Chapter 8
Nanginginig at dahan-dahan kong naibaba ang cellphone. Ramdam ko ang matalim niyang titig sa aking likuran. Hindi ko siya nasagot sa kanyang tanong. Tila napako na ako sa kintatayuan. Ang malakas na pagtibok ng aking puso ang mas lalong nakapagpangatog ng aking mga binti.
"You're awake, my cunning wife,"
Tila bumagal ang lahat ng paligid sa ginawa kong unti-unting pagharap sa kanya. Napasinghap ako sa taong nakasandal sa pintuan ng silid. Madilim ang mukha ng lalaki. Nagtatangis ang mga bagang nito. Napalunok ako sa kabang nararamdaman.
Sino ba talaga siya? Natigilan na lang ako nang maalala ang sinabi nito.
"H-hindi ako ang asawa mo..." malat ang boses na sabi ko.
Suminghap ako sa gulat nang mabilis na nakalapit ang lalaki sa pwesto ko at higitin papalapit sa kanya. He tilted his head just to see my fully face. Ang buhok kong humaharang sa mukha ay inalis ng lalaki.
I gasped at his sudden action.
"You fooled me once, but you cannot to do it in twice. You cunning woman! I will punish you for making my life miserable!"
"Hindi talaga ako ang asawa mo! Nagsasabi ako ng totoo! Pakinggan mo ako..." mangiyak-ngiyak kong sabi.
Kumibot ang mata nito. Isang emosyon ang hindi ko mapangalanan ang dumaan sa kanyang mga mata pero mabilis din itong nawala at napalitan ng galit.
"You're good at that, really, uh. Ang magsinungaling at ang magpanggap. Hah!" Nanunuya itong tumawa ng bahagya pero mabilis din na nagtiim-bagang. "Kung dati maloloko mo pa ako, ngayon hindi na. Ang tanga ko para mahalin ka. Sa taong nasa loob ang kulo. Pinagsisisihan kong minahal kita at pinakasalan."
Nasaktan ako sa sinabi niya. Ang bigat sa dibdib ko ang nakapagpahikbi sa akin ng sunod-sunod.
"K-kung gano'n... b-bakit hindi mo na lang ako pakawalan..." nagmamakaawang ani ko.
Ngumisi ito at tumalim ang titig sa akin. "Pakawalan? Nagpapatawa ka ba? Sa dami ng kasalanan mo sa'kin, mas mabuting ipakulong na lang kita."
"Ang sama mo! Wala akong kasalanan sa'yo! Hindi ako ang asawa mo! Makinig ka sa'kin. Alami-"
"Shut up!" Dumagundong ang malakas nito pagsigaw. Ang mabilis na paghinga nito ang tanda na nagtitimpi siya ng galit.
Natahimik ako at tanging hikbi na lamang ang naririnig ko mula sa akin.
"Simula bukas pagbabayarin mo ang lahat ng perang kinuha mo sa'kin. Sa umaga, tutulong ka sa gawain sa bahay. At sa hapon, sa factory ka magtatrabaho." Mariin na sabi niya. "Matapos mong bayaran ang sampong billion na kinuha mo saka ako mag-iisip kung paano mo mababayaran ang kawalanghiyaan na ibinigay mo sa akin."
Marahas ako nitong binitawan. Napasalampok ako sa ibabaw ng kama. Lumabas ito ng kwarto at malakas na ibinagsak ang pintuan pasara. Napaiyak ako. Hindi ko talaga kilala ang lalaking iyon. Hindi ako ang asawa nito! Bakit ba ayaw niya akong pakinggan.
AIROL JAN MONTEREALEZ
Kuyom ang kamao na lumabas ako ng aking silid. Naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw kong bitawan si Liara.
Mahal na mahal ko siya... noon. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang ako nawalan ng pagmamahal para kanya. Nagising na lang ako na hindi ko na siya mahal. Nawala iyong dating pakiramdam na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya. Puro puot na lang ang nararamdam ko sa kanya. Ang galit kung bakit....
Natigilan at marahas na hinugot ang hininga. Umiling na lang ako at ipinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa makarating sa office ko dito sa loob ng Mansyon.
"Señorito, Airol."
Bahagya akong tumango kay Doctora Abby. Isa siya sa pinag-aral ni Lolo at bumabawi siya sa pamamagitan ng paninilbihan bilang Doctor sa aming pamilya.
Umupo ako sa aking swivel chair at pinagsaklop ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa.
"Did you also check my daughter?"
Ngumiti ito sa akin. "Yes, Señorito. Maayos na din po ang lagay ni Airisha. Nakatulog na rin siya. But for Señorita..."
Kumunot ang noo ko. Nagtatakang tumitig sa kanya. "What about her?"
Umiling siya. "Maayos na din ang lagay ng asawa niyo but I suggest na magpacheck up pa rin siya next week para makasigurado. Mabuti na lang at naagapan pa ang kanyang allergy kundi pwede siyang mamatay don."
Natigilan ako sa sinabi niya. "A-allergy?" Utal na tanong ko.
Nagtataka itong tumitig sa akin. "Yes po, Señorito. Hindi niyo po ba alam na may allergy siya sa peanuts?"
"W-what?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Pero wala na siyang....." napatulala ako ng may maalala.
"Airol! Sandali, Airol!"
Inis akong naglakad at hindi pinakinggan ang babaeng tumatawag sa akin. Galit pa ako at hindi ko siya gustong makaharap.
"Airol, sandali!"
Tsk. Airol my ass!
"Kapag hindi ka tumigil sa paglalakad hindi na kita sasagutin! Basted ka na sa'kin!"
Bigla akong napapreno sa paglalakad. Kumuyom ang kamao ko.
'Damn this witch!'
Napabuga ako ng hangin at lukot ang mukha na humarap sa kanya.
"What now?"
Ngumuso siya. "Ba't ang sungit mo? Hindi ka namamansin. Gusto mo bastiden na kita?"
Aba't! Talaga naman. "Tsk."
Lumabi siya. Napaismid na lang ako.
"Sungit talaga ng manliligaw ko!"
Kumunot ang noo ko. "Sinong hindi? Nangliligaw ako di ba? Bakit binigay mo na lang sa iba ang chocolate na binigay ko sa'yo?! At ang masaklap pa binigay mo don sa karibal ko pa talaga!"
Lumapit siya sa akin at niyakap ako sa leeg. Ngumiti siya ng malaki kaya wala sa sariling lumunok ako. Napahawak ako sa magkabilaang bewang niya.
"Tsk. Nagtatampo ako. Huwag mo 'kong lambingin." Inis sa sabi ko. Malapit na kasi akong bumigay. Ganito lagi ang ginagawa niya kapag galit ako. Tsk. Witch talaga.
Ngumuso siya. "Sungit mo talaga. Sorry na. Hindi na mauulit. Kasi naman may allergy ako sa peanuts! E, si Mark ang nasa malapit kaya binigay ko sa kanya. Sorry... nahihiya kasi akong magsabi sa'yo."
Natigilan ako sa sinabi niya. "Damn! May allergy ka sa peanuts? Nahihiya? Tsk."
Tumango siya at alanganin na ngumiti. Mariin kong naipikit ang mata at halos sabihin ko na ang lahat ng mura.
"Sorry. Hindi ko alam. Hindi na mauulit." Napatitig ako sa mukha niyang nakangiti sa akin.
"Pero wala na siyang allergy....." wala sa sariling sabi ko.
Napatakbo ako ng wala sa oras ng kainin ni Liara ang brownies na nasa lamesa. Mabilis ang tibok ng puso ko. Halos tumaob ang lamesa sa marahas kong pagtapon ng pinggan sa sahig.
"Ano bang problema mo, hah?!"
"Magpapakamatay ka ba! Alam mo na ngang may allergy ka sa peanut kakainin mo pa rin!"
Namutla ito. Marahil ngayon niya lamang naalala na may allergy siya.
"W-wala na akong allergy." Nag-iwas siya ng tingin. "Matagal ng gumaling ang allergy ko. Wala na ko no'n. Salamat na lang sa concern mo, asawa ko, pero wala na akong allergy." Mariin na sabi niya bago ako iwan sa kusina nang nakatulala.
"Hindi naman po nawawala ang allergy, Señorito."
Natigilan ako don.
"Kapag may allergy ka na po simula pa no'ng una, hinding-hindi na po iyon mawawala sa'yo."
Pero... mariin kong naipikit ang mga mata. Nanginginig ang mga kamay.
Hindi ba't siya ang asawa ko?
"Ma-una na po ako Señorito...."
Hanggang sa makaalis si Doctora Abby, nakatulala lamang ako. Naguguluhan ako. Naikuyom ko ang mga kamao.
Nagsisinungaling na naman sa akin ang babaeng iyon.