Chapter 39

"Bakit mo naman binato ng bola, mamaya maguidance ka" sabi ko sa kanya nang nasa garden na kami, pinapakain nya ng biscuit ang mga ibon.

"Hinawakan ka eh, ayoko nun. Ilang buwan akong nagtiis na makita sya bilang boyfriend mo, hindi ko na sya hahayaan ngayon" possessive naman nito.

"May klase pa pala ako" sabi ko, he fished his phone and called someone.

"Please excuse your student Azrielle Rostana from your class. Thank you" rinig kong sabi nya. "Tara na mag date" energetic nyang sabi saka nya hinawakan ang kamay ko, ano? Date?

"Akala ko ba sa rooftop tayo?" I asked while he's driving.

"I cancelled it, sila nalang kakain don. Don't worry nakahanap ako ng ibang resto" grabe 'to gumastos, pero sinong sila? Nagpaprepare sya sa rooftop ng lunch?

"Montreal" aniya sa waiter, wow parang password ang apelyido. Ang galing.

"Bakit walang tao? Kakabukas lang nila?" I asked, nasa pinakagitna kami ng hall nila, may  buffet sa gilid.

"No, reserved for us" napanganga ako sa sinabi nya, eh ang daming food na nakadisplay ah.

"Hindi naman natin mauubos yan eh, grabe ka naman sayang rin yung pinacancel mo sa school"

"Walang sayang pag ikaw ang kasama ko, Azrielle. They can eat everything after our date."

Puro masasarap na pagkain ang sinerve nila, baby back ribs, beef steak, cordon bleu, may pasta rin.

Hindi ako sanay na kaharap ko siyang kumain, mas lalong hindi ako sanay na nanliligaw sya sa akin no! Awkward talaga!

"Uhm, alam ni Eros na gusto mo ako?" Tumango sya habang ini-slice ang steak ko.

"Your mom, dad and your kuya too. I think even your friend, Amerie"

"So ako lang hindi nakakaalam?" Nagtatakang tanong ko.

"Yes, or you knew it already but you keep on denying it to your self. I never said I like you but my actions did, you're just too dense"

"Hindi ah, ayaw ko lang mag assume" pagtatanggol ko sa sarili ko, grabe siya ha. Tumango naman siya.

Teka bakit ang sexy nya ngumuya bigla? Ganyan naman sya ngumuya noon ah? Bakit ang gwapo niya sa paningin ko? Eh wala namang bago sa kanya?

"Stop staring or I'll kiss you" he warned, ngumuso lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi ko alam kung kelan ako masasabay sa pgiging vocal nya.

"Kumain na rin kayo, thank you" aniya habang hawak hawak ang kamay ko, papalabas na kami.

The warmth of his hand warms my heart, siya lang naman ang humahawak sa kamay ko, Eros did too but I never felt this feeling before, yung parang safe ka hangga't hawak ka nya.

"Saan na tayo next?" I asked while swaying our hands. "Joyride lang muna, hintayin natin mag alas sais"

Nakakita ako ng gum sa sasakyan nya, nag bukas rin ako ng para sa kanya, he opened his mouth at hinintay na isubo ko sa kanya yung gum. I flushed when he kissed my fingers.

"Do you want to drive my car?" Tanong nya. Mabilis akong tumango. Nasa kalagitnaan kami ng high way na hindi masyadong dinadaanan except sa gabi at sa umaga. Kapag ganitong oras wala masyado.

Itinigil nya sa gilid ang sasakyan at bumaba, seryoso nga sya. Yehey!

Medyo kinakabahan ako habang hawak ang manibela, huminga ako ng malalim at pinatakbo ang sasakyan. Oh my gosh, so cool!

I enjoyed driving his sexy car with him on the passenger seat, pokus lang sya sa daan habang ako pokus rin sa pagmamaneho.

"Tabi mo lang, baby" I looked at him sideways, did he just called me baby?

"Baby, itabi mo sabi." I stepped on the brake and the car stopped.

Bumaba sya, nagulat ako nang buksan nya ang pinto ko.

"Saan tayo punta?"

"Mr. Ice cream is waiting for us" sinundan ko ng tingin ang itinuro nya at nakita ang pamilyar na pinagbibilhan namin ng ice cream noong bata pa kami, lumipat na pala sya dito.

"Manong" tawag ni Coltrane. Naningkit ang mata ni manong na parang kinikilala kaming dalawa.

"Triple chocolate syrup" sabi ko, he snapped his fingers and smiled.

"Ang laki niyo na ha, kasal na ba kayo?" tanong nya sa amin, nag init ang pisngi ko at napaubo, Coltrane chuckled and wrapped his arms on my waist.

"Nanliligaw palang manong, pero ikakasal din" pinandilatan ko siya ng mata, mas lalo lang lumawak ang ngisi nya.

Anong ikakasal? Napaka advance naman mag isip nito! Paano kung di ko siya sagutin? Hmp!

"Bakit lumipat po kayo dito manong?" Tanong niya habang kinakain ang ice cream nya, nasa tabi nya lang ako at pinapapak ang chocolate syrup.

"Bawal ng pumwesto sa dati kong pwestuhan eh, okay naman dito pero pag ganitong oras matumal"

"Wala namang nagmamay-ari sa pwesto nyo noon ah? Sino nagbawal? Mga pulis?" Tumango si manong.

"May cellphone number ho ba kayong pwedeng matawagan? Kunin ko po" may nilabas na papel si manong na number daw ng anak niya, wala kasi siyang cellphone.

"Tara na sa cliff" aya nya, siya na ang nagmaneho para mas mabilis.

Inuubos ko ang ice cream ko habang nagmamaneho siya. Mahina siyang sumasabay sa kantang Harana ng Parokya ni Edgar.

Nadatnan namin ang driver nila sa cliff, agad silang bumati sa amin. Coltrane handed him his keys at sumakay sa sexy nyang sasakyan.

Nakaparada sa gitna ng cliff ang hilux nila, inayos ko muna ang kalat ko bago ko siya inusisa.

"Bakit ka nakipagpalit ng sasakyan?" Ngumiti lang sya at hinila ako sa may trunk ng sasakyan nya.

May fairy lights, inflatable bed na may cover na white comforter. May macbook at snacks.

"Sabi kasi nila may meteor shower daw tonight so a—" tinalon ko sya at niyakap, goals!

Yumakap rin sya at humalakhak. Inalalayan nya akong umakyat and I immidiately hugged a pillow. So relaxing and romantic.

"Hanggang anong oras tayo dito? May curfew ako ah" paalala ko sa kanya, he sipped on his drink and fished his phone.

To: Tita Cristina

Tita, aayain ko po mag date si Azrielle. We'll be watching meteor shower, pwede ko po ba siyang late i-uwi? Rest assured that I'll drive her home safely.

From: Tita Cristina

Okay, until midnight anak. Ang dalaga namin huwag papabayaan.

Binasa ko ang palitan nila ng text ni mommy, wow anak, bakit sa kanya malambing sa text ang mommy ko? Ako nga "K" lang ang reply kapag nagpapaalam ako.

Nanunuod kami ng spongebob nang may nakita akong shooting star.

"Oh my gosh! Shooting star" yugyog ko sa kanya, he looked at his watch before looking at the sky.

"Make a wish" he whispered. Naghintay pa ako hanggang sa sunod sunod na ang mga shooting stars.

I clasped my hands and closed my eyes.

Happiness. Peace. Love.

That's all I need, that's all I prayed for. I saw him watching the sky and I found myself smiling.

"Hey, make a wish" he looked at me, his eyes twinkled when he smile.

"You" I flushed when he looked at me softly. "I wished for you"