Kabanata 24
Julie
“I WAS there when your father died 2 years ago, Kris.” Pag-amin ko habang nakahiga kami sa ilalim ng puno dito sa harap ng puntod ng Lola niya. Tatlong araw na ang nakalipas simula ng malibing ang Lola niya ay araw-araw ko naman siyang sinasamahan.
Alam kong hindi niya pa rin matanggap ang nangyari but I can sense it is one of his ways to cope up with this. Kaya kailangan ko siyang suportahan at intindihin dahil alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng taong mahal natin sa buhay.
“It was you, right? Ikaw yung tumabi sa akin noong natutulog ako at kinausap. Hindi ako nananaginip non, ‘diba?” Sunod-sunod niyang tanong at ng maalala ko ang ginawa ko noong oras na ‘yon ay tumango ako.
Nasa Korea ako noong mga oras na ‘yon ng marinig ko ang balita. Kahit dalawang taon pa lang ako don ay nagpumilit ako sa teacher at instructor namin sa modelling na baka mawala lang ako ng isang linggo dahil may kailangan akong asikasuhin na importante.
Nang pumayag sila ay sinundo ako ni Kuya sa airport at dumiretso kung saan nakaburol ang Ama ni Kris. Kahit nakaramdam ako ng galit sa kanya noon dahil sa hindi niya pagsipot ay mas lumamang ang awa at sakit dahil kitang-kita ko ang pagiging miserable niya noong oras na ‘yon.
Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya habang tinitingnan ko siya sa malayo. Kahit gusto ko siyang lapitan ay pinigilan ko ang sarili ko. Kaya ng makakuha ako ng pagkakataon na tulog siya ay nilapitan ko siya at pinagmasdan lamang.
Iyon na ang huling pagkikita namin bago ako bumalik sa Korea at mas nag-focus na sa pag-aaral at trabaho.
“Ako nga, sorry. Hindi ko man lang alam na mas mabigat ang pinagdadaanan mo ng mga oras na ‘yon. I should stay any longer so that you can feel that there is someone who you can hold on to.” Nakatulalang saad ko sa kalangitan kaya mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin at sinagot ako.
“That was four years ago, baby. Ang importante ay kasama na kita at natuto na tayong dalawa sa pagkakamali natin. There’s no need to be sorry, we are living in the present now, baby. Let’s just cherish it,” malambing niyang saad kaya napangiti naman ako at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya na akala mo ay mawawala kami sa isa’t-isa.
“Nang makabalik ka rito sa Pilipinas, naiisip mo ba na baka hindi na kita balikan o hindi ko na mapapakinggan ang paliwanag mo?” Lakas loob kong pagtatanong kaya saglit siyang natahimik na akala mo ay napapaisip.
“May oras na naiisip ko ‘yon pero mas naging determinado ako na suyuin ka dahil gusto kong bumawi sa’yo sa apat na taon kong biglang pagkawala. Alam kong nasaktan at nabigla kita sa pagpapakita ko sa’yo ng mga oras na yon pero ayun na lamang ang tanging paraan para magkita ang landas nating dalawa.”
“As time goes by, my fears are now slowly fading when I see that our relationship is improving. Kitang-kita ko na bumabalik na tayo sa dati, na nakakabawi na ako sa’yo. Pero mas masaya pala kapag na narinig ko sa sarili mong bibig na ako pa rin at para sa akin ay ikaw pa rin.” Matapos niyang magpaliwanag ay hindi ko na napigilan ang mapangiti at kiligin sa sinasabi niya. Kaya tumayo na ako dahil magagabi na at delikado na sa daan.
“Alam mo talaga kung paano ako pakiligin eh. Tara na nga, nagte-text na si Keegan kung nasaan na naman tayong dalawa.”
“Ang bitter niyan sa ating dalawa,” natatawang saad ng katabi ko habang papalakad kami sa sasakyan niya kaya ngumisi naman ako.
“Hayaan mo na, ganyan talaga kapag tinaguan.”
"Baby…"
Napatingin agad ako kay Kris ng tawagin niya ako kaya saglit niya akong tinapunan ng tingin at hinawakan ang kamay ko bago magpatuloy sa pagda-drive.
"Did you know that you are my accurate explanation of peace and home. Thank you for being my peace and home when my world is in chaos."
NAPATIGIL na lang ako sa paglalakad palabas ng kumpanya ni Kris ng may humarang sa akin dalawang babae. Nang tingnan ko kun sino ito ay nanlaki ang mata ko at hindi ko na mapigilang yakapin silang dalawa.]
“Jen, Zy! Wala ba kayong trabaho na dalawa?” Pagtatanong ko kaya kumapit naman sila sa braso ko at hinigit na ako palabas ng kumpanya bago ako sagutin.
“Si Shel nasa masteral class niya pa. Si Angge naman ay nagse-serve pa sa simbahan at si Sharrah naman ay may inaasikaso na importante raw kaya hindi muna makakasama sa atin yung tatlo. Mga busy na,” paliwanag ni Zy kaya napatango naman ako at pumasok kami sa isang cafeteria.
Nang maalala ko kung bakit nila ako hinigit dito ay saka ako nagtanong. “By the way, bakit tayo nandito? May sasabihin ba kayong importante?” Taas kilay kong tanong kaya inirapan nila ako at humalukipkip sila.
“By the way bago muna kami magtanong, may itatanong muna ako sa’yo,” saad ni Zyra kaya sumandal naman ako sa upuan at tumango sa kanya indikasyon na sabihin na ang dapat sabihin sa akin.
“Naalala mo pa rin ba si Janna, be?”
Dahil doon ay kumunot ang noo ko at saglit na natigilan. Inalala ko ang pangalan niya at napangiwi na lamang ng maalala ko kung ano ang nangyari sa amin, limang taon na ang nakalipas. That was a little bit brutal, huh?
“Hmm… yes. Naalala ko pa nga kung paano niya ako sabunutan at sampalin eh. Sino ba naman ang hindi nakakalimot doon, kaming dalawa ang gumawa ng history ng mga babaeng nag-away sa hallway ng University natin.” Natatawa ko pang pagku-kuwento kaya napailing na lamang ang dalawa at natawa na rin.
“Ay, oo. Grabe ang galit ko kay Janna non, eh. Buti dumating agad si Sir Kris, yieee.” Pang-aasar ni Jen at tinusok-tusok pa ako sa bewang kaya napangiti naman ako.
“Anong meron kay Janna?” Balik kong tanong sa kanila kaya nagkatinginan naman silang dalawa ni Zyra bago sumagot sa akin.
“Wala lang, nakasalubong lang namin siya kanina. Te, hindi kami pinansin. Sa isip-isip ko, artista yarn,” nakairap na sumbong sa akin ni Zy kaya natawa na lang ako.
“Hayaan mo siya, ganyan din ang ginawa sa akin ng nakasalubong ako. Akala mo kung sino na ngayon, eh. So, balik naman na tayo sa akin. Bakit niyo ako hinigit dito?”
“Ayun na nga, be. Ilang linggo na kaming walang update sa’yo. Tell us what happened to you and Kris this past few days?”