Chapter 3: Encounter 2

“LALALALALA.” Masaya akong naglalakad sa Parke habang kumain ng strawberry ice cream na favorite ko.

Masaya na nga sana nang may baliw na nagba-bike na Mabilis ang takbong papalapit saakin.

Mabilis ang pangyayari sa sobrang bilis hindi ko na napigilang mapaupo sa semento. Nabitawan ko rin ang ice cream ko. Huhuhuhu .

Naluluha akong napatingin sa nagba-bike. Saglit pa akong natigilan ng masilayan ko siya.

Putakteng anak ng demonyong ulikba naman Oo! Trip ba tlaga ng lalaking ito ang mamangga? Baka dati itong iniuupahan para mamangga.

Tinignan ko ito ng masama .

“Ikaw nanaman?! Ang hilig mong magpatakbo ng mabilis! Hindi mo ba alam na Parke to? At na maraming naglalakad at baka makabangga ka!!!”galit na sigaw ko dito.

Pero lali lang akomg nainiinis ng natawa lang siya na para bang naaliw siya sa akin. Aba loko to!

Inis akong tumayo at nameywang sa harap niya na nakatayo sa harap ko. Bumaba siya sa bisekleta.

“Oh anong tinatawa tawa mo diyan ha? Did I say anything funfull? “Maangas na sabi ko.

Takte! baka mali na naman English ko.

Lalo siyang natawa. At ang ibig lang sabihin nun ay mali talaga ang sinabi ko.

“Hoy! Tatawa ka nalang diyan? Asan ang sorry ko?” Nakataas kilay na turan ko dito.

Namulsa siya at ngumisi “ First, My name is Rimo not hoy. I already told you that. Second, I will not saying sorry to you because Its your fault after all.” Cool na cool na sabi niya. .

Pasimple akong tumingin sa paligid. Kumunot ang nuo ko nang may ilang kumukuhang litrato sa binata ang iba Naman kilig na kilig habang nakatingin kay mister green eyes. May ilan namang tulala animoy nakakita ng Greek god..

“Anong kasalanan ko pa! Kasalanan ko bang masyado kang garapal at feeling Hari ng daan ha?” Bulyaw ko dito.

Wala akong pakialam sa mister green eyes na to. Hindi porket gwapo ito eh magpapabully na ko.

No way high way!!!

Nakita kong kinagat niya ang pang ibabang labi niya saka pilyo pang ngumisi.

“Ngayon lang ako nakakakila ng babaeng sisigawan ako at hindi kinikilig sa harapan ko. And it’s seem like you don’t know me miss. I’m amazed” anito saka nag-smirked.

Anong ibig sabihin niya? Hindi lng pala ito sira ulo at feeling Hari ng daan. Baliw rin eh.

“What do you want to told ha!? Na I’m not marunong makipag-socialize? Hoy for your transaction! Friendly Kaya ako!”

Napailing nalang siya. “ At ngayon lang ako nakakakila ng babaeng pang outer space ang language” anito na para bang nang aasar.

What the hole- takte! Hell pala.

Umuusok na ang ilong ko sa lalaki. “ Anong sabi mo? Ako pang outer space ang language? Porket hindi ako marunong mag-english lalaitin mo na ako ha! Well, mukha ka namang mayaman at ang pagkakakilala ko sa mayayaman na katulad mo ay maarte walang alam kung hindi ang manlait dahil alam nilang mas magtaas sila! Alam mo kung hindi ka hihingi ng sorry mabuti pang maiwan na kita mister! Kasi ako wala akong oras sa mga kalokohan mo! “ Inis na wika bago galit na pinulot ng bag niya na nalaglag kanina.

Nakaabanas!!! Hindi na nga humingi ng sorry hindi pa binayaran yung ice cream ko. Ten pesos din yun eh !!! Ang Sama hmp!.

ANG Sama ng mood ko habang kumain sa McDo. Hindi parin nawala sa isip ko ang nangyari kanina. This day is supposed to be her happy day. Haler birthday ko kaya.

Kaso nga lang sinira ng lalaking yun. Na feeling the flash. Wala na nga akong kasama sa Celebration ko kasi wala si Mivanna dahil nasa Cebu ito. Inilipat kaya ayun wala na akong kasama nakaka-miss din pala ang bruha na yun.

Wala akong pakialam sa paligid ng biglang may umupo sa harapan ko sabay abot ng isang box ng Strawberry ice cream.

Mabilis akong tumingin dito. Nanlaki ang mata ko ng makitang si mr. Green Eyes.

Ilang sandali ko siyang tinitigan bago umirap.” Anong ginagawa mo rito?” Masungit na tanong ko.

“Ice cream? Peace offering ko miss sungit.”

Umasim ang mukha ko at tinignan siya ng masama. “Kung mangaasar ka lang pwede ba umalis ka at lamunin mo na lang yang hawak mo.”

Tumawa siya ng mahina bago inilipag ang hawak niyang box ng ice cream.

“Come on miss sungit ako na nga itong nagbibigay kasi birthday mo tapos sunusungitan mo pa ako” kunwaring nasasaktan pa siya habang sapo sapo ang dibdib kung nasaan ang puso niya.

Kumunot ang nuo ko.

“Paano mo nalamang birthday ko?” Takang tanong ko. Stalker ba siya?

Nakita kong natigilan siya.

“Paano mo nalaman ?”

“Ahm! Nararamdaman ko lang?”

“Naramdaman mo lang?” Kunot nuong tanong ko.

Tumango siya

Napataas kilay ko. “Hindi ka rin pala baliw and asumero manghuhula ka rin. Wow! Ang talented mo pala sana kunin ka na ni Lord” sarkistikong sabi ko.

Napanguso siya. Putek ang gwapong ngumuso.

“Wag ka ngang? ngumuso diyan” suway ko sa kaniya.

“Ang Sama mo gusto mo na akong namatay eh hindi ko pa nga alam pangalan mo eh.”

Naparolyo nalang ako ng mata.

“Ako si Ayeshana Crusader or “Aya” for short.” Sabi ko saka binuksan ang ice cream na bigay niya.

“Ayeshana.” Ulit na bigkas niya saka ngumisi. “What a beautiful name, Hindi bagay sa may ari.” Nakangising asar niya.

Napairap nalang ako.

Pasalamat ka may dala kang ice cream kung hindi ipapakain ko sayo itong mesa.