Prologue

#LHSG00

“Here we now again, ano bang gusto mo Jay, ang mag break tayo? Ha!” Jet shouted.

“Oo. Sawa na ako… sawang… sawa na ako Jet, ‘di ka ba nahihirapan?” I paused after looking at him. “Kasi hirap na hirap na ako! ‘di mo ba nakikita? Ha!!” Sigaw ko sa kanya habang patuloy paring umaagos ang aking luha.

Teary yata ako ngayon ‘di maubos ubos eh…

Ilang araw narin akong ganito. ‘Di parin napapagod ang aking mga mata sa kaiiyak.

“Akala mo lang ba ikaw lang? ‘Di mo ba alam na pagod na pagod rin ako Jay?” bawi niyang tanong sa akin. “Alam mo ang selfish mong tao? Kasi kung mahal mo ako ipaglalaban mo, pero heto ka ngayon makipaghiwalay? Ha! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Isang laro na kung sawa ka na ay itatapon mo na lang agad agad. Ha! Itatapon nalang bigla huh!? Fuck!” Mura pa niya at tuluyan ng umaaligid ang mga nagbabadyang luha sa mga mata hanggang sa tuluyan na iyong bumagsak.

Hindi ko alam kung kakayanin kung maging ganito ang tagpo namin.

I don’t even deserve to be like this, kung wala lang barrier ‘masaya na sana lahat.

Ngayon pareho na kaming umiiyak dalawa. ‘Di ko alam kung bakit ito nangyari sa amin. Masaya naman kami pero…

Putanginang hadlang ‘niyan!

Lumipas ang ilang minuto at walang nagsalita sa amin.

Pero ang sakit sakit kasi, nakakasakal na.

Nasa akin pa rin ang sakit at habang tumatagal ay lalong lumalala. Does he felt the same way I feel?

Paano kung totoo ang sinabi ng kanyang kapatid na ipapakasal siya sa iba. Ano nalang ako parang wala? Ang hirap kasi eh! Minahal ko siya- namin ang isat isa pero ito ang kahahantungan ng lahat?

We end like this?

We don’t deserve this.

Right?

Kasi nagmahal lang naman kami. But at the same time meron paring mga pasakit at nagpapahirap tho, wala akong magagawa pero sinusubukan ko. Maybe I should?

Bur I need to find myself sooner or later kasi kalahati sa akin ay nawala, halos ibinigay ko sa kanya lahat lahat. Lahat ata ng pagkatao ko ay nasa kanya.

“Jay please… naman ‘wag namang ganito oh! Ang sakit na eh…” he begged.

I couldn’t deny that I love him so much. When I look at his face I felt pain. Ang sakit sakit. Bakat ang sakit kung iisipin mo palang na wala siya? Parang ‘di buo araw ko. I can’t help but to cry.

To cried more tears dahil hindi ko kaya na nakita siyang ganyan na nahihirapan.

Okay na ako ang nagkakaganito basta ‘wag lang siya.

Tama siya selfish ako dahil kaya kung akuin lahat ng sakit basta ‘di lang mahirapan kagaya ko.

We knew that we’re matured enough to know about this relationship pero sana naman intindihin nila ang desisyon namin. Na respetuhin nila kami bilang tao.

Puro nalang husga ang nakikita namin at naririnig sa mga tao, even our family I thought na sila pa ang unang nakatanggap sa amin but mali ako kasi pinapahiwalay nila ako kay Jet.

Piwahihiwalay nila kami.

Pili lang ata ang rumerespeto sa amin na may ganitong relasyon. pMga kagaya lang namin ang kayang tumanggap sa relasyon namin kagaya ng mga nakakakilala sa amin.

Sumbat, Satsat, chismis ang naririnig namin sa mga tao.

‘Mali ba ako o sila ang mali? Nagmamahalan lang naman kami’

‘Bakit wala kaming takas sa kanila’

‘Puro kami nalang ang balita’ ‘Hindi ba sila nagsasawa?’

Gusto ko na malaman naman nila na nage-exist kami sa mundo.

Napuna pa talaga sa isip ko habang pinagmamasdan si Jet na lumuluha sa harapan ko. Ang sakit niyang tingnan. But I told myself na kakayanin ko ‘to. Hindi dapat ako magpapaapekto sa kung ano ang nakikita ko.

Hindi na ako magpapaloko.

Once is enough.

“’Wag mong isumbat! Kasi mas masakit ang sa akin Jet. Did you know how much hurt you hit me?” turo ko sa dibdib. “Did you know?” tanong ko habang bumubuhos ang luha sa mga mata.

He didn't talk. Tumingin lang siya sa akin habang nagmamakaawa.

“I know na darating ang araw na malilimutan mo rin ako… B-Bakla lang ako Jet,” nahihirapang sabi ko sa huling pangungusap na sinabi ko.

Umiling iling siya sa sinabi ko.

“Marami rami ka pang mahahanap na magandang Babae…” I said to him.

He just stared at me. Nangungusap ang mga mata niya sa akin na nagpapahiwatig na nagbibiro lang ako. But this is not a joke, this is the reality that we need to face, that we might encounter tho.

“Babae?” tanong niya sa akin. “Aanhin ko kung hindi naman ako masaya!” he replied.

I know that he experienced how to loved a girl before but then pinaglaruan lang siya.

“T-Then, bakit hindi mo subukan? D-Diba nagmahal ka naman ng babae noon? Diba? T-Try until you move on from me. K-Kasi ang straight na kagaya mo ay dapat b-babae ang hanap. ‘Di kagaya namin, Jet?” I said kahit hirap na hirap na ako sa pagsalita.

“Kung babae ang hanap ko ‘di sana tayo ngayon! Right? You taught me how to love and that’s why I’m still holding on. Kasi mahal kita, Jay. Mahal na mahal. Ikaw ba may mahal ka nang iba kaya ka makikipaghiwalay? Answer me! Mahal mo na ba si Henry-“ I cut him off.

Walang Henry ang kasali.

“Don’t ever hesitate to say his name-“

“Tama ako ‘no? Mahal mo na?” tanong niya sa akin. “Did you know that how much I love you Jay, mahal na mahal kita Jay… Putangina lang talaga! Hindi mo ba naintindihan yun. O bingi kalang kasi nagpapaapekto ka sa mata ng ibang tao?”

Hindi na ako umimik.

“Minahal kita dahil sayo ko nikikita ang kaligayahang hindi ko nakita sa iba, Ang pagkaiba na ikaw lang ang nakikita,” patuloy parin siyang lumuluha. “Mahirap bang intindihin ‘no!? kasi hindi mo sinasaguni! Hindi mo man lang inisip ang kahalagahan ko sayo… Jay?” tanong niya na lubos kong ikinaluha.

Gusto kung yakapin siya pero ‘di pwede dahil kung gagawin ko iyon baka magbago ang desisyon ko at manatili sa kanya kahit nakakasakal na.

“Oo mahal mo ako pero sana irespeto mo man lang ang desisyon ko Jet? Mahirap bang intindihin ang sinabi ko. Jet makikipaghiwalay na ako sayo… I’m letting you go. You deserve better than me ‘yong mamahalin ka nang sobra pa sa ibinigay ko sa iyo.” Sabi ko.

Then I sobbed and I wiped my tears away after I look at him again.

“May pasabi sabi kapang irespeto? Did I clearly heard it coming from you! Bakit hindi nalang tayo sabay gugawa ng desisyon para sa atin, Jay. O baka hindi mo na ako mahal kaya ka nakipag hiwalay Di ba? Tama ako? Mahal mo na ba talaga ‘yon? O nahulog kana sa kanya? Kaya ka ganito sa akin ngayon?” he said before he wiped his tears.

“Wow!?” naisigaw ko nalang bigla.

How could he think about that? Huh?

“Hindi na ako mag akala kung ganyan ka dahil bilib ‘din naman ako sayo ‘no? Feeling ko kasi ako lang ang naghahandle sa relasyon natin. Right? Its just like that but minahal kita Jet. ‘Di mo lang napansin kasi busy ka? Halos wala na mga tayong time sa isat isa… nasa iisang condominium tayo pero walang pansinan. Ganon ba ang dapat na ipaglaban? Kasi feeling ko nawalan kana ng gana sa akin eh? Am I Right?” I asked pointing at him.

“Gana? Sino bang nawalan ng gana sa atin ako o ikaw?” he asked me.

Hindi ko sinagot ang kanyang tanong saan ba to patungo mukhang ang layo na nito. Let’s back to topic.

“Bat mo ipipilit kung ayaw ko na, Jet.” Natigilan siya sa sinabi ko at napatitig sa akin. “K-kung mahal mo ako p-pakawalan mo ako. K-kasi nakakulong na ako dilim at anino ng sakit na pinaparamdam mo sa akin?”

“Talaga bang ayaw mo na, let me decide Jay alangan nalang ikaw lang ang magdesisyon, Ang daya naman ouh?” Hindi ko yata kaya na marinig ang sasabihin niya.

“Sige d’yan ka naman magaling sa mga satsat mong ganyan…” I said to him. “Wag na natin tong patagalin Jet, let… let end this way.”

Hindi muna siya umimik hanggang sa tatlong salita ang kanyang binitawan. Na ngayon ko lang naramdaman ng pagkamanhid ng katawan ko at pabagsak na sa sahig na tinatapakan ko na sana ay hindi niya sasabihin at hinihiling ko na sana ay ‘wag niyang bitawan…

“Give me one reason? One fucking reason, Jay and I letting you go,” sabi niya sa akin.

“I don’t love you… anymore,” I lied. “I don’t know what happened pero paggising ko nalang ‘di na kita mahal, Jet… nawala na ang saya kapag nakikita kita. Nawala na ang sigla pagkasama kita. ‘Di na kita mahal kasi may ma-“ he cut me off.

“Okay, Enough! Let’s break, one favor… ‘wag ka na uling magpakita sa akin,” minsan pang sabi niya bago ako tinalikuran.

“Pinahaba mo pa ‘no? But thanks for everything, Jay”

Bago paman siya tuluyang umalis may sinabi pa siya. Hindi mawala wala sa aking isipin at napahagulhul nalang ako ng iyak..

Okay Let’s break.

Thanks for everything Jay.

Biglang namlambot at tuhod ko at tuluyan na kong bumagsak sa sahig ng condominium namin at sa tuluyan niyang pagtalikod ay napagtanto ko na ‘di ko na siya muling mayayakap… mahahalikan dahil simula sa araw na ito, ‘di ko na siya pagmamay-ari.

* *