Epilogue

“Michael are you ready 5 more minutes start ka na. May nagpapabigay nga pala sa’yo.” Ani ni George at inabot kay Michael ang mga bulaklak at isang puting sobre. Binuksan ito ni Michael at nanumbalik ang mga alaala.

“Michael!” gulat na sabi ni George ng buksan ang pinto ng bahay dahil sa walang tigil na pagdodorbell. Nakatayo sa labas si Michael na basang basa sa ulan. “Anong nangyari?” nagaalalang tanong nito. Hindi siya sinagot ni Michael at tuloy tuloy na pumasok sa bahay at kitchen. Kumuha ng baso, naglagay ng brandy at tuloy tuloy nitong ininom.

“Michael ano ka ba” saway ni George “alam mong hindi ka sanay uminom.”

“George please let me be pwede ba sa gabing ito be my friend.”

“Anong bang nangyari?…hindi pa dapat tapos ang party dahil maaga pa.. si Mae ba?”

“George I love her.. I love her so.. pero”

“Siya ang mahal niya hindi ba.. sinabi ko na sa iyo..”

“Pero bakit”..

“Michael.. wala tayong sagot sa tanong mo.. ganyan talaga alam ko masakit but you should be happy.”

“Why”

“At least ngayon naramdaman mo na, naranasan mo at sa susunod na magmamahal ka uli alam mo na you can’t take this for granted and treasure it while its there.”

Sa sinabi ni George may sumisingit na alaala kay Michael

“I love you Michael everything that I am.. when the time is right you will fall in love at mararamdaman mo rin ang nararamdaman ko ngayon and when that happens remember me..”

“Let’s drink George.” Tinaas ni Michael ang baso. Napailing na lang si Georger na nagsalin din ng inuman para samahan si Michael.

Walang tigil sa hiyawan ang mga tao at punong puno ang Araneta Coliseum Ito ang kauna unahang major concert ng The Rock Village pagkatapos ng dalawang taon.

“Itong huling kanta ay dedicated sa isang tao.. nangako ako sa kanya na kakantahin ito. Dahil karamihan ng kinanta namin ay revivals, this song is our own. She is the best person I met.. this is for you and I hope you are listening.”

Babae sa Dilim

Naalala ang mga gabing kasama ka

Ang mapupulang labi at yakap ka

Ang mga araw na kasama ka

At ang mga gabi sa ilalim ng buwan

O Babae sa dilim

Asan ka na

Ngayon alam ko na

Ang kahulugan ng kabiguan

Ang mahalin ka ay di pagsisihan

Ibang liwanag ang sinundan mo

O babae sa dilim

Paalam at ako ay gigising na

Dito sa panaganip na ito

Ngunit mahal pa rin kita

Sa loob ng dressing room kung saan nakapatong ang puting sobre at laman nito

Mae Jocelle Cavillas

And

Markus Aristakis

Request the honor of your presence at their marriage on Saturday, the second of July

Two thousand twenty one

At six o’ clock in the evening