CHAPTER 13 Let's Play
"OH ito na Beshy. A ako riyan. Effort ang ginamit ko para makuha ang mga Iyan. Buti nalang yung mayamang baggets na kaibigan ko pinahiram ako! Basta raw wag pupunitin at lulukutin. Mahirap daw makuha ng mga Iyan. Napakamahal lalo na yung may mga picture niya. Kahit isang picture lang ang nandiyan. Milyones ang halaga! " ani Mivanna habang nakaupo sila sa kama ko.
Tumingin ako dito saka tumingin sa mga ipinahanap kong magazines, news papers, article at ibat iba pang documents tungkol sa King Primo na pinaglalaruan ako.
Well, ang galing dumeskarte ng babaeng to.
Kinuha ko ang isang news paper. Napakagat-labi ako ng mabasa ito.
' Miss Dianna Geronimo. A daughter of a senator Geronimo. Committed suicide in one of hotels in Bataan.
They said that Miss Geronimo is one of the victim of our one in only Evil Player. The rumors said that Lord Rimo play her because senator Geronimo pissed him.
So, the Evil Player succeed again. He succeeded to breaks another heart. He won another game of heart again.
But do you think it's possible that this Evil Player will lose in his own game? When they called karma hit him?
Who is the Lucky girl who will win his heart and make him kneel? But many people wants to see him beg and cry....
Who knows...
"Ang sabi nila. Nakipagdeal sya kay Miss Geronimo. Kung mapapaibig daw siya nito Ede panalo ito. Pero kung hindi siya ang talo. At ano pang i-expect natin. Syempre panalo si Lord Primo. At nagpakamatay si Miss Geronimo. At ang senator na ama ni Miss Geronimo ay nabaliw at nasa mental hospital na." Kwento ni Mivanna.
Sa mga narinig ko lalo kong gusto na mapabagsak siya.
"Ang Sama niya!" Naggagalaiti kong sabi.
Natawa siya saka napailing. Kinuha. niya ang isa pang article
"At ito pa ang sabi dito sa Isang article. Kahit isang madre ay nabiktima nito. Dahil sa ang pamilya raw ni Sister Antonent ay? nagsalita tungkol sa kanya. Mukhang nakaabot daw ito kay King Primo. Kaya ayun nakipagmabutihan siya dito. At syempre babae rin si Sister Antonent. Nahulog ito sa da kanya. At ng hulog na hulog na ito yung tipong hindi na nito kayang mawala siya. King Primo announce that she is a Brat at hindi raw ito bagay maging madre. King Primo Humiliate her. And then he left her. Telling that he just play with her. And weeks later nabalitaan nalang na baliw ito."
Napahinga ako ng malalim saka tumingin sa picture kung saan nakatingin si Rimo ng seryoso at walang kangitingiti.
"Mukhang mahihirapan ako sa halimaw na ito." Bulong ko pero alam kong narinig ni Mivanna.
"Bes mahihirapan ka talga lalo na at may nararamdaman ka para sa kanya. Pero kung gusto mong manalo. Lagyan mo ng pader iyang puso mo."
Tumingin ako sakaniya at tumango.
"Mananalo ako Mivanna. Ako na ang huling babaeng paglalaruan niya." Seryosong sabi ko.
"I'll support you no matter what Aya. Nasa likod no lang ako. Basta magsabi ka lang kapag hindi mo na kaya at sobra na ang sakit. Haler, Ayokong bisitahin ka sa mental institution no! Lalo na sa Sementeryo!" Anito saka umirap.
Natawa nalang ako.
Hindi ko hahayaang mangyari iyon. At kung matalo man ako. Puso ko lang ang maiililibing.
Kasi nararamdaman kong ito ang mamatay sa oras na matapos ang laro.
-
Tinapos ko muna ang huling pinggan na huhugasan ko bago tinungo ang pinto. Kanina pa may kumakatok eh.
Nakakunot ang nuo ko habang naglalakad papuntang pintuan.
Sunday ngayon. Sino naman kaya itong kumakatok?
Si Rimo lang naman ang palaging kumantok saakin tuwing linggo.
Sa isiping si Rimo iyon. Mabilis akong naglakad at binuksan ang pinto.
At hindi nga ako nagkamali. Isang napakagandang lalaki ang nasa harapan ko ngayon. Nakasuot ng Light Blue V-neck Shirt at Cargo Pants with White Shoes. May hawak siyang bulaklak. White Rose.
"Oh Rimo anong ginagawa mo rito?" Tanong ko habang nakakunot ang nuong nakatingin dito.
"Good Morning Babylove. Flowers for you." Nakangising sabi niya sabay abot ng bulaklak na kinuha ko naman .
"Para saan ito?" Fine. Makikipaglaro ka na ang aga aga pa. Pagbibigyan kita.
Napanguso siya. "Wala. Gusto ko lang bigyan ka ng bulaklak. Hindi ba ako nagmukhang Sweet sayo?"
"Hindi mukha kang nakadrugs na kailangan itukhang." Pang aasar ko sa kaniya.
Napakamot siya ng batok. "Drug Addict talga? Ang Sama mo. Ikaw na nga itong binigyan ng flowers eh. Ang sabi kasi favorite mo raw Iyan."
Nakasalubong ang kilay ko. "Sino ang nagsabi?" Tanong ko.
Nakita kong natigilan ito. Hmm. Mukhang pina imbestigahan niya ako. Tsk.
"Ah.. eh.."
Pinagtaasan ko siya ng kilay.
Napanguso siya. "Basta may nakapagsabi saakin. Hindi ko alam ang name. Date tayo." Nakangising sabi niya.
Ilang Segundo ko itong tinitigan bago tumango.
Ito na ang pagkakataon ko. Make him fall in love and play with him....
Ngumiti ako sa kaniya saka tumingkayad at
ginawaran ko siya ng isang mabilis na halik sa labi.
Nakita kong nanlaki ang mata niya at nanigas.
Ngumisi ako dito saka itinaas ang bulaklak.
"Thank you kiss ko para dito."
Napakurap siya at ngumiti kapagkuwan.
Okay My love Let's Play.