CHAPTER 15 Jealousy
"ATE Aye? napalingon ako Kay Pipe. Sa tansya niya nasa ten years old Ito.
Ngumiti ako saka lumuhod para magkapanatay sila. "Bakit Pipe may maitutulong ba si Ate?"
Ngumiti Ito at agad na tumango. "Opo!"
"Ano?" Tanong ko.
"Ate sabi po kasi ni Kuya Rimo magaling daw po kayo sa English. Pwede po bang magpaturo?" Pasimple akong napangiwi.
Jusme demonyo talaga ang haring yun!
Peke akong ngumiti sa bata. " Ah.. eh.. Pipe hindi ako masyadong marunong sa English eh." Sabi ko.
Bigla naman akong nakonsensiya ng biglang lumungkot ang mukha nito.
" Ah.. Pero si Kuya Joshua niyo magaling yun sa English." Sabi ko saka tumingin kay Joshua na nakatayo sa may di kalayuan. Masayang nakikipaglaro sa mga bata." Lika ako magsasabing magpapaturo ka." Sabi ko para hindi na Ito malungkot.
Nagliwanang naman ang mukha nito. "Talaga po?! Sige po!" Masayang sabi nito na ikinangiti ko rin.
Hinawakan ko ang kamay nito saka naglakad papunta sa kinaruruonan ni kaibigan.
"Joshua." Tawag ko dito.
Kaya lumingon Ito at ng makita siya agad itong ngumiti. "Bakit Aye? Need anything?" Nakangiting tanong nito.
Napakamot ako ng ulo saka sinulyapan si Pipe. Bago ibinalik sa kaibigan ang tingin.
"Ah.. kasi nagpapaturo si Pipe ng English eh alam mo namang pang ibang planeta ang English ko baka maging alien pa Ito pag ako ang nagturo. Nagprapractice parin ako hanggang ngayon kaya ikaw nalang mahirap na." Nakangiwing sabi ko.
Napailing nalang siya saka tumawa at hinawakan ang bata para paupuin sa damuhan.
"Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin sumusuko?" Natatawang tanong niya.
Napanguso naman ako saka umupo sa harap ng dalawa. "Syempre no! Araw araw Kaya akong nagprapractice. Mas magaling na ako ngayon." nakangusong sabi ko.
Pero tumawa lang ito. Yung tawang hindi naniniwala kaya napasimangot ko.
"Hindi ka naniniwala..." Nakasimangot na reklamo ko.
Napailing Ito saka tumatawang pinagkukurot ang pisngi ko.
"Syempre naman naniniwala ako... Hahaha ang cute no pa rin hanggang ngayon isip bata ka pa rin." Natatawang sabi nito.
Kaya tinignan ko siya ng masama habang nakasimangot.
Hawak parin niys ang pisngi ko
Pero nagulat nalang kami ng may humatak saakin patayo. Medyo malakas iyon kaya napasubsob ako dibdib nito.
Sisigawan ko na sana ito ng makitang si Rimo iyon at napakadilim ng mukha at nakakuyom ang mga kamay niya pati ang mga berde nitong mata mistulang naging itimm.
Napalunok ako dahil nakaramdam ako ng takot dahil dito.
Nakakatakot ang ekpresyion na ipinapakita nito.
Lalo akong natakot ng marinig ko ang napakalamig na boses niya.
" One wrong move Mr. Bautista mawawalan ka ng kamay ora mismo." Anito. Hindi Ito sigaw pero napakadiin ng pagkakasabi nito.
Nakakapangilabot..
"Look Rimo nakikipagbiruan lang naman ako sa girlfriend mo. Wala namang masama."
"Sayo wala pero sakin meron. Hindi mo ako kilala kaya hindi mo alam na ayaw kung may humahawak ng akin. Kaya pagbibigyan kita pero once na hawakan mo ang pag mamayari ko sisiguraduhin kong hindi mo na makikita ang bukas." Sabi ni Rimo saka hinila siya papalayo doon.
Tumingin ako kay Joshua at ngumiti. Mukhang nakuha naman nito ang ngiti ko. Dahil tumango ito na parang sinasabing okay lang.
-
"Ano bang problema mo ha?! Bakit mo ginawa yun Kay Joshua?! Hindi ka na nahiya!" galit na bulyaw ko rito. Nasa may garden sila ng Orphanage. Malayo sa mga tao kaya walang makakarinig.
Nakita kong nagtagis bagang ito. Tanda na galit na galit siya.
"Mas nauna ka pang nahiya sa gunggong na yun kesa sakin!" Sigaw din niya.
Kumunot ang noo ko. Hindi niya talaga maintindihan ang takbo ng utak niya.
"Eh sa nakakahiya naman kasi!" Inis na sabi ko.
"Nahiya ka sa kanya pero sakin hindi?! Ipapaalala ko lang ha Ayeshana ako ang kasama mo pero hindi mo man lang ako pinapansin mula ng dumating tayo dito. Ikaw ang nagdala sakin dito pero hindi mo man lang ako inilibot! Wow! Eh kung makikipag-flirt ka lang pala sa iba habang nandito ako. Edi sana prinangka mo na lang ako na ayaw mo akong kasama!"
Napatanga ako ang haba ng sinabi niya.
Pero nakonsensiya naman din ako. Oo nga ako ang nagyaya sa kaniya.
O Aya kasalanan mo naman pala eh. Tsk tumahimik ka self!
Bumuntong hininga ako. "Sorry. Sensya na." Paumanhin ko.
Matagal niya akong tinitigan bago umiling iling saka tumalikod at naglakad paalis.
Argh! Ayeshana. Pano mo mapapaibig yan kung inaaway mo? Kasdigo ko sa sarili.
Naalerto ako dahil papaalis na Ito. "Uy! Rimo Saan ka pupunta?! Sorry na!"
Pero tuloy tuloy lang siya.
"Rimo ano ba?! Ang Arte mo naman!" Inis na tawag ko rito.
Tumigil siya sa papaglalakad Saka lumingon saaki.
Kalmado na ang ekspresiyon niua pero wala akong mabasang emosyon sa mga mata nito.
"Mabuti pa mauna na ako. Mukhang hindi mo naman ako kailangan dito." Anito.
Napanguso naman ako. "Ito na nga nagso-sorry na ako. Eh kasalanan mo naman kasi tlga eh"
Umiling Ito. "Ganun ba? Pasensiya kung ganun. Nagselos lang. Kasi akala ko idi-date mo ako dito pero mas masaya ka pang nakikipagkurutan ng pisngi sa lalaking yun. Pasensiya na ha dahil nagselos ako. Gusto ko kasi akin ka lang. Pero mas mahirap ka pang makuha kesa sa billion dollar contract." Pagkasabi niya nun ay iniwan niya nalang akong nakatanga.
Kasalanan ko pa tlga. Ang drama ng haring yun. Ang galing umarte papasa sa pagaartista.
Hay Tumalab yata ang pangungunsensiya niya.
Medyo kumirot ang diddib ko. Napakagat labi ako. Ang hirap palang makipaglaro lalo na kung ang kailangan mong kalabanin pati ang sarili mong damdamin.