Chapter 8 (Taking Care)
#LHNG08
I touched again his forehead before I confirmed that, Jet has a fever. Sa sobrang taas ng lagnat niya parang nablanko iyong utak ko.
I don’t know what to do. I always called his name dahil kahit pagmulat lang ay hirap na siya. Nilagyan ko siya ng tuwalya sa noo para mabawasan-bawasan ang init sa katawan niya.
Naghanap rin ako ng damit na pwede niyang pangpalit, pero nung pinunasan ko ang katawan niya ay bigla nalang akong napahinto. I can’t hold what I am feeling but, all I know was his… his body is damn attractive.
‘Wow!’ sabi ko sa isang ko nang tuluyang hinubad ang pang-ibabaw nitong suot. For one minute, ay natauhan ako at pinunasan ang katawan niya. Pigil tingin akong inamo ang pagpunas ng katawan niya.
‘I feel something na hihigupin ako lalo na nasa bandang abs na niya ako.’
‘Stop thinking, Jay! God.. you’re not even yourself right now! What happened to, Jay?’ singit sa kabilang isip ko.
‘Ang ganda talaga ng katawan niya.’ Ulit pang isip ko at tumigil na dahil nahihipostismo na ako sa kaiisip at katitingin sa katawan niya.
I used to think ‘its awkward’ as for me na lalaki din?
I don’t really know who am I? ‘Cause lately paiba-iba na ang feelings ko.
But my side brain think, his body is muscular, well-formed and, ‘beautiful in my eyes’
Sa pag-iisip ko ay ‘di ko mapigilang pamulahan at mahiya sa mga iniisip ko na dapat ay ‘panglalaki lang ang galaw ko’ at pangkaibigan na tingin lang pero umabot iyon sa may pagnanasa na tingin at iniisip.
I’m helping him I know.
But I couldn’t deny the truth that his appealing body always remind me to touch it. ‘Why I even think about that? Bakit ko ba naiisip ito kahit alam ko na ‘di naman dapat kasi masyadong malabo itong nararamdam ko sa sarili. ‘I have a lot of perspectives in my mind but then, I realized barely realize it!’
It drive me Insane… Jet what have you done to me?
‘Ba’t ninanasaan ko siya? Bakit ako nagkakaganito?’
I don’t want to think furthermore, kasi magugulat nalang ako sa maaaring matunghayan sa sariling iniisip.
‘Erase that, Jay… you need to help him… that’s it and no other reason… always remember that you’re here because you want to help! Not to think some weird nonsense.’
Pinunasan ko lang siya at kinuha ang damit sa gilid ng kama kung saan ipinatong ko. Pinili ko ang damit na hindi gaano ma-expose sa lamig ng panahon.
After I changed his clothes, and overlook on his dirty kitchen and I cooked for some scope or sopas, usually sopas is good for the person who has been sick lalo na lovesick, char lang. But usually this sopas is good. Kaya pagkatapos maluto yung sopas ay agad ko itong inilagay sa bowl.
Kita ko ang paghihirap niya. And for myself I pitied him, kasi maaawain akong tao, he used to moan his mom name at bakat talaga sa kanya ang hirap lalo na namamalat ang boses niya.
I once look at him for second before I wake him up. Baka kagabi pa ito nilalagnat at ‘di lang nagsabi. ‘Di man lang nag text o tumawag. Literal na pwede niya namang sabihin na masama ang pakiramdam niya.
“Jet. Wake up,” pagpagising ko sa kanya habang sinampal sampal ng mahina ang mukha.
“Mommy,” he whispered then he slowly open his eyes.
Kaya medyo nagulat ako. ‘Di marahil ako naaninag nito dahil dim lang ang ilaw dito sa loob ng kwarto niya.
“Your mom isn’t here,” mahinang usal ko habang pilit pa rin niyang minumulat ang mga mata. “You have a fever, at kailangan mong kainin muna ito bago ka uminom ng gamot para mas madaling bumaba ang lagnat mo.”
I don’t want to see him like this, kasi nitong mga nakaraang araw ko lang narealized na, naging malapit na ako sa kanya. So, if I’m on his position maybe he’d do the same of what I was doing to him. Kasi ‘di madali ang magkasakit lalo na walang magaalaga sa’yo.
Sumunod siya sa sinabi ko. Umupo lang siya at saka ko pinakain. Nahihiya man ako sa una na subuan siya, pero wala akong magagawa kundi ang pagsilbihan siya ngayon dahil may sakit nga siya.
Pagkatapos siyang pakainin ay pinainom ko kaagad siya ng gamot. Nag-alala talaga ako sa lalaking ito. Kung hindi ko ito pinuntahan baka kung ano na ang nangyari sa kanya?
I really really worried about him. I’m his neighbor, and we’re friends so, I have responsibility to look after him dahil ako lang ang malapit sa kanya. Tapos magkatabi pa kami ng room.
Ngayong nakatulog na siya. Doon ko lang ako nakahinga ng maluwag. I’m so worried about him. Kung ano pang mangyari sa kanya… mas mag-guilty pa ako. He’s good and nice friend to me… kahit ‘di sa tama timing ang pagkakilala niya sa akin but he’s being good as nice kahit sa iba.
I checked him for the last minute then, I breathe a deep sighed again. I’m so worried. Sobrang hina talaga ni Jet dahil pati sa pagsasalita hindi siya masyadong nakakapagbigkas. Walang tinig ang lumabas sa kanyang bibig. Almost whispered if he talk and mutter a word.
Ngayon ko lang din napansin na uuwi pala ako sa bahay kaya ako napadpad dito, because of this situation mas pinili ko nalang ang manatili dahil mas kailangan ni Jet ang tulong ko, for now kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Mommy.
Nagdial ako at ilang segundo ang lumapas sinagot na rin niya ito.
“Hello, Mommy hindi ako makakapunta diyan at makakauwi sa ngayon may emergency lang,” sabi ko sa mula sa kabilang linya.
“Bakit anak? Anong nangyari?” rinig kong tanong niya sa kabilang linya at kahit ‘di ko siya nakikita ay alam ko na nagaalala na siya sa akin.
“Not me but my friend, he’s sick, so I’m here at his condo to look after him. Don’t you worry mommy it’s not me, ang kaibigan ko lang may sakit but anyways his stable now,” sabi ko kanya.
“Oh! Sige anak magingat ka diyan parati,” narinig ko na napabuntong hininga siya. “Stay safe and your friend.”
“Yes, mom I will, by the way si Dad?” tanong ko. “Ah! Mom, about my gra-“ hindi ko nalang tinapos dahil I have a surprise plan for both of them.
“What is that anak?” she asked instead. I just said nevermind. “About your dad? Ako na ang bahala sa Daddy mo, okay?” sabi nito sa akin.
“Sige ma,” sabi ko. “Ma, sabihin mo rin kay, Yayeh na ‘di muna ako makakauwi, okay? For now bye and see you around mom,” sabi ko dito bago binabaan ng tawag.
Nagisip isip ako.
What would be the best way to surprise my parents. I’m not sure kung magugustuhan nila, pero all my grade are good and I’m contented. Saka pinaghirapan ko lahat ng iyon para makakuha ang malalaking grade hope na makita nila at maapreciate nila na I’m doing my best talaga.
Sana ay makita nila na nagsisikap ako. That’s it, seeing them happy it’s my priority and I’m contented. Kahit sa ganun ay alam ko na proud sila sa akin.
. . .
Lumipas ang ilang oras at nagising na si Jet. He sat beside the edge of his bed tapos ay tinignan ako.
Binantayan ko siya para narin sigurado. Baka kung anong nangyari dito.
“Jet, okay na ba ang pakiramdam mo?” I asked still worried. “Ang taas kasi ng lagnat mo. ‘Di mo man lang sinabi na may dinaramdam ka… I’m here naman to help you,” dagdag ko.
“O-Okay n-na…” mahina nitong sabi at medyo malat o paos talaga siya.
“Mabuti naman… you should rest to get back your strength,” sabi ko.
“O-okay l-lang naman ako,” sabi nito. I’m not convinced that he was okay. Dahil alam kung masakit ang katawan niya o ang ulo niya.
But I don’t have any assumption para sabihan sa kanya. I’m here naman para lang tignan ang kalagayan niya and besides I don’t have any right to do this thing.
I’m just helping him. ‘Kusa lang naman akong tumulong kasi gusto ko.’ Then the idea of something cope up in my mind.
“Jet, tawagan kaya natin ang mommy mo? Para ipaalam na iuuwi kita sa inyo?” tanong ko at tumango lang siya. “Nasaan ang phone mo? Para tatawagan ko na?” dagdag ko.
Itinuro niya ang drawer sa tabi ng kama.
“Where?” tanong ko. Wala akong narinig na sagot kaya hinanap ko nalang ito.
Hinanap ko ito sa drawer at binuksan ang bawat drawer. Sa ika-unang drawer na binuksan ko ay wala dito tapos puro mga papeles lang ang nandoon o ang mahalagang bagay, sa ikalawa naman wala din pero may nakita akong isang box pero ‘di ko na pinansin. Baka nandito sa ikatlong bahagi. Kaya pabalang ko itong binuksan at nandoon nga. Kinuha ko ito at ibinigay ko sa kanya para sa passcode nito at binigay naman niya sa akin agad.
“Diyan ka lang ha…” I said. “Tatawagan ko muna ang mommy mo. Okay?” tumango lang siya.
Lumabas agad ako sa condominium niya. At nagtungo sa terrace ng building dito. A smooth and windy air brushed into my bare skin. I once look my face at the mirror beside the wall tapos ay pabalang na sinuklay ang buhok ko.
I look at his phone at nandoon na ang contact ng mommy niya. Kaagad ko itong pinindot at nagdial sa number ng mommy niya.
‘It’s unattended’
Bakit walang sumasagot. Kaya tuloy ang ate niya ang tinawagan ko. Nagdial ako sa number ng ate niya. Isang ring pa lang ay sinagot niya ito.
“Hello Jet, napatawag ka?” bungad nito sa tawag.
“Hello, this is Jay. I just wanna let you know that your brother is sick. May mataas na lagnat kasi si Jet kaya nandito ako sa room ng condominium niya. I just asked if pwede bang iuwi ko si Jet diyan prof. Gab?” paalam ko.
“Oo! Jay iuwi mo ‘yan dito para maalagaan namin ‘yan, ang tigas kasi ng ulo. Sumulong sa ulan kahapon,” sagot nito. “And thank you, Jay because you’re there besides him. I owe you one.”
“Nako wala po iyon, Prof. Gab. Pupunta na kami diyan. By the way prof. Gab. Bakit hindi ma-contact si tita Lacy?” nakita ko kasi sa phonebook na Lacy ang pangalan ni tita.
“Ah! Nandoon kasi sila sa probinsya may inasikaso, knowing na walang signal doon,” paliwanag nito sa akin. “You can call ate, Okay? Masyado nang magalang. Kung nasa school tayo. You can call me Prof… pero kung nasa ganito ay tawagin mo nalang ako ate o sa pangalan ko,” she added.
“Ah! Sige po ate Gab.” Sabi ko.
“Yeah.”
“Pupunta na kami diyan,” sabi ko dito. “Bye ate ibababa ko muna ito para makapag ayos na kami.” Saka ko ito binabaan.
Naglakad na ako pabalik sa kwarto ni Jet. Pumasok ako agad at inilagay kaagad ang phone niya sa mesa. Nandoon lang siya nakahiga. Like I said to him, humiga lang siya. Nilapitan ko ito at tinapik. Hindi naman siya mainit masyado mukhang nasa loob lang ang lagnat nito kaya panatag na ako. Pero kailangan niya parin umuwi para matignan siya.
As my surprised he hold my hand, then nabigla nalang ako ng hilain niya ako at yakapin. I still shocked! My mind couldn’t process so well. I couldn’t deny it. Wala akong ibang iniisip kundi ang yakap niya.
‘Totoo ba ‘to? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko?’ I asked myself.
Kinakabahan ako sa maaaring mangyari sa akin. Niyakap niya lang ako. Kaya ako na ang bumitaw sa yakap niya. Kahit gusto ko na yakapin niya ako but my mind block with something I couldn’t find.
Kinalma ko nalang ang sarili ko. Dahil wala naman itong ibang patutunguhan. He just sick and he don’t know what he was doing. That is. I didn’t expect more than.
“Jet…” yugyug ko dito. “Jet?” ulit ko saka niya minulat ang mga mata. “Iuwi muna kita sa inyo para maalagaan ka ng pamilya mo, okay?” sabi ko dito at tinanguan lang niya ako.
“Saan ang mga gamit mo?” tanong ko dito at tinuro naman niya ang kanyang bag.
Nagtaka ako kung bakit nakaayos na ito. Maliit lang ang bag na dala niya kasi halos nasa bahay nila ang mga gamit niya.
“Idadaan na kita sa inyo,” sabi ko bago siya inalalayan patayo.
Naglakad na kami papunta sa labas at kinuha ko lang ang mga gamit na dadalhin ko. Agad kaming sumakay ng elevator at saka pagkababa inalalayan ko itong naglakad papunta sa kotse ko. Isinakay ko muna ito bago ako sumakay at pinaandar ang sasakyan ko.
My mind preoccupied on something happened earlier. Pero pinili ko nalang na ‘di bigyan ng kahit na anong kahulugan at ibaling nalang sa pagmamaneho ang atensyon ko.
I’m acting weird.
Nagdrive lang ako hanggang sa may pharmacy akong nakita. Agad ko itong pinark sa tabi, bumaling ako kay Jet na ngayon ay simpleng isinandal ang ulo sa headdress ng upuan.
“Jet? Bibili lang ako ng gamot. Para may mainom ka mamaya. Diyan ka lang muna,” sabi ko dito. “Sandali lang ako. Matulog ka nalang muna at gigisingin kita pagdumating na tayo sa inyo,” dagdag ko.
Bumaba na ako sa sasakyan para pumasok sa pharmacy at bumili ng gamot. Binilhan ko siya ng gamot para sa lagnat, at sa ubo’t sipon niya. ‘Di na ako nagtagal at agad ko itong binarayan at lumabas na pagkatapos. Naglakad na ako papunta sa kotse ko at nagmaneho na ulit. Tulog lang si Jet sa likuran ko. Mukhang ang tindi ng epekto sa kanya kapag nagkakasakit siya.
Hinang hina talaga siya… ganito ba siya kapag naulanan?
‘Bakit ba ang concern ko sa kanya? Iba na to ha!’
Lumipas ang ilang minutong pagmamaneho ko narating na ko na ang daan papunta sa subdivision nila. Ilang minuto ang lumipas nasa bahay na nila ako.
Nagaalinlangan nga akong gisingin siya dahil ang himbing ng tulog niya, ano bang ginawa nito buong magdamag at nagkakaganito nalang ito? Sana inisip niyang uminom nang gamot kung nagpaulan siya.
Tsk!
Wala akong ibang ginawa ng makarating kami kundi ang gisingin siya.
“Jet? Jet, nandito na tayo,” sabi ko sa kanya habang bagong mulat siya.
“T-Thank you sa lahat… Jay, kung ‘di ka p-pumunta sa k-kwarto ko b-baka kung ano na ang n-nangyari sa akin…” pasalamat nito kahit pa hirap na nitong bigkasin ang ibang salita.
“Wala yun Jet, basta sa susunod ‘wag mong abusuhin ang sarili mo. At sa tingin ko masyadong bagsak ang katawan mo kapag nagkakasakit ka, next time tawagan mo lang ako kung may kakaiba kang naramdaman.”
Tumango lang siya. Inalalayan ko siyang bumaba sa sasakyan ko saka sabay na naglakad papunta sa gate nila. Nag door-bell ako para palatanda na may tao sa labas. Bumukas ang pinto at iniluwal dito ang kanilang Yaya.
“Yaya,” tawag ko sa kanya habang nasa labas pa kami ng Gate nila. Nagtaka siyang napatingin sa akin at kay Jet na hawak ko at nakaalalay ang isang kamay ko sa balikat nito.
“Oh! Hijo Jay, anong nangyari sa alaga ko?” nag-aalalang tanong nito habang ang tingin ay na kay Jet.
“Ayan po may lagnat buti nalang talaga at dumaan ako sa condo niya, baka kung ano pang mangyari,” sagot ko.
Nilakihan niya ang bukas ng gate at saka lumapit sa amin. Hinawakan niya ang alaga at saka niya kami inalalayang pumasok sa loob.
“Ganun pala hijo, ito kasing batang ‘to nagpaulan pa kahapon!” sabi niya habang pumasok na kami sa loob. “Mabuti pang ipasok mo na sa muna sa kwarto niya. Ang hirap nito asikasuhin lalo na may sakit,” sabi ng yaya nila sa akin.
“Mabuti nga po para makapagpahinga ito,” I said.
Pinapasok muna namin sa kwarto si Jet at inalalayang sa kama niya para humiga. Para makapagpahinga na nga siya. Pinuntahan agad ni ate Gab si Jet. Pero bago pa man pinuntahan ni ate Gab si Jet, nagpasalamat pa ito sa akin.
“Again Jay, thank you because you look over him. Kung ano pang nangyari nitong batang ‘to,” She said.
I just nodded. “Walang anuman,” sabi ko. “Here he’s medicine. ‘Yan lang ang nabili ko…” sabi ko.
“Its enough and we’re so thankful kasi ikaw ang kapitbahay niya,” she said.
“Gagawin ko naman po talaga iyon. Syempre he’s friend to me and I’ll help him… lalo na sa ganitong sitwasyon.”
Sinabi ko sa kanya ang lahat lahat at paano ko nalaman na may sakit siya.
Grabe magkasakit si Jet ‘no? Nag alala talaga ako sa kanya. Baka kung ano ang mangyari kung sakali mang hindi ko ito tinignan kanina. He didn’t call me either kaya nagaalala talaga ako. Mula kanina hanggang ngayon. Because I have a lot of perception, paano kung mapahamak siya tapos akong malapit hindi man lang sinuri. Tapos magkaibigan pa kami.
Paano nalang kaya?
Sa dami nang pumapasok sa isip ko ay inalis ko nalang ito. Nagpaalam na ako sa Ate at Yaya nila na uuwi na ako sa bahay.
“I’ll get going now, just text me if Jet is okay, Ate Gab,” I said to her.
“Okay, again thank you, Jay. You mean a lot,” tapos ay tumango lang ulit ako.
“Wala iyon, Ate, I also worried about him,” I said. “Kung anong maiitulong ko ay siya rin gagawin ko. The matter now is he’s okay.”
As a friendship with him. I’d love to do want the best for. Dahil iyon naman dapat ang gagawin. Walang iba, dahil magkaibigan kayo at ang magk-kaibigan nagtutulungan.
Nagpaalam na ulit ako. Kailangan ko na talagang umuwi dahil is-surprise ko sila mommy.
I’m confident because my grades is high. Tapos ay latin honor pa, kaya inisip ko nalang kung paano ko sa kanila sasabihin.
But when I heading infront of their house. I saw, the two people standing at the gate. Pagkatapos ay may…
That was his parents.
* *