CHAPTER 40 – ‘Till The Last

KAURY’S POINT OF VIEW

Nakatingin lang ako sa salamin habang inaayosan ako ng tatlong babae, mula sa gown hanggang sa make-up ko ay sila na ang nag-ayos.

Tahimik lang akong nakamasid sa sarili ko habang pilit na pinapalakas ang loob ko, ngayong araw na 'to ang kasal namin ni Finn. At kaunting oras na lang ay malapit na akong matapos at didiretso na sa simbahan.

It's been 2 months since I last saw him, no'ng tuloyan na siyang tumalikod, 'yon na rin ang huling beses na nakita ko siya. Nanatiling konektado ang companya niya sa companya nila Finn pero umalis na siya sa opisina ko.

Hindi na rin ako pumupunta sa mga meeting na alam kung kasama siya. In short, tuloyan nang naputol ang ugnayan naming dalawa. Tuloyan na siyang sumuko sa akin, nalilito ako dahil 'yon naman ang matagal ko ng gustong mangyari.

Pero nahihirapan pa rin ako ng subra, ako lang ata ang ikakasal na wala sa sarili at hindi mapakali.

"Tapos na po, nag hihintay na rin po ang mag susundo sa 'yo." Kinausap ako ng isag make-up artist na nag-ayos sa akin, simpleng tango at ngiti lang ang sinagot ko.

Lumabas silang tatlo kaya tanging ako na lang ang natira dito sa loob. Nakatitig lang ako sa itsura ko na may suot na malaking gown, maganda at masasabi kung bagay sa akin.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at inayos ang heels ko, nang akmang lalabas na ako ay biglang bumukas ang pinto at bumungad doon si Finn.

Napalunok ako sabay kurap ng mata dahil hindi ko inaasahang nandito siya. Dapat ngayon ay nasa simbahan na siya, malapit ng mag simula ang seremonya pero anong ginagawa niya dito? Suot-suot niya ang pormal na barong na talaga namang bumagay sa kanya.

"F-Finn? Bakit ka nandito? Hindi ba dapat nasa simbahan kana?" Nanatili siyang tahimik habang diretsong nakatingin sa akin. Seryoso ang mukha niya.

"Ever since I only have my eyes on you, we're just kids before but I admire you so much. Bata pa lang ako no'ng makita kita, pero sa araw rin na 'yon nakaramdam ako nang kakaibang saya sa puso ko. I was happy when I met you, CK..." Nagsimula siyang mag salita.

"Habang lumalaki tayong dalawa mas lalo akong humahanga sa 'yo. You're such a brave woman not just because of how you handle guns, but because of your strong heart. Kahit kailan hindi ka nag pakita nang kahinaan sa akin, sa amin... You handle so much pain and you only have yourself but despite of that you maintain your braveness"

Finn..

"Alam mo bang sa t'wing nakikita kitang nasasaktan, naapektuhan rin ako? Halos mag kasabay na tayong lumaki CK, kaya kilalang-kilala kita. Alam kung sa likod ng natatangi mong tapang ay may kahinaan ka rin, everytime that I saw you crying, I was there I'm crying too..." Tumulo ang luha galing sa mata ko habang diretso pa ring nakatingin sa kanya.

"Wala akong ibang hinihiling kundi ang maging masaya ka kasi mahal kita... I'm aware of my own feelings. Alam kung noon pa man minahal na kita, sinuportahan kita sa lahat ng gusto mo. Ayokong pabayaan ka dahil gusto ko sa lahat nang laban mo nandoon ako,"

"I'm willing to do everything just to make you happy, just to make you feel my warmth. I'd love seeing your face, lalo na ang ngiti mo. Hindi mo lang alam pero sa bawat ngiti na pinakita mo sa akin mas lalong nadadagdagan ang pagmamahal ko sa 'yo..."

"Hindi ako kailan man nag ka gusto sa iba kasi nasa 'yo ang lahat ng atensyon ko. Palagi kitang tinitingala at palagi kung sinasabi sa sarili ko na, balang araw papakasalan kita... gusto kung makita kang nag lalakad sa simbahan habang naghihintay ako sa harapan,"

"That was my dream, sa buong buhay ko 'yon lang ang hiniling ko. My mother told me before, that she's so lucky to have me. She wished that someday, there is a woman who will love me the way she love me. 'Yon ang huling sinabi niya bago siya mawala,"

"Noong nakita kita, bumalik agad sa akin ang sinabi ni Mommy. That day I realized that I want to marry you, subrang saya ko kung alam mo lang. Habang tinitignan kita na unti-unting nakakamit ang hustisyang gusto mo ay lubos-lubos ang saya ko,"

"My love finally get the justice she deserve, I was so proud. Kulang ang salitang proud para i-pagmataas ka CK. Kahit kailan hindi nag bago ang nararamdaman ko para sa 'yo..."

"Finn... You know how much I'm grateful to you and Tito Kalixto. Tinulungan niyo ako kahit isa lang akong estranghera noon, tinulungan mo ako at tinuring mo akong kaibigan. Doon pa lang subra-subra na ang pag papasalamat ko..." Pinunasan ko ang mukha ko.

"I know... You also helped us a lot CK... I want to marry you right now. But how can I do that?" Umangat ang tingin ko sa kanya. Naguguluhan ako at hindi siya maintindihan. "I love you so much, mahal na mahal kita simula noon hanggang ngayon, pero anong magagawa ng pag-mamahal ko kung iba naman 'yong mahal mo?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko, diretso akong nakatingin sa mga mata niya na ngayon ay nanubig at nag-unahang pumatak ang luha doon.

"Finn..."

"Gusto kitang ipagdamot gusto kitang itali sa akin, gusto ko akin ka lang, gusto kung akoin ka... Dahil mahal kita. I can marry you right now, but I don't want to be unfair to you... You don't love me at all... You never did,"

Wala na akong magawa kundi ang humagulhol. Mahal ko si Finn pero hanggang kaibigan lang. Minahal ko siya pero hindi katulad ng pagmamahal ko kay Kian.

Nag lakad siya papalapit sa akin at hinawakan ang kamay kong nanginginig. Unti-unti niyang tinanggal ang engagement ring na sinuot niya sa akin noon.

"Finn..." Tumingin ako sa kanya.

"Alam ko naman na kahit kailan hindi mo ako mamahalin, gusto kung ipagpilitan pa ang sarili ko sa 'yo. But I saw you that night," Nakatitig lang ako sa kanya. "Kitang-kita kita noong gabing 'yon CK, kung paano ka lumabas at sumulong sa ulan para lapitan ang lalaking totong mahal mo..."

Nanginginig ang labi ko, walang tigil na tumutulo ang luha habang naalala ang gabing 'yon.

"Nang gabing 'yon napatunayan ko sa sarili kung mahal mo nga talaga siya, pero nahirapan akong bumitaw kaya tinuloy ko pa rin ang engagement party natin... umaasa ako na sana mag bago pa ang ihip ng hangin at tumingin ka sa akin kung paano ako tumingin sa 'yo..."

"I'm sorry... I'm so sorry..."

"Pero talo ulit ako... kahit tinanggap mo ang singsing na 'to kung ang tingin mo ay nasa lalaking totoong mahal mo, walang-wala pa rin ako. CK hinintay ko lang na tumutol ka! Hinintay ko lang na sabihin mo sa aking hindi mo ako mahal,"

"P-Paano ko magagawa 'yon Finn? Alam kung masasaktan ka-"

"Matagal na akong nasaktan.... let's end it here CK... Mahal na mahal kita pero tama na, please.... please don't say anything that will make me change my mind..." Tinaas ko ang kamay ko at pinunasan ang pisnge niya.

"Finn, you don't deserve me, I'm not the woman who can fulfill your happiness. Mahalaga ka sa akin, at mahal kita... pero hanggang kaibigan lang. Tama ka, nandoon ka no'ng mga araw na bagsak na bagsak ako, simula noon wala kang ibang pinakita sa akin kundi kabutihan," Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan 'yon. "Pero Finn... hanggang doon lang talaga e, kahit anong pilit kung mahalin ka-"

"No.... I don't want that, ayokong mapilitan ka lang. H'wag mo nang ituloy kasi nasasaktan nanaman ako..." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Please find a woman who can love you the way your mom loves you, at hindi ako 'yon. Find a woman who can treat you like a man, who can look at you with so much love..."

"For the last time, let me do this..." Mahigit niya akong niyakap at hinalikan sa noo.

"Finn..."

"You're such a beautiful bride, but sadly I'm not your groom." He smiled bitterly. "Go chase your happiness CK, your real happiness." Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang papel, inabot niya 'yon sa akin.

"Finn, a-ano 'to?"

"Kian is leaving the country, and you only have a short time to stop him." Natigilan ako at tinignan ang papel. Address 'yon ng isang airport. "Go... Stop him, CK before it's too late..."

"Finn-"

"I'm not fine, but let me help you for the last time. Hindi ko masasabing masaya ako, pero luluwag ang pakiramdam ko dahil alam kung masaya ka... After this, babalik ako sa Paris." Lumapit ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap.

"Thank you so much.... I'm sorry..."

"Go, umalis ka na. Don't worry about Asy, she's with Polen." Dahan-dahan akong tumango at pinunasan ang mukha ko. "Umalis ka na, baka hindi mo na siya maabutan."

Sa huling pagkakataon ay nag palitan kami ng ngiti. Lumabas ako hanggang sa tuloyan ko na siyang hindi makita. Tumakbo ako papalabas at pumara ng taxi.

Ilang minuto na lang ay paalis na ang eroplanong sasakyan ni Kian. Kaya halos utusan ko na ang driver na bilisan ang pag-papaandar ng kotse niya.

Nang makarating ako ay hindi ko na pinansin ang mga taong pinagtitinginan ako ng may pagtataka dahil sa itsura ko. Muntik pa akong mawalan ng balanse dahil natapakan ko ang laylayan ng gown ko.

Pero nag patuloy ako sa pag-takbo ko. Pinalibot ko ang tingin ko sa loob ng airport umaasa na makita siya, pero natinag lang ako nang marinig ang sinabi ng isang babae.

Nakaalis na ang eroplanong sinakyan niya.

Bumagsak ako sa malamig na semento.... Nahuli ako... Hindi ko na siya naabutan. Hindi ko nasabi sa kanya na mahal ko siya at handa akong piliin siya sa pagkakataong 'to.

******

Tama nga si Kian. Maraming nag bago sa dati naming tinitirhan, nag iba ang style ng buong bahay pero hindi lahat. Naging mas malinis ang paligid at maaliwalas.

Gabing-gabi na pero nandito pa rin ako, nakatayo habang nakamasid sa loob. Nag lakad ako papasok dahil hindi naman naka lock ang gate ay nakapasok agad ako.

Bumalik sa akin ang mga ala-ala ko na kasama siya noon. I love him, but I was late to realize my feelings.

Subra-subrang pagsisisi ang bitbit ko ngayon, tuloyan na siyang nakaalis at naiwan ako. Walang ibang may kasalanan kundi ako, dahil sa akin umalis siya. Dahil sa akin punong-puno ako ng pagsisisi ngayon.

Binalik ko ang atensyon sa bahay, bukas rin ang pinto kaya pumasok ako. Muntik pa akong magulat nang makita si Claire sa loob, pati siya ay napatalon nang makita ako.

"Senyorita Kaury?" Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Ah, nilinisan ko po ang buong bahay, at patapos na po ako." Aniya na parang nababasa ang isipan ko. "Ano pong ginagawa niyo dito?"

Mapait akong ngumiti. "P-Pwede bang umakyat ako sa taas?"

"Wala na po si Senyorito Kian, nakaalis na po siya. Pero kung 'yon po ang gusto mo, ito po 'yong susi." Inabot niya sa akin ang maliit na susi at nginitian ako. "Aalis po ako ngayong gabi, pwedeng dito ka po mag stay, or kung gusto mong umalis pakisara na lang ng pinto at gate." May dalawang susi pa siyang binigay sa akin.

"Salamat Claire..." Tinapik ko ang balikat niya at nagsimulang mag lakad papunta sa taas. Parang nanghihina ang katawan ko habang humahakbang ako papalapit sa dati kung kwarto.

Matagal ko 'yong tinitigan at binaling ang tingin sa dating kwarto ni Kian. Lumapit ako doon at binuksan ang kwarto niya gamit ang susi na binigay ni Claire sa akin, madilim at walang kahit na anong ilaw.

Nang isara ko ang pinto ay dahan-dahan akong umupo sa sahig at nagsimulang umiyak. Niyakap ko ang sarili ko habang patuloy pa rin sa pag hagulhol.

Ang linaw pa sa ala-ala ko... subrang linaw pa ng mga ala-ala ko na kasama ko si Kian. Akala ko noong una masama siyang tao kagaya ng Ama niya, kinamuhian ko siya at tinatak sa sarili kung galit ako sa kanya.

Mas lalo pang lumakas ang kutob ko na isa siyang masamang tao dahil pina-kidnap niya ako noon. Pero habang tumatagal, nakikita ko ang totoong ugali niya... pinili ko lang mag bulag-bulagan.

Pinili kung gantihan siya, lokohin siya, at iwanan siya.

Sa tingin ko nga kulang pa ang sakit na natamo ko ngayon, kulang pa kumpara sa sakit na dinulot ko sa kanya. Ngayong sumuko na siya ako naman itong gusto siyang habulin.

"You're too loud, hindi mo ba nakikitang natutulog ako?" Parang tumigil ang hininga ko ng may biglang mag salita sa loob ng kwarto.

Nanlaki ang mata ko habang paulit-ulit na nag e-echo sa utak ko ang boses niya. Dahil walang kahit anong ilaw ay wala rin akong makita, imahinasyon ko lang ba 'yon? Sinampal ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko'y nababaliw na ako.

Hindi pa ako nakontento sa isang sampal at dinagdagan 'yon ng dalawang mag kasunod na sampal.

"Fuck, what are you doing..." Ayon nanaman ang boses ni Kian. Nananaginip ba ako? O tuloyan na talaga akong wala sa sarili? Akmang sasampalin ko ulit ang sarili ko ng may pumigil sa mga kamay ko. "Stop hurting yourself."

Sa isang iglap ay nagkaroon ng liwanag sa buong kwarto. At kitang-kita ko si Kian na nakayuko habang nakahawak sa kamay ko. Ilang ulit akong napakurap habang kinukusot ang dalawang mata ko dahil baka guni-guni ko lang 'to.

"K-Kian... i-ikaw ba talaga 'yan?" Sinalo niya ang tingin ko at inalalayan akong tumayo. "Nanaginip lang ba ako? Kung nanaginip ako, ayoko munang magising..."

"You're not dreaming, Kaury."

Hinaplos ko ang mukha niya habang tumutulo ang luha ko. "I'm so sorry.... patawarin mo ako, patawarin mo ako.." Sinubsob ko ang mukha sa dibdib niya at hinayaan ang sarili kung umiyak. "Akala ko wala ka na... paanong nangyari na andito ka Kian? Umalis ka na 'di ba? Totoo ba talaga 'to?"

"How can I leave when my wife is here," Humiwalay ako para tignan siya.

"Kian..." Yumuko at dahan-dahang lumuhod sa harapan niya habang walang tigil ang pag-agos ng luha ko. "I'm so sorry... alam kung sinaktan kita ng subra, napaka selfish ko para manakit ng iba, pinaasa kita, at binato nang masasakit na salita... At alam kung hindi sapat ang sorry ko..." Nanatili akong nakaluhod sa harapan niya.

I kneel down just like what he always do.

"Stand up," Hinawakan niya ang mag kabilaan kung braso para patayuin ako pero nanatili akong nakaluhod.

"I'm so sorry... patawarin mo ako..."

"Damn. Tumayo ka na, just three words Kau, say it to me... That's what I only want to hear from you.."

"I love you... Kian mahal kita, mahal na mahal kita..." Ang seryoso niyang mukha ay napalitan nang lambot habang nakatingin siya sa akin. Tuloyan na akong tumayo habang hawak niya ang balikat ko.

"Hmmm..."

"Kian... Please, h'wag mo akong iwan," Niyakap ko ulit siya na parang natatakot na akong bumitaw ulit. Gusto kung ganito na lang palagi, dahil baka bukas siya naman ang mawala sa tabi ko. "I love you, mula noon.... mahal na kita,"

Gumanti siya nang yakap sa akin at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko. "Damn, I miss you so much... welcome home my wife." He whisphered. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko habang nakayakap pa rin sa kanya.

"Akala ko umalis ka na...."

"Why would I? Hindi kita basta na lang iiwanan Kau, if you really think that I'll stop chasing you, then you're wrong. Because I have the right to own you, I have the right to take you with me." Hinalikan niya ako. "I didn't sign the annulment paper Kau."

"W-What? P-Pero sinabi ni P-Polen sa akin-"

"I will never let it happen. Let's just say that I tricked you, I did talk to your friend Kau. We keep a secret from you, and that's the truth that I want to reveal. Sayang, kung natuloy ang kasal niyo, sisigaw ako ng 'itigil ang kasal' then I will let you see this papers, to prove that you're my wife." Ngumiti siya at hinalikan ulit ako.

Habang ako ay hindi man lang magawang makapag-salita. He didn't sign the annulment paper? Kung ganoon sa limang taon na 'yon ay asawa ko pa rin siya!?

"But you remember what I told you before? I said that I will marry you again even if we're already married? I will make it happen, Kau... Tutuparin ko ang pangako ko." Pinunasan niya ang pisnge ko. "I love you so much... please choose me this time."

Hindi na ako sumagot at mabilis na tumingala para mahalikan siya. Habang nakadampi ang labi niya sa akin ay hindi ko maiwasang ngumiti lalo na't natuklasan kung hindi talaga siya umalis.

I will choose him this time. I will make my self a deserving woman for him. Simula ngayon hindi na ako tatalikod sa kanya.... hindi ko na siya ulit tatalikuran pa.