Kabanata 9
Julie
I REMAINED calm and quiet in front of her. Gusto ko mang tumanggi ay hindi na rin naman niya ako paniniwalaan, nahalata niya na ako and now she’s going to confirm it. Jennelie is truly an observer, wala na akong takas sa kanya.
“Even though I can see it, ayokong pangunahan ka. Gusto kong sa bibig mo mismo manggaling, Julie. I’m here, hindi kita huhusgahan. Handa naman ako, eh. Hinihintay ko na lang na umamin ka sa akin,” aniya kaya napakagat labi ako at malakas na bumuntong hininga.
Umiwas ako ng tingin at lumanghap ng hangin para mawala ang kaba sa dibdib ko. Ano pang magagawa ko kundi ang umamin, nahuli niya na ako. Siguro isa na rin ‘to sa paraan para mabawasan ang nararamdaman ko.
“Gusto ko siya,” pag-amin ko at nakita ko naman ang pakikinig niya kaya nagpatuloy ako. “Matagal na, isa’t kalahating buwan na ang nakakalipas ng aminin ko sa sarili ko na g-gusto ko na si Sir Kris.” Naging mahina ang boses ko at muling lumunok para hindi mabasag ang boses ko.
“Pilit akong umiiwas sa kanya pero wala eh, natagpuan ko na lang ang sarili kong bumabalik sa kanya. Lumalayo ako pero lumalapit naman siya, pinipigilan kong pero mas lalo pang lumalalim. Gustuhin ko mang makawala sa nararamdaman ko pero hindi ko magawa kung araw-araw ko siyang nakikita kaya hinayaan ko na lang dahil aalis rin naman tayo ng University, Jen. Alam kong makakalimutan ko rin ang nararamdaman ko.” Pagkatapos ko at ng tingnan ko ang reaksyon niya ay nakangisi lang siya at parang hindi sigurado sa narinig sa akin.
“Sigurado ka dyan, Julie?” Naghahamon niyang tanong kaya napatigil ako at hindi nakapag-isip ng ayos. Nakita ko ang mapaglaro niyang ngiti kaya napaiwas ako at nagpatuloy naman siya.
“Dahil may nakita ako na hindi mo nakikita, Julie.” Dugtong niya kaya muli akong napatingin at nagtaka.
Ano ang ibig niyang sabihin?
“Jen,” pagpigil ko sa kung ano man ang sasabihin niya pero hindi niya ako pinakinggan. Ipinagpatuloy niya ang sinasabi niya, pakiramdam ko kapag hindi niya sinabi sa akin ito ay sasabog na siya at mababaliw. Ang kaninang magaang awra naming dalawa ay naging seryoso ng marinig ko ang sunod niyang sinabi.
“Yung mga tingin sayo ni Sir Kris hindi ako nagkakamali. Iba ang tingin niya sa’yo sa lahat. Kapag magkasama tayo, sa klase, sa kahit saan pa man kapag tinitingnan ka niya ibang-iba sa lahat. Happiness, contentment, longing, softness and lastly love. Ayan, ayan ang mga nakikita ko sa mga mata niya sa tuwing pinagmamasdan ka niya na para bang kaya niyang isuko ang lahat para maparamdam niya kung ano ang nararamdaman niya sa’yo.”
Parang sasabog ang puso ko sa mga sinabi niya, ayokong maniwala. Ayokong umasa. Alam kong hindi nagsisinungaling si Jen dahil hindi niya sasabihin ang lahat ng ito sa akin kung hindi niya ito pinansin maigi. Matalino si Jen, alam kong nagsasabi siya ng totoo pero tinaliwas ko ito.
Ayokong masaktan.
“Namamalikmata ka lang, Jen. Imposible ‘yang sinasabi mo. Hindi niya akong titingnan ng ganoon dahil estudyante niya ako. He will not look at me like that,” pinal kong saad pero umiling lang siya na para bang gusto niyang iparating sa akin na seryoso siya.
“I’m stating the facts here, Julie. Hindi ko sasabihin sa’yo ito kung hindi ko napapansin. Kitang-kita ng dalawang mata ko, Julie pero mas lumabas ‘yon ng mahimatay ka sa harapan naming lahat. Kitang-kita ko kung gaano siya kataranta para lang lapitan ka, wala na nga siyang pakialam sa mga mapanuri naming titig eh! Ang mahalaga sa kanya ikaw! Ikaw sa mg-” Pinutol ko kaagad ang sasabihin niya dahil hindi ko na kinakaya.
“Tumigil ka na. Ayokong umasa, ayokong masaktan.” Matigas kong sambit at handa na sanang umalis pero napatigil ako sa sunod niyang sinabi. Hindi ko alam kung paano niya nahuhulaan ang mga susunod kong hakbang.
“You will confess to him after graduation kasi feeling mo ito ang isa sa mga way para makalimutan ang nararamdaman mo sa kanya, Julie,” anya kaya mabilis akong humarap at napahawak sa braso niya.
“How did you know?” Naiiyak kong tanong dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may nakaalam sa susunod kong gagawin pero at the same time ay natatakot ako. Natatakot ako sa sasabihin niya kahit kaibigan ko siya.
“I accidentally saw it on your notes, Julie. I’m sorry.”
“Jen, nakikiusap ako. Wala sanang makakaalam, walang makakaalam nito. Feeling ko ito na lang ang paraan para makawala ang feelings ko sa kanya. Feeling ko ito ang tanging paraan para unti-unting mawala dahil lumalalim na, eh. Ayokong masaktan, Jen ayoko. Kaya gagawin ko ‘yon.” Naiiyak kong saad kaya niyakap ako ni Jen para pakalmahin.
“No one will know what we talked about, Julie. But thank you for being brave, isa ka ngang Montiero,” pagbibiro niya kaya natawa ako at humiwalay sa yakap niya akala ko ay tapos na siya pero ang panghuling sinabi niya ay ang naging dahilan kung bakit mas naguluhan ang nararamdaman ko.
“Julie, hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko’to nasasabi sa’yo… but I think, Sir Kris have some feelings for you.”
…
UNTIL now I'm still thinking what Jen said to me yesterday, kahit sa paglalagay ng make-up ay lutang pa rin ako. Even Kuya Lucas feels it kaya sunod-sunod ang tanong niya ako na sinasagot ko naman ng ayos, ayokong pati siya ay mag alala. Nang napansin kong ayos na ang ginagawa ng stylist sa akin ay ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat.
Sa bahay kami ni Ate Elise pinapunta ni Kuya Lucas, nang maisuot ko na ang damit na binili namin ay mas lumawak ang ngiti ko dahil hindi ko akalain bagay pala sa akin ang ganitong kulay. Mas lumabas ang pagiging maputi at syempre ang kagandahan ko.
Kulay peach and dress at hanggang lampas tuhod ko ito, off shoulder ang type nito at medyo hiwa sa gitnang dibdib pero hindi naman ako nakikitaan. Pinaresan ko na rin siya ng silver stilleto at ang buhok ko naman ay wavy na may maliit na korona at pearl sa paligid nito. Si Kuya Lucas mismo ang pumili nito kaya labis na lang ang tuwa ko dahil maganda ang kinalabasan.
Nang makita kong ready na ako ay umikot muna ako sa salamin at nagpicture. I will post it later to my instagram account para may memories. Nang sapat na ay lumabas na ako at bumaba, nakita kong naghihintay sa akin si Kuya na ngayon ay nakatitig lang sa akin.
Kaya ng nasa harapan ko na siya ay nginitian ko siya ng matamis na ikinangiti naman niya. Tiningnan niya muna ang kabuuan ko bago ako hinalikan sa noo.
“Paniguradong may mahihirapang bumakod sayo ngayong gabi,” aniya kaya inirapan ko na lang siya at hindi na iniintindi ang sinabi niya dahil male-late na ako sa prom, kanina pa ako chinachat nila Jen.
Habang binabagtas namin ang daan papuntang University ay naramdaman kong nagnotif ang cellphone ko kaya binuksan ko ito at sa group chat pala namin ito. Napangiwi na lang ng sunod-sunod ang pang-aasar nila. Alam na nilang may gusto ako kay Sir Kris kaya ganito ang mga ito.
Zy: @Juls ano be, nasaan ka na?
Sha: Julie Ann, wer na u? Pogi ng crush mo! Bilisan mo maunahan ka na ni Ms Madrigal!
Shel: Te ano na? Grand entrance yata gusto mo pero sige pagbibigyan ka namin pero ang pogi ni Sir ngayon! OMG!
Jen: Juleee, bilisan mo! OMG!
Me: Papunta na ako. Quiet.
Matapos kong isend yon ay pinatay ko na ang cellphone ko at napangiti na ng makita kong malapit na kami sa University. Ipinarada muna ni Kuya ang kotse niya at maingat akong inalalayan.
"Ang ganda talaga ng baby ko," nakangiting saad niya kaya yumakap namam ako sa kanya at nagpasalamat. Hindi na pala niya ako ihahatid sa loob dahil baka mas makaagaw pansin pa raw siya na tinawanan ko na lamang.
Ang yabang talaga ni Kuya Lucas.
"Enjoy the night, baby. Okay?" Paninigurado niya kaya humalik na ako sa pisngi niya at nagpaalam na.
Nang tuluyan na akong makapasok sa University ay hindi ko maitago ang pagkamangha sa nakita ko. May red carpet pa sa gitna kaya natutuwa akong lumakad kaya sa akin napabaling ang atensyon ng ibang estudyante sa akin miski na rin ang mga teacher.
"Please smile for us, Julie." Agaw pansin sa akin ng photographer kaya ngumiti ako at nagpose sa camera.
Nang matapos na ay palihim kong inilibot ang paningin ko para hanapin ang mga kaibigan ko pero tumigil ito sa isang tao na ngayon ay ilang kilometro ang layo sa pwesto ko.
His eyes, his expressive eyes. I can see the adoration through his hazel brown eyes. Nang tingnan ko ang suot niya ay palihim naman akong napangisi dahil mas lalo siyang naging gwapo sa suot niyang black suit at bagay na bagay sa kanya.
Nang akmang lalapit na sana siya sa akin ay nawala ang atensyon namin sa isa't-isa ng may humawak sa kamay ko at ganoon din sa kanya. Si Ms Madrigal naman ang pumigil sa kanya.
"Be, mamaya na kayo magtitigan portion ni Sir Kris baka may makahalata." Banta sa akin ni Jen ng makita kong siya pala ang humawak sa akin kaya tumango na lamang ako at nagpatianod sa kung saan man niya ako dalhin.
Nang makarating na kami sa table ay sari-saring pang-aasar ang natanggap ko kila Zyra kaya namula ako at sinaway sila. Mabuti na lamang at medyo malakas ang music kaya kami-kami lang din ang nagkakarinigan.
"Be, gwapo ni Sir no? Kitang-kita sa mga mata mo na mangha na mangha ka eh," pang-aasar ni Zyra na sinundan naman ni Shel kaya napailing na lang ako.
Ang mahilig talaga akong asarin.
"Oo nga Juls! Ikaw ha, umamin ka na kasi ngayong gabi para isahan na lang kung mareject ka man bukas," pagpupumilit niya kaya napaismid ako at kinurot siya sa tagiliran na ikinasigaw naman niya.
"Manahimik ka muna, pag-iisipan ko 'yang sinabi mo," pabiro kong saad at sabay kaming natawa. Wala na kaming pakialam sa mga nakapaligid namin dahil gusto naming magsaya.
"Wooh! Yes! Graduate na rin ng Senior High School! Ready na ulit tayo makipagbardagulan sa college!" Rinig kong sigaw ni Sharrah kaya nagsigawan naman kaming lahat.
Lahat kami ay energetic dahil sobrang saya ng ipinapatugtog ng DJ sa loob ng gymnasium. Lahat kami ay wala ng pakialam sa paligid dahil lahat kami ay masaya at sinusulit na ang gabi kung saan kinabukasan ay aalis na kami sa University na ito para tumahak ulit sa bagong landas.
Natatawa kaming tumigil ng mapalitan ang kanta ng romantic songs. Bumalik kaming magkakaibigan sa lamesa namin at nag-ayos muna ng sarili. Dahil feeling ko ay medyo hindi maganda ang ayos ng mukha ko ay nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta muna ng restroom.
Nang makita kong tumango sila ay nagdesisyon na akong umalis at tinahak ang daan papunta sa restroom. Tanging sapatos ko lang ang maririnig sa hallway dahil medyo malayo-layo ang restroom namin sa field. Nang akmang liliko na sana ako sa kanan ko ay napahiyaw na lang ako ng may humigit sa akin at tinakpan ang bibig ko.
"Shh… quiet." Utos niya na ginawa ko naman. Dahil sa sinabi niya ay tahimik lang akong nagpahatak sa kanya at nagtaka na lamang ako na sa abandunadong building kami pumunta kung saan iilan lang ang may alam nito. Kaya naging alerto ako at ng akmang sisipain ko na siya ay mabilis niyang akong ikinulong sa mga bisig niya.
"Hey, it's me," aniya sa mahinahong boses at ng iangat ko ang mukha ko para tingnan kung sino ito ay hindi ko maiwasang mapasinghap sa gulat. Bakit niya ako dinala dito?
"Sir Kris, bakit? Anong meron?" Naguguluhan kong tanong kaya imbis na sagutin niya ako ay halos magwala ang puso ko sa sunod niyang ginawa.
Niyakap niya ako ng magaan at sumabay kami sa saliw ng musika. Miski ang pagtibok ng puso naming dalawa ay sumasabay rin. Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa. Tahimik lang sumasabay ang katawan namin sa musika at mariin kong ipinikit ang mga mata ko.
Dahil sa oras na 'to ay makakagawa ako ng desisyon na hindi ko alam kung magiging maganda ba ang kalalabasan o hahayaan ko na lang magsisi ako kapag hindi ko ito sinabi.
"I want fo be your first dance, Julie. I want it to be me." Hindi ko na muna pinansin ang sinabi niya at tumingala ako para salubungin ang mga mata niyang may sari-saring emosyon na tila may gustong ipahiwatig. Lumunok muna ako ng ilang beses bago ko sabihin ang matagal ko ng gustong sabihin.
"Gusto kita… Sir Kris. Gustong-gusto kita." Kasabay ng pag-amin ko ay naramdaman ko ang malambot na bagay sa labi ko.
He stole my first kiss exactly at 12 in the morning of April 5, 2022. Kris Adler Buenavista is my first kiss. He became my first kiss.