Thymine
Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Hindi kaagad ako nakagalaw sa labis na pagkagulat. Ano ba itong nangyayari? Bakit siya nagkakaganito? Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat na paniwalaan. Thymine, mag-isip ka nang mabuti.
"A-Ano bang sinasabi mo? P-Pinapatawa mo ba ako?" naiilang na tanong ko sa kaniya.
Wala akong ideya sa kung anong eksaktong nangyayari at nagkakaganito siya. Hindi naman ganito ang ikinikilos niyo noong tumatakbo kami kasama sila Klian. Ano bang mayroon kay Maxine ngayon? Hindi ko siya maintindihan.
"Ito ba? Hindi mo ba talaga alam kung anong gagawin natin? Baka naman nagpapanggap kang walang alam para turuan pa kita. Thymine, ano sa tingin mo ang ginagawa ng isang babae at isang lalaki sa loob ng tagong kuwarto? Hindi naman sila nagtititigan, hindi ba?" nang-aakit na sabi niya sa akin at bahagya pang kinagat ang pang-ibabang labi.
Ano ba itong ginagawa niya? Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pigilan o hayaan na lang. May kung anong matinding init akong nararamdaman ngayon at nararamdaman ko rin ang unti-unting pagtayo ng pagkalalaki ko dahil sa ginagawa ni Maxine. Jusko naman, paano ba ito?
"P-Puwede naman silang mag-usap nang tahimik. M-Maraming posibleng mangyari sa kanila. Maxine, p'wede bang umalis ka muna sa harapan ko? N-Nahihirapan akong makahinga nang maayos," nauutal na sabi ko sa kaniya.
Hindi ko siya matingnan nang diretso sa mata dahil sobrang lapit ng mga mukha namin. Isang maling galaw lang ay siguradong may mangyayaring hindi maganda. Hindi ito tama. Ngayon lang kami nakapag-usap nang maayos. Hindi p'wedeng may kung anong mangyari sa pagitan namin ngayon.
"Huwag ka nang mahiya pa sa akin. P'wede mo na akong sunggaban ngayon at gawin kung ano ang gusto mo. Huwag kang mag-alala, hindi kita pipigilan kaya bakit hindi mo na ako hawakan at simulan na natin ang pagpapaligaya sa sarili?" muling nang-aakit na sabi niya at bahagya pa akong tinapunan nang malanding tingin.
Tang ina! Bakit ako nakakaramdam nang matinding sensasyon dahil sa mga ginagawa ni Maxine? Ano bang nangyayari sa iyo, Thymine? Alam mong hindi tama ito. Maaaring may iba pa siyang plano gaya ng ginawa ni Rhian. Nahihirapan na akong magtiwala sa mga babae ngayon. Mas mapusok pa sila kaysa sa akin.
"H-Hindi mo dapat ito ginagawa, Maxine. Anong malay mo na may nakahahawang sakit pala ako? Hindi mo pa ako ganoon kakilala kaya hindi dapat natin ito ginagawa. Wala itong magandang patutunguhan. Ikaw lang din ang mahihirapan sa bandang huli," pilit na pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Ang buong akala ko ay titigilan na niya ako dahil sa mga sinabi ko pero mas lalo siyang naging mapusok. Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa dalawang kamay ko habang pinagmamasdan ang nakahiga kong katawan. Hindi naman mainit sa kuwarto pero pinagpapawisan ako nang sobra.
"Walang mali sa ginagawa natin ngayon. Pareho lang nating tutugunan ang pangangailangan ng isa't isa. Sa lugar na ito, lahat ng mga ipinagbabawal sa labas ay posibleng gawin. Wala akong pakialam kung may sakit ka ba o wala. Gusto ko lang na may mangyari sa pagitan natin," mariing giit niya.
Akmang gagawaran ako ni Maxine ng halik subalit agad ko siyang pinigilan. Hindi ito tama gayong ngayong araw pa lang kaming nagkakilala at wala pang ilang oras mula nang magsama kaming dalawa. Hindi na ulit ako magiging pabaya sa pagkakataong ito lalo na at hindi naman ako nakainom ng alak.
"Maxine, hindi kita kailanman tatanggalan ng dignidad. Babae ka na dapat nirerespeto at inaalagaan. Ayokong gawin ang mga bagay na hindi pa dapat mangyari. Makinig ka sana sa akin. Hindi ako gaya ng ibang lalaki na basta ka na lang susunggaban dahil gusto ko. Nirerespeto kita," determinadong sambit ko sa kanya.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi at nang-aakit akong tiningnan. Bahagya pa niyang ibinaba ang manggas ng damit at muli akong ginawaran ng malagkit na tingin. Hindi ba talaga siya titigil? Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko kakayaning magpigil. Nakakainis naman. Bakit ba nangyayari sa akin ang bagay na ito?
"Ayaw mo ba talaga? Hindi ka naman magsisisi dahil sisiguraduhin ko na masisiyahan ka rin gaya ko. Ayaw mo no'n, makakalabas ka sa bahay na 'to at lumigaya ka pa? Hindi ka na lugi sa kondisyon na ito. Pareho tayong makikinabang kaya huwag ka nang mag-alinlangan pa," nakangiting sambit niya sa akin.
Hindi ko na kaya pang makipag-usap at ipaintindi sa kaniya ang lahat. Pakiramdam ko balewala ang lahat ng ito dahil sarado ang isip niya para pakinggan ako. Kahit na anong pilit kong sabihin na tumigil na siya, mas lalo siyang nagiging agresibo at mapusok. Hindi dapat ganito ang isang babae.
"Balita ko nga, malaki raw 'yang pagkalalaki mo. Gusto mo bang hawakan ko 'yan at isubo? Huwag ka nang magpigil pa dahil lalaki ka rin na tinatawag ng laman. Paligayahin mo ako at paliligayahin din kita. Kainin ko na?" malambing na sabi niya na siyang ikinagulat ko.
Halos magsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam na ganito pala ang ugali ng mga babae sa lugar na 'to, masyado silang mapusok. Mababaliw na ako kapag nagpatuloy pa ito. Hindi ko na inaasahan ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.
"Maxine, tigilan mo na ang pang-aakit sa akin. Sumama ako para matakasan natin si Kamatayan at hindi para makipagtalik sa 'yo. Ano bang nangyayari sa iyo? Hindi ka naman ganiyan kanina. Babae ka, dapat marunong kang mahiya. Hindi ka ba kinikilabutan sa mga sinasabi mo?" dismayadong sambit ko sa kaniya.
Nawawala na siya sa sarili ngayon, sigurado ako roon. Walang matinong babae ang aakitin ang isang hindi niya kilalang lalaki para makipagtalik sa kaniya. Kahit saang anggulo ko tingnan, hindi sapat ang rason na makikipagtalik siya sa akin para makaligtas. Talaga bang gagawin nila ang paraan na iyon?
"Tumingin ka sa salamin at tingnan mo ang sitwasyon mo ngayon. Parang uhaw na uhaw ka na sa isang lalaki. Ano ba talagang nangyayari sa iyo? P'wede kitang tulungan sa ibang paraan pero huwag lang ganito. Hindi ka ba talaga nahihiya sa sarili mo?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
Tumayo na ako sa kama at hindi na siya pinansin pa. Wala akong pakialam kung nakabusangot ba siya basta ang mahalaga, hindi ko sasamantalahin ang pagkakataon. Walang mangyayari sa pagitan naming dalawa. Hindi ko hahayaan na may magawa na namang akong malaking pagkakamali. Tama na ang nangyari sa amin ni Rhian.
"Sa tingin mo ba hindi ako nahihiya sa sarili ko? Thymine, gaya mo, gusto ko ring makalabas sa lugar na 'to. 'Yon na lang ang natitirang paraan para makalaya ako. Wala na akong pakialam pa kung magmukha akong malandi sa harapan niyo. Gusto ko lang namang makabalik sa dati kong buhay." mariing giit niya at hindi ko maiwasang masaktan dahil dito.
Katulad ko rin pala siyang nangangarap na makalabas at makalaya mula sa impyernong lugar na ito. Gusto na rin niyang kalimutan ang lahat kaya kahit ang bagay na ito ay nakahanda niyang gawin. Mukhang ito ang dahilan kung bakit desperada na siyang may mangyari sa aming dalawa.
"Pero marami bang ibang paraan. Hindi mo kailangang gawin ang bagay na ito. Dapat mong ingatan at pahalagahan ang dignidad mo. Huwag mong ibigay ito sa kahit sinong lalaki dahil siguradong ikaw lang din ang mahihirapan sa huli. Maniwala ka sa akin," mariing paliwanag ko sa kaniya.
Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako sa likod. Gustuhin ko mang tanggalin ang mga kamay niyang nakapulupot sa katawan ko per masyado itong mahigpit. Tila desidido na talaga siyang makipagtalik pero hindi ko ito hahayaan na mangyari. May iba pang paraan. Siguradong makakaisip kami ng ibang paraan.
"Kung kinakailangan kong lumuhod sa harapan mo, hindi ako magdadalawang-isip na gawin 'yon. Thymine, tapusin na natin 'to at gawin ang natitirang paraan. Ayoko nang gumising sa umaga na may matinding kaba sa dibdib. Nakakapagod nang tumakbo para iligtas ang sarili. Ayoko na," nagsusumamong sambit niya.
Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit niya ito kailangang gawin. Hindi niya ito gustong gawin pero wala na siyang pamimilian. Parang gusto ko na tuloy bawian ang mga sinabi ko sa kaniya kanina. Nakakainis naman ito, nagmukha pa tuloy akong masama.
"Huwag kang mag-alala dahil kaya naman nating makaligtas. Basta magkakasama tayo at nagtutulungan. Basta huwag mong ibibigay ang sarili mo kahit na anong mangyari. Sigurado akong may paraan pa para makaligtas tayo," mariing giit ko sa kaniya.
Nanatili kaming ganoon sa loob ng ilang minuto pero hindi rin nagtagal ay kaagad siyang napabitaw sa pagkakayakap sa akin nang may biglang kumatok sa pintuan. Pareho kaming napatingin sa direksyon nito at bigla na lang kaming humiga sa kama. Ito na ba ang kanina pa humahabol sa amin?
"S-Siya ba 'yan? N-Nagawa niya ba tayong hanapin? Maxine, ano ang gagawin natin? Hindi niya tayo p'wedeng makita dahil siguradong papatayin niya tayo," kinakabahang sabi ko sa kaniya.
Sa isang iglap ay biglang nawala ang lakas ko. Bigla na lamang nanginginig ang mga tuhod at braso ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Pakiramdam ko ay panandalian akong nawawala sa sarili. Hindi ako makapag-isip nang maayos.
"Hindi pa tayo sigurado kung siya ba talaga ang naririnig natin. May mga naliligaw na dumaraan sa lugar na ito. Huwag ka munang mag-isip nang kung ano. Ligtas pa tayo sa ngayon kaya wala kang dapat ikabahala," pagpapakalma na sabi sa akin ni Maxine.
Kahit na anong pilit niyang pagpapakalma sa akin ay hindi ko ito mapaniwalaan. Alam ko na kahit anong mangyari ay siguradong hinahanap kami ni Kamatayan. May kasalanan akong nagawa kaya tiyak na pagbabayarin niya ako. Paano na? Paano ko magagawang makaligtas sa pagkakataong ito?
"N-Nandito na siya, tutugisin niya tayo. Maxine, anong gagawin natin? Natatakot ako sa kaniya, ayoko pang mamatay! Walang magliligtas sa akin. P-Papatayin niya tayo!" natatarantang sambit ko at nagtalukbong sa kumot kasama niya.
Nakita na niya kung paano ang sitwasyon ko sa tuwing nasa malapit si Kamatayan. Kahit na nahihiya akong ipakita ito ay wala akong magagawa. Isa na naman akong mahinang lalaki na kailangang protektahan ng babae. Nakakainis naman.
Sa tuwing nasa paligid si Kamatayan, hindi ko maiwasang salakayin nang matinding kaba. Pakiramdam ko, bigla na lang nawawala lahat ng lakas sa katawan at sobra akong nanghihina ngayon. Nagtataasan ang balahibo ko sa kaniya. Si Kamatayan lang ang nakakagawa nang ganitong takot sa akin.
"Thymine, kumalma ka. Hindi niya tayo mahahalata kung wala tayong gagawing ingay. Makinig ka, kailangan lang nating magtago at manahimik. Nakukuha mo ba ang gusto kong sabihin? Hangga't wala siyang naririnig na ingay mula rito, hindi niya malalaman na may tao," mariing giit niya sa akin.
Pakiramdam ko ay maiiyak na ako sa sobrang pagkatakot. Nakakainis! Hanggang kailan ko ba kailangan na dalhin ang pangamba na ito? Sa bawat araw na lumilipas ay hindi p'wedeng hindi ko makasalamuha si Kamatayan. Nasa iisang lugar lang kami kaya hindi ako habang buhay na makapagtatago sa kaniya.
"Alam kong natatakot ka ngayon sa mga posibleng mangyari sa akin. Thymine, naririnig mo ba ako? Hindi ba nagagawa kang iligtas ni Rhian sa ganitong pagkakataon? Maniwala ka sa akin, kaya ko ring gawin ang bagay na iyo. Walang mamamatay sa ating dalawa. Kumapit ka lang," muling pagpapakalmang sabi niya sa akin.
Bahagya niya pang hinawakan ang magkabila kong balikat bago ako tingnan sa mata. Sinusubukan niya akong pakalmahin subalit hindi sapat ang kaniyang presensya para bumalik sa dati ang kondisyon ko. Nahihirapan na akong makahinga. Ano mang sandali ay p'wede akong mawalan ng malay.
"T-Totoo ba 'yan? Hindi mo ako pababayaang mapahamak? I-Ililigtas mo ako?" naniniguradong tanong ko sa kaniya at mabilis naman siyang tumango bilang pagsang-ayon.
Walang kasiguraduhan kung totoo ba ang mga sinasabi niya sa akin pero kailangan kong maniwala ngayon. Siya lang ang kasama ko na p'wedeng makatulong sa akin sa mga oras na ito. Si Maxine lang ang p'wede kong maasahan ngayon kaya sana huwag niya akong biguin. Maging totoo sana siya.
Paulit-ulit pa rin ang mga katok na naririnig namin at tila may sinusundan itong bilang. Tatlong magkakasunod na tunog at bahagya siyang titigil para muling kumatok ng tatlong beses. Kinakabahan na ako. Sa ganitong paraan pa lang ng pagkatakot, siguradong may ipinahihiwatig ang taong nasa labas.
"H-Hindi ko na kaya. Mamamatay na yata ako sa sobrang kaba. Maxine, tulungan mo ako. Huwag mo akong iiwanang mag-isa. Pakiusap..." nagsusumamong sabi ko sa kaniya.
Wala na akong pakialam kung mukha na akong kaawa-awa ngayon. Kailangan ko ng tulong kaya hindi ko na iniisip pa ang sasabihin niya. Gusto kong makaligtas ngayon at patuloy na lumaban hanggang sa tuluyan na akong makalabas sa impyernong lugar na ito. Hindi pa ito ang oras para mamatay ako.
"Huwag kang mag-isip nang ganiyan. Hindi niya tayo masasaktan kung mananatili lang tayo rito at hindi bubuksan ang pintuan. Kailangan nating magtago nang mabuti. Doon naman tayo magaling, hindi ba?" pagpapaliwanag sa akin ni Maxine.
Sinubukan kong ikalma ang sarili at mabilis na ipinikit ang mga mata. Pinapakiramdaman ko ang buong paligid habang sinusubukan na huminga nang maayos. Kailangan kong maging kalmado ngayon. Ito lang ang tanging magagawa ko.
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Paulit-ulit. Nakakabingi! Gusto kong takpan ang mga tainga ko subalit pinangungunahan ako ng matinding kaba. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, imahe ni Kamatayan ang aking nakikita. Tang ina! Kailangan ba ako makakalaya sa kaniya? Ayoko nang mabuhay na may matinding takot sa dibdib.
Ang nakakaloko niyang ngisi. Ang itak na sumasayad sa sahig. Ang mga yabag niyang papalapit nang papalapit. Kinakabahan ako. Ayoko pang mamatay! Tang ina! Bakit kailangan niya pa akong sundan?
"Thymine, kumalma ka. Makakaya natin 'tong lampasan. Magtiwala ka, hindi tayo mamamatay ngayon. Pakiusap, kumalma ka!" singhal sa akin ni Maxine.
Ilang beses akong nagpapagulong-gulong sa kama habang pilit na binubura ang wangis ni Kamatayan sa aking isipin. Natatakot ako subalit magagawa ko itong labanan. Naniniwala ako na matatapos at mawawala rin ang takot na ito. Darating ang panahon na makakalimutan ko rin ang lahat.
"Thymine! Nasaan ka? Naririnig mo ba ako? Ako 'to, si Rhian. Nasaan ka na ba? Pakiusap, magpakita ka sa akin. Sana nasa maayos kang kalagayan."
Hindi ko alam kung anong eksaktong dahilan subalit unti-unti akong kumalma nang marinig ang boses ni Rhian sa isipan ko. Nag-aalala siya sa akin at ito marahil ang dahilan kung bakit unti-unting napawi ang kaba at takot na nararamdaman ko. Totoo ba itong mga naririnig ko?
"Mabuti naman at kumalma ka na. Thymine, pinag-alala mo ako. Wala na ang mga katok sa pintuan kaya malaki ang posibilidad na ligtas tayo. Thymine, isiping mo na ako para tuluyan na tayong makaligtas," mariing giit ni Maxine at bahagya pang hinaplos ang dibdib niya.
Pinakiramdaman ko ang paligid at tama siya, wala na ang mga katok. Tuluyan nang napawi ang takot sa dibdib ko at napalitan ito ng ilang dahil sa ginawa ni Maxine. Sinabi ko na sa kaniya kanina na hindi na ito kailangang gawin pa dahil may mga iba namang paraan. Bakit ba ayaw niyang makinig sa akin?
"Hanggang kailan mo ba ipagtutulakan ang sarili mo na makipagtalik sa akin? Maxine, wala na bang natirang hiya sa katawan mo? Umayos ka nga! May iba pang paraan kaya huwag kang magiging ganito ka na desperada," naiinis kong sambit ko sa kaniya.
Napaismid na lang ako nang bahagya niyang itinaas ang suot na damit at ipakita sa akin ang makinis na tiyan niya. Masyado siyang mapusok at hindi ko alam kung kakayanin ko ba 'tong tagalan. Hindi dahil tinulungan niya akong pakalmahin kanina ay hahayaan ko na siyang gawin ang bagay na ito.
"Ang arte mo naman. Parang kanina, takot na takot ka at halos mahimatay subalit ngayon, ang lakas mong magreklamo. Bakla ka ba? Palay na nga ang lumalapit sa iyo pero ayaw mo pa rin? Bakit ba ganiyan ka? Anong problema mo? May mali ba sa katawan ko na ayaw mo?" nagtataka niyang tanong sa akin.
Hindi ko na lang siya pinansin, bagkus tumayo ako sa kama. Kailangan kong makalanghap ng sariwang hangin dahil masyadong mataas ang tensyon kanina. Hindi pa ito tuluyang napoproseso sa utak ko ang lahat ng nangyari. Magulo pa ang lahat sa isipan ko.
Bahagya akong naglakad-lakad subalit mabilis na napahinto nang makarinig ako ng pamilyar na boses. Mahina ito ngunit nasisiguro ko kung sinong nagmamay-ari ng tinig. Hindi ako p'wedeng magkamali. Malakas ang loob ko na siya iyon. Siya ang kanina ko pa hinahanap at inaasahan na tumulong sa akin.
"Sandali, huwag ka munang maingay diyan. May narinig akong tinig sa hindi kalayuan at mukhang kilala ko kung sinong nagmamay-ari noon. Mamaya ka na magreklamo. Kailangan kong masigurado kung siya ba talaga 'yon," mariing giit ko sa kanya.
Papalapit nang papalapit ang mga yabag at mas lumilinaw na ang mga katagang sinasambit niya. Hindi ko mapigilang makaramdam ng tuwa dahil nandito na siya at hindi ako iniwan. Ang buong akala ko ay wala na siyang pakialam pa sa akin at hahayaan na akong mapahamak. Hindi ako makapaniwala na naririnig ko na siya.
"Thymine! Nasaan ka na ba? Pasensya na kung hindi kita gaanong napagtuunan ng pansin kanina. Patawarin mo ako kung hindi ko napanindigan ang naging pangako ko sa iyo. Nasaan ka na ba? Kanina pa ako nag-aalala sa iyo."
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at mabilis na tumakbo papalapit sa pintuan ng silid. Kailangan kong magpakita sa kaniya para matigil ang kaniyang pag-aalala. Kailangan niyang malaman na maayos lang ang kalagayan ko. Na ligtas ako at malayo sa panganib.
"Thymine, saan ka pupunta? Hindi mo p'wedeng buksan ang pintuan. Maaari tayong mapahamak sa gagawin mo. Ano ba, makinig ka naman sa akin! Wala magandang patutunguhan 'yang gagawin mo," nag-aalalang sabi ni Maxine.
Sinusubukan niya akong pigilan at hinahawakan nang mahigpit ang mga braso ko subalit hindi na ako nagpatinag pa. Sigurado ako sa narinig ko at hindi ako p'wedeng magkamali. Hinahanap ako ni Rhian para iligtas. Hindi na nanganganib ang buhay ko.
"Pasensya ka na pero hindi mo na ako mapipigilan pa. Sigurado akong kilala ko ang taong nasa labas ngayon. Siya ang kanina ko pang hinahanap. Hindi ako nagkakamali nang akala," mariing giit ko sa kaniya.
Mabilis kong binuksan ang pintuan at hindi na nag-abalang tumingin sa kaliwa't kanan ng pasilyo. Nakangiti akong lumabas subalit bigla na lamang may pumukpok sa batok ko.
Bumagsak ako sa sahig dahil sa ginawa niya at halos magsitayuan ang balahibo ko nang masilayan ang mga ngisi niya. Muling nanumbalik ang kaba na naramdaman ko kanina at sa pagkakataong ito ay halos mahimatay ako.
"Matagal mo na akong pinahihirapan. Ngayon, sisiguraduhin kong mabubura ka na sa mundo. Paalam!" sambit niya bago ihambalos ang hawak na itak.
Napapikit na lang ako dahil sa labis na pagkatakot. Hindi ko inaasahan na siya ang tatambad sa harapan ko. Imposible! Hindi siya si Rhian. Nagkamali ako.
Rhian, nasaan ka na ba? Akala ko, ililigtas mo ako.