Kabanata 7

Julie

NAKITA ko kung paano magtagis ang panga ni Sir Kris sa narinig, bigla akong nanlamig ng ngumisi siya at kaunting hakbang ang ginawa niya para mapalapit kay Kuya na ngayon ay seryosong nakatingin sa teacher na nasa harapan naming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya para maging ganito ang reaksyon ni Sir Kris.

Ang alam ko lang ngayon ay gusto ko ng makaalis sa sitwasyon na ito dahil sa tensyon na namamagitan sa dalawa, ako ang kinakabahan para sa kanila. Baka mamaya ay may hindi magandang mangyari at mauwi ito sa pisikal na sakitan na sana ay ‘wag mangyari dahil makakaagaw kami ng atensyon ng ibang estudyante.

“Maayos naman akong kausap, Lucas Nixon. Huwag kang mag-alala, mas magiging alerto na ako,” sagot naman ni Sir dahilan para mapatingin ako sa kanya at halos gusto ng lumabas ang puso ko lakas ng tibok ng puso nito dahil diretso ang pagkakatitig sa akin ni Sir Kris.

Para sa akin ba ‘yung sinabi niya? Ay, ‘wag kang assumera, Julie baka sa iba pala ‘yon. Mahirap ang masaktan.

“Okay, sabi mo eh. Tara na Julie. Uuwi na tayo,” saad ni Kuya at basta na lamang ako hinigit kay Sir Kris na ngayon ay nakatulala lang sa narinig niya.

Nang makasakay na ako sa sasakyan ay basta na lamang pinaandar ni Kuya 'to palayo ng school. Habang nakatingin ako sa bintana ay bigla kong naalala ang sinabi niya kay Sir Kris kanina.

Tungkol saan kaya ang usapan ng dalawang 'yon? Bakit ako nadamay don?

"Kuya," pagtawag ko sa kanya na mabilis naman niyang binalingan ang pwesto ko.

"Tungkol saan ang pinag-uusapan niyo ni Sir Kris? Bakit kasama ako don? May alam kayo pero wala naman akong alam, ano kaya 'yon," sunod-sunod kong tanong na ikinatawa naman niya.

"Wala lang 'yun at saka hindi mo pa pwedeng malaman," sagot naman niya kaya napanguso na lang ako at muling tumingin sa bintana.

"K, fine. Kung ayaw niyo edi 'wag," masungit kong sagot kaya tinapik na lang ni Kuya ang ibabaw ng ulo ko at muling nagsalita.

"Someday, you will know what we are talking about Julie. Someday…" Anas niya at 'di na lang ako kumibo dahil hindi rin naman niya sasagutin. Siguro nga balang araw malalaman ko rin kung ano 'yon.

PAGPASOK namin ni Kuya Lucas sa loob ng bahay ay si Keegan ang sumalubong sa amin na ngayon ay tarantang lumapit sa akin at tiningnan ang buong katawan ko.

"Akala ko ay nabagok ang ulo mo at nagka-amnesia, buti nakauwi ka pa ng buhay," anas niya kaya sinamaan ko siya ng tingin na ikinangisi naman niya.

"Joke lang, ito-aray! Ang sakit! Putcha, saglit! Nagbibiro lang ako!" Sigaw niya habang iniiwasan ang sapatos na binato ko sa kanya. Napahawak na lang siya sa noo niya ng tamaan siya don.

"Ikaw kaya ang ihampas ko ang ulo mo sa pader, gusto mo?!" Nangagalaiting sigaw ko pero umiling lang siya at nagtago sa likod ni Ate Elise na ngayon ay may dalang medical kit na sa tingin ko ay sa kusina niya pa kinuha.

"Come here, Julie. Gagamutin ko ulit yang sugat mo," seryosong utos niya na mabilis ko namang sinunod. Pinanood ko lang kung paano niya lagyan ng alcohol ang bulak kaya napaiwas ako ng tingin dito.

Napangiwi na lang ako sa sakit na naramdaman ko ng lapatan ni Ate Elise ng alcohol ang mga gasgas na nakuha ko, habang ginagamot niya ito ay kinausap naman niya si Kuya Lucas na ngayon ay pinanonood lang kami.

"What's the reason why that girl named Janna attacked Julie in an aggressive way?"

"Inggit raw kay Julie tapos biglang napuno ang Janna at basta na lang sinugod si Julie. Mabuti na lang at hindi napasama ang pagkakahataw ng ulo ni Julie sa pader, kung nagkataon man ay talagang hindi maganda ang gagawin ko sa kanila," seryosong sagot naman ni Kuya Lucas kaya napanguso naman ako habang si Ate Elise at Keegan naman ay mas lalong sumeryoso.

"Lucas, sinabi mo bang kapag may nakitang findings kay Julie, sila na mismo ang mananagot kasi kung hindi ay kilalanin nila ang binabangga nila."

Hindi ko alam kung seseryosohin ko ba ang panghuling sinabi ni Keegan, napailing na lang si Elise sa narinig at napaiwas naman ako ng mukha ng diinan niya ang sugat sa pisngi ko.

"Dahan-dahan naman!" Asik ko pero ngumisi lang siya at nakuha pa akong asarin na lalong kinainit ng ulo ko.

"Siopao kasi ng pisngi mo kaya lumulubog yung bulak," natatawang saad niya na ikinairap ko na lamang. Nang makita kong tapos na siya ay tumayo na ako dahil ngayon ko lang naramdaman ang matinding pagod dahil sa nangyari kanina.

"Go, take a rest now Julie. May Finals ka pa pala sa isang linggo." Habilin ni Kuya kaya tumango na lang ako at nagpaalam na sa kanilang tatlo. Bago pa man ako makapasok sa kwarto ko ay narinig ko pa ang boses ni Keegan at Elise.

"Eh doon kay Kris Adler? Anong nangyari?"

Si Sir Kris na naman? Ano bang meron at hindi ko na alam kung ano na ang pinag-uusapan nila. Kahit gusto ko pa man makinig ay hindi ko na kaya dahil kumikirot na naman muli ang ulo ko.

Matapos kong maglinis ng katawan ay diretso higa na ako sa kama ko. Hinaplos ko na lang ang pisngi ko na ngayon ay may kalmot dahil sa ginawa ni Janna, hanggang ngayon ay 'di pa rin sakin nagsi-sink in ang ginawa niya.

Bukod sa may galit sa akin si Janna ay alam kong kasama na rin don si Sir Kris sa away na nangyari kanina. Matagal ko namang alam na may gusto si Janna kay Sir pero anong magagawa ko kung minsan ay magkasama kaming dalawa? Alangan namang umiwas ako?

Sabagay dapat matagal ko ng ginawa yon para hindi na humantong sa ganito pero hindi rin mangyayari kung araw-araw naming nakikita si Sir Kris. Sana ay matauhan si Janna sa ginawa niya at siyempre, bibigyan ko na rin ng maayos na limitasyon ang sarili ko kay Sir Kris para hindi mag-iba ang tingin ni Janna sa aming dalawa.

Ang sakit sa ulo ng mga nangyayari sa akin, gusto ko lang naman gumraduate sa Senior High para makatungtong na ako sa College. Sabagay, ilang linggo na lang ay finals namin at gagraduate na. Makakalayo na rin ako kay Janna.

Pero nawala lahat ng iniisip ko ng tumunog ang notification ng messenger ko, mabilis ko itong kinuha sa pag aakala na sila Jen ang nag-chat pero nanlaki na lang ang mata ko ng iba pala ang bumungad sa akin.

Kris Adler Buenavista message you

Fuck! Bakit si Sir Kris ang nag-chat? Anong kailangan nito? Papagalitan niya ba ako kasi nadawit ang pangalan niya sa away namin ni Janna? Huwag naman sana, gusto ko pang gumraduate.

Kahit nanginginig man ang kamay ko ay lakas loob kong pinindot ang chat head at hindi ko mapigilang mapangiti sa nabasa ko.

Nako Julie, delikado ka na. Pigilan mo ang sarili mo.

Kris: Hi Julie. I'm sorry sa nangyari kanina. By the way, how are you? Hindi na ba sumasakit ang bukol sa ulo mo? May nararamdaman ka pa bang iba?

Bukod po sa sakit na nararamdaman ko, kilig din po.

Gusto ko sanang ireply pero mabilis kong binura dahil baka mailang si Sir Kris. Kaya napakagat labi na lamang ako at nag-isip na iba pang pwedeng sabihin sa kaniya.

Me: Okay na po ako, Sir. Don't worry, hindi naman po malala ang nangyari. Buhay pa naman ako, hehe.

Natatawa kong sinend ito at napataas kilay na lang ako ng makitang kong sineen niya rin agad. Luh, ang bilis mangseen ni Sir. Hindi ba 'to busy sa ginagawa niya?

Kris: That's good to hear that you're okay now. Pinagalala mo ako kanina.

Holy shit! Napatili na lang ako ng mabasa ko 'yon, hindi ko na mapigilang magpagulong-gulong sa kama ko at tumama pa ang ulo ko sa headboard na ikinahiyaw ko naman sa sakit.

"Ang sakit! Grabe ba naman tong si Sir Kris! Grabeng magpakilig!" Nasabi ko na lamang at muling hinawakan ang cellphone para replyan siya.

Me: Ayos na ayos na po ako, Sir. Pasensya na rin po sa nangyari kanina. Nakaagaw pa tuloy kami ng ibang atensyon ng students.

Kris: No, it's okay. Sige, magpahinga ka na. Good night, Julie.

Mas lalo pang lumawak ang ngiti ko ng mabasa ko ito. Pinigilan ko ang sarili kong mapasigaw na naman sa kilig. Ang hirap pa lang magkagusto sa teacher!

Me: Good night din po, Sir! Thank you po! Bye-bye!

Kris: Good luck to your final exams! Ako pala ang magiging proctor niyo.

Sineen ko na lamang ang chat ni Sir dahil bumibigat na ang talukap ng mata ko. Gusto ko mang mag-reply ay unti-unti ng pumikit ang mga mata ko at nakatulog na ako.

***

MALAS ang unang araw ko ngayon. Bukod sa late na ako sa Finals namin at nilalagnat ako dahil ngayon lang nakauwi ay nasa hospital si Kuya Lucas na ngayon ay may dengue at binantayan ko dahil may inasikaso si Keegan at Elise na mga papeles.

Gustuhin ko mang magpahinga at umabsent ngayong araw ay hindi pwede, finals exam na namin. Ayoko ng mag-excuse pa, sa tingin ko naman ay kaya kong tapusin ang finals ngayon pero natatakot ako dahil kapag late daw ay hindi magte-take at kailangan ng valid reason.

"Julie, sigurado ka bang tutuloy ka ngayon? Sobrang taas ng lagnat mo ngayon, baka mamaya ay mahimatay ka pa," bakas sa boses ni Mang Raul ang pag aalala kaya nginitian ko siya sabay baba ng sasakyan. Kahit nahihilo ay pinilit kong tumayo ng ayos.

"Okay lang po ako, sige na po. Punta na po kayong hospital, baka gising na po si Kuya Lucas," paos ang boses ko ng sumagot sa kaniya kaya wala na siyang nagawa kundi ang sumunod. Nang makita kong 5 minutes na akong late ay napatakbo na agad ako sa loob ng University.

Fuck! Sana ay mapagbigyan ako ni Sir Kris na makapasok. Siya pala ang proctor namin ngayon. Gusto ko na talagang matapos ang finals para makapagpahinga na rin ako. Napahawak na lang ako sa pader ng makaramdam ako ng matinding hilo, kaya muli kong inayos ang pagkakatayo ko at akmang papasok na sa classroom pero seryosong boses ni Sir Kris ang nagpatigil sa akin dahilan para tingnan kami ng mga kaklase ko.

"You're 7 minutes left, Ms Montiero. You're not allowed to enter this classroom, hintayin mong matapos ang mga kaklase before you give me your valid reason," aniya kaya napahawak na lang ako sa gilid ng pinto dahil mas lalong sumakit ang ulo ko.

Ramdam ko ang paninitig sa akin ni Sir Kris at kitang-kita ko ang mukha niya na nagtataka dahil siguro sa itsura ko. Alam kong sobrang putla ko pero kahit nagpolbo ay mahahalata pa rin ito. Akmang magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Jen na mabilis ko namang sinenyasan.

"Sir, 7 minutes lang naman pong late si Julie. Baka pwede pa rin naman po nating tanggapin," anas niya kaya umiling na ako at biglang sumabat. Baka mamaya ay madamay pa siya.

"N-no, it's okay. Dito na lang ako sa tapat ng classroom maghihintay. Sorry for disturbing the exam, Sir." Nanghihina kong saad at napangiwi na lang ako ng makita kong ngumisi si Janna at inirapan pa ako.

Kung hindi lang talaga masama ang pakiramdam ko ay baka naihampas ko na sa kanya ang test paper na hawak niya. Bwisit!

Pagkaupong-pagkaupo sa bench ng tapat ng room namin ay napahilot ako sa ulo ko dahil mas lalong tumindi ang pagkahilo ko. Nanlalabo na rin ang paningin ko pero pilit ko itong nilalabanan. Ayokong mahimatay sa harapan nilang lahat, makakaistorbo lang ako.

Nang 'di ko na makayanan ay sumandal ako sa bench at malakas na bumuntong hininga. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at ng saktong pagbukas nito ay ang mapanuring mga mata ni Sir Kris ang sumalubong sa akin. Kaya tumikhim ako at mabilis na iniwasan yon.

"Julie, bakit ka nandito? You should be resting! Tingnan mo ang taas-taas ng lagnat mo!" Mabilis akong napalingon ng makita ko si Keegan na ngayon ay seryoso ang mukha at napakapit na lang ako sa damit niya ng ilapat niya ang kamay sa noo ko.

"W-why are you here?" Nanghihinang tanong ko at tuluyan ng napasandal sa kanya ng hindi ko na makayanan ang bigat ng katawan ko. Hindi ko alam kung magsisisi ba ako sa ginawa ko dahil matigas ang ulo ko o hindi, eh.

"Ipinagpaalam na kita sa Principal. Sabi ko hindi ka makakapag-take ng finals ngayon dahil bukod na nasa hospital ang Kuya mo, sobrang taas na rin ng lagnat mo. Tapos ngayon pumasok ka pa! Paano kung may hindi magandang mangyari sa'yo? Ang tigas talaga ng ulo mo!" Napanguso na lang ako at napayakap kay Keegan ng tumayo ako, feeling ko ay mahihimatay na ako dahil hindi ko na kaya ang sakit ng ulo ko.

"Hoy, ano? Okay ka lang ba?" Natatarantang saad niya kaya umalis ako sa pagkakayakap niya, nang tingnan ko siya ay dumodoble na ang pigura ng katawan niya. Akmang magsasalita na sana ako pero umikot na ang paningin ko at tuluyan ng ng nandilim ang nasa paligid ko.

Nahimatay na nga ako ng tuluyan.