagbasag ni Simone sa katahimikan. Mabilis na nagbago ang itsura ni Tenere dahil minsan lang magtanong ang kaibigan at alam niya ang dahilan kung bakit ito nagtatanong dahil sa mga emosyong gumigising na naman sa kanya.

"Magandang balita, Mahal! May bago akong ginawang kanta at malapit nang i-release."

"Hmm, good for you." nakangising sambit ni Simone.

"Kakantahin ko iyon sa concert ko, next month! Nagpa-reserve na rin ako ng ticket para sa inyo!" Puno ng galak na litanya ni Tenere at inabot ang hawak na VIP ticket.

Bago pa magkomento ito sa nalalapit na concert niya ay mabilis na niya itong inunahan.

"Inaasahan ko kayo!"

Nakita niya ang pagdadalawang isip nito at sa huli ay nagpakawala ng buntong hininga at tumango. Masayang lumabas ng silid si Tenere dahil sa wakas ay nakumbinsi na niyang lumabas si Simone.

"Hah! Success!"

"Anong success?"

"Ay nakanang! Taki!!"

Sapo ang dibdib na napaatras si Tenere sa sobrang gulat sa kabuteng bigla na lang sumusulpot kung saan saan.

"Mukhang masaya ka, Tenere!" wika ni Taki na nakangiti nang malawak. Nakangiwing tiningnan ni Tenere ang itsura ng kaibigan.

"Saang lupalop ka na naman galing?"

"Hehehe! Nagtanim ako!"

Sumusukong tiningnan ni Tenere ang isip batang kaibigan. Lumipas ang taon, marami man ang nagbago pero si Taki ay Taki pa rin.

"At ano naman ang tinanim mo?" Nagsimula silang tahakin ang kusina nang may maamoy na sunog na...

"L-Lihtan?" Ngiwing tawag ni Tenere sa busy na si Lihtan na nakatingin sa lasog lasog at amoy sunog na cake na nasa harapan nito.

"Aaah~ Na-sstress ang gandang lalaki ko sa inyo!" Pabagsak na umupo si Tenere sa sofa.

"Linisin mo yan nang mabilis Lihtan! Malilintikan na naman tayo sa dragon! At ikaw! Maglinis ka sa sarili mo Taki! Ang dungis mo! Ang baho mo! Kaya ayoko mag-asawa nang maaga eh! Sa inyo pa lang, tatanda na ako nang maaga!"

Sabay na nagkatinginan sina Lihtan at Taki at binalik ang tingin kay Tenere na may suot ng apron at may hawak na mop.

Nakarinig sila ng yapak. Dinagundong sila ng kaba, tila nasa horror film sa sobrang intense na sabay sabay nilang tiningala ang nakatayo ngayon sa hagdan.

Sabay sabay na napalunok at sa isang iglap ay kumaripas ng takbo si Taki na sobrang dusing. Mabilis na naglaho si Taki na nagtagumpay na makapagtago kay Simone.

“M-Mahal?” Kinakabahang ngumiti si Tenere.

“Simone, Simone! Gusto mo ng cake?” nakangiting alok ni Lihtan.

Tenere’s Point of View

Napangiwi ako nang makita ang niluto ni Lihtan. Lumapit si Simone at nanlaki ang maganda kong mga mata nang tikman ni Simone!

“Masarap ba, Simone? Sa tingin mo magugustuhan ito ni Cane?” sunod sunod na tanong ni Lihtan na parang hindi na humihinga.

“Hm, practice more and feed it to them, understand?” seryosong sambit ni Simone na kinatigil ng paghinga ko.

Bumagsak ang balikat ni Lihtan.

“She will like it if you add some strawberries.” sambit ni Simone nang mapansin ang paglungkot ng mukha ni Lihtan. Mabilis na nagliwanag ang mukha ni Lihtan.

“Gagawin ko yon, Simone!” -Lihtan

“Clean your mess.” nakatingin sa akin na sambit ni Simone.

Bakit lagi mo akong inaapi, Simone?

Napakamot ako sa ulo at pinagpatuloy ang pagma-mop.

“Simoneee!” sinamaan ko ng tingin ang batang patay malisyang nagkalat ng kadungisan.

Tinanguan siya ni Simone.

“Taki! Para sa’yo!” nakangiting abot ni Lihtan sa lasog lasog na cake.

“Ahehehe.” ngiwi ni Taki.

“I heard you go at the G. Street.” kalmadong sambit ni Simone habang nagsasalin ng tubig sa baso. Natigilan si Taki.

Napansin ko ang biglang pagseryoso ni Taki. Pareho naming tiningnan ni Lihtan si Taki.

Alam namin ang G. Street. Ang lugar na 'yon ay kuta ng mga gangsters. Minsan na rin akong nagawi roon.

“Wag kang mag-alala, Simone. Wala kang dapat ikabahala.” nakangiting sambit ni Taki. Nanatiling seryoso si Simone.

“Don’t waste the life that she protected. As long as you understand, we don’t have any problems.” -Simone

“.....” -Taki

Napabuntong hininga si Simone.

“You can do whatever that will make you happy but don’t forget the conditions.” muling paalala ni Simone.

Naalala ko ang kondisyon ni Simone. Kailangan daw naming mag-aral nang mabuti at sa oras na bumaba ang grades namin ay siguradong yari kami.

“Simone, masipag bang mag-aral si Cane?” tanong ni Lihtan na kinalaki ng mga tainga namin.

Natigilan si Simone na kinataka namin.

“Hm, she’s a genius.” mahinang sambit ni Simone.

Napangiti kami.

“But...” buntong hininga ni Simone na kinataka namin parang may gusto ito sabihin pero nagdadalawang isip? Sa huli ay umiiling na umalis sa kusina si Simone.

“Yeah, yeah. She’s a good student.” huling sambit ni Simone.

Nagkatinginan kami nina Taki at Lihtan at napakamot sa ulo dahil inaatake na naman ng pagka-weird si Simone.

Nang dumating ang gabi ay pinagmasdan ko ang kalangitan kung saan nakikita ko ang mga bituin habang nakahiga sa aming bubong.

Bumuntong hininga ako at kinuha ang bansi (flute) kong minsang ginagamit noon ni Cane sa t’wing gusto niyang tumugtog. Ang nakapikit at nakangiti niyang mukha na nakakatatak sa isip ko habang pinapanood namin siya.

Simula noon ay gusto ko siyang tugtugan ng magagandang musika para sa t’wing malulungkot siya ay dadamayan ko siya ng aking musika at higit sa lahat ay mapasaya siya gamit ang musika ko na lagi niyang pinupuri noong magkakasama kaming naglalakbay. Gusto ko ang musika bata pa lang ako at minahal ko ito nang makilala ko siya.

Nanikip ang dibdib ko at bumagsak ang luhang kinikimkim ko.

“Cane, miss na miss ka na namin.”

Huminga ako nang malalim at pinigilan ang umiyak dahil nangako akong hindi magiging mahina. Ako ang matanda sa amin kaya kailangang hindi ako maging mahina.

Tumayo ako at nagpasyang bumalik sa kwarto ko nang mapatigil sa nakaawang na pinto kung saan naroon si Cane.

“Cane? Naalala mo ba noong una tayong magkita, yon ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko lalo na nang iabot mo ang kamay mo sa akin at inalagaan. Binigyan mo ako ng pagkain at nangako kang simula sa araw na ‘yon ay kakain tayo ng masasarap na pagkain.” nakasubsub sa gilid ng kama ang mukha ni Lihtan.

“Lagi tayong kumakain ng masasarap na pagkain. Akala ko noon ay habambuhay na ako sa kweba. Wala akong kahit ano. Tanging maruming kasuotan, lumang espada at mga pagkaing isda lang ang meron ako.”

“Pero nang dumating ka, nagbago lahat. Binigyan mo ako ng pangalan, malinis na damit, at maraming mga pagkain kahit na wala tayong bahay kasi mahilig tayong maglakbay.”

Tumahimik ang paligid hanggang sa marinig ko ang paghikbi ni Lihtan.

“I miss you, Cane.”

“Marunong na akong mag-English, Cane.”

Dahan dahan kong sinarado ang pinto at naglakad papunta sa kwarto ko nang mapansin ang nakatayong anino at nakita si Taki na nakayuko.

Ang isip bata na ‘to.

Lumapit ako at binalik sa tainga niya ang maliit na earpiece na makakatulong sa sensitibo niyang pandinig. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit kailangan kong itago ang panghihina ko.

Naririnig niya ang lahat.

Inakbayan ko ito na nanatiling nakayuko. Tinapik ko ang balikat nito at pinasok sa kwarto niya. Bumuga ako ng hangin at pumasok na rin sa kwarto ko.

Sa aming tatlo, ang pinakanahihirapan at nasasaktan ay si... Simone.

Pinikit ko nang mariin ang mata ko at bumagsak sa kama ko.

Isang taon nang nasa ganitong kalagayan si Cane.

Dahil sa kapangyarihang napamalas niya ay hindi kinaya ng mortal niyang katawan. Lalo na at nasa kanya ang kapangyarihang pinasa ni Lord Gilbet at higit sa lahat ang kalahating kapangyarihan ni Lord Sebastian na hindi namin alam kung paano nangyari.

At ayon kay Simone, magkakonekta ang buhay nila ni Cane at may kontrata na nag-iisa sa kanila. Ang buhay niya ay buhay ni Cane. Sa oras na mawala si Cane ay mawawala rin siya. Pero may ginawa si Simone. Sa oras na si Simone ang mawala ay mananatili pa rin si Cane.

Kaya hindi kami mawawalan ng pag-asa kahit lumipas pa ang maraming taon.

Napabuntong hininga ako dahil hindi umaalis sa kwarto ni Cane si Simone. Ang tanging wala lang siya roon ay kapag gabi na. Alam niyang bumibisita kami.

Kaya masaya akong nagtagumpay akong mailabas siya sa concert ko.

Balang araw, madadala ko rin si Cane sa concert ko.

Nakatulog akong nakangiti nang maisip ang masayang mukha ni Cane sa oras makita niya akong nasa stage at kumakanta. Kahit ilang beses ko nang nai-imagine ay doon gumagaan ang pakiramdam ko dahil tiyak na magiging masaya si Cane.

Hihintayin ko ang araw na ‘yon...

EPILOGUE

Sapo ang ulo na bumangon ako sa hindi pamilyar na kwarto. Nang makita ko ang lampshade ay sinindihan ko ngunit natigilan nang makita ang picture frame na nasa tabi ng lampshade.

Unti-unting bumalik ang mga pangyayari sa alaala ko.

Kinuha ko ang picture frame at pinakatitigan ang mga nakangiti nilang mukha maliban sa isang seryosong nakatingin sa camera. Magkakaakbay silang apat. Naibaling kong muli ang atensyon ko sa lampshade kung saan may mga nakapatong na journals na may kanya-kanyang mukha nila.

Tumayo ako habang yakap ang mga journals nila at binuksan ang ilaw saka umupo sa lapag at sabay sabay na binuksan ang mga journals nila.

Dear Cane,

Alam mo bang si Taki ang nakaisip na gawin namin ito? Di ako makapaniwala, Cane. Alam kong tulad namin hindi ka rin makapaniwala na naisip ni Taki ito. Di ko sinasabing walang isip si Taki, Cane.

--Lihtan 💕

“Pfft~!”

Dear Cane,

Kung nababasa mo ito, Cane. Kung mapapansin mo, maging ang bawat letrang sulat ko ay nagpapakita ng pagiging magandang lalaki ko.

--Tenere 💘

Napakamot ako sa kilay ko at mahinang natawa sa nababasa ko.

Dear Aking Binibini,

AKING BINIBINIIIII! INAAPI AKO NILA!!! T______T

--TAKIIIIIII💞

Pfft! Natawa ako sa nabasang sumbong ni Taki, sa unang pahina pa lang. Kaya ba niya ito naisip para ibalita ang pang-aapi sakanya? Walang dudang iyon ang plano ni Taki.

Dear My Young Goddess,

This is not my thing, you know that. But I’ll do this every single day to report to you how faithful I am. I love you.

--Your Fiancee 💝

Tuluyang sumabog ang tawa ko. Oh, Simone! How cute!

They are so adorable.

Patuloy kong binasa ang mga journals nila sa kada araw na lumilipas na ginagawa at nangyayari sa kanila, sa mga panahong wala ako. Nakita ko ang pagpatak ng alas-tres ng umaga sa gintong orasan. Napagpasyahan kong tumigil sa pagbabasa. Malaking tulong ang ilang mga nalaman ko sa journal nila. Ala-singko silang apat na bumabangon. Early birds.

Sabay sabay silang gumagayak at pumapasok ng eskwelahan maliban kay Simone. Si Lihtan ang laging nangunguna sa kusina para magluto na laging nirereklamo ni Taki sa journal niya dahil hindi niya matanggihan ang luto ni Lihtan dahil ayaw niyang malungkot ito na nakapagpangiti sa akin. Kung minsan ay si Simone ang nagluluto sa t’wing nasa mood daw ito na nagpapasaya kay Tenere na biktima ng mga niluluto rin ni Lihtan.

Masayang naligo at nag-ayos ako sa sarili at nang makapagbihis ay walang ingay na binuksan ang silid ko.

Naglakad ako patungo sa kusina at napangiti nang makitang kumpleto ang mga sangkap at gamit. Inalis ko ang anumang tunog sa bawat ginagawa ko na isa sa mga kaya ko nang magawa ngayon.

Sa loob ng dalawang taon na wala akong malay ay ang mga panahong nakikipaglaban akong bumalik ng buhay. Kung hindi dahil sa kapangyarihang mula kay Lord Gilbert ay wala na siguro ako ngayon. Napabuntong hininga ako nang malaman ang lahat ng kasagutan, nang makita ko ang librong nasa propesiya na nabasa ko sa kabilang buhay. Nagpakita sa akin si Anue Knight bilang mensahero ng tinatawag nilang Panginoon ng Liwanag na walang iba kundi si Lord Gilbert at nang mahawakan ko ang libro ay tuluyang naglaho si Anue Knight.

Nakapaloob sa libro ang bawat detalye ng mga paglalakbay ko kasama si Simone hanggang sa matagpuan namin sina Lihtan, Tenere at Taki na para bang nakatakda ang lahat na mangyari. Nabasa ko ang katapusan, ang katapusang binago ko. Ang katapusang walang makakapagdikta.

Gustuhin ko mang hindi tanggapin ang kapangyarihang mula kay Lord Sebastian ay wala akong magawa. Kinailangan kong mapasunod nang buo ang kapangyarihang mula rito. Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa mga pinagdaanan kong ayoko nang ipaalam sa pamilya ko at kina Lihtan, Tenere, Taki at Simone.

Ang mahalaga ay nakabalik na ako.

Nakangiting hiniwa ko ang hawak kong manok dahil sa plano kong mag-inasimang manok. Nakangusong sinulyapan ko ang orasan dahil sa isa’t kalahating oras na lang ay magsisigising na sila. Binalingan ko ang sinaing kong bigas na naluto na sa rice cooker! Hinanda ko na rin ang toasted bread at scrambled eggs sa mesa. Pagsilip ko sa orasan na nakasabit ay saktong 5:00 AM.

“Waaaah! Nagluto si Simone!” napangiti ako nang narinig kong maingay na bulaslas ni Taki.

“Yun oh! Sweet ni Mahal! Makakaalis ako ng walang lbm! Hahahaha!” halakhak ni Tenere. Tinago ko ang presensya ko habang pinanonood silang nakatayo sa harap ng mesa.

Nakita ko ang pagnguso ni Lihtan pero kita ang ningning ng mata habang nakatingin sa mga nakahain. Napangiti ako at ilang saglit ay narinig ang mga dabog na yapak.

At nakita ang mukha ni...

“Simone! Di mo nasabing magluluto ka ngay-” naputol ang sasabihin ni Lihtan nang makita nila ang mukha ni Simone na parang naliligaw na bata at nangingilid ang mga mata habang dahan dahang lumipat ang mga mata sa mga nakahain sa mesa.

“A-Ayos ka lang, Simone?” nag-aalalang tanong ni Tenere.

“I... I d-didn’t cook anything.” nakita kong sabay sabay silang natigilan.

“A-Anong ibig mong sabihin... S-Simone.” Naguguluhan at hindi malamang tanong ni Taki.

“She’s not there.” halos ibulong sa hangin na sambit ni Simone. Kinagat ko ang ibabang labi ko at lumunok dahil sa nagbabarang lalamunan ko habang pinanonood sila.

Pinaramdam ko ang presensya ko at parang tumigil ang oras nang sabay sabay silang apat na lumingon sa kinatatayuan ko.

“C-Cane... Cane?”

Ngumiti ako at ramdam ko ang pangingilid ng luha ko at unti unting humakbang palapit sa nakapakong kinatatayuan nila na hindi makapaniwalang nakatingin sa akin at sunod sunod ang pagbagsak ng mga luha sa mga mata nila.

“Cane ikaw na ba talaga ‘yan?” puno ng luhang tanong ni Lihtan at bakas ang takot na hindi ako totoo. Tumango ako at ngumuso.

Sa isang iglap ay mabilis na yumakap silang apat sa akin at maingay na umiyak.

“Cane. Aaah. Cane... Bumalik ka na, aking Binibini.” -Taki

“Damn... Damn... You’re always giving me a heart attack.” -Simone

“Cane, I miss you. Marunong na akong mag-English.” -Lihtan

“Cane, sa wakas gumising ka na. Wag ka nang aalis ulit ah?” -Tenere

“Bumalik na ako. Mananatili na ako.” Nakangiting sambit ko habang umiiyak din.

“Waaaah! Aking binibini, wag kang umiyak.” -Taki

“Umiiyak kayo, dapat kasama ako.”

Bigla nilang pinigilan ang pag-iyak nila na kinasabog ng halakhak ko.

Wala pa rin silang pinagbago. Titigil sila sa pag-iyak para lang hindi na rin ako umiyak. Nakita ko ang pagpipigil nila ng iyak.

These crybabies.

Nakita ko ang pagliwanag ng mga mukha nila. Tiningnan ko si Simone at ngumiti.

Inangat ko ang kamay ko na sinundan niya ng tingin. Nilapat ko ang kaliwang kamay ko sa pisngi niya at nakita ko ang pagpikit niya nang saglit at muling hindi inalis ang mga mata sa akin.

“Nagpakabait ba kayo habang wala ako?” nakangiting tanong ko.

“I’m always faithful to you.” puno ng emosyong sambit ni Simone.

Naputol ang atensyon namin nang marinig namin ang tikhim ng tatlo.

Pfft.

“Ako, Cane. Ako, mabait ako, Cane! Marunong na akong magluto, Cane. Marunong na akong bumasa, magsulat at mag-English, Cane!” masayang balita ni Lihtan. Natatawang ginulo ko ang buhok nito.

Hay, ba’t parang mas lalo silang tumangkad?

Ang lalaki na nila, hehehe.

“Simula ngayon, magluluto na tayo nang magkasama, Lihtan.”

“Magluluto nang magkasama? G-Gusto ko ‘yon, Cane.” tuwang tuwa na sambit ni Lihtan at kita ang kislap ng mga mata.

“Mukhang di na tayo mamomoblema, hahahaha! Di na ako papasok nang hindi umiinom ng diatab!” halakhak ni Tenere at bakas ang sobrang saya.

“Mabuti na lang nandito ka na aking binibini! Marami kang dapat malaman! Nakakatakot si Simone.” ngawa ni Taki at nagtago sa likod ko nang tingnan siya ni Simone nang masama.

“Pfff~”

“That’s bad, Simone.” sambit ko na kinalaki ng mga mata ni Simone.

Humalakhak nang malakas si Tenere na parang kontrabida.

“HAHAHAHAHAHAHA—” nakatanggap ng batok si Tenere mula kay Simone.

“ARAY! Ang hard mo, Mahal!”

Natawa ako nang makita si Lihtan na napapailing habang nakatingin kina Tenere at Simone. Para itong stessed na nakatingin at ngumiti nang makitang nakatingin ako.

“Now, now. Male-late na kayo. Kain na tayo.” gulat na tiningnan nila ako at alam kong nagtataka kung paano kong alam.

“Cane, sasabay ka ba sa amin?” sabik na tanong ni Lihtan.

“Bibisitahin ko ang pamilya ko ngayon. May kailangan akong gawin pero sa oras na magawa ko na ang kailangan kong gawin, sabay sabay na tayong papasok.” sambit ko nang mapansin ang pagbagsak ng balikat nila.

“Pingke-twer?” Nakangiting tinaas ko ang kamay ko.

“Pingke-twer!” -Lihtan, Tenere at Taki.

Tiningnan ko si Simone.

“I’ll go with you.” naalala kong tanging si Simone lang ang hindi pumapasok ng eskwelahan. Di na nakakataka dahil marami na siyang natapos tulad ko.

Tumango ako at tinulak sa pag-upo.

“Kain na!”

Masayang kumain kami hanggang sa kaming dalawa na lang ni Simone ang natira. Naramdaman ko ang mainit na yakap sa likod ko.

“Simone, nahanap mo na ba ang apelyido mo?”

“W-Why?”

“Gusto na kitang pakasalan ngayon.”

Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin at naramdaman ko ang pagbasa ng balikat ko.

“I’m using my mother’s surname, I’m Simone Giovanni.”

“Simone Giovanni.” mangha akong humarap sa kanya at nakita ko ang ningning ng mga mata niya na halos ikalambot ng mga binti ko.

“Then...” nagulat ako nang lumuhod ito sa harapan ko at may nilabas na singsing. Hindi gold o silver, kundi itim na singsing na napapalibutan ng mga diyamante. Nangilid ang mga mata ko habang nakatingin sa mga mata niyang puno ng pagmamahal at debosyon na parating nagpapalakas ng tibok ng puso ko.

“I made this ring thinking of this day to come.” nakatingalang saad niya at malambing na nakatingin sa mga mata ko.

“I want to propose to you in a very romantic way but you always have your ways so...” hinalikan niya ang likod ng palad ko nang hindi inaalis ang mga mata niyang mababakasan ng kaba.

“Please be mine ’til eternity, my Young Goddess. Marry me.” matatag na sambit ni Simone.

Hindi ko napigilan ang sarili kong lumuhod at yakapin siya nang sobrang higpit. Naramdaman ko ang malakas na tibok ng puso niya na labis na nagpaiyak sa akin sa saya dahil ako ang tinitibok nito. Kung sa kabila ng lahat ay siya ang kapalit, ipaglalaban ko hanggang kamatayan.

At nalaman ko sa sarili kong simula nang unang makita siya ng mga mata ko ay alam kong siya na. Minahal ng batang puso ko noon ang lalaking nasa harapan ko. Masaya akong lagi siyang nasa tabi ko na parati ko siyang gusto ipagdamot kahit sa mga kapatid ko.

“Please say something.” may kaba at pag-aalalang sambit nito sa tainga ko.

“I’m so lucky to met you, baby.” umiiyak na sambit ko. Natigilan ang nakayakap na katawan nito sa akin.

“Di ka talaga makakawala sa akin, Simone. Akin ka lang.”

“You have to marry me.” naglalambing na sambit niya muli sa tainga ko at ramdam ko ang nakaguhit na ngiti nito.

“Pakakasal ako sa’yo, Simone.”

“Damn.”

Nanginginig na sinuot niya sa akin ang singsing. Sa pagdilat ko ng mga mata ko ay nasa Immortal Realm na kami na paraiso sa ganda.

Sa harapan namin ay nakatayo si Lord Regis.

At sa paglingon ko sa buong Realm ay nakita ko ang pamilya ko at sina Lihtan, Tenere at Taki at ang buong nasasakupan ng Immortal Realm. Nakita ko ang suot kong napakandang wedding dress at ang lalaking gusto kong makasama habambuhay.

Nakita kong tumikhim si Simone at kumamot sa batok.

“Is this romantic?”

Nakangiting tumango ako na nagbigay liwanag at nagpakawala ng pangamba sa mga mata nito.

“Sinong nagturo sa’yo nito?” Nakangiting tanong ko.

“Uh...” nakita ko ang namumulang mukha niya at tumingin sa direksyon ng mga kapatid ko na nakangisi.

“I asked my brother-in-laws f—for help to be romantic.”

“Hahahahaha, oh god! My Simone is being romantic.”

Isinabit ko ang mga kamay ko sa batok nito at kinabig ng mabilis na halik.

“Do you... like it?”

“I love everything, Simone. Thank you. I love you.” nakita ko ang malawak na ngiti niya na minsan lang makikita sa mga labi niyang nakakatulala sa ganda at parating pinuputol ang paghinga ko.

“I’ll be more romantic.” tila nangangakong sambit niya na nagpangiti sa akin ng husto.

“Why?” natatawang tanong ko.

“I’m the leading man, here.” Nakasimangot na saad niya.

Narinig ko ang tikhim sa harapan namin.

“In the presence of all the witnesses here, you may now exchange your vows with each other in front of everyone.” Nakangiting sambit ni Lord Regis.

Nakangiting hinarap ko si Simone at pinaglapat ang kamay naming may suot na singsing.

He’s really a masterpiece.

“Hayaan mong sa harap ng pamilya ko at ng mga kaibigan natin na ihayag ko kung gaano kita kamahal, Simone Giovanni.” Pinunasan ko ang pisngi niya nang may bumagsak na namang luha gamit ang isang kamay ko at napangiti nang dampian niya ng halik.

“Nang una kitang makita, alam ng batang puso kong magiging espesyal ka sa akin at hanggang sa magising na lang ako sa katotohanang gusto kitang ipagdamot. Gusto kong ako lang ang tingnan ng maganda mong mga mata kaya kahit hindi mo alam, inangkin na kita at pinormahan.” narinig ko ang tawanan ng lahat at mula sa pagkakatingin sa singsing namin ay inangat ko ang tingin sa lalaking nakatulala sa akin.

“Syempre hindi mo rin alam na pinormahan kita noon. Ayos lang, nakuha naman kita sa huli. Mas magaling at mabilis ako pumorma ng nililigawan kesa sa mga kapatid ko!” mayabang tiningnan ko ang mga nakangiwing mukha ng mga kapatid ko at nakita ko ang nakangiting mukha ng mga magulang ko. Nakangiting umiiling sina Lihtan, Tenere at Taki.

“Ipinapangako kong ikaw lang, Simone... Ikaw lang talaga. Ikaw lang ang Simone ko na iyakin, Simone na masungit, Simone na may magandang ngiti, Simone ni Cane.”

Kinuha niya ang dalawang palad ko at tinapat sa dibdib niyang mabilis at malakas ang tibok.

“You’re always doing this. My heart is beating like this the moment you gave your hand to me.”

Hindi ko maiwasang mamangha habang dinadama ang tibok ng puso nito.

“When you found me, I was dying, you gave me life. I was aimless, you gave me purpose. I was a nobody, you made me somebody. I felt unworthy, you gave me dignity. I was weak, you gave me strength. I am me because of you and I know I can only be whole when you’re with me. I thank you for all that you have given me and for who you have made me. You are the center of my world and there is no second of the day that passes that I thank God for allowing such an amazing woman to take part in my life... I will cherish the love you have given me and I will love you until God decides it is time to leave this earth... I love you, this is my promise to you.”

Nabalot ng katahimikan ang buong Realm.

Hinapit niya ang baywang ko at buong pagmamahal na hinagkan ang labi ko.

“The Lord of Dark and Light Realm are now one. I announce you as husband and wife.” pagtatapos ng pahayag ni Lord Regis.

Bumalot magsigrabong palakpakan sa buong Realm.

“MABUHAY ANG BAGONG KASAAAAL! MABUHAAAAY!” narinig kong malakas na hiyaw ni Taki na nangingibabaw sa lahat. Mahinang napangiti at natawa ako sa pagitan ng malalim na halik na pinagsasaluhan namin ng aking asawa.

Nang maghiwalay ay pareho kaming nakangiting hinarap ang mga saksi sa pag-iisa namin.

“Dad, Mom...” hinayaan ako ni Simone na maging ang pagbitaw sa kamay ko ay naglalambing.

“Our daughter is now married. Good job, anak. Ganyang ganyan ang Dad mo tumingin sa akin. Galing pumili ng baby namin.”

“Pinaghirapan ko ‘to, Mom.” nagmamalaking sambit ko na sabay naming kinatawa. Naiiling na tiningnan ako ng mga kapatid ko.

“You’re still my princess, my little Goddess.” nakangiting sambit ni Dad na nagpainit ng puso ko.

“Thank you, Dad.” niyakap ako nito at hinalikan ang noo.

Sunod kong nilapitan ang mga kapatid ko suot ang ngisi sa labi.

“Wazzup!”

Sabay sabay silang bumuntong hininga at niyakap.

“Congratulations.” sinserong sambit nila at isa isang ginulo ang buhok ko na kinasimangot ko at kalunan ay parang batang humagikhik.

Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay sa ulo ko at pagdungaw ko ay nakita ko ang nakangiting mukha ng aking ama at pagbagsak ng butil na luha nito na nakapagpatulala sa akin.

“I’m proud of you, my daughter.”

Hindi ko alam kung may ideya ito sa nangyari noong mga panahong wala akong malay. Ngumiti ako nang malawak at tumango.

“Cane, masayang masaya kami para sa inyo.” sambit ni Lihtan na kitang kita ang galak sa nagniningning nitong mga mata.

“Salamat, Lihtan.”

“Ngayon lang namin nakita ganito kasaya si Simone. Masaya kaming lahat para sa inyo, Cane. Salamat dahil nandito ka na.” nakangiting sambit ni Tenere habang nakatingin kay Simone na nakangiting naglalakad patungo sa amin matapos kausapin ang pamilya ko. Nakita kong may sinasabi sina Thunder, Storm at Rain na nakapagpatawa rito.

Anong pinag-uusapan nila?

Napalingon ako kay Taki nang marinig ang buntong hininga nito habang nakangiting nakatingin kay Simone.

“Ano na ang plano mo, Cane?” tanong ni Taki.

“Oh? Anong nangyari sa ‘aking binibini’ ni Taki?” makulit na tanong ko. Napakamot si Taki sa ulo niya.

“Tawagin mo lang ako sa paraang gusto mo, Taki dahil ako ang unang mag-aabot ng kamay para sa inyo, walang magbabago.” nakangiting sambit ko.

“Hm...” naramdaman ko ang yakap ni Simone sa likod ko.

“Paano ba ‘yan, Mahal? Narinig mo sabi ni Cane?”

“Whatever.” walang pakealam na sagot ni Simone.

“Anong sunod mong gustong gawin, Cane?” -Lihtan

“Marami tayong gagawin!”

Nanlaki ang mga mata nila at nagkatinginan.

“Anong gagawin natin, aking binibini?” puno ng kasabikang tanong ni Taki na sinang-ayunan nina Tenere at Taki. Nanatiling nakayakap si Simone sa akin.

“Hm, my wife is planning something.” nakangiting sambit ni Simone.

“Gawin natin lahat, Cane!” sang-ayon ni Lihtan.

“Kahit ano pa ‘yan, Cane. Sasamahan ka namin!” sambit ni Tenere.

“Gusto kong malaman ang mga ginagawa niyo noong wala ako.” natigilan sila nang marinig ang sinabi ko na kinataka ko.

“You want to go on an adventure again, huh?” mabilis na tumango ako nang maraming beses kay Simone.

“So it’s settled. Maglalakbay ulit tayo, hahaha!” halakhak ni Tenere na naunang nakabawi.

“WAAAAH! Gusto ko ‘yan, aking binibini!” -Taki

“Excited na ako, Cane.” -Lihtan

Nakita ko ang paglapag ni Calih at ang pagpatong namin ni Simone rito.

Nakangiting kumaway ako sa lahat.

“Saan tayo pupunta?” nakangiting tanong ko.

“To our castle.”

Natigilan ako.

“Castle?”

“Hm, I made a castle here for us.”

Namangha ako nang makita ang puting kastilyo na napaliligiran ng mga bulaklak.

“Taki planted those flowers.”

Napangiti ako.

Binuhat ako ng asawa ko at karga akong inakyat sa magarang hagdan.

Nakita ko ang sarili kong nakahiga sa kama.

“You’re so beautiful, my wife.” puno ng paghangang sambit nito. Di ko maiwasang mamula kaya kinabig ko ang labi nito.

“I love you, Simone Giovanni.”

Nagising akong nakahiga sa matipunong dibdib ng lalaking mahal ko at nahuling nakatingin sa akin.

“Hi, baby.” nakangiting sambit ko at inayos niya ang nakabalot na kumot sa akin at hinalikan ang noo ko.

“I love you.” sambit niya.

“I know, baby. Pinaramdam mo sa akin kanina.” ngisi ko na kinapula ng mukha nito.

“D-Does it hurt?” may pag-aalalang tanong niya.

“You’re really a monster. A handsome monster, baby.”

“Sorry, I love you.” parang batang hingi niya ng tawad habang nag-aalalang nakatingin sa akin.

“Hahahahahaha, you’re so cute, Simone!” dumapa ako at pinugpog ng halik ang mukha niya.

“Careful.” inayos niya ako ng patong sa matipunong dibdib niya.

“Thank you for loving me. I love you with my whole heart, Simone.”

“Damn, you are my dream come true.” singhap na saad niya at hinalikan ako nang malalim hanggang sa mag-isa muli kami.

This is Hurricane Thurston Giovanni, the Mafia Heiress and now the Lord of Light Realm. This is not the end of our adventure.

Thank you for witnessing our adventures.

We are now signing off...

Extra Untold Moments:

Hurricane & Simone

Simone sighed for the fifth time as he watched his beautiful naughty Princess in trouble again.

Mabilis na sinalo niya ang magtatangka sanang humawak dito at matalas na tiningnan.

"Don't you dare."

"Waaaah! Simone! Nakakatakot sila!" Nguso ng labing limang gulang na si Hurricane at nagtago sa likuran ni Simone.

Napabuntong hininga si Simone at malamig na tiningnan ang mga natalo ng dalagang binabantayan niya sa drag racing.

Napakapasaway ng babaeng binabantayan niya.

"Hindi sila marunong tumupad sa usapan, Simone. Sabi nila kapag nanalo ako ibibigay nila ang mga kotse nila sa akin, bad sila 'no?" sumbong pa ng dalaga sa likuran niya habang hindi niya inaalis ang masamang tingin sa mga nakalaban ni Hurricane at mas humigpit ang pagpilipit sa kamay ng pangahas na hahawak sana sa dalaga.

"What do you want me to do then, My Young Goddess?" seryosong tanong ni Simone na nagbigay ng matinding takot sa mga nasa paligid nila.

Nagulat ang mga kalalakihan nang mula sa inosente at maamong mukha ng dalaga ay naging seryoso at ngumisi ito.

"I want my prize, ayoko ng tino-talk shit, Simone! Bad daw yon sabi ni Mommy!"

"As you wish, My Young Goddess." sagot ni Simone at naglakad sa gilid at may hila hilang upuan. Humanda sila gagawing pag-atake nito nang buong akala nila ay ihahampas sa kanila ang upuang yari sa kahoy nang itapat nito iyon sa dalagang si Hurricane. Napanganga sila nang umupo doon ang dalaga habang humihikab.

Hindi na bago ang ganitong senaryo dahil sa t'wing may nagtatangka sa dalaga ay sumusulpot siya at pauupuin ang dalagang binabantayan niya habang pinanonood siya.

He loves spoiling his troublemaker. Always.

"I'll finish this right away." mahinahong sambit ni Simone

"Thank you, Simone, hehehe."

Wala pang isang minuto ay namimilipit na sa sakit ng katawan ang mga kalaban ni Simone samantalang nakahalumbabang pinapanood ni Hurricane ang bawat atake nito. Pinagmamasdan ng dalagang si Cane ang mga namimilipit sa semento. Walang emosyon at hindi mabasa ang binabalak ng maamong mukha nito. Bumalik sa kanyang tabi si Simone at matalas na tiningnan ang mga ito.

"Nasaan ang ibang mga kotse?" tanong ni Cane.

Nnagkatinginan ang mga ito at hindi namumutlang hindi makasagot.

"Sasagot kayo o bibitayin ko kayo." salubong ang kilay na sambit ni Simone nang hindi sumagot agad ang mga ito.

"Well, hindi marunong bumali ng salita si Simone kapag sinabi niya gagawin niya, hehehe." pananakot pa ng dalagang si Cane at pigil ang ngisi nang makita ang matinding takot sa mga mata ng mga ito.

"Wag niyong galitin si Simone. Ayokong nagagalit siya kasi nagagalit ako sa gumagalit sa kanya." nakangiting dagdag pa nito na nagbigay ng kilabot sa mga naroon.

Bahagyang natigilan si Simone at palihim na ngumiti at puno ng adorasyong tiningnan ang likod ng binabantayan niya na nakapagpanganga sa mga nakakita dahil mukha itong maamong nilalang ng kanyang amo at huminahon.

"Hurricane..." seryosong tawag ni Storm Thurston nang makasalubong ang bunsong kapatid na kumakain ng barbeque kasama ang bantay nito na mabilis na nagbigay galang.

"Oh! Hi, Storm! Gusto mo?"

"What did you do this time, Hurricane?" mahinahong tanong ni Storm na diretso ang tingin kay Simone at tulad ng inaasahan nito...

"She captured the gang of thieves, Young Master and she gave it back to its owners." paliwanag ni Simone nang seryoso.

Napabuntong hininga si Storm at nilingon ang bunsong kapatid na nangingiti sa gilid.

"Aryt, please be careful."

"Yes, Young Master."

Matiim ang tingin ni Storm kay Simone na kinanguso ni Hurricane at hinila sa braso ang kanyang bantay.

"Stop staring, Storm! He's mine!" nakangusong hiyaw ni Hurricane. Gumuhit ang gulat sa gwapong mukha ni Storm Thurston sa litanya ng kapatid.

Salubong ang kilay nito at pinagdadamot ang bantay na namumula ang pisngi.

"Damn." bulong ni Storm sa sarili at napasapo sa noo na tila may may reyalisasyong natanto.

"What's happening here?" malamig na tanong ng bagong dating na si Thunder sa naabutang senaryo. Kagagaling lamang nito sa gym at tagaktak ang pawis.

"Thunder! Si Storm kasi eh!" sumbong ni Hurricane.

Tiningnan ni Thunder si Storm na parang problemado.

"What did you do, Storm?" tanong ni Thunder habang salubong ang kilay.

"This is bad, damn bad." problemadong bulong ni Storm na hindi nakaligtas sa pandinig ni Thunder.

"Don't ever go near him, Simone. You're mine." natigilan si Thunder nang marinig ang sinabi ng kanilang munting bunso at naiwan sa ere ang pagpupunas ng pawis sa leeg. Umawang ang bibig at nilingon ang kapatid na pinagdadamot ang bodyguard nito na nakatulala.

"Simone, answer me. You're mine, right?" pakiramdam ni Simone ay tumigil ang mundo niya sa tanong na iyon at ang tanging nakikita lang ay ang malambing na mga mata ng kanyang pasaway na pinangangalagaan na tila nagsusumamo na pumayag.

Tumikhim si Rain Thurston na kanina pang nakikinig at lumabas sa kinasasandalan. Seryosong tiningnan ng magkakapatid si Simone na nakatulala pa rin.

"What makes you think that I will take him?" seryosong tanong ni Storm na tinapatan ng kaseryosohan ni Hurricane.

"I hate the way you look at him, I just don't like it. Para kasing interasado ka." nakangusong sagot ni Hurricane sa kanyang kuya.

"He's interesting, baby sis." ngisi ni Storm at sinulyapan si Simone na nakatulala pa rin sa kanilang bunso.

"Hmmp! Let's go, Simone! Di ko sila bati!" hinila nito ang bodyguard na nagpaubaya sa pagtangay nito. Sabay sabay na napailing sina Storm, Rain at Thunder.

~•~

Lihtan & Simone

Lihtan ‘The Monster Cook’

Nakangiting nagluluto ako habang naririnig ang mga ingay na hatid ng pagsasaya nina Taki at Tenere dahil sa pagbabalik ni Simone. Ramdam ko ang maya't mayang pagyanig. Masaya ako dahil nagbalik na si Simone kaya naman nais ko siyang ipagluto.

Masayang masaya ako dahil natutunan ko ang pagluluto. Sabi ni Cane kung marunong daw ako kumain ay dapat alam ko rin magluto. Ang galing ni Cane dahil naisip niya iyon. Tama si Cane kaya naman naging inspirasyon ko iyon upang matuto.

“What are you doing?” nakangiting nilingon ko si Simone.

Tumabi sa kanya sina Taki at Tenere.

“Simone, salamat sa lahat ng alaala! Hindi ka namin malilimutan!” sambit ni Taki

“Pfft! Tsk! Rest in peace, Mahal!”

“....” bumaba ang tingin ni Simone sa niluluto ko at parang namutla?

Tiningnan ko ang niluluto ko.

“Ipagluluto kita dahil nagbalik ka na, Simone!” masayang sambit ko.

“F-For me?”

“Hihihi! Ihahanda ko na ang banyo para sa’yo, Mahal!” bulong ni Tenere na di ko narinig at biglang umalis.

“Simone, ayaw ng aking binibini na nagsasayang ng pagkain at malulungkot si Lihtan pag di mo tinanggap.” bulong ni Taki na di ko rin narinig.

Kumunot ang noo ko.

“Anong pinag-uusapan niyo?” mabilis akong lumingon kay Cane!

“Cane!” nakangiting ginulo ni Cane ang ulo ko na nagbigay ng masayang pakiramdam sa puso ko.

“Cane, nagbubulungan sila.” bulong ko kay Cane na kinakunot ng noo nina Simone at Taki.

Akala nila sila lang maaaring magbulungan. Buti na lang nandito si Cane. Di niya ako pababayaan na walang kabulungan.

“Oh...” tumatangong bulong ni Cane at tiningnan ang niluluto ko at tiningnan si Simone.

“Pfft!”

“Bakit Cane?”

“Nah, magaling, Lihtan.” nakangiting puri ni Cane na bulong sa akin na mas lalong kinangiti ko dahil masayang masaya ako sa t'wing pinupuri ako ni Cane!

Pursigido akong matuto ng maraming bagay upang lagi akong makatulong kay Cane.

“Gusto mo bang tulungan kita, Lihtan?” nakangiting tanong ni Cane.

“Wag kang mag-alala, Cane. Kaya ko ‘to!” masayang sambit ko.

“Okay, payting, Lihtan.” nakangiting tinanaw ko ang pag-alis ni Cane at ang pagsunod ni Taki na tawa nang tawa habang hinahampas ang nakatulalang si Simone. Mukhang nagugutom na talaga siya.