CHAPTER 38 – Hurt Him
KAURY’S POINT OF VIEW
"Saan ka galing kagabi CK? I heared your foot steps," Napakuyom ang kamao ko at hindi magawang tumingin kay Finn ng diretso. Wala akong mukha na maihaharap sa kanya pagkatapos ng nangyari sa amin ni Kian.
Subrang guilt ang dinadala ko ngayon na halos hilingin kung lamunin na lang ako ng lupa. Wala akong pinagsisihan, pero pakiramdam ko ang sama kung babae dahil pumatol pa ako sa iba, gayong malapit na ang engagement naming dalawa.
"M-May binili lang... may tinapos akong trabaho, kaya hindi ako maagang natulog," nanatili akong nakayuko habang nasa harapan ko siya. "Ahm Finn... May meeting ka ba ngayon?"
"Yes, marami akong appointments ngayong araw. May kailangan rin akong i-welcome na bagong investors," peke akong ngumiti at inangat nang kaunti ang mukha ko.
"P-Pwedeng sumama ako sa 'yo? Wala naman akong masyadong gagawin sa opisina maliban sa permahan ang mga documentong ipapasa ko," parang hindi niya inaasahan ang sinabi ko, pero mabilis din siyang ngumiti at tumango.
"Of course! That would be great, mas gusto kung sumama ka sa akin," Tumango ako at nag paalam na papasok muna ako sa kwarto namin ni Asy.
Ginising ko na siya dahil may klase pa siya ngayong umaga, si Polen ulit ang susundo sa kanya. Simpleng routine lang ang ginawa namin, pinaliguan ko siya, binihisan at pag katapos ay pinakain ko na rin.
Dumating na rin si Polen bandang alas syete nang umaga, ihahatid sana namin sila kaso may mga investors pa kaming kailangang sunduin sa airport.
Kaya heto ako ngayon sa loob ng kotse ni Kian. Masyadong pagod ang katawan ko dahil wala rin akong tulog, hindi ko magawang matulog pagkatapos ng mga nangyari.
Gaya nang pinangako ko, iiwasan ko na siya. Pinuputol ko na ang ugnayan naming dalawa. Kaya gagawin ko ang lahat ng kaya ko maiwasan lang ang presensya niya.
Tahimik lang ang byahe namin ng mag vibrate ang cellphone sa bulsa ko. Pasimple ko itong sinilip, pero parang masasaktan lang ako dahil sa mga text na natanggap ko mula kay Kian.
From: Kian
Where are you?
From: Kian
Are you okay? Ma la-late ka ba?
From: Kian
Let's eat lunch together, later?
May halos 10 missed call rin ako mula sa kanya. Binaba ko ang cellphone ko at huminga nang malalim. Hindi kaya kailangan ko na ring mag palit ng sim?
"We're here." Sabay kaming bumaba ni Finn sa kotse niya at nag lakad papasok sa loob ng airport. Umabot nang ilang minuto ang pag-hihintay naming hanggang sa dumating ang dalawang lalaki at isang babae na s'yang mga bagong investors namin.
"Hi, Mr. Vercollo, and Ms. Sullivan? Right?" Ngumiti ako at nakipag-kamay sa kanya. Ang babae ang unang nag salita. "I'm Celystia Zenn Bernardo, nice meeting you both."
"Welcome, Ms. Bernardo, nice meeting you too." Sumunod lang ako kay Finn hanggang sa makalabas ulit kami. Saglit lang kaming nag usap-usap patungkol sa bussiness na sisimulan namin sa susunod na buwan.
Pag katapos no'n ay nag paalam rin kami sa isa't-isa. Sunod kaming pumunta sa isang restaurant para i-meet ang isa pang bussiness partner at pumirma ng iilang papelis.
"Are you hungry? We can order," Umiling ako at umupo sa katabi niyang upuan. Ilang minuto lang ay dumating na ang hinihintay namin, pero parang nalaglag ang bagang ko nang makita kung sino ang kasama nito.
"Mr. Vercollo, I'm not late, right?" Binati kami ng lalaking may katandaan na. Kung hindi pa tinapik ni Finn ang balikat ko ay hindi ko mamamalayan na nasa harapan na pala namin sila. "I didn't have the chance to tell you, but I also invite Mr. Krefandez, to attend this meeting."
Nag katinginan kami ni Finn, parang tinatanong niya ako kung ayos lang ba.
Sa totoo lang hindi, gusto kung tumakbo papalabas ngayon at mag tago kahit saan. Ayoko dito dahil ramdam ko ang presensya niya, wala naman akong ibang magawa kundi ang manatili sa kinatatayuan ko.
Maliit na ngiti lang ang pinakita ko sa kanya at nag baba ng tingin.
"It's okay Mr. Romez. Let's start?" Sabay-sabay kaming umupo habang ang mga mata ko ay nakatitig lang sa menu. Nagsimula silang mag usap, at ako ay tahimik lang tabi ni Finn.
Sooner or later matutunaw na ata ako dahil sa titig niya sa akin. Nakikita ko siya sa gilid ng mata ko kahit nasa menu ang paningin ko. Nag vibrate ulit ang cellphone ko kaya nilabas ko ito mula sa bulsa ko.
From: Kian
You okay? Look at me pls.
Nakatitig lang ako sa mensahe niya dahil may dumating ulit na bago galing pa rin sa kanya.
From: Kian
Sabay ka sa 'kin mamaya?
From: Kian
I love you.
Mariin akong napapikit habang pilit na tinatago ang mukha ko sa menu na nasa harapan ko. Wala ako sa sarili ko buong oras, mabuti na lang at tanging pakikinig lang ang ginagawa ko. Dahil kung tatanongin nila ako ay sigurado akong hindi ako makakasagot ng maayos.
Nang matapos ang meeting namin ay sabay kaming nag lakad papalabas. Sa isang oras rin na 'yon ay nagawa kung iwasan ang tingin niya sa akin. Ngayong nasa labas na kami ay nagkaroon ako ng tsansya na tumingin sa kanya.
Nagtama ang tingin naming dalawa. Alam kung may balak siyang lumapit sa akin pero bago pa mangyari 'yon ay pinulupot ko na ang kamay ko sa braso ni Finn at inaya siyang umalis na kami.
Hindi na ako muling lumingon.
"Asy! How's school?" Nag presenta akong sunduin si Asy para mabilis akong makaalis sa opisina. Actually hindi sa opisina ko, kundi sa opisina ni Finn. Buong araw akong nanatili doon, maiwasan lang si Kian.
"Momi, okay naman pow," Naglakad kami papalabas ng eskwelahan niya nang mahagip ng mga mata ko ang napaka-pamilyar na pigura.
"Betty?" Kusa akong dinala ng mga paa ko papalapit sa pwesto ng babaeng pamilyar sa akin. Hindi ako nagkakamali, siya nga. "Betty!" Kinalabit ko ang braso niya at halatang nagulat siya sa ginawa ko.
"Jusmeyo naman Miss! Alam kung maganda ka, pero 'wag mang gulat ah? Anong kailangan mo? Hihinge ka bang autograph?" Tinaasan niya ako ng kilay at kalaunan ay unti-unting nanlaki ang mata niya. "Owemji! You! Kaury!"
Napaatras ako nang bigla siyang tumalon na para bang yayakapin niya ako kaya ang ending ay muntikan na siyang masubsob sa kalsada kung hindi ko lang nahawakan ang kamay niya.
"Okay ka lang?"
"Bakit ka kasi umiwas? Jusko naman Kaury... Ikaw ba 'yan!? As in si Kaury na kaibigan ko? 'Yong sinto-sinto at lukarit?" Wow. Compliment ba 'yon? Walang hard feelings?
"Ako nga... Betty, kamusta ka na?" Lumipat ang tingin niya kay Asy na ngayon ay inosenteng nakatingin sa kanya. "Si Asy, anak ko." Ngumiti ako.
"Really gurl!? Bakit hindi ko 'to alam! Traydor ka Kaury! Sabi ko gawin mo akong Ninang!" Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papalayo doon sa pwesto namin dahil masyadong maraming tao.
"Sorry... Hindi ko nasabi, sila Kevin? Anong ganap sa kanila? Buntis no'n si Jirah 'di ba?" Inismiran niya ako.
"Buntis pero hindi si Kevin ang ama," Natigilan ako habang nakaawang ang bibig. "Hindi lang 'yan ang chika ko, marami pa. Pero ito ang uunahin ko, ang tungkol sa kanila. Nalaman namin na may nakatalik palang ibang lalaki si Jirah, at kinokompronta siya ng lalaki. Kaya ayon, nag pakasal silang dalawa at naiwan si Kevin." What the fuck?
Ang kumplikado no'n! Nabuntis ng ibang lalaki si Jirah, habang sila ni Kevin? "Hindi natuloy ang kasal nila?" Kasi sinabi nila sa akin noon, na may plano silang mag pakasal.
"Syempre hindi, umalis patungong ibang bansa si Jirah kasama ang totoong Ama ng anak niya," ang dami palang nangyari sa mga nakalipas na taon. "May chika pa ako! About sa akin, mismo," Pinakita niya sa akin ang kamay niyang may singsing.
"K-Kasal ka na?" Tumango siya at bahagyang umikot sabay flip hair.
"Yes! Yes! Yes! Hindi ako single,"
"Kanino naman? Ipakilala mo naman sa akin..." Tinignan ko ang singsing sa kamay niya.
"Matagal mo nang kilala 'no!" Nag salubong ang kilay ko. "Edi si Kevin! Asawa ko siya, kinasal kami 2 years ago." Tangina. Nakatunganga lang ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya.
Habang siya ay parang ang saya-saya habang winawagay-way ang kamay niyang may singsing. Paanong nangyaring nag pakasal sila? Wala akong maintindihan! Naalog ang utak ko.
"Lalim hindi ko na masisid iniisip mo." Tinalikuran ko muna siya para bumili ng cotton candy dahil kanina ko pa napapansin na nakatingin doon si Asy. Bumili ako ng isang piraso at binigay 'yon sa kanya bago bumalik sa pwesto kung nasaan si Betty.
"Paano nangyari 'yon Betty? 'Wag ka ma-offend ah, pero puro lang kayo bangayan noon. Paanong..."
"May point ka naman, ayoko sa presensya ni Kevin. Ang sarap niyang gerahin everytime, pero ang lahat ay nag babago Ciara Kaury, we develop our feelings for each other! Naks english 'yon!" Napailing ako.
May kotse rin na huminto sa harapan namin at hindi ko inasahan na si Kevin ang lumabas mula sa kotse. Halos hindi ko na siya makilala, dahil ang daming nag bago sa itsura niya.
"Lalove! Bakit ngayon ka lang? Ha?" Malakas na batok ang binigay ni Betty sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa na hindi makapaniwala, kahit kailan hindi ko naisip na magiging sila.
"Sorry, nasiraan ako ng kotse- Kaury!?" Tinaas ko ang kamay ko at mahinang kumaway. "'Di nga? Si Kaury 'yan!?"
"Parang tanga 'to. Siya 'yan, walang duplicate!" Kahit mag-asawa na sila wala pa rin palang nagbabago sa trato nila sa isa't-isa.
"Kamusta?"
"Ayos lang... Late na ako, pero congratulations sa kasal ninyo."
"May last chika pa pala ako, naalala mo si Angelo? Nakakulong na siya, at alam mo ba ang nakakagulat Kaury?"
"Hindi Betty... hindi ko alam,"
"No'ng hulihin siya ng mga pulisya sa apartment niya, punong-puno ng litrato mo ang buong kwarto niya! For real, ang creepy niya. Lakas talaga ng tama no'n sa 'yo," sa totoo lang ay wala akong pakialam kay Angelo.
Pero inaamin kung nagulat ako dahil sa sinabi niya.
"No worries, nakakulong na siya. Dahil suspect sa isang rape case," Tumango ako, may mas ilalala pa pala si Angelo sa inaakala ko. Deserve niyang makulong.
Mahaba ang naging kwentuhan namin ni Betty hanggang sa nag paalam kami sa isa't-isa. Nahiya pa ako nang ihatid nila kami ni Asy, hindi na ako tumaggi dahil minsan lang kaming mag kita-kita.
"Ipapasa ko muna 'to sa conference room," Paalam ko kay Finn. Tumango lang siya at tipid akong nginitian. Halos apat na araw na simula no'ng iwasan ko si Kian.
Isa lang ang masasabi ko, subrang hirap. Ang hirap nang ginagawa ko at kailangan ko 'yong tiisin. Subrang dami na ring text at call ang natanggap ko mula sa kanya.
Sana lang ay hindi ko siya makasalubong ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling mag kita kami. Balita ko rin naman, na medyo busy siya dahil last week niya na ngayon dito. He's going to leave.
Tahimik lang akong naglalakad papunta sa conference room, pero bumagal ang bawat hakbang ko nang makita siyang nasa harapan ko at nag lalakad papalapit sa akin.
Gusto kung tumalikod, kaso hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko. Nanghihina nanaman ako at nanginginig ang kamay ko.
"Kau... How are you? Busy ka ba? You didn't answer my call, pati message ko." Yumuko ako at inipon ang natitirang lakas ko para talikuran siya pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papunta sa kung saan wala masyadong tao.
"I-I'm busy... I can't entertain you now,"
"Busy avoiding me? Akala mo ba hindi ko napapansin? I was so happy to woke up that day, but my smile faded when I didn't see you... What happened? After that night you started to distance your self again... pinagsisihan mo ba?" Hindi. Hindi ko 'yon pinagsisihan, pero kailangan kitang layuan Kian.
Kung may lakas ng loob lang ako, sasabihin ko 'yon sa kanya.
"Please, masyado lang akong maraming ginagawa-"
"You kept staying on his office, and it's killing me. Bakit? Hindi kita maintindihan," si Finn ang tinutukoy niya. Minsan niya na rin akong nakitang pumasok sa opisina ni Finn.
"Mag usap na lang tayo sa susunod-"
"CK." Napalunok ako dahil sa malamig na boses ni Finn na nanggaling sa likuran ko.
"We're in serious matter right now, could you please stop interrupting us?" Iniwas ko ang kamay ko nang makitang hahawakan niya 'yon.
"I'm sorry for disfurbing the both of you, but I need my fiancé, Mr. Krefandez." Mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ni Finn. Nahihirapan akong huminga dahil sa sitwasyon namin ngayon.
"What?"
"Did you invite him CK? Malapit na ang party natin," Hinila ni Finn ang kamay ko at nilayo kay Kian.
"F-Finn-"
"Hindi pa ba? Then let me invite him. We're going to held our engagement party this coming Saturday, and you're invited of course." Lumipat ang tingin ko kay Kian na ngayon ay nakatingin sa akin. "Let's go CK?"
"S-Susunod ako...." Mahinang sabi ko. Nauna siyang mag-lakad papaalis habang naiwan ako.
"Tell me he's lying,"
"He's not. Totoo ang sinabi niya Kian," Tumiim ang bagang niya habang nasa baba ang tingin.
"Why... why are you doing this to me?"
"Madali kang lokohin e," sige lang... kailangan ko lang siyang saktan nang saktan hanggang sa kusa na siyang tumigil. "Kung iniisip mo ang nangyari no'ng gabing 'yon pwes para sa akin wala lang 'yon Kian."
"No, you're lying Kau. Please tell me that it's not true." Sorry. "Tell me that you love me Kau, I'm willing to fight for you again but this time I will never let you go... so please.." Winakli ko ang kamay niya.
This is my last shoot.
"Wake up Kian! Wake up! Hindi kana natuto, I'm just fooling you! There's nothing special about my feelings. I hope matapos na ang lahat dito, Finn is going to be my fiancé and soon to be my husband." Kinuyom ko ang kamao ko. "I'm sorry.... Pero hindi kita mahal."
And then again... Tinalikuran ko nanaman siya sa pangalawang pagkakataon. Binitawan ko nanaman ang mga salitang labag sa kalooban ko.
Wala na. Tapos na