Chapter 22: Missed her
Isang linggo na rin simula ng umalis si Kathalina. Kaya walang ibang ginawa si Saviour kundi uminom at magpakalasing buong linggo. Hindi naman siya mapigilan ni Cookie dahil ayaw rin nito magpapigil.
"Bakit mo kasi hindi hinabol si Kathalina Seb?" Seryosong tanong ni Cookie habang sinisimsim ang kanyang champagne. Nagpatuloy sa paglaklak ng alak si Seb habang napapahilod sa kanyang sentido.
"Paano ko siya hahabulin ha! Diba nga pinagbantaan na ako ng mga magulang niya! Sa tingin mo ba magkakaroon pa ako ng lakas ng loob na habulin at magpaliwanag sa kanya ha!" Puno ng paghihinagpis nitong sagot kay Cookie sabay muling laklak sa kanyang alak.
"Im sorry budd! Hindi kita nagawang tulungan sa problema niyo." Puno ng simpatyang turan ni Cookie sabay lapag sa mesa ng kanyang shot glass.
"Hindi ko man lang siya nagawang kausapin, kahit magpaliwanag hindi ko nagawa. Alam kong nasaktan ko si Kath kaya umalis ito ng walang paalam sa akin. Damn!" Anito sabay hagis sa kanyang baso. Bahagyang napaigtad si Cookie sa ginawa ni Seb ngunit napangiwi na lamang ito.
"So anong gagawin mo ngayon? Ganito kana lang palagi? Iinom? Wala ka ba'ng plano na ipaunlad ang sarili mo? No offense Seb, I_i just want you to realize things. H_hindi naman kasi pwedeng ganito kana lang parati Seb, alam mo kung ano ang gusto ng mga magulang ni Kath para sa kanya diba? So if you really loved her, you must meet the standards that her parents want for her." Seryosong payo ni Cookie rito. Napatingin naman si Seb sa kanya na nakakunot ang noo.
"Anong gusto mong gawin ko Cookie?" Nalulungkot na tanong ni Seb sa kaibigan.
"Why don't you try to make yourself better?" Cookie suggests.
"Mukha ba akong hindi better?" Nakataas isang kilay na tanong ni Seb.
"Tss! I didn't mean your not better! Ang nais ko lang sabihin na mag-improve ka naman," Giit ni Cookie.
"Anong improve ba gusto mong sabihin? Why don't you get it straight to the point!" Naguguluhan na tanong ni Seb sabay laklak sa kanyang alak. Napabuntong hininga naman agad si Cookie at nagsalin sa kanyang baso ng inumin.
"Bakit hindi mo subukang higitan ang expectations ng magulang ni Kath sa ibang mayayamang lalaki," Seryosong sagot ni Cookie.
"Higitan?" Seb asked in confusion.
"Bakit hindi ka magpayaman ng husto budd! Yung tipong self made billionaire, higitan mo ang ibang kalalakihan na nabibighani sa babaeng mahal mo! There oh' I said it." Puntong sagot ni Cookie rito.
Kaagad namang napaisip si Seb at napalaklak sa kanyang alak. Nakuha naman agad niya ang punto ng kanyang kaibigan at nakaisip naman agad siya ng paraan kung paano ito sisimulan.
-------
Isang buwan na si Kathalina sa US kasama si Sam. Nagpatuloy lang si Kath sa kanyang career hangang sa sumikat nga ito at natanghal bilang isang sikat na modelo sa isang brand ng apparel. Ngunit sa gitna ng kanyang kasikatan ay nakakaramdam pa rin siya na may pangungulila at kalungkutan.
"Anong tinutunganga mo riyan Kath?" May panunudyong tanong ni Samara sa kanya. Kaagad naman siya napabuntong hininga and half smiled on Sam saka humarap rito.
"Miss ko lang pamilya ko Samy," Mahina at may paglalambing nitong sagot sa kaibigan. Nilapitan naman siya ni Sam at tinapik sa balikat.
"Pamilya mo ba talaga namimiss mo o yung jowa mong iniwan mo ng walang closure?" May panunuksong ani Sam. Napaikot naman agad ang mata ni Kath sa kaibigan at humarap sa terasa nito.
"Hindi naman kasi siya ganun kadaling kalimutan Samy eh' syempre kabilang siya sa taong namimiss ko," Pag-amin ni Kath kay Sam. Nginitian naman siya ni Samù saka humarap rin sa labas ng terasa.
"Same here Kathy, miss ko na ang anak at mama ko at the same time si Luciano na rin. Sa kabila ng mga nagawa niya sa'kin." Pag-amin rin ni Sam sa kanyang matalik na kaibigan. Napatingin naman sa kanya si Kath saka napahalukipkip.
"Kahit nakita mo siyang nakikipagtalik sa iba miss mo pa rin siya?" Salubong-kilay na tanong nito kay Sam. Sinulyapan naman siya nito saka marahang ngumiti.
"Oo Kath. I know it's crazy and sound naive pero namimiss ko pa rin siya at mahal ko pa rin talaga siya sa kabila ng lahat." Nangingiting sagot ni Sam. Napatitig naman si Kath sa ekspresyon ni Sam at kitang-kita niya sa imahe nito ang pagmamahal na namumutawi rito.
"Sobrang mahal mo nga siya Samy," ani Kath. Marahan namang napangiti si Sam at napatanaw sa himpapawid.
"Kung pagmamahal lang Kath talagang mahal na mahal ko pa si Luciano, kaso yung tiwala ko ay sinira niya. Kaya mahirap para sa'kin na patawarin siya at kalimutan ang lahat." Saad ni Sam sa kanya. Naguguluhan naman siyang tinignan ni Kath at tuluyan itong hinarap.
"Anong pinagkaiba ng tiwala sa pagmamahal? Eh' diba package deal naman yun kapag nagmamahal ka. If you love someone you do trust him and your loyalty is with it, though." Anang ni Kath sa kaibigan. Hinarap naman siya ni Sam at marahan itong tinawanan.
"Hindi naman sa magkaiba ang pagmamahal at tiwala, kaso nga lang aanhin mo ang pagmamahal kung nawala naman yung tiwala mo sa isang tao diba? Relationship only works if you do trust and love that person, pero kung isa 'ron ang nasira mo, talagang magfe-fail ang relationship niyo." Paliwanag ni Sam kay Kath.
"So package deal nga," Giit ni Kath sa kanyang kaibigan. Inikutan naman siya ng mata ni Samara.
"Fine if that's what you call!" Natatawa nalang nitong turan. Sinabayan naman siya ng tawa ni Kath.
"By the way anong schedule ko ngayon?"
Kath asked sabay hakbang papasok sa kanilang sala. Sinundan naman siya agad ni Sam at kinuha nito ang kanyang phone saka tinignan ang schedule ni Kath.
Habang abala sa pagpapaliwanag si Sam sa schedule nito tahimik lamang siyang nakikinig at the same time napapaisip na naman muli.
--------
Follow for more updates
Vote if you like the chapter
And share sa may gusto :)