Chapter 8

Sa pangalawang pagkakataon pagpasok ni Mae lahat ng tao ay nakatingin uli sa kanya at sa pagkakataong iyon alam na niya kung bakit. mabilis na kumalat ang balita tungkol sa pangyayari kahapon at hindi nakapagtataka lalo na ang topic ay si Mark Aristakis.

Kung dati ay lakad takbo ang ginagawa niya ngayon ay talagang tumatakbo na siya ng biglang may humatak sa kanya sa isang corridor

"Sino.. Donna" gulat na sabi ni mae

"Ms. Cavillas sumama ka sa akin" sabi ni Donna

"Donna" hinatak siya nito at pumunta sila sa rooftop na kung saan walang tao at walang makakarinig ng paguusapan nila.

"Nagyon magpaliwanag ka"nakahalukipkip nitong sabi

"Donna wala akong maipapaliwanag sayo kasi hindi ko talaga alam ang nangyari..."

"Talaga ha paano napunta sayo yung jacket.. paano nangyari na kilala ka ni Mark at ngayon parang pinagsisigawan niya sa buong mundo na you are his girl"

"Hindi ko nga alam ang naalala ko lang nakuha ko yung jacket nung one time nakatulog ako sa bench hindi ko nan alam na kanya yun"

"Siya siya dahil diyan hot topic ka sa buong university.. and knowing Aristakis he will not stop until he gets want he wants.. ayaw ko lang masaktan ka"nagaalalang sabi ni donna

"Wag ka magalala alam ko yung prioridad ko at saka magsasawa din yun. Halika na balik na tayo sa klase". Yaya ni Mae

"Ano ang mga ito "gulat na sabi ni mae ng makapasok sila sa klase.

Ang buong classroom nila ay napapaligiran ng bulaklak mula roses, chrysanthemums at iba pa, Sa hitsura ng mga iyon alam niyang hindi ito mumurahin.

"Sabi ko sayo di ba he will do everything if he wants something or someone"

"Well , well , well , apat na mata hindi ko maintindihan kung bakit ikaw gugustuhin ni Mark Aristakis"ani ni Macy

"Macy , naiinggigit ka ba dahil sa kabila ng pagpapansin mo kay Mark eh hindi epektibo"sagot ni Donna

"Aba't"

Biglang pumasok ang propesor at inikot ang tingin sa paligid. "Ano nangyari dito at napakarami ng bulaklak. "

"Bigay ni Mark Aristakis kay Mae"sagot ng isa

"Talaga.. you are one lucky lady.. let’s start"

Tumigin ang lahat ng tao kay Mae at halos matunaw na si Mae sa pagkapahiya.

Kinalaunan

"Lunch na tayo Mae"yaya ni Donna

"o sige"pumunta sila sa canteen at nagulat siya ng sa isang panig ng mesa ay may mga pagkain na nakahanda. Tinawag siya at nilapitan ni Tiya Maria ang head cook nila sa unibersidad.

"Mae para sayo yang mga yan pinahanda ni si sir Mark"

"Ano"nagagalit na sabi ni Mae at nilingon ang paligid na kung saan ang lahat ng estudyante ay huminto at nakatingin sa kanya. Napapahiyang tumakbo paalis sa canteen. "Ito na ang huli Aristakis"bulong ni Mae sa sarili.

"Mark bakit napapangiti ka" tanong ni Paul kay Mark

"Wala Paul"

"Sure ka alam mo ba iba ka na ngayon dati ang hirap mo nguniti lagi kang seryoso.. dahil ba kay apat na mata yan. hindi ko. maintindihan aa dami dami ng babaeng umaaligid bakit siya pa”

"Paul kahit ako hindi ko alam.. nang makilala ko siya.. nagiba ang paningin ko sa mundo na hindi ko alam na mangyayri rin pala sa akin... basta ang alam ko dumating na ang hinihitay ko and I’ll do anything.. everything to have and keep her" napapabuntihiningang sabi ni Mark

Hindi na naituloy ni Mark ang mga sasabihin niya dahil narinig niya na nagsalita si Mae sa likuran

"Mark Aristakis magusap nga tayo" ani ni Mae sa mataas na boses "Ano ang ibig sabihin nito?.. lahat ng tao nakatingin sa akin saan man ako magpunta.. yung classroom namin parang sementeryo sa sobrang dami ng bulaklak pati ba pagkain ko kailangan mo din pakialaman.. kunin mo ito” at inilagay sa mesa ang pera na daan daan “hindi ako charity case at tigilan mo na ako"

"O.. o.. labas muna kami"sabi ni Paul at tiningnan ang mga kaklase na sumunod sa kanya palabas ng classroom.

Tinitigan ni Mark si Mae sa nagbabagang nitong mata dahil sa sobrang galit at sa namumula nitong pisngi. Wala siyang nakitang babae na gumaganda lalo kahit na galit. Pero ng nakita niya ang pera sa mesa ay nagtagis ang bagang niya.

"Agape mou kahit kailan hindi ka charity case at isa pa hindi pansementeryo ang mga bulaklak na pinadala ko sayo.. hindi ko kasi alam kung ano ang gusto mo kaya in the end binili ko sila. lahat" paliwanag nito “at yung sa pagkain di ko rin alam ang gusto mo so binili ko na lang lahat"parang walang anuman na sabi nito

“Ayaw kong magkautang kahit kanino. Hindi dahil sa pagdala mo sa akin sa library kahapon ay you have a right to do those. Anong gagawin ko sa sandamakmak na pagkain at bulaklak sana pinamigay mo na lang sa mga nangangailangan and I am warning you this is the last time. Kaya kunin mo ito”. At muling pilit na inilalagay ang mga paera sa palad ni Mark.

"Utang bakit sinisingil ba kita at tama lang naman yun for my girl”

"Mr. Aristakis how many times i told you I’m not your girl"angil ni Mae

"Talaga so ano ngayon ang gusto mong gawin ko"sabi ni mark habang unting unting lumalapit sa kanya."take your money agape mou di ko kailangan niyan"at ng nakahinto na ito sa harapan niya hinawakan niyo ang baba niya at ngayon ay nakatingala na siya dito. tinitigan siya nito ng matiim at sinabi

"And always remember you are my girl"aroganteng sabi nito

"nasisiraan ka na talaga"sabi ni Mae sabay alis at takbo palabas ng pinto.

"Mark"nilpitan ni Paul ang kaibigan

"Paul alam ko na may mga babaeng mahirap intindihin but never in my dreams that I will have one.. ano pa ba ang dapat na gawin ko"

"Pare ganito na lang sumama ka sa amin mamaya.. tiningnan siya ni Mark na masama “don’t worry for boys only at iisip tayo ng paraan para mapaoo si apat na mata okay”

Napangiti na lang si mark

"Mae kailangan ko ng tulong mo"nagmamamkaawang sabi ni Donna kay Mae. Katatapos lang ng klase nila.

"Please sumama ka na sa akin mamaya.. kailangan ko ng kasama.. pls kasama ni Joseph ang friend niya alangan naman ako lang"

"Donna.. sinara ni Mae ang locker niya at hinarap si donna"alam mo naman na wala akong oras sa ganyang bagay"

"Mae pls this time only pla pls pls"

"Siya siya pero ngayon lang ok"

"Yes pero kailangan natin magbihis lalo ka na hindi uubra yang suot mo.. tara sa bahay"

"Ha"