CHAPTER 19 New Boss

MUGTO ang mga mata ko kakaiyak buong magdamag. Dalawang araw na ang nakalipas mula nung huli kong kita kay Primo. Alastres na ng umaga ng magising ako at hindi na ko makatulog pa. Dahil sa tuwing ipipikit ko ang mata ko mukha niya ang nakikita kop.

Kagat labi akong humarap sa salamin sa banyo. Napapikit ako at humawak sa lababo. Namamalisbis na naman ang mga luha ko.

Idinikit ko ang noo ko sa salamin at inuntog 'yun sa salamin sa sobrang inisl. Kahit nakapikit ako tuloy tuloy parin ang nga luha ko.

Hindi ko matanggap na nasasaktan ako ngayon dahil sa lalaking mahal ko. Naglaro akp ng apoy at napaso ako kaya ngayon nasasaktan ako.

"Napakatanga ko... Sobrang tanga." Napahagulgol ko.

Please lang self kalimutan mo na siya.

Iyak lang ako ng iyak. Gusto man kong tawagan ang best friend ko pero ayaw naman ko naman siyang makaistorbo. May sarili rin itong buhay.

Mahigit Ilang oras pa akong umiyak bago ko nagbihis para pumasok.

Alas otso na kaya nagmamadali akong pumara ng Jeep.

Sumakay ako at nagbayad. "Paabot po." Sabi ko.

Inaayos ko ang gamit ko ng marinig ang pinaguusapan ng katabi ko.

"Alam mo Teh. Si Lord King daw may binibiktima na naman. Nakita raw itong kasama yung sikat na artista. Si Shanelle." Ani ate.

"Oo nabalitaan ko nga. Pero ang gwapo talaga niya kaya kahit na nakakatakot siyang mahalin. Hindi mo rin mapigilan eh. At ang swerte ng babaeng kababaliwan nito." Ani ate number two.

Napakuyom ang kamay kp. Sabi na nga ba isa lang rin akp sa mga laruan niya.

Kung boring siya at gustong maglaro? Bakit kaya hindi siya bumili ng laruan? Ang yaman yaman ng hayop. Puny*ta siya..

"Sana ako ang kabaliwan niya." Nangangarap na sabi ni ate number three.

Umikot ang mga mata ko at umirap.

"Huwag mo ng pangarapin. Masasaktan ka lang." Hindi ko napigilang komento.

Tumaas ang kilay ng mga isda. Tsk masama bang magsabi ng totoo?

"Paki mo ba? Mind your own business nga." Mataray na sabi nung ate number two.

Nagkibit balikat ako. "Bahala kayo." Walang ganang sabi ko. Kung ayaw nilang maniwala bahala sila.

"Tsk akala mo naman nakilala na niya si King Primo."

"Teh hindi siya papatulan."

"Shes ugly."Parinig ng tatlo.

Lihim akong napairap. Hindi ko na lang pinansin ayaw kong makipagaway. Baka may viral pa 'ko.

Hashtag napaglaruan na nga nakipagbugbugan pa.

Nang makarating ko sa mall na pinagtratrabauhan ko napakunot-noo ko

Hindi magkanda ugaga ang mga trabahante sa mall.

Linis na kung linis lahat nagmamadali.

Anong meron?

Kahit na naguguluhan pumasok pa rin ako. Tumungo ako kung saan ako naka-asign.

Nakita ko na busy na busy ang dragon kong bisor. Busy sa paguutos.

Nang makita niya ako biglang naningkit ang mata niya at kung hindi lang matatawag na OA parang may lumalabas na usok sa tenga at ilong nito at nagbabadya pang bumuga ng apoy.

"Ikaw bakit ngayon ka lang?! Hindi mo ba nabasa sa announcement na pumasok ng maaaga?! Darating ang bago nating boss!" Sigaw nito.

Kaya napapapikit nalang ako habang nakayuko.

"Sorry po."

"Sorry! Magtrabaho ka na at baka tanggalin kita! Hala sige!"

"Yes ma'am." Mahinang sabi ko at nagumpisang gumalaw para hindi na siya masigawan.

Oo nalang para wala gulo.

Mas mabuti na itong maraming akong ginagawa para makalimot pansamantala.

Habang nagaayos ko ang mga display na sapatos. Naka-asign saakin sa Shoes and Sandals Department. Nagtitinda sila ng mamahaling Dress, Bags and shoes, Sandals at iba la.

Abala ako nang may bumangga saakin na isang babae.

Kaya nahulog ang hawak kong sampung box ng sapatos na ngayon nakakalat na sa sahig.

Putya nama oh.

Tinignan ko ang babae at pinigilan ko na hindi umirap.

Matangkad ito at maputi. Short hair na blonde at nakapokpok na damit este nakamaliit na damit yung halos wala ng matakpan.

Ganun sobrang naiinitan si ate sa pilipinas.

"Are you stupid?" Galit na tanong nito.

Naningkit ang mga mata ko. "Ma'am kayo itong bumangga saakin eh." Tanggol niya sarili.

Namula ang mukha nito sa galit. At hinigit ang braso ko. Napangiwi ako dahil halos bumaon na ang kuko nito.

"At sumasagot ka pa ha!"

Tinignan ko ito ng masama. "Alangan namang hindi mamumuka kang tanga, miss." Akala nito.

Naningkit ang mga mata nito at sinampal akp.

Napabaling ang ulo ko sa lakas ng sampal. Ouch.

"Kilalanin mo ang kinakalaban mo. You're so stupid, kaya ka napaglalaruan. Boba."

Naluha ako sa sinabi nito. "Anong sabi mo?"

Ngumisi ito at marahas akongl binitawan kaya napaupo ko sa sahig.

Humalakhak ito. "Diba nabiktima ka rin ni King Primo? Hahaha anong akala mo walang makakaalam. tsk, pokpok ka rin." Wika nito bago umalis.

Tuloy tuloy na umagos ang mga luha ko at napahikbing tumayo para ayusin ang mga sapatos na inaayos ko kanina bago dumating ang babae.

Pilit kong pinigilan ang luha ngunit para itong ilog na tuloy tuloy lang sa pagagos.

Paano nito nalaman? Ikwenento ba ni Primo? Tsk, malamang diba nga gusto nitong maging kahiya hiya ang mga babaeng napaglaruan nito..

Demonyo ito kaya hindi na ako nagtaka. Pero ang hindi ko matanggap? na nahulog ako at minahal ko ang isang demonyong kagaya niya.

Ang laro na sinabayan ko ang siya ring nagwasak saakin.

Ang mga mapangakit na mga mata niya na nagpapakita ng huwad na emosyon.

Ang mga mga sinungaling na labi nito na kahit ganun ay napakasarap halikan.

Ang ngiti niya, ang mga tawa na minahal ko. Oo Mahal ko sa siya pero hindi na ako magpapaloko sa kaniya.

"Aya, halikana na nandiyan na ang bagong boss natin!" Bumalik ako sa kasalukuyan ng marinig ang anunsyo ng isa niyang kasamahan.

Pinunsan ko ang basa niyang pisngi. "Oo sige!" Sabi ko saka pinagpag ang damit niya bago naglakad papunta sa entrance ng mall.

Nakita ko ang mga empleyado na nakatayo at nakahilera para salubungin ang bagong mayari.

Bakas sa mga mukha nga mgal nito ang kasabikan na hindi ko magawang maramdaman.

Humilera na rin akol at nang may magawang kotse ang pumarada sa harap ng mall agad na nagsiayusan ang mga ito pati na rin ako.

Lahat ng mga mata nila nasa sasakyan at hinihintay ang mayari.

Nang bumukas ang kotse una niyang nakita ang mamahalin nitong sapatos.

At halos lumabas ang puso ko sa dibdib ko ng makilala kung sino ito.

Kahit na kasuot ito ng Gray Suit kilalang Kilala ko siya.

Ibang iba ang aura nito. Hindi yung magaan na kasamang Rimo kundi isang makapangyarihang Hari na yuyukuan mo.

"Magandang pagdating Lord King!" Sabay sabay na bati ng mga ito.

Pero ako hindi ko magawang ibuka man lang ang bibig ko.

Nakatitig lang ako sa mukha niya at ng dumako ang mga mata niya saakin.

Kinalibutan ako sa nakikita kongl lamig sa mga mata niya.

Pakiramdam ko nawawasak ang puso ko sa milyon milyong piraso ng paulit ulit.

Hindi, hindi ito ang lalaking minahal ko.

Kailangan hindi ito maging masaya. Hindi ako magpapakita ng kahinaan.

Nagtagis ang bagang ko at tinignan ito ng matalim.

Napangisi ito at naglakad papunta sa kinatatayuan ko.

"Well, how are you?" Tanong nito. Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid pati ang bisor ko pero wala akong paki.

"Better without you." Matapang na sabi ko.

"Really?" Hinaplos niyap ang mukha ko pero tinabig ko 'yun.

"Don't touch me." Matigas na sabi ko.

Hindi ko alam kung nililinlang ba ako ng mga mata o ng puso ko.

Pero may nakita akong lungkot na dumaan sa mga mata nito na parang nawala rin sa isang kislap mata.

Mapait itong ngumiti." Okay." Sambit niya bago niya ako tinalikuran.

"I love you." Bulong ko kahit alam kong hindi na niya maririnig.

Pero hindi dapat...