Prologue - ✔

If you ask Malia Raquel Siento, to what kind of life she have within her 25 years of existence...

She would gladly say na sobra siyang kuntento sa kung anong buhay na mayroon siya.

She have a loving parents.

They have power and money.

She has a lot of friends.

Hindi na siya hihiling na kung ano pa man.

Everything seems so imposible but the fate has its own way to make it possible.

Until one day,

That day seems so normal.

They have a family bonding and dinner together. They talk, they laugh, they teased, and they enjoyed their moment.

But like the others,

There is no perfect.

She never thought,

That day, was her last day to be in the fairytale.

She never thought,

That night would be her greatest nightmare.

When the rains pour a heavy falls. The lights and thunder speaks loud.

Napadilat siya nang may yumugyog sa kanyang mga balikat.

"M-mommy?" Pagtataka niya dahil gabing-gabi na't nandito ito sa kanyang kwarto.

Sumenyas ito sa kanya na tumahimik. Nagsimulang umiyak ang Mommy niya.

Napakunot siya ng noo at hindi maintindihan ang nangyayare pero inatake siya agad ng pagkabigla at kaba.

Napaupo siya sa pagkakahiga sa kama.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ng kanyang Mommy. Nanginginig ang mga ito at malamig.

"Mom? W-what happened?" Pagbulong niya na tanong.

Kumulog ng malakas kasabay ng pagkasabi nito sa mga nangyayare. Nanginginig ang kanyang mga tuhod. Kinabahan siya sa sobrang takot.

"A-anak may mga armadong tao na pumasok sa bahay natin." Maluha-luha nitong bulong.

"S-si Dad, Mom? Nasaan po siya?" Pilit niyang nilabanan ang takot at sa nagbabadyang paghikbi. Kailan man ay hindi niya naramdaman ang ganitong pakiramdam. Para siyang nasa isang panaginip at pilit na inaahon ang katawan sa paninigas.

Pinilit niyang magpakatatag.

"Nasa ibaba siya kasama ang mga guwardya natin, nakikipaglaban. Kailangan na nating umalis anak. Kailangan na nating tumakas."

"P-pero si Dad, Mom?" Tuluyang lumandas sa kanyang pisngi ang mga luha.

"Magtiwala tayo sa Daddy mo."

Tumango siya sa kanyang mommy at inumpisahang magtali ng mga kumot na gagamitin nila dahil sa balcony sila dadaan.

"Mom, sino po ba sila?"

"Hindi ko alam anak."

Napakagat siya ng labi. Suminghap upang mabawasan ang kanyang takot.

Siya ang pinauna ng Ina sa pagbaba bago ito. Nang makababa sila, maingat na naglakad at ininspeksyon ang paligid.

Mula sa malaking gate, natanaw nila ang mga gwardiyang patay na.

Ang ulan ay parang nakikisama din dahil sa pagtila nito.

Muling tumulo ang mga luha niya at mariing kinagat ang labi para hindi lumabas ang isang hikbi.

Nang makalabas sila ng gate para silang nabunutan ng tinik sa dibdib ngunit napasigaw din sa sunod-sunod na putok ng baril galing sa loob.

"May tao doon." Rinig nila ang mga yabag ng mga ito na pawang papunta sa direksyon nila.

"M-mom!" Takot ang lumukob sa kanya.

Hinawakan ng kanyang Mommy ang mga kamay niya.

"Anak hindi natin alam kung sino ang kalaban ng pamilya natin." May inilagay itong papel sa kamay niya.

"Pumunta ka diyan anak tutulungan ka nila. Alam ko na sa oras na makita ka nila. Magkakagulo. May kasalanan kami. Pero alam ko na sila lang ang makakatulong sa'yo."

Naguguluhang umiling si Liara. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kanyang Ina.

"Tinawagan ko kanina si Crycer. Siya ang susundo sa'yo sa pier. Sasamahan ka niya." Hinalikan siya nito sa noo, "Mag-iingat ka anak. Mahal na mahal ka namin ng Daddy mo. At sana mapatawad mo kami ng daddy mo."

Umiling siya. Hindi man niya naintindihan ito, ipinagsawalang bahala na lang niya. "No, Mom! Hindi ako aalis ng hindi kita kasama. Hindi ko po kayo iiwan."

"Anak makinig ka sa'kin." Hinawakan nito ang pisngi niya at tinitigan sa mga mata. "Kung walang haharang sa kanila, dalawa tayong mapapahamak."

Umiling ulit siya. Ayaw niya. Natatakot siya na baka ito na ang huling kita niya sa Ina. Hindi niya kakayanin.

"Please Mom, h'wag mo sa'king gawin 'to,"

Hindi niya kakayanin mag-isa.

Sino ba sila? Anong kailangan nila sa amin? Bakit kailangang ganito?

"Nakikiusap din ako sa'yo anak. Sundin mo na lamang ako. Mahal ka namin, baby." Hinalikan siya ng kanyang Ina sa noo at itinulak. "Go, baby!"

Tumitig si Liara sa kanyang Ina at umiling. Mapait itong ngumiti. Napapikit siya ng mariin at napakuyom ang mga kamao.

Nag-umpisa siyang tumakbo palayo.

Pakiusap... iligtas niyo po sila.

Hindi niya alam kung paano siya nakarating sa pier ng batangas. Basta natagpuan niya na lang ang kanyang sarili na yakap yakap si Crycer, ang kanyang pinsan.

KASALUKUYAN silang lulan ng barko na hindi niya alam kung saan patungo. Nakatulala siya sa kawalan at hindi maabsorb ang mga bagay na nangyari kani-kanina na lamang.

"Babe, kumain ka muna." Sinamaan niya ito ng tingin.

"Chill lang babe!" Napakamot si Crycer sa ulo.

Napasimangot siya, "Hindi ako baboy." Mariin niyang sabi. Lalo pa siyang nairita nang tumawa ito ng malakas.

"Ngayon, pero 'nung mga bata pa tayo, baboy ka."

Napabuntong hininga siya at naalala na naman ang nangyare kanina. Hindi niya maiwasang umiyak ulit.

Hanggang ngayon nanginginig pa rin ang buong katawan niya. Hindi pa rin makabawi sa mga nangyare.

Niyakap siya ng kanyang pinsan. "Everything will be alright, baby girl."

Napahikbi siya. "Kuya, sila Mommy at Daddy ko."

Napabuntong hininga ito. "Sana on time ang tulong na dumating sa kanila."

Sana nga, Sana ligtas sila.

"Halika ka babe magpahangin tayo doon sa deck para mahimasmasan ka."

Napasimangot siya ulit. Mula no'ng mga bata pa sila ganyan na ang tawag nito sa kanya. Tsk, hanggang ngayon hindi pa rin siya masanay- sanay.

Napalabi siya.

Lumabas sila ng silid at nagtungo sa deck. Walang nagsalita sa kanila. Kapwa na katitig lamang sa karagatan at sa magandang tanawin ng mga bituin.

"Kuya saan nga pala tayo pupunta?" Basag niya sa katahimikan.

Napakamot ito sa batok. "Tsk. Sabi ko Dirk or Crycer ang itawag mo sa'kin. Pag ikaw talaga ang kasama ko ang tanda tanda ko na."

She rolled her eyes. "Ewan ko sa'yo. Saan na nga tayo?"

"Aba! Ewan ko?! Sabi ni tita may ibinigay daw siya sa'yong contact."

Bigla niyang naalala ang ibinigay na papel sa kanya ng kanyang Ina. Kukunin na sana niya ito sa bulsa ng pajama nang makarinig sila ng mga sigawan.

"Jusko po! May sunog!"

"Mahabagin!"

Nagkagulo. Hinawakan siya ni Crycer at hinila paalis sa kaguluhan. Nagsisigawan ang mga tao.

"Shit!"

Napadaing siya ng matamaan sa mukha galing sa isang braso. Nasapo niya ang kanyang mukha.

"Fucking hell! May natatamaan kayo!"

Ang mga sigaw ni Crycer ay nilamon ng mga boses na nagwawala. Kalahati na ng barko ang napinsala sa sunog.

Napahikbi siya. Ikinulong siya ni Crycer sa mga bisig nito at pilit na pronetaktahan sa mga nagwawalang tao.

Nanlalambot ang mga tuhod niya. Hindi siya makagalaw. Kung wala lang si Crycer sigurado siya na hindi niya magagawang makatayo.

Napunta sila sa gilid ni Crycer. Nagitgit na sila ng mga tao.

May mga bangka na ngayong maliliit sa ibaba. May mga tao na rin na nandoon. Ang iba'y nagtutulakan at nag-uunahan para makasampa sa bangka. Ang iba'y tumalon na para makasampa.

Napahawak siya sa bakal na hawakan. Umalon ng malakas. Tumabingi ang barko at lahat ng mga tao ay nadala pagitgit sa kanila ni Crycer.

Masyadong mabilis ang mga pangyayare. Umalon ng malakas ang dagat. Umuga ang barko. Sa muling malakas na alon ng tubig tumabingi ang barko.

"Liara!" Sigaw ni kuya Dirk.

Napasinghap siya nang mahulog sila ni Crycer at babagsak sa dagat.

Nangatog siya at napapikit ngunit agad napadilat nang may humawak sa kamay niya.

"Liara!" Nakangiwing utas nito.

Umiyak siya ng malakas. Para siyang bata na umatungal ng iyak.

"K-kuya, h'wag mo akong bibitawan." Nanginginig ang mga kamay niya maging ang boses.

Natatakot siyang mahulog. Masyadong malakas ang alon. Hindi siya marunong lumangoy. Natatakot siyang mamatay ngayon. Ni hindi niya nga alam kung ligtas ba ang mga magulang niya.

"Kumapit ka lang." Kahit hirap, buong pwersa siya nitong hinihila paakyat sa barko.

Dalawa silang nahulog ni Crycer pero may bakal sa gilid ng barko. Doon nakakapit si Crycer habang yakap siya ng pinsan.

Isinampa niya ang isang kamay hanggang sa naging dalawa na ang nakakapit sa kanya sa bakal.

"K-kuya wa-"

Naputol ang sasabihin niya nang umalon ulit ang dagat at tuluyan ng tumabingi ang barko.

"LIARAAAAAAAA!"

"Kuyaaaaa!" Magkasabay na sigaw nila nang may tumama na kung anong bagay kay Crycer dahilan para mabitawan ni Crycer ang pagkakakapit sa bakal at mahulog sa dagat kasabay ang ilang mga taong nahulog rin mula sa barko.

Mabilis na bumulusok paibaba ang katawan nito na hindi napaghandaan.

Napatingin siya sa ibabang dagat. Malakas ang alon. Hindi niya na nakita si Crycer. Umiyak siya ng umiyak.

Rumiin ang pagkakahawak niya sa bakal at umakyat sa barko. Tinanaw niya si Crycer pero hindi na niya talaga makita. Nanghihina siya.

Ayaw niyang isipin na baka patay na si Crycer. Natatakot siya.

Umiiyak siyang tumitig sa dagat. Pilit na hinanap si Crycer. Habang ang mga tao naman ay patuloy pa rin sa pagkakagulo at pagkataranta.

Napasinghap siya nang makarinig ng sigaw. Humihingi ito ng tulong. Hinanap niya ang pinanggalingan ng boses.

Inanigan niya ito. Madaling araw pa lang kaya medyo madilim pa. Ang mga ilaw sa barko ay wala na rin.

Hindi niya alam kung babae ba o lalaki ang taong naipit ang paa sa bagsak na kahoy. Nakapantalon ito at nakadamit panglalaki. Nakasumbrelo ito. Maliit ang katawan.

Mabilis niyang pinuntahan ito at tinulungan.

"Tulong!"

"Sandali po!"

Pinilit niyang itinutulak ang kahoy na kahon paalis sa taong iyon. Medyo mabigat ito dahil may laman. Hindi niya alam ang laman nito at wala na siyang balak alamin pa.

Nagawa niyang alisin ito. Nakangiti niyang hinarap ang taong iyon. Pero ang ngiti niya sa mukha ay unti-unting nawala nang masilayan ang itsura ng taong iyon.

Napatulala siya sa mukha nito. Namutla. Para siyang tinuklaw ng ahas sa nakikita niya. Hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya. Bawat anggulo nito ay pinagmamasdan niya. Naguluhan ang pag-iisip niya.

Hindi pa siya napapansin ng babae dahil hinihilot nito ang paa niyang naipit.

Natigilan ang babae. Siguro napansin nitong nakatitig si Liara sa kanya. Dahan-dahan itong nag-angat ng tingin at sa puntong iyon. Sabay silang napasinghap ng babae.

Ngayon nakikita niya na ng maigi ang mukha nito. Parehas silang awang ang labi. Bumubuka ang bibig nito pero naititikom rin. Nanlalaki rin ang mga mata nito.

She was about to say something but before she can open her mouth, another waves of water conquer na whole yatch.

Nabuwal si Liara sa pagkakatayo. Nadulas siya at nauntog sa kahon na kahoy.

Dumaing siya sa sakit nang dumama ang ulo niya sa kanto nito. Ramdam niya ang pagkabasa ng ulo niya. Hindi dahil sa tubig kundi dahil sa kanyang sariling dugo.

Lumabo ang paningin niya. Pero nakikita niya pa rin ang babaeng nakatingin sa kanya. Mababakas ang takot sa mukha nito.

She mouthed 'help' but the girl ignore her and run away.

The girl who has a similiar face with her is running away from her. She help her but the girl left her.

Unti-unting pumikit ang mga mata niya kasabay ng pagdilim at pagkawala ng kanyang ulira.

____________________________

____________________________

M. Exclusive Island Series 2: Blazing Fire

©Khay2626

©Copyrights 2021.

All Rights Reserved, 2021.