Kabanata 20

Julie

“W-WHAT do you mean?” Nahihirapan kong pagtatanong kaya ngumiti muna siya sa akin at nagpatuloy. Napahinga naman ako ng malalim dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Ganun na ba talaga ako kahalata?

“Alam mo simula ng pumasok ka sa modelling industry, walang araw na hindi niya pinapalagpas ang mga runway mo. Kulang na nga lang maging stalker ka niya pero hinayaan na lang namin dahil kitang-kita sa mga mata niya na masaya siya sa’yo. Ayun ang kauna-unahang pagkakataon na makita ko siyang masaya habang nakatingin sa’yo.”

“Ang saya-saya niya pagdating sa’yo, buhay na buhay yung mga mata niya kapag kasama ka niya. Dati sinasabi niya sa amin na balang araw makakasama ka rin sa team namin, kukuhanin ka niya kahit gaano pa kalaki ang bayad sa’yo. Akala ko nga ay nagbibiro lang siya dahil noong mga panahon na ‘yon ay medyo hindi pa siya napapansin na photographer. Hanggang isang araw, nagulat na lang ako nasa harapan ka na naming lahat… kasama na siya.”

Napatingala ako saglit dahil namumuo ang luha ko sa narinig, ang puso ko ay kumikirot. After all this time, Kris is silently watching me to reach my dreams. Nandoon siya, hindi ko lang nakikita. Hindi ko lang napapansin. Nang tingnan ko ulit si Helena ay namumuo rin ang luha sa mga mata niya.

“Noong mga oras na ‘yon, ikaw ang kailangan niya matagal na. Ikaw rin ang dahilan kung bakit nagpursigi siya sa pangarap niya kasi gusto niya kapag nagkita at nagtagpo na ang landas niyong dalawa ay may maipagmamalaki na siya sa’yo. Kaya Julie… kahit yung salitang siya pa rin, sobrang saya na niya.”

“Love him again, Julie. Sabihin mo na.” Pagtatapos niya at sa mga oras na ito ay tumango lang ako at pinahid ang luha ko.

This time I will not be a coward.

I LOOKED at him while he was looking at the sunset. Mas lalong lumabas ang kagwapuhan niya dahil nasisinagan ito ng araw. Ang buhok niya na magulo na nadadala ng hangin ay tumatabing sa mukha niya.

Habang pinagmamasdan ko si Kris na nasa tabi ko lamang ay lakas loob akong nagsalita. Halos mabulol ako ng lumabas na ang salitang gustong ilabas ng bibig ko. Masyado akong kinakabahan sa gagawin ko ngayon.

“Kris… in the past four years that we haven't been together… Do you have a plan to find your other half again?” Panimula ko kaya mabilis naman siyang bumaling sa akin. Nagtataka ang mukha niya pero sinagot niya pa rin.

“Kahit kailan hindi ay hindi ‘yan pumasok sa isip ko. Ang nasa isip ko lang noong mga oras na ‘yon ay matupad lahat ng pangarap ko. Ayokong sayangin ang oras na ibinigay sa akin kung mapupunta lang din sa wala.”

Napangiti na lang ako at pinagsiklop ang kamay naming dalawa, nang tingnan ko ang reaksyon niya ay mahina akong natawa dahil nanlaki ang mata niya at nakatulala lang dito. Mukhang nabigla yata sa pinaggagawa ko.

“Bakit ako pa rin?” Lakas loob kong pagtatanong kasabay non ay nilagay ko ang ulo ko sa balikat niya. Naramdaman ko naman na mas lalo niya pang pinagsiklop ang kamay naming dalawa na akala mo ay mawawala ako sa tabi niya.

“Ikaw pa rin talaga, eh. Ikaw at ikaw lang talaga, ikaw lang ang babaeng minahal at mamahalin ko ng ganitong kalalim. Kahit marami na akong nakilala, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin at mamahalin ko, Julie. Ikaw lang…” Sagot niya dahilan para manubig ang mga mata ko.

Anong ginawa ko para ibigay at pagtagpuin muli ang landas naming dalawa ni Kris?

“Ikaw… ako pa rin ba?”

Nang tanungin niya iyon ay parang bombang sumabog sa loob ng tainga ko ang bawat salitang binitawan niya. Ramdam ko ang pag-aalinlangan sa tinanong niya pero kahit ganun ay naglakas loob pa rin siya.

Para bang umaasa siya na siya pa rin. Siya pa rin talaga.

“Alam mo noong umalis ka ng walang paalam sa akin… hindi ako galit sa’yo. Iniintindi kita, baka kasi may importante ka na kailangan unahin. Hihintayin kita hanggang sa makabalik ka pero lumipas ang araw, buwan at taon na wala ka ng paramdam. Noong mga oras na ‘yon imbis na magalit ako, mas inintindi pa kita lalo. Yung mga ginawa ko sa’yo, yung mga galit, inis at sakit na ibinigay ko sa’yo noong muli tayong nagkita, ipinakita ko sa’yo ‘yon dahil miss na miss kita.” Pag-amin ko at mahinang natawa. Hinawakan niya ang mukha ko at pinaharap sa kanya. Napapikit ns lang ako ng punasan niya ang luhang pumatak sa mga mata ko.

“Sa apat na taon na lumipas at hanggang ngayon, ikaw pa rin. Ikaw pa rin pa pala,” pag-amin ko at nakita ko ang pagngiti niya pero kalaunan ay umiyak rin.

Kitang-kita ko kung paano niya takpan ang mga mata niya habang ako naman ay niyakap siya at mahinang natawa, mukhang sa aming dalawa ay parang siya ang magiging iyakin. Akala ko ay ako pero mukhang si Kris Adler nga.

“Bakit ka umiiyak?” Natatawang saad ko pero umiling lang siya at yumakap sa bewang ko. napausod pa ako dahil nakikiliti ako sa ginagawa niya. Ang hininga niya ay tumatama sa leeg ko dahilan para makiliti ako.

“Masaya lang, akala ko kasi kapag bumalik pa ako dito ay wala na akong babalikan. Promise baby, babawi ako. Babawiin ko lahat ng pagkukulang ko sa’yo,” aniya kaya inalis ko ang mukha niya na nakadantay sa leeg ko at hinaplos ang pisngi niya.

“Grabe na ang ginagawa mo,” tumigil ako at napaisip naman ako sa sunod kong itatanong sa kaniya. Nang maalala ko ito ay malalim akong tumingin sa hazel brown niyang mga mata. Masyadong maraming emosyon ang nakaakibat dito.

“Kris, can you tell me what happened four years ago. I want… I want my heart to be peaceful right now,” anas ko at ng marinig niya ‘yon ay naging mabilis ang pag-iwas niya sa akin ng tingin. Napakagat-labi naman ako sa naging reaksyon niya, pakiramdam ko ay hindi pa siya handa.

Bakit pakiramdam ko ay may malalang nangyari four years ago? Kaya hindi pa siya handa? Or maybe I’m being too paranoid? Dahil sa naging reaksyon niya ay mas nacurious pa akong alamin ito.

“Can… Can I skip that part baby?” Panlalambing niya pero bakas sa boses niya ang pakiusap at paghihirap niya kaya tipid na lang akong ngumiti at tumango. Idinantay ko muli ang ulo ko sa balikat niya at panay naming pinanood ang papalubog na sikat ng araw. Naramdaman ko naman na mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

“Balang araw, masasabi ko rin ang nangyari sa apat na taon na lumipas. The trauma was still there, I want to feel this moment baby. Gusto kong malaman kung totoo na ba’to, na hawak na kita, na nandito ka na sa harapan ko.”

Unti-unting humihina ang boses niya, ramdam ko ang takot at pangungulila sa boses niya kaya yumakap ako sa kanya. Ngayon ko lang naramdaman ang panginginig ng katawan niya kaya hinaplos ko ang likod niya para kumalma siya. Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit ganito siya ngayon pero ang sakit na nararamdaman sa puso ko ay sobra.

Pakiramdam ko ay mas malalim pa siyang dahilan kung bakit ayaw niya pa ring sabihin sa akin ang nangyari sa apat na taon na lumipas.

“All of this is true, Kris. I’m here now… with you.” Saad ko at napapikit naman ako ng pinagdikit niya ang noo naming dalawa. Ramdam na ramdam ko ang hininga at init ng katawan niya.

“I love you, Julie.” The sincerity of him was there, when I looked into his eyes I could feel the intensity of it. Masyadong nakakalunod ang mga titig niya at sa mga oras na ito paniguradong hulog na hulog na ako at hindi na muling makakabangon pa.

“Hoy! Kayong dalawa, nandito lang pala kayo sa rooftop. Amputcha, kanina ko pa kayo hinahanap, nandyan lang pala kayo naglalandian.”

Mabilis akong humiwalay kay Kris ng marinig ko ang isang pamilyar na boses, nang lingunin ko kung sino ito ay napatayo ako at nilapitan. Si Keegan na ngayon ay nakasandal sa pinto atnakangisi sa akin.

“Anong ginagawa mo dito?” Kunot noo kong tanong kaya umismid naman siya at tumingin sa likuran ko dahil kay Kris na nasa tabi ko na pala agad.

“Mag-impake ka raw. Pupunta tayo kay Nanay Susan bukas, isama mo ‘yan.” Turo niya kay Kris na ngayon ay nakangiti lang sa amin.

“Si Kris Adler?”

“Oo, isama mo raw yang boyfriend mo. Gustong makilala ni Nanay Susan.”