Chapter 31 - Wish

Xena

Naabutan ko si Hero na abala sa harap ng laptop nito, nag-angat ito ng tingin nang makalapit na ako rito ng tuluyan.

Ngumisi itong bigla. "Tagal, ah. Anong ginawa ninyo, ha?" mapanuksong tanong nito.

Bully alert!

Sinimangutan ko ito bago ibinaba sa mesa nito ang kape. "Nagtimpla ng kape siyempre, ‘yan ang ebidensya,” asar na tugon ko.

“Bukod sa pagtitimpla ng kape at paggagamutan ninyo siyempre ang itinatanong ko,” halata ang pang-iinis na pag-e-elaborate nito.

Lalo akong napasimangot.

Napaka-bully talaga nito.

“Tigil-tigilan mo ako, Hero Buenavista. May laman ‘yang tanong mo. Ano namang gagawin namin ng kapatid mo?" sikmat ko.

Nagkibit-balikat ito pero naroon pa rin sa mukha nito ang ngisi habang nakabantay ang tingin sa mukha ko.

May pagkainis na pumalatak ako. "Huwag mo nga akong tingnan nang ganyan," pagbabawal ko rito.

Painosente ako nitong tiningnan. "Bakit?" natatawa pa nitong tanong.

Nakuha pa talagang magtanong, napakagaling.

Pumalatak akong muli. “Stop it. Tigil-tigilan mo ‘yang kung ano mang tumatakbo riyan sa isip mo. Walang nangyari at wala ring mangyayari, okay?"

Hindi naniniwala itong tumunghay sa akin bago tumawa. "Okay. Sabi mo, e. Masyado ka namang serious," halata ang tuwa sa tono na sabi nito.

Napabuga ako ng hangin bago napairap.

“Ba’t ka nakasimangot diyan? ‘Di ba dapat ay magsaya ka dahil natuklasan na sa wakas ni Mikey na hindi naman tayo kaya hindi ka na niya papalayuin sa akin? ‘Yon naman ang alam mong dahilan niya, ‘di ba?” puna at usisa nito.

"Honestly, I don't know what to think anymore. Magulo ang takbo ng utak ng kapatid mo, bukod doon ay may pagkaabnormal pa. Hindi ko alam kung ano ang iniisip dahil ang hirap intindihin ng mga sinasabi at kilos. Kahit na alam na niya ang totoo, hindi ko pa rin maiwasang magduda at mag-isip kung may pinaplano na naman ba," pag-amin ko.

Ang hirap kayang magtiwala lalo na sa impakto na tuso na 'yon.

Tumawa ito nang naaaliw. "Sus. Sa tingin ko, mukhang wala naman siyang binabalak na masama at pinaplano.”

“Paano mo namang nasabi, aber? Nabasa mo ba at narinig ang thoughts niya?”

Umiling ito bago sumandal sa inuupuan nito habang hindi inaalis ang tingin sa mukha ko. “Nope. Hindi ako mind reader at lalong hind ko naririnig ang iniisip niya. Pero iba ang nakikita ng mga mata ko sa kilos niya.”

Ikinunot ko ang noo ko. “Na puro kaabnoan?”

Umiling itong muli. “Na gusto ka niyang makuha ulit at mabawi.”

Ipinilig ko ang ulo ko pagkaalala ko sa sinabi mismo ni Mikey kay kuya noong nakaraan.

Ikinuyom ko ang kamao ko kapagkwan.

F*ck.

Nakakainis kasi si Hero, kung anu-ano ang sinasabi at ipinapasok sa utak ko kaya kung anu-ano rin ang naaalala ko na hindi naman dapat at isang malaking kalokohan lamang.

Pilit akong tumawa at napailing-iling. “Right, hindi ka mind reader. Pero ano ang tawag dapat sa iyo? Interpreter?” sarcastic kong tanong.

“Siguro? Pero walang halong biro, ang nakikita ko lang behind sa mga action at sinasabi ni Mikey ay walang iba kundi ang mabawi ka."

Namilog ang mata ko nang hindi pa ito tumigil kaya ibinato ko rito ang lukot na papel na nasa mesa mismo nito. "’Tsura mo, Hero. Magtigil ka nga."

"Ang tanong lang papayag ka ba?" patuloy pa nito.

Kinilabutan ako sa tanong nito at pasimpleng napalunok.

D*mn.

Hindi dapat ako nagpapaapekto sa sinasabi nitong si Hero, e. He can’t be serious. Bakit pa iyon gugustuhing gawin ni Mikey gayong ang dami na ngang babae nito? Ano ‘yon? Hindi pa ba ito kuntento at pati ako ay gusto pa nitong isali sa listahan nito?

If that's the case, huh! No way!

Tumawa si Hero nang hindi ako nakakibo kaagad.

Sinibat ko ito ng tingin. "Diyan ka na nga. Isa ka ring abnormal, e. Ang hihirap niyong kausapin," naiinis kong sabi bago ito tinalikuran.

"Naks! Hindi makatiis na malayo, ah! Kunwari pa na naiinis sa akin para lang mabalikan ‘yong nakaraan niya. Yie. ‘Langya. Ako ang kinikilig sa inyo, e," patuloy na panunukso pa rin nito.

"Gagu ka po," asar na balik ko bago ko tuluyang isinarado ang pinto.

Napailing-iling ako habang naglalakad papunta sa sariling clinic nitong building, iniisip ko pa rin kasi ‘yong kalokohan na sinabi ni Hero. Kainis talaga.

Nabaling lang sa iba ang atensyon ko noong makarating na ako sa pakay ko, nanghingi ako sa nurse ng panglinis sa sugat ni Mikey para lang mapagbigyan ang nais nito kahit na mukhang hindi naman na kailangan, nang makuha ko na ang bulak, betadine, alcohol, ointment at ice pack para sa pasa nito ay nagpaalam din ako kaagad sa nurse.

Iniangat ko ang bote ng alcohol at tiningnan iyon habang naglalakad ako.

Hmm, paano kaya kung ipainom ko ito sa bugok na 'yon? Panglinis daw ito ng sugat, maging malinis na kaya ang pagkatao nito?

Hindi ko mapigilan ang mapangisi at mapailing-iling sa naiisip ko.

Ba’t parang ang evil ko?

Tumuloy na ako sa pantry at katulad kanina ay wala namang ibang tao ro'n dahil hindi pa naman break time, nakahiwalay rin kasi ang pinaka-canteen na ang puwesto ay sa ibang floor nitong building mismo.

Nang makabalik na ako ay naabutan ko si Mikey na nakaupo habang nakatalikod sa gawi ko.

Tahimik akong naglakad ngunit nakalapit na ako sa mismong tabi nito ay mukhang hindi ako nito napapansin.

Bahagyang sinilip ko ang mukha nito, pero nakadilat naman ito habang nakapangalumbaba at naghahalo ng kape na parang wala sa sarili.

Sinigurado ko lang, baka kasi nakatulog na ito nang nakaupo.

Hindi ako kumibo, bagkus ay natukso ako at sinamantala ko ang pagkakataon upang pagmasdan ito nang palihim habang nakatalikod sa akin, umatras pa ako nang bahagya upang itago ang presensya ko.

Gusto kong matawa sa nakikita kong hitsura nito pero pinigilan ko ang sarili ko at hinayaan ko na lang ito, mukha kasing trip nito na mag-moment at mag-emote habang naghahalo ng kape.

Senti yarn, kuys?

Ang sarap sana nitong asarin at biruin, pinipigilan ko lang at ipinapaalala sa sarili ko na hindi kami close para gawin ko iyon.

Hindi naman nagtagal ay napansin kong biglang nanigas ang balikat nito at parang na-tense kaya gumalaw na ako at umabante.

Gulat na lumingon ito gawi ko, nanlalaki pa ang singkit na mata nito.

D*mn. Na-miss ko iyon bigla. Natutuwa kasi ako sa reaksyon nitong gano’n kahit noon pa, ang liit-liit kasi ng mata nito.

"K-Kanina ka pa riyan?"

Kumamot ako sa kilay at tabinging ngumiti. "Uh, medyo lang?" patanong kong sagot.

Umayos ito ng upo bago sumimangot. "Ang tagal mo. Lagi mo na lang akong pinaghihintay," parang nagmamaktol na reklamo nito.

Kumunot ang noo ko.

Ano na naman ba ang ipinaglalaban nito?

Is he talking about the past? O sadyang ako lang ang nag-iisip ng kakaiba?

F*ck. Kasalanan ito ni Hero, e.

Umiwas ako ng tingin bago umupo sa upuan na malapit rito at ibinaba sa mesa ang mga dala ko. "Sorry. Kumuha pa kasi ako ng mga kailangan para sa gasgas at pasa mo," kaswal kong sagot.

Huminga ito nang malalim at itinuon ulit ang pansin sa kape. "Magkakape ba muna tayo o gagamutin mo na ako?" tanong nito.

Hindi ko mapigilan ang manibago. Nakakapanibago naman talaga kasi dahil ang behave ng aura nitong masyado at ang kaswal pang magslita, mas kaswal pa nga yata sa akin.

Hanep, hindi ako sanay.

Gustong kumuyon ng kamao ko pero pinipigilan ko lang dahil sa naiilang ako na hindi ko mawari.

"Ikaw? Kaso lang, ipinapauna ko na sa iyo na hindi talaga ako marunong manggamot," napapakamot sa sentido na amin ko.

Bukod sa naninibago ako sa pakikitungo nito sa akin ay medyo naninibago rin ako sa sarili ko. Hindi ko alam, there’s this part of me na gustong mabalik kami sa dati, pero ando’n din ‘yong takot na paano na lang kung mapalapit na naman ako rito nang husto? Saan na naman ako pupulitin kung sakali sa huli kapag nasaktan na naman ako?

Ipinilig ko ang ulo ko.

F*ck.

"Hey?" nakakunot ang noong tawag sa akin ni Mikey.

"Ha?" nalilito kong tanong.

May sinabi o itinanong ba ito na hindi ko narinig?

Lalong kumunot ang noo nito. "May problema ba?" takang tanong nito.

Ikaw.

Umiling-iling ako. "W-Wala. Wala naman. Ano, uumpisahan ko na ba?" pag-iiba ko sa usapan.

Lumapit naman agad ito sa puwesto ko.

Hindi ko man gusto pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya natulala na lang ako habang nakatingin lang dito.

"Hey? What's wrong?" nagtatakang tanong ulit nito.

Right, what’s wrong with you, Alexena? Get a grip, girl!

Napakurap-kurap ako bago umiling at dumampot ng bulak. “Alocohol or betadine?”

“Betadine na lang.”

Sinunod ko ang nais nito at nilagyan ang bulak ng betadine.

Tahimik naman na inilahad nito ang braso na may kaunting gasgas dahil sa pagkakasadsad yata nito sa pader o sa sahig kagabi.

Tsk. Napapala kasi ng mga makukulit.

Nang matapos na ako ay tumingin ako sa mukha nito para tingnan ang kailangang gamutin roon.

Hinawakan ko ang mukha nito bago ipinaling at sinipat-sipat.

Huminga ako nang malalim at pasimpleng lumunok kalaunan.

It felt surreal being close to him like this, when I knew from the very beginning that he didn't belong to me.

Noon at magpasahanggang ngayon.

Pinalis ko sa isipan ang mga bagay at pinagtuunan na lamang ng pansin ang dapat kong gawin para matapos na kami at upang makalayo na rin ako rito.

Inuna kong dampian sa mukha nito ang putok sa labi pero una pa lamang ay nagrereklamo na ito.

“Aw!”

Tss. Ang arte.

"Masakit, babe."

Babe? Nakikiuso lang? Hambalusin ko kaya ito para matauhan?

Tumigil ako at tiningnan ito, sakto at nakatitig din naman ito sa akin.

Napalunok ako dahil sa lapit ng mukha namin sa isa't isa kaya lumayo ako nang bahagya. "I'm not your babe, Sir," seryoso kong sabi.

Naaaliw ako nitong tiningnan bago tumawa nang mahina. "Ay, hindi ba? Akala ko..."

Hindi ko alam kung nang-aasar ba ito, pero kasi, naaasar ako! Naaasar talaga ako!

"Kung ayaw mo no’n, puwede bang Xena my warrior princess na lang? Hmm?" hirit nito.

Kinilabutan ako nang marinig ang salitang "my" na idinagdag nito sa gusto nitong itawag sa akin.

D*mn it.

Umirap ako. "Ayoko at hindi po puwede, Sir."

"Bakit? Don't you like it? It's cute," tanong pa nito.

Cute my ass.

Kinunutan ko ito ng noo at seryosong tiningnan bago huminga nang malalim. "Hindi po magandang tingnan at pakinggan na iba ang tawag ninyo po sa akin, Sir. Baka po kung ano ang isipin ng ibang makakarinig, lalo na ng mga empleyado pong katulad ko," pagdidiin at pagguhit ko sa linya sa pagitan namin.

"Sir? What's with Sir? Tayong dalawa lang ang nandito, napakapormal ng dating. Puwede mo rin naman akong tawagin sa pangalan ko katulad kay kuya o kahit na ano pang gusto mong itawag mo sa akin," suhestyon pa nito.

D*mn this guy. Is he out of his mind?

Pero impakto kaya ang itawag ko rito, magustuhan kaya nito iyon?

Hindi ako kumibo at pinanatili na lang ang kunot sa noo ko.

Tumawa naman ito at hindi makapaniwala akong tiningnan. "Nakakahalata na talaga ako. Bakit si kuya puwede kang tawaging babe? Tapos first name basis mo siya tawagin. Ba’t kapag ako bawal? May favoritism," kulit pa rin nito.

Nang hindi na ako makatiis ay hinawakan ko ulit ang pisngi nito at diniinan ko ang pagkakakapit. Sa halip na matahimik ito ay maarteng suminghap ito at puro reklamo ang lumabas sa bibig nito.

Hays.

"M-Masakit! Aray! H'wag mong pigain."

Niluwagan ko nang kaunti ang pagkakahawak ko. "Sabi ko naman kasi sa iyo hindi nga ako nurse at hindi talaga ako marunong. Tapos kung makareklamo ka riyan parang hindi kita sinabihan," nakairap kong sabi.

Ngumiti itong bigla sa pagkagulat ko. "Okay lang naman. Sige na, ipagpatuloy mo na. Huwag mo na lang masyadong pigain 'yong pasa. Masakit talaga kasi, e," utos pa nito.

Sa halip na sundin ito ay ipinagpatuloy ko lang ang pagtingin sa mga pasa nito hanggang sa tumuon ang mata ko sa labi nitong may sugat.

Ang pula na nga, lalo pang pumula.

Napalunok ako kalaunan at parang biglang nainitan.

D*mn.

Nakabukas naman ang aircon, ah? Ba't gano'n? Ba’t ang alinsangan?

Napapitlag ako nang tumikhim itong bigla.

"Ang lakas naman kasing manapak ng kuya mo," reklamo nito.

Napasimangot ako at inis itong tiningnan. "Malamang. Puro walang kakwentahan ba naman kasi ang sabihin mo, e. Kung sa iba ayos lang ang gano'n. Kay kuya hindi, hindi tolerable sa isang ‘yon ang makarinig ng mga gano'n."

"I can see that he's very protective of you."

Umirap ako. "Kapatid ako, e."

“I really thought na boyfriend mo siya, sweetheart pa kasi ‘yong tawag sa iyo,” amin nito na hindi ko inaasahan at ang mismong sinabi rin sa akin ni Hero.

Pero kainis. Bakit ba lahat na lang ng mga napapalapit sa aking lalaki ay napagkakamalan palagi na boyfriend ko? Nakakaloka.

Kailangan ko na ba talagang mag-boyfriend ng totoo?

“Baliw ka ba? That’s incest!”

Sa halip na mainis ay ngumiti ito at tiningnan ako nang diretso sa mata. "Pero single ka pa talaga, right?" tanong nito habang parang nagpipigil ng ngiti.

May nakakatawa ba? Anong nakakatawa kung single ako?

Ang kapal ng mukha nito, porke marami itong babae, e! Haliparot!

Tiningnan ko ito nang masama.

Ngumiti naman ito nang malawak. "Alam mo bang natuwa ako noong nalaman kong hindi naman pala talaga kayo ni kuya? Tapos, kapatid mo pala 'yong nanuntok sa akin?"

Kunot-noo ko itong tiningnan.

Anong nakakatuwa ro'n? Baliw ba talaga itong tunay? Nasuntok na at lahat ay natuwa pa? Tsk. I can't believe this guy.

“I’m really happy to know that you are still single,” saad pa nito na nakakapagpa-init talaga ng ulo.

"Iniinsulto mo na naman ba ako?"

Umiling kaagad ito. "Hindi. Natutuwa lang kasi ako para sa sarili ko."

Sarili nito?

Sh*t na 'to, ano na naman ang ibig nitong sabihin?

Nakatitig lamang ako rito at pilit na inaalis ang malisya sa narinig ko.

Tumikhim ito kaya napapitlag pa ako.

"Ipagpatuloy mo na ang paggagamot sa akin. Iba palang manuntok ang protective na kapatid," utos nito nang nakangiti.

Nainis akong bigla.

At dahil naiinis ako sa ngiti nito ay sadyang dinutdot ko ng bulak ang labi nito na may sugat. "Ang engot mo kasi, e. Bakit hindi ka umilag? Saka pinapauwi na kita, ‘di ba? Pero ang tigas ng ulo mo. 'Yan ang napala mo," pangaral ko.

Natawa ito at tinanggal ang kamay ko sa pisngi nito, hinawakan na lamang nito ang mga iyon pareho.

Nagulat ako sa ginawa nito kaya napipilan at napatitig na lang ako rito nang maramdaman ang pagkabog ng dibdib ko.

Habang tahimik na pinagmamasdan ko ito ay hindi ko mapigilang isipin kung totoo ba ang ipinapakita nito, para kasing bumalik na ang dating Mikey na nakilala ko na malayo sa lalaking ubod ng aburido at sungit na nakasama ko nitong mga nakaraang araw.

"Na-miss ko iyan."

"Ha?" nalilitong tanong ko.

"Ang sarap sa pakiramdam at sa pandinig na pinapagalitan mo ako, parang katulad lang noong dati."

Napakurap ako nang magsalita ito.

Hindi ako sumagot bagkus ay binawi ko ang mga kamay ko para ipagpatuloy ang ginagawa ko.

D*mn. Kailangan kong lumayo at ipaalala sa sarili ko na hindi na dapat pa kaming nagkakalapit ng ganito.

Napatigil ako nang marinig ulit ang boses nito.

"Sorry. Sorry sa lahat ng mga nagawa at nasabi ko sa iyo simula nang magkita tayo. Alam kong nasaktan kita kaya kung gusto mo akong sampalin at saktan, tatanggapin ko, hindi ako magagalit, magrereklamo at gaganti, kasi deserve ko naman 'yon."

Huminga ako nang malalim bago umiling-iling. "H-Hindi naman na kailangan 'yon."

"Kung gano'n, kung papayagan mo ako ay babawi na lang ako, puwede pa naman siguro akong bumawi?" mahinang turan nito na parang umaasam.

Parang may kumukurot sa puso ko dahil sa narinig. Gusto kong tumanggi pero hindi ko maisatinig.

Parang baliktad yata. Hindi ba dapat ako ang humihingi ng tawad rito at nanghihingi ng pagkakataon para bumawi?

Ngumiti ito nang masuyo at halos matunaw ang puso ko, matagal ko na kasing hinihintay na makita ulit iyon dito pero sa tuwina ay tila ba ipinagkakait naman nito iyon sa akin dahil kabaligtaran palagi ang natatanggap ko mula rito.

"Hindi ko pa pala nasasabi sa iyo, I'm glad na binigyan mo ng chance na magkaayos kayo ng father mo. Kahit na hindi ko pa nasaksihan, I'm happy that you're finally in good terms now. May bonus pa dahil may kapatid ka pala."

Natigilan ako at naalala ang mga pagkakataon na pinipilit ako nitong magpatawad noon.

Kumirot muli ang puso ko sa alaalang iyon.

"I just hope na sana, sana ay mabigyan din ako ng chance na mapalapit ulit sa iyo at makilala sila,” sinsero ang boses na hiling nito.

Napatitig ako rito.

Why are you doing this, Mikey? Bakit kailangan mo pang hilingin ang bagay na alam natin parehong hindi na maaari pa at hindi na dapat?