Chapter One: Umasa

Kriselle

One month before the quarantine period.

FROM: Diego Hontiveros

Can we meet at 7 pm at Carlito's?

From: Diego Hontiveros

I have something here which belongs to you. Dapat dati ko pa ito binigay sayo.

May gumuhit na ngiti sa mga labi ko nang mabasa ang mensahe na iyon ni Diego. May ibibigay daw siya sa akin na dapat ay dati pa niya binigay. Tunog proposal iyong pagkakasabi niya at hindi ko maiwasang kiligin.

Pero parang bilis naman yata...

Anyway, wala naman sa tagal ng relasyon ang pagpapakasal lalo na kapag true love.

Lalo akong kinilig sa kaisipan na sa wakas may magpo-propose na sa akin ngayon. I met Diego in a dating application called Honeycomb. Na-attract ako sa picture palang niya kaya gumawa na ako ng move agad. I took the courage to talk chat him first, sending him the corniest pick up line I know. Akala ko hindi siya mag-re-reply kaya handa ko na i-uninstall iyong application noon.

Wala naman kasi matinong kausap at puro casual thing lang ang mga gusto. But Diego reply and we clicked even if I'm the corniest person he ever met. Ang kalat ko sobra pero walang kaso iyon kay Diego at tanggap niya kung ano at sino ako. Iyong small talks namin ay naging everyday hanggang late night talks na. Wala na keber kahit inaantok pumasok ng opisina dahil pag-ibig ang tumama sa akin.

After few voice call, nag-level kami sa video chat hanggang sa magkita na kaming dalawa. Mabilis lang lahat at nang sabihin niyang gusto niya ako ligawan, pumayag ako agad. Now, Diego and I were in a relationship for four months now. Matagal din at hindi na masama kung magpo-propose siya sa akin.

Excited akong lumakad pabalik sa opisina namin at nginitian bawat empleyado na masalubong ko. Weird para sa iba dahil kilala nila akong masungit na engineer dito pero hayaan na lang at bahala na kung ano 'man ang sabihin nila.

"Aba, mukhang maganda mood natin, ah!" tuya ni Hera sa akin - isa sa mga kaibigan at katrabaho ko. Pareho kaming engineer at may hinahawakan na magka-ibang project. Biyernes kasi ngayon kaya narito kami sa opisina para gawin ang mga paperworks na natambak mula Lunes hanggang kahapon, Huwebes. "Anong bago sayo?"

"Wala naman," hindi ko maiwasang kiligin kapag naalala iyong chat ni Diego.

"Nako oy, kilala kitang babae ka. Anong meron ngayon at ganyan ka makangiti?"

"Magpapakasal na ako..." ngumisi ako matapos sabihin ang mga salita na iyon nang pakanta.

Nawala ang ngisi ko nang bigla akong hampasin ni Hera. Grabe, si Hera palang ito paano pa si Beauty at Autumn kung sakali. Pisikalan talaga ang trip naming magkakaibigan at ako ang laging biktima.

"Hindi nga? Magpapakasal -" Agad ko tinakpan bibig ni Hera nang malakas siya magsalita. Sa kanya ko palang sinabi dahil kaibigan ko siya. Saka na sa ibang katrabaho namin kapag may singsing na akong ipagyayabang.

Excited na akong isampal iyon sa mga nagsabing hindi ako magkaka-jowa agad dahil ambisyosa ako. Wala namang masamang maging ambisyosa kaya who you sila kapag may singsing na akong suot!

"Huwag ka maingay. Sayo ko pa lang sinasabi kasi kaibigan kita," sabi ko saka pinakawalan ko na ang bibig niya. Kumuha ako ng wet tissue at pinahiran iyong nag-smudge na lipstick sa kamay ko.

"Maka-takip naman ito ng bibig!" Nag-peace sign ako matapos punasan ang kamay ko. "So, paano ka magpapakasal eh wala pa naman akong nakikitang singsing sa kamay mo. Saka 'di ba three months palang kayo?"

"Wala naman sa tagal iyon basta ang mahalaga ikakasal na talaga ako..." Ginawa kong pakanta iyong huling apat na salita sa sinabi ko saka ngumiti pang muli.

"Huwag ka mag-expect baka mamaya umasa ka lang pala sa wala,"

Sumimangot ako at hindi na pinansin ang mga pangaral sa akin ni Hera. Kaya ko naman na ang sarili ko at trenta'y singko na ako sa Agosto! Kailangan na talaga mangyari itong proposal ni Diego dahil matanda na ako. Oo matanda na ako at heto na iyong inaabangan ng mga marites sa kanto namin. Ilang taon din nila ako na-tsismis na buntis kahit wala naman akong jowa. Noong magkaroon ako ng iba't-ibang ka-date napagdudahan pa ang trabaho na meron ako.

What a life!

Pero wala diyan ang focus ko ngayon. I have to get ready with my date tonight. Sinipat ko ang orasan. Nang makita ko na malapit na mag-alas singko, dali-dali ko niligpit ang aking mga gamit at nagpaalam na ako agad. Friday naman ngayon at bukas pa ako ulit bibisita sa site namin. For now, sarili ko muna ang iisipin ko.

Sarili ko muna ngayon. Ako muna...

TININGNAN ko maigi sa harap ng whole body mirror kung bagay ba sa akin ang napili ko na damit. May gumuhit na ngiti sa aking labi nang makita ang kabuuan ng dress na suot ko. Matagal ko tinitingnan ito sa tuwing mapapadaan sa shop na ito at ngayon mabibili ko na siya. Kailangan lang pala ng proposal para mapilitan akong gumastos ng ganito kalaki. Umikot-ikot ako at tiningnan kung anong babagay na hairstyle sa suot ko.

"Mas bagay po kapag nakalugay ang buhok mo, ma'am," anang sales personnel na kausap ko.

"Talaga ba?" Muli ko sinubukan na umikot at i-test kung kaya ko bang gumalaw-galaw habang suot iyong damit. "Hindi ba ako mukhang mataba sa damit na 'to? Para kasing iiwan ako nito mamayang gabi."

The sales personnel giggle. Napatingin ako sa kanya saka pilit na ngumiti.

Akala niya ba double meaning iyong sinabi ko?

"Bagay na bagay po sa 'yo, ma'am. Fit na fit at parang sinukat pa talaga."

Ako naman ang tumawa. Confident naman ako sa size ko pero para kasing may masama akong kutob sa damit na 'to.

Ah basta, bahala na si Lord sa akin ngayong gabi.

"I'll get this." I said, then I ask her if it's okay if I remove of the price tag. Pinayagan naman ako at tinulungan pa ako na alisin iyon.

Sa cashier, may ngiti sa labi ko na inabot iyong credit card ko. They processed my order immediately and put my clothes inside the store paper bag. I can pay it naman within three months time kaya credit card ko na lang ang ginamit ko. Future ko naman ang nakasalalay dito kaya lahat gagawin ko!

"Thank you, ma'am, and good luck po!"

Ngumiti ako at kumaway sa kahera at sales personnel bago umalis. Sobrang hands on nila sa akin kaya nagawa ko pa mag-ayos doon at hindi na kailangan pa na umuwi sa bahay. Hassle kasi sobra kaya naman minabuti ko na doon na lang gawin lahat. Maganda naman ang kinalabasan at sobrang ganda ko rin ngayon!

Huminto ako sa paglakad at tiningnan ang sariling repleksyon mula sa salamin ng isang tattoo shop. Ngumiti ako at ilang beses umikot-ikot saka hinawi ang buhok ko.

Ang ganda ko talaga!

MALALAKI na ang naging hakbang ko habang palapit ako nang palapit sa Carlito's. Excited na ako makita si Diego dahil ilang araw din kami 'di nagkitang dalawa. Sabi niya business trip daw ang pinunta niya sa LA at wala naman kaso sa akin iyon. Gusto ko nga sumama sa kanya kaso may trabaho akong hindi pwedeng iwan. Ngumiti akong muli nang matanaw ko na ang gate ng Carlito's.

Lagi kami nakain sa Carlito's at kilalang-kilala na rin kami ng mga staff pati na may-ari dito. Dito ko siya inaya noong first date namin dahil malaki ang role nitong lugar sa buhay ko. Noong buhay pa si Mama, dito din kami nakain na hindi na naulit dahil abala masyado si Papa sa kumpanya niya. Kumpanyang hindi ko naman gusto manahin kahit anong gawin niyang paghihikayat sa akin. I want everyone know me not as Dennis Mercado's only daughter - chairman of DM Enterprise.

Isang dahilan kaya Bonifacio ang apelyido ko at hindi Mercado.

Pinalis ko muna si Papa sa isipan ko at may ngiti sa labing lumapit sa reception area.

"Good evening!" Awtomatikong ngumiti ang mga staff naabutan ko doon. "Occupied ba iyong favorite spot ko?"

"Ay opo, Ms. Kriselle," aniya ni Vivian - isa mga staff ng Carlito's. "May kikitain po ba kayo ngayon dito? May company dinner kasi iyong St. Jude Thaddeus Medical Center kaya full house kami."

Kahit nagtataka ay ngumiti pa rin ako. "Hindi ba tumawag si Diego?"

"Huy, tumawag ba si Sir Diego kanina para sa resevation?" Walang sumagot ni-isa sa mga kasama ni Vivian. "Pasensya na, Ms. Kriselle, i-che-check ko na lang po."

"Ah, huwag na kung wala. Meron kayang space pa sa loob?"

"Sa center part po meron, regular seat lang."

"Okay na iyon!" Ang importante naman ay iyong proposal kahit simple lang ang pwesto namin at medyo public din. "Atin-atin lang 'to ha? Espesyal kasi itong gabi na 'to."

"Promoted ka na sa senior engineer position, Ms. Kriselle?"

Sumimangot ako. Mukhang malabo pa iyon dahil matagal magpasa ng evaluation si Sean. May galit ba sa akin ang isang iyon? Ako nga ang dapat magalit dahil pinaasa niya ako!

Kris, hindi si Sean ang focus mo ngayon. Si Diego. Kay Diego lang.

Huminga ako nang malalim saka muling ngumiti. Pinalapit ko si Vivian sa akin para wala talagang makarinig.

"Magpopropose na si Diego!"

"Hala ma'am! Hindi nga? Teka po, i-inform ko si Boss para magawan ng paraan ang pwesto niyo ni Sir Diego."

"Huwag na. It's the thought counts, 'di ba?"

"Sabagay. Yiee, matagal niyo na hinihintay ito na may magseryoso at gawin ito."

Muli akong ngumiti saka hinawi ang buhok ko at inipit iyon sa likod ng tainga. Matagal ko na nga itong hinihintay kaya sobra-sobra ang excitement ko. Sa wakas may nagseryoso na sa akin kahit loka-loka ako!

Vivian guided my way inside the restaurant. Nagulat ako agad nang makita na marami ngang tao sa loob. Akala ko nagbibiro lang pero buong St. Jude yata ay narito. I saw familiar faces but I chose not to greet them because I didn't came here for work.

I'm getting married!

Naupo ako at inabutan ng menu pero sinabi ko na mamaya na lang kapag dumating na si Diego. Iniwan ako ng waiter pagkalagay ng tubig sa aking baso. Napatingin ako sa palagid at nakita ko kung gaano ka-cheery ang mood ng lahat. Iyong ngiti ko, hindi na talaga nilubayan pa ang aking labi. Muli ko hinawi ang buhok saka umayos ng upo.

"Dr. Levezque, can you play a piano piece for us?" Narinig ko na kantyaw hindi kalayuan sa lamesa ko. Nasa loob sila ng function room at malapit lang doon iyong piano set. Napabaling agad ang tingin ko nang may tumayong lalaki at pumunta nga sa piano set sa labas ng function room.

Mukhang magaling siya mag-piano kaya kinantyawan...

Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki dahil hindi ko dala ang aking salamin. Ayoko pa magpalagay ng contact lense at sa trabaho ko lang naman ginagamit ang salamin pati.

"Ms. Kriselle..." Napalingon ako sa tumawag sa aking pangalan. Agad akong lumingon at napangiti nang makita si Mang Ben - driver ni Diego. Magsasalita ako dapat kaya lang nakuha ng piano song ang atensyon ko nang pumailanglang iyon sa paligid.

Parang narinig ko na iyong kanta kung saan...

"Ms. Kriselle, hindi po makakapunta si Sir Diego pero pinabibigay niya po ito. Matagal na daw niya dapat sinauli. Maraming salamat daw po sa pagpapahiram." Tuloy-tuloy na sabi ni Mang Ben saka nilapag sa harapan ko ang DLSR camera ko na pinahiram ko nga kay Diego.

"Eh? Anong hindi siya pupunta?"

"Ayan lang po sinabi niya ma'am. Pasensya na po. Aalis na po ako," paalam ni Mang Ben na hindi ko naman agad napigilan.

Hindi siya pupunta?

Ibig sabihin...

"Hindi. I have to call him." Dali-dali ko kinuha ang cellphone at binukas iyon. Pumasok ang sunod-sunod na notification mula sa internet browser na gamit ko.

Diego Hontiveros and Almira Santa Ana is now engaged.

Diego Hontiveros proposed to his long-time girlfriend, Almira Santa Ana.

Tila nawala ako ng pakiramdam matapos mabas iyon at nabitiwan ko ang cellphone ko.

Engaged?

Long-time girlfriend?

Sino ako sa kanya kung gano'n?

Muntik na ako mabuwal ngunit may matatag na kamay ang humawak sa akin. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha kaya hindi ko mamukhaan ang nakahawak sa akin. Pero alam ko na lalaki siya.

"I-I'm okay..." Sinubukan ko na pigtasin ang pagkakahawak niya sa akin pero hindi niya ako hinayaan.

"Mabubuwal ka ulit kapag hinayaan kita. Have you eaten already? You should take a seat, miss."

"Eh, ano naman kung matumba ako? Saka bakit niyo ba laging tanong kung kumain na kami? Alam niyo ba na nakaka-fall iyang mga linyahan na 'yan tapos papaasahin niyo lang rin naman kami sa wala!"

"Huh?"

"Diyan kayo magaling na mga lalaki, aaktong walang alam, paasahin kaming mga babae tapos kapag asang-asa na, iiwan, itatapon niyo na!"

"Ano bang sinasabi mo? Ah!" Binigwasan ko iyong lalaki na may hawak sa akin saka kinuha na ang mga gamit ko at nilisan na ang restaurant.

Tangina, umasa na naman ako!