Chapter 1
Chapter 1
PAGPASOK ni Ensley sa kanilang resto, mapapansin na may ilang mga tao na rito para kumain ng kanilang almusal. Ang kanilang restaurant ay nahahati sa tatlong menu. Meron pang almusal, tanghalian at gabihan. Ginawa ito para pwede sa lahat ang kanilang restaurant.
Isa rin ang kanilang resto sa mga binibisita ng mga taga ibang lugar o mga nag-babakasyon dahil na rin sa kakaibang konsepto ng kainan, masasarap din ang mga inihahanda nila at lalo na pamilya ang turingan nang mag kaka-trabaho.
Gusto kasi ng kanyang ina na maging masaya at puno ng pag-mamahal ang atmosphere ng kanilang resto. Binati niya ang kanilang isang sikyo, "hi, kuya Skyler!" bati nito. "Hi, Ensley! Kanina ka pa hinahanap sa loob at kumain ka na raw." Sagot ni Skyler. "Masyado po kasi ako nag-enjoy pagmasdan yung araw. Sige, kuya mauna na po muna ako." Sagot ng dalaga.
Dumiretso na si Ensely sa kusina, pero bago siya makapasok ay naabutan muna niya ulit si Quinn sa counter na may customer na inaasikaso. Bumibili ata ito ng kape. Nang lumingon sa kanya si Quinn, nag ngitian na lang sila.
Pumasok na si Ensley sa kusina, mas lalong bumango ito dahil sa mga pag kain na niluluto. Nahanap niya agad si Lucas na tumutulong sa kusina. Doon sa gitna ng lamesa, may mataas na upuan doon at pumuwesto siya paupo roon at habang pinag-mamasdan ang mga tao roon na busy sa kani-kanilang trabaho.
Pag katapos ni Lucas sa ginagawa niya, napansin na rin siya nito. "Kanina ka pa hinahanap, bakit ang tagal mo? Tara at papa-kainin na kita." Parang nanay na sabi nito sa dalaga. "Ano?" hindi maintindihan na sagot ni Ensley. "What I mean is kumain ka na." paliwanag ni Lucas at gulo sa buhok ng dalaga.
"Lucas!" reklamo nito sa binata at tinawanan lang siya ni Lucas. "Nora, pag sabihan mo nga yung Lucas mo!" sumbong ni Ensley sa kaibigan na babae at isa rin sa assistant chef. "Ano ka ba naman, Ens. Anu-ano pinag-sasabi mo." hiyang sagot ni Nora sa kaibigan at namumula pa ito. Tinawanan lang siya ni Ensley at bumalik na lang sa pag-gagawa ng kape si Nora.
Habang si Lucas naman ay gumagawa na ng almusal ni Ensley. "Dito po ako kain ha." Paalam ng dalaga sa mga tao roon. Sinagot naman siya ni Lucas habang nilalapag ang ginawang pag kain nito sa harapan niya.
Isa itong pancake na may blue berry, strawberry at honey. Inabutan din siya ng inumin na lemonade ni Nora dahil lemonade ang paborito niyang inumin. "Salamat sa pag kain at inumin" ani ni Ensley. "Bawal ka rito kumain." sagot naman ni Lucas habang naka poker face. Tinitigan ni Ensley ang kaibigan, sa totoo lang gwapo talaga ito. Kayumanggi ang balat, kulay brown ang mga mata at may magandang tindig, pero platonic lang ang relasyon nilang dalawa at lalo na, gusto niya si Nora para kay Lucas.
Nginitian ni Ensley si Lucas, "Dali na" pag pilit nito. "No!" firm answered ni Lucas. "Tito Elberto, inaaway ako ng anak mo po." Sumbong niya sa tatay ni Lucas. "Pag bigyan mo na yan, Lucas. Alam mo naman na hindi kumakain yan na walang kasama." Suway ni Elberto sa anak.
Naka-ngiti lang si Ensley kay Lucas nang parang nang-aasar ito sa binata. Si Lucas naman ay nakatitig lang dito, nag-iisip kung ano pwedeng gawin sa babae dahil nakakainis talaga ito. "Samahan na lang kita sa labas kumain." labas sa ilong na sabi ng binata.
Tagumpay na ngumiti si Ensley sa kaibigan. Siya ulit ang nanalo sa kanila. "Kayo talagang mga bata, nag tatalo pa kayo. Araw-araw naman kayo sabay kumain." Pagalit ni Penelope sa mga bata na isang chef din sa resto. "Sorry po, Tita. Si Lucas kasi." paawa ni Ensley. Nginitian na lang sila ni Penelope at pinag-patuloy ang pag luluto.
Kinuha na ni Lucas ang plato ni Ensley para bitbitin palabas, kinuha naman ni Ensley ang inumin niya at sabay silang dumiretso palabas ng kusina.
"Ikaw kasi, may nalalaman ka pang No! No! dyan." pang-iinis ni Ensley sa best friend.
Nauna pumuwesto si Lucas sa paboritong lamesa ni Ensley, ang kanilang pwesto ay nasa kaliwang bahagi ng resto malapit sa bintana, pang two-seater.
Umupo na si Ensley, at sinimulan na niya kumain. Habang si Lucas ay tahimik lang at pinapanuod si Ensley paano kumain. Nang mapansin ni Ensley si Lucas nakatitig sa kanya, "Lucas, kumakain ako. Have manners naman." suway nito sa kaibigan. "Have manners ka dyan, di mo nga ako niyaya kumain. Kain ka lang bigla." pabarang na sagot ni Lucas. "Kain tayo, ayos na?" sagot ni Ensley. "Ens." Suway ng binata sa dalaga.
"Ito naman di na mabiro, sorry na! tsaka kailangan ko na kumain agad no! May trabaho pa tayo at yung upuan baka may gustong umupo rito." mabilis na paliwanag ni Ensley. Tama naman si Ensley na may trabaho pa talaga sila, late na nga ito.
Tumingin na lang si Lucas sa paligid nito, may ilan na rin mga customers ang nag aalmusal at may ilan din na bumibili ng inumin lang, para sa mga taong mahilig sa kape. May apat silang waiters na lalaki, pero sa ngayon dalawa pa lang ang naka duty na sina Kennedy at Cooper. Isa rin sa trabaho ni Ensley ang pag we-waiter, siya nga lang ang nag iisang babae sa kanila. May background music din sa loob ng resto, mga tug-tugin na pang pa-relax katulad ng mga jazz songs.
"Lucas, tapos na ako. Tara na!" sabi ni Ensley bago ubusin ang iniinom nitong lemonade. Si Lucas na lang ang nag dala ng mga pinggan at baso na pinag kainan ng dalaga, at dumiretso na si Ensley sa backdoor ng kusina para makalabas at umakyat sa pangalawang palapag ng resto. Nasa gilid lang ang hagdan malapit sa garage nila.
Ang pangalawang palapag ay para lang sa mga employees. Andon naka lagay ang kanilang lockers and palikuran. Pag bukas ng pintuan ni Ensley sa itaas, may dalawang kwarto ito. Isa para sa mga lalaki at isa naman ay para sa kanilang mga babae. Sa loob noon ay may tag isang palikuran.
Pumunta at binuksan na niya ang kwarto para sa mga babae, andon ang mga lockers nila. Lumapit si Ensley sa kanyang locker at kinuha ang uniporme nila. Hinubad niya ang kanyang puting short at pinalitan ito ng bestida na puti.
Para sa kanilang mga waiter na babae, bestida ang uniporme nila dahil tinutugma ito sa panahon na tag-init ngayon. Pinatong niya ang bestida sa itim na one piece bathing suit niya. Tinali niya rin ang mahabang buhok para hindi maging sagabal sa pag kilos niya mamaya at sinabit na rin niya sa baywang ang apron na kulay brown.
Kinuha niya rin ang kanyang converse na kulay itim para ito ang suotin. Nang sa tingin niya na ayos na ang itsura niya, dumiretso na siya pababa para simulan ang kanyang trabaho. Bumalik na siya sa loob ng resto, busy na rin si Lucas sa pag aassist sa kanilang mga chef. Nasa kusina na rin ang kanyang tatay at di na niya ito inistorbo pa.
Tumuloy na siya sa labas para simulan ang kanyang trabaho, kahit na sobrang late na niya dahil mag aalas-dies na ng umaga.
May pumasok na isang babae, at sinundan niya ito kung saan ito uupo para makuhanan ito ng order. Lumabas ito sa terrace at umupo don sa pang two-seater. Lalapitan na sana niya ito kaso bigla may sumunod na lalaki papunta sa babae.
May kasama pala ito, hindi niya alam kung bakit bigla na lang siya napahinto. Pagkatapos niya makabalik sa pag kabigla, sumunod na siya sa dalawang customers para kunin ang kanilang orders.
Lumapit na siya sa lamesa ng dalawa at inabutan niya sila ng menu, para makapili na ang mga ito. "He will not eat with me. Aalis na rin siya" sabi nang babae. "Right, Dior." nakangiting sabi ng babae sa lalaki.
Nabigla naman si Ensley sa pag tataray ng babae sa lalaki, naisip na lang niya baka may ginawang hindi maganda ang lalaki sa nobya niya kaya ganon umasto ang kapareha nito. Napatingin sa kanya ang lalaki na tinawag ng babae na Dior at napaiwas na lang siya ng tingin.