CHAPTER 22 Kneel

Tulala pa rin ako nang marinig akong tumugtog ang isang kanta.

(Can't help falling in love with you by Elves Presley.)

Wise men say

Only fools rush in

But I can't help falling in love with you

Shall I stay?

Would it be a sin

If I can't help falling in love with you?

Huh? Anong nangyayari? Sinong nagpapatutog?

Nalilito kong iginala ang mga mata ko.

Kahit ang ibang tao na nandoon ay nalilito.

Nang dumako ang tingin ko sa isang lalaking kilalang kilala ko na. Lalo na ang mga berdeng mata nito.

Ilang hakbang ang layo niya ngunit nagdadala pa rin ng kiliti saakin.

Like a river flows

Surely to the sea

Darling, so it goes

Some things are meant to be

Nakatingin siya saakin na parang ako kang ang nakikita niya. At walang paki sa mga taong nasa paligid at nagbubulungan.

Nagumpisa siyang maglakad habang tumutugtog ang kanta. A t hindi ko magawang alisin sa kaniya ang aking paningin.

Take my hand,

Take my whole life, too

For I can't help falling in love with you

Nababasa ko sa mga mata niya. Ang mga emosyon na sinasabing hindi niya kayang maramdaman tulad ng sakit kasama ng lungkot, pagod at pagmamahal.

Like a river flows

Surely to the sea

Darling, so it goes

Some things are meant to be

Tumulo ang mga luha ko.

Hindi ba ito panaginip?

Mahal niya ako. Posible bang mahalin ng isang hari na katulad ko?

Sino ba naman ako?

Isang babaeng wlang pinagaralan, kulang kulang pa sa English. At mahina pa ang utak.

Anong mamahalin niya saakin?

Take my hand,

Take my whole life, too

For I can't help falling in love with you

For I can't help falling in love with you

Saktong pagkatapos ng kanta. Nasa harap ko na siya.

Lalo kong nasilayan ang mukha niya. At wala nga gwa-gwapo pa sa kaniya. Suot pa rin niya ang suot nito kanina sa prescon.

Matiim siyanb nakatingin saakin. Para bang binabasa ako.

Masuyo itong ngumiti. At napakamot pa ng ulo. Halatang nahihiya siya.

Nahihiya? Tsk wala sa pagkatao nito iyon. Pero ngayon namumula ito.

"Bakit ka umiiyak? Wala naman akong ginagawa sayo ah."

Pinunasan ko ang pisngi ko. "Ikaw Kasi! Anong pakulo to?!"

Kumunot ang noo niya. "You want this." Naguguluhan na sabi niya.

"Hindi ko naman alam na totohanin mo!" Singhal ko.

Ngumisi ito. " Diba sabi mo pag-nagawa ko. Maniniwala ka ng mahal kita. Ikaw naman kasi ang Arte. Tsk!"

Napatitig ako sa mukha ni Primo.

Ito nga si Primo pero pag nagsalita siya parang pinaghalong seryoso at kalog na si Rimo na pinaghalo.

Tinignan ko ito ng masama. "Sinong maarte?"

"Ikaw?"

"Ah ganun ha! Sino naman ang babaeng maniniwala sayo kung bago ka makilala ay ang hobby mo lang ang mangwasak ng buhay ng mga babae!"

"Maarte ka. Pero mahal pa rin kita. Matigas ang ulo mo pero mahal pa rin kita. Napakahina ng ulo mo at pang outer space pa ang language mo. Pero ewan ko ba tumitibok pa rin itong puso para sayo," Hinakbang niya ang pagitan nila at hinawakan ang kamay ko.

Na-wiwindang pa 'ko sa pingsasabi niya pero lalo akong na-windang ng unti unti siyang lumuhod hawak pa rin ang kamay ko.

Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap ako. Kahit ang mga audience namin ay ganun din.

Lumuhod siya! Lumuhod ang isang Hari sa harapan ng isang Alipin!

"P-primo..." Halos bulong na bulalas ko. Hindi ako makapaniwala. Parang isang panaginip...

Sinubukan kong itayo siya pero hindi siya nagpatinag. Hawak pa rin niya ang kamay ko. At nakatitig pa rin saakin.

"Ayeshana... Mahal Kita. Maniwala ka naman oh." Anito na parang nagmamakaawa na.

Umiling- iling ako habang umiiyak. At pilit itong pinatatayo.

Hindi naman ko alam na totohanin pala niy ang sinabi ko! Jusko!

"Primo. Tumayo ka na," wika ko. Nakita ko kasing mas dumami ang taong nanunood sa kanila.

Pero hindi ito nakinig. Mariin itong umiling. " Hindi ako tatayo dito. Hanggat hindi mo sinasabing naniniwala ka na."

Mariin akong napapikit.

Maniniwala ba ko? Pero paano kung masaktan ako?

"Maysa.. please." Pakiusap ko.

Humigpit ang hawak nito sa kamay ko. At hinalikan pa niya iyon.

Puno ng senseridad ang mga mata niya. Pero sabi ng mga nabasa ko. Magaling itong magtago ng emosyon. Madali lang itong magpanggap.

Paano kung... kung-.

"Babylove. Alam ko hindi madaling paniwalaan ako. Marami akong nagawang masama. Yes, I treated a lot of women's like a trash. Yes. I don't believe in love. I hate women's because I thought that every one of them, just wantmoney, powers, jewelries- Anything that shit. Every woman I met loves my money. Gustong gusto nilang may ipinagmamayabang. My Lola she's a bicth. She likes money. Pero kahit ganun mahal pa rin siya ng lolo ko. But I hate her, kasi namatay ang lolo ko dahil aa kaniya. She cheated to my lolo. Kaya tumatak simula noon pare pareho lang ang mga babae. Sasaktan ka lang nil-"

"-pero iba ako sa kaniya. Hindi ako siya." Sabi ko.

Kaya pala ganun ang tingin niya sa mga babae.

Tumango ito." Yes. Your different. Mula nung sinigawan mo ko sa parking lot, I know your different. Aaminin ko nung una plinano kong paglaruan ka," ouch ang sakit naman nun. Hayop to! "Pero nagbago ang plano. Nakaramdam ako ng kakaiba. And then i realize that I felt that my heart is beating so fast. Like my lolo always said, 'Bibilis ang tibok ng puso mo pag nakita na nito ang gusto nitong mahalin'. Noong una hindi ako naniwala. But when I felt jealous over your friend Joshua. I nearly plan to assassinate him. And, I know that I love you."

Tuloy tuloy ang luha ko habang nakikinig sa pagtatapat niya.

"P-pero anong minahal mo s-saakin?" Tanong kp. I need to know. Wala namang kamahal mahal saakin maliban sa maganda ako. Charot.

Napangiti si Primo. " I don't know. Ang alam ko lang mahal kita."

Kumunot ang noo ko. At pinukol ito ng masamang tingin. "Hindi mo alam?! Hindi pwede yan!"

Natawa siya at hinalikan ulit ang kamay ko.

"I don't know. But I know one thing, I can't help falling in love with you. Sobrang Ganda mo kaya nakakabaliw." Natawa pa siya sa huling sinabi niya.

Kaya umirap ako dito. "Sige na nga maniniwala na ko. Basta tumayo ka na diyan at halikan mo na ko. Ang bagal mo." Kunwaring nagtataray na utos ko.

Natawa siya at mabilis na tumayo pagkatapos hinapit ako upang halikan.

Narinig nila ang palakpakan ng mga tao kaya napangiti nalang ako habang naghahalikan sila.

Bumitaw ito saka bumulong. " Mahal kita babylove."

Ngumisi ako at niyakap ang leeg niya. " Mahal din kita love pero sa ngayon lapain mo muna ako. Inggitin natin sila." Pilyang sabi ko.

Natawa muli si Primo bago sumunod sa sinabi ko.

Good...