Simula
It's good to be back to the place where you can express yourself confidently. The memories, the laugh, the faces of some people that you never forget even how many years have passed by, you can still remember them.
Kusang tumaas ang kamay ko para kawayan ang isang taong matagal ko ng hindi nakikita. Katulad ko ay bakas sa mukha niya ang saya ng magtagpo ang mata naming dalawa. She immediately run towards me and hug me tightly.
"Julie, I miss you!" Her sweet voice filled my ears kaya mas lalo pang lumaki ang ngiti ko.
"I miss you too, Jen." Sagot ko naman at humiwalay na kami ng yakap. Pinagkatitigan niya ang mukha ko. Itinaas baba niya pa ang mata niya sa buong katawan ko kaya 'di ko na mapigilang tumawa.
"Para kang tanga sa ginagawa mo." I tease but she rolled her eyes at me. Nagpapa-padyak pa siya na akala mo ay isang bata.
"Lalo kang gumanda. Alagang-alaga ka yata ni Papa Lucas." Bakas sa tono niya ang pagbibiro kaya mas lalong lumakas ang tawa ko. Hanggang ngayon pa rin ay hindi nila nakakalimutan si Kuya Lucas.
"Self love lang ang katapat nito, Mare. Alam mo naman kapag nasaktan. Charot!" Pagbibiro ko pa kaya napailing na lamang siya at bigla na lamang siyang tumingin sa likuran ko.
"Nandito na sila Crispin?" Excited kong tanong kaya nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya. Kahit nagtataka ay basta-basta na lamang akong lumingon.
And suddenly, I regret it. Our eyes met. His hazel brown eyes that I love to stare everytime. His stare will make you blush. His soft hair, and lastly his handsome face that I will never forget.
He's here. The man that I loved.
"Sir Kris! Na-miss ka namin!" Agad na lumipad ang paningin ko sa nagsalita. Si Dominic na ngayon ay nakaakbay na sa lalaking matagal ko ng matagal na hindi nakita.
"Yeah. It's good to be back here." Sagot niya pero ang paningin niya ay nasa akin pa rin. Hindi ko alam pero gusto kong umalis ngayon dahil biglang nag-iba ang nararamdaman ko.
Habang tumatagal ang pagkakatitig ko sa mga mata niya ay halo-halong emosyon naman ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Akala ko ay nakalimutan ko na nangyari sa akin pero mukhang hindi pa. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin kung ano ang nangyari at sino siya sa buhay ko.
"It's nice to see you again, Julie." Nakangiting saad niya pero hindi ko magawang ibalik ang ngiting binigay niya sa akin. Kaya malamig ko siyang tinignan at palihim na ngumisi.
"Me too, Sir Kris."
He's Kris Adler Buenavista, my teacher and the man who left me 4 years ago.